Kabanata 24

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 24

Go To Hell

Halos tatlong taon ang tanda ni Arielle sa akin. Iyon ang sinabi ni mommy habang mangiyak ngiyak siya.

Sa araw na iyon, nagpunta si daddy sa firm ng mga Rama, kung nasaan ang mga tito at tita ko. I don't know? For work? To make amends? But as long as my mother is happy, I'm sure palalagpasin nila si daddy.

"Naghiwalay kami ng daddy mo non, kasi ayaw ng lolo mo sa pamilya niya. You know your grandpa, Av." Nilagay ni mommy ang takas na buhok ko sa aking tainga.

Nakahiga pa ako sa kama at nasa gilid ko siya, nakaupo. Pinanood ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Halu-halong sakit ang nakita ko roon.

"Don niya nakilala si Rebecca." Lumunok si mommy. The pain in her voice dripped like acid. "And you know what happened next. I forgave your dad because he did not want that to happen. Nong sa wakas ay pumayag si papa sa amin ay pinakasalan niya agad ako. And we have you. He didn't know na nabuntis niya pala si Rebecca. Her child was probably two or three years old when we got married."

Hinaplos ni mommy ang aking noo. Pinaglaruan ko na lang ang aking daliri habang nagsasalita siya.

"I know it's hard to forgive your dad, A. But... he's sorry..." ani mommy.

"It is hard to forgive dad, mom. Even if he's sorry. Kasi kung sinabi niya sana ito ng mas maaga ay sana hindi ka na nagpakahirap. Sana ay hindi na rin ako nagpakahirap." Hindi nila alam kung ano ang mga ginawa ko para lang makarating sa sitwasyong ito. "Pag hindi ko ba nalaman ay hindi rin ba siya uuwi?"

Huminga ng malalim si mommy. "Uuwi siya. His daughter needed him, he told me. May pinagdadaanan din siya. She's been abused by her own parents, Rebecca and the man she's married to for years."

Kinukurot ang puso ko sa mga sinasabi ni mommy. How kind of her to think of the welfare of that woman!

"Your dad is a lawyer and if he can win a case for the people he didn't know, why can't he win a case for her own daughter?"

Hindi ko matanggap ang pinagsasabi ni mommy. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Bago nagsalita ay nagdesisyon akong umupo ng maayos. "Mom, you're a good person. Mana ka kay lola. Always thinking about others. Like tito, you should be a public servant. However, mana ako kay lolo, I'm sure of that. I don't always think about others, but when I do, I think about how I'm going to slap them the next time we meet."

Umiling si mommy at tinagilid niya ang ulo niya. "I know this will take time for you. You're your dad's only princess. You still are."

"I don't care about any throne, mom." Sabi ko. "Hindi na ako bata para mag tanong kay daddy kung sino ba ang kanyang prinsesa. My point is, nagawa niyang mag sinungaling sa atin. Hinayaan ka niyang ma depressed ng ganon. Mom, your beyond hysterical that time! And he did not care at all? Did he think about you? Inisip niya ba ang kapakanan mo nong inisip niya ang kapakanan ng brat na iyon? Hindi! Dahil kung inisip niya, a simple explanation or anything will be useful!"

Pumikit ng mariin si mommy. Ayaw kong maalala niya ang kanyang pagdurusa pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang sakit na hanggang ngayon ay hindi ko magawang balewalain.

"I'm sorry." Sabay hagod ko sa kanyang braso. Ramdam ko ang sakit at ang dulot niyon ang ang mga salita ko. "I just want you to know that no matter how hard I try to accept the fact, I still couldn't forgive him. Kung bakit hindi niya agad sinabi to spare us the worry and to spare me of wasted time..." not to mention, wasted heartache. "sana ay sinabi niya na lang. Tutal ay masasaktan at masasaktan din naman tayo."

Tumango si mommy at ilang luha ang tumakas sa kanyang pisngi. Pinunasan ko ito. Although, he did not technically cheat on her, the pain was still the same. "I know..." Tango siya nang tango. "I understand."

Niyakap ko si mommy ng ilang sandali para tahanin siya. Nang may naalala ay binitiwan ko siya at hinarap muli. "So... the bitch is filing a case against her parents? I know she's old and she can take care of herself, pero, my, I don't like that idea. Do you think dad would shelter her if that happens?"

Habang sinasabi ko iyon ay gumuguho ang mundo ko. No... The image of Arielle walking tiptoed on our carpet is disgusting.

Umiling si mommy. "Suportado parin naman daw siya ng mga magulang niya. She's not living with them." Mahinahong sagot ni mommy.

"So what's the point of filing a case against them?" Pumikit ako ng mariin. Kahit anong gawin ko, hindi ko mailagay ang sarili ko sa sitwasyon ni Arielle. "She's just using dad. She's just trying to win him. She's trying to make him stay with her, my. I know... Nag usap kami." Tango ko.

Kumunot ang noo ni mommy. "Kailan? A... don't-"

"It's true! She told me! Na kaya hindi umuuwi si daddy dito kasi pinipilit niya itong manatili doon. Hindi ko alam kung paano niya napapapayag si dad. Na nagawa niya pang mag sinungaling sa atin at nagawa niya pang iwan ka. This is why I'm really not able to forgive him right away. Or anytime soon." Iling ko.

Tinikom lang ni mommy ang bibig niya habang pinagmamasdan ako.

"I know you hate her, A. But... your dad is determined to make up for the lost years."

Oh this is now bullshit. I will not take it. Hinawi ko ang kumot na nakapulupot sa aking baywang at tumayo ako.

"Mom, I want a break. Can I eat? Kina Cole ako magpapalipas ng gabi." Sabi ko.

"Why don't you wait for your dad?" Natataranta niyang sinabi.

Kumunot ang noo ko. I've been ignoring him for a month now. Why would I wait for him? Nothing's changed. Even after our talk.

"B-Babalik siyang Manila. Naaalala mo 'yong kasong hawak niya laban sa isang senator?"

Umirap ako. I know that case and it's been his damn excuse for Arielle. Lalo na nang narinig ko ang pag-asa sa boses ni mommy.

"And your tito? He's getting better." Ani mommy.

"Sabihin mo na lang kay dad na tigilan na 'yong pagpapasunod ng dalawang body guards sa akin. Surely, I won't be a good material for kidnapping or harassment from the enemy of his clients." Sabi ko, binabalewala ang mga sinabi niya.

Fuck those bulls. I won't fall for that again.

"A, papa Manila sina CJ ngayong Biyernes. And I might go next week. Your dad has invited me to be with him in Cavite. To visit your tito."

Pinalabas ko lang sa kabilang tainga ko ang mga sinabi ni mommy.

Tulad ng gusto kong mangyari, hindi ko na rin hinintay si daddy nang umalis ako. Wala akong pakealam kung aalis siya sa araw na iyon. I don't need his goodbyes.

And because my cousins wanted to be in Manila for Cha, sumama rin ako pero dalawang araw lang ako doon. Sa bawat hakbang ko habang naroon kami ay si CJ ang nasa kaliwa ko, si Cole ang nasa kanan, at si Matteo ang nasa harapan. It was difficult to see where I was going but I'm okay with that. As long as I won't bump to any other insignificant creature here in Manila, I'm good.

It's hard to hope again for love. Lalo na kapag ang mismong pedestal mo sa pag ibig ay nadungisan. The love story of my mom and dad is now ruined. The evidence of their ruined and scarred relationship is a slut.

Nang bumalik kami sa Maynila ay puro party lang ang ginawa ko. Jessica's calls worried me. Lalo na nang sinabi niya sa aking nag propose na raw ang kanyang long time boyfriend.

It made me happy, of course. Na para sa ibang tao ay nagkakatotoo parin pala ang masasayang pag ibig. At least for them, and for Charity, my cousin. Siya pa naman itong papalit palit ng lalaki noon, hindi ko inakalang siya rin pala ang mauunang matatali.

Napabalik ulit tuloy ako ng Manila para sa kanya. Jayden, her boyfriend or husband, is from Manila. To celebrate her bridal shower ay naroon kami. But then I'm determined to go back to Cebu the next day, agad-agad.

I will still need to think about a lot of things. Should I apply for a job outside the country?

"Mag boyfriend ka kaya muna?" Nguso ni Adrian nang nagtanong ako sa kanyang opinyon. "Since naudlot din naman 'yong inyo ni Brandon."

Walang nakakaalam sa tunay na nangyari sa amin ni Brandon. My closest friend Jessica and Adrian thinks I'm still saint-like right now. Hindi ko kayang sabihin sa kanila. Masakit sa ego na amining nasaktan ako ng walang kwentang lalaki. Mas sasakit iyon pag sinabi kong binigay ko ang lahat ng saakin pero 'yon naman pala, nagago lang ako.

"Can we skip lovelife? Nagtatanong ako sa'yo ng matino, sagutin mo ako ng matino." Iritado kong sinabi.

Humagalpak siya sa tawa. "I know. Matino naman ang sagot ko. And besides, ano itong nakarating sa akin na nagkita kayo ni Tyrone sa Manila nong bumalik ka? And..." Nagtaas siya ng kilay.

Umirap ako. "Ang bilis ng balita. Who told you that by the way? It's just like the old times, Adrian. Nag lilibang lang ako."

Tumango si Adrian, may bahid na panunukso sa kanyang tingin. Halos sapakin ko ang aking iPad habang tinitingnan siya. "Don't you forget na kaya kayo nagkawatak dalawa noon ay dahil sa kagagagawan mo. You don't kiss someone just because you want to have fun."

"Oh don't be so dramatic! We're not teenagers." Or maybe because I don't feel anything when I kiss Tyrone, or just about anyone.

Bigla kong naalala ang mga malalalim na halik ni Brandon. Tumindig ang balahibo ko at kinuyom ko ang palad ko. I can almost feel his skin against my palm! Napalunok ako.

"By the way, uuwi ka ng Manila sa wedding ni Jessica diba? Uuwi ako! May tickets na ako! Sa wedding day mismo ang dating ko!" Excited na sinabi ni Adrian.

Pumalakpak ako. "Yes!"

"Why don't you try to send your resume to some big local hotel? I don't think it's right for you to go abroad yet. Maayos na ba ang mommy at daddy mo?" Biglang naging seryoso ang kanyang tinig.

Nagkibit balikat ako. Whatever's going on with my mom and dad, I don't know. Basta ang importante sa akin ay masaya si mommy. Hindi ako makausap ni daddy ng matino hanggang ngayon. Either I spit sarcasm or ignore him. Nagulat nga ako at pinalagpas niya lahat ng mga ginawa ko.

One time tinakasan ko iyong body guards na binigay niya sa akin habang naroon sila ni mommy sa Manila. Naglalakad ako non sa Ayala at bigla na lang akong tumakbo. Naiwala ko sila ng tuluyan nang nasa Marriott Hotel na ako. Then, I called CJ. Little did I know na talagang masugid ang mga body guard. Tumuloy ako sa Marriott Hotel, I didn't know what happened but I broke the one whole wall made of glass. Nasugatan ako at namura pa ni Cole dahil sa ginawa ko.

Binayaran ni daddy ang salaming nabasag ko ngunit iginiit ko na babayaran ko at may pera naman ako. He just gave me a cold glare and after that he's back to normal. Gulat na gulat ako non. Ganyan siguro talaga pag may atraso.

"Hindi ko alam, Ad. Basta sinama ni dad si mom sa Manila tapos bumalik din silang magkasama dito sa Cebu. He stayed here for five days pero may hearing daw 'yong kasong hawak niya laban sa isang Senator kaya bumalik siyang Manila. After three weeks, umuwi ulit siya ng Cebu. Mom's feeling better about it. Basta ba ay hindi siya lumalagpas ng buwan na wala sa bahay namin ay ayos lang kay mommy."

Tumango si Adrian. "Hmmm. Naipakilala na ba ng daddy mo iyong Arielle?"

Umiling ako. "Sasabihin naman siguro ni mommy sa akin kung pinakilala na. I know mom has forgiven dad but I'm sure hindi ganon kadali na tanggapin iyon ng lubusan. She's kind but she's been hurt. Bad."

Tumango ulit si Adrian. "All the more reason to just stay in the Philippines! You shouldn't be working abroad! Paano kung ipakilala na ng daddy mo si Arielle sa mommy mo?"

May punto si Adrian. I couldn't let my mom handle that pain alone. Ako ang kakampi niya dito.

Sa sinabi ni Adrian ay tinulungan niya rin akong mag hanap ng mga pwedeng pasukang trabaho. Mahirap siya lalo na't graduate ako sa school na talagang specialized ang hospitality.

Binuksan ko ang inaamag kong email ad sa aking phone. Aside from a few notifications from Facebook, letter from my Alma Mater, some invitations from big hotels abroad, isang pangalan ang nagpalaki sa aking mga mata.

From HR Highlands Hotel

Noted by: Diana Del Fierro Rockwell,

CEO of Carlzon Rockwell Hotel Group

Dear Miss Aurora Veronica R. Pascual,

It has come to our notice that you have taken absence without proper leave for the past 5 days. This is a clear manifestation of insubordination and negligence to your job description and our company policy.

Such action of taking unauthorized absence is considered misconduct on your part and makes you liable for your action.

Best,

Panfilo Q. Urdaneta,

HR to Highlands Hotel

Ilang ganong mensahe pa ang natanggap ko. Iyon ang pinaka una. Halos kada linggo yata akong pinadalhan ng ganon!

Sa huling letter na natanggap ko ay nanlaki ang mata ko.

From HR Highlands Hotel

Noted by: Brandon Walter D. Rockwell,

COO of Highlands Hotel Hotel, Carlzon Rockwell Hotel Group

Dear Miss Aurora Veronica R. Pascual,

It has come to our notice that you have taken absence without proper leave for the past 3 months. This is a clear manifestation of insubordination and negligence to your job description and our company policy.

Such action of taking unauthorized absence is considered misconduct on your part and makes you liable for your action. We are now forced to take this action against you.

We request you to kindly submit a letter explaining your action as soon as you receive this letter.

Best,

Panfilo Q. Urdaneta,

HR to Highlands Hotel

"Go to hell." Sabi ko habang nagtatype at ni click ang send.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro