Kabanata 32

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 32

Two Of You

Tuwi-tuwina ang ngiti ko habang nilalagay sa mesa namin ang pagkain. Kanina pa tahimik si Arielle habang nag uusap kami ni daddy tungkol sa Cebu.

"Your mom's also coming, Av. Maybe next month. Siya na daw ang mag dedesisyon. I'm just waiting for her decision." Untag ni daddy.

Tumango ako. Hindi masaya na si mommy ay maaaring makipagkita sa babaeng nasa harap ko.

"Saan po mag s-stay si tita, dad?" Tanong ni Arielle.

Nagulat ako sa biglaan niyang pag sabat. And did I hear her right? She called my mom "tita"? Give me a break! Nakakalokong ngisi ang ibinigay ko sa kanya. Bitch.

"Pupunta muna kami ng Cavite to visit my brother, Arielle. And then vacation. Then after that, maybe we'll stay here in Manila for a while before heading back to Cebu." Ngisi ni dad kay Arielle.

Napainom ako ng tubig sa amusement. How dare she call my mom "tita". Ang kapal naman din talaga ng mukha niya. Parang hindi niya nilait at siniraan noon. "You think my mom would like you, Arielle?" Panimula ko sa naiisip.

Bumaling siya sa akin ng nakangiti. "Who wouldn't like me?"

Natawa ako.

"Avon..." Banta ni daddy.

"Sa pagkakaalam ko, si daddy lang ang may gusto sayo kasi anak ka niya sa labas." Matigas kong sinabi.

"Avon!" Mariin at pasigaw na tawag ni daddy.

"She's a lying bitch, dad."

"Avon! Your words!" Sigaw ni daddy sa akin.

"Tinawag niyang walang kwenta si mommy sa harap ko and now she's calling her tita like she's a fan of her?" Kumunot ang noo ko, hindi makapaniwala.

Kitang kita ang pamumutla ni Arielle. Hindi ko malaman kung natatakot siya o umaarteng sugatan. Bumaling si daddy sa kanya. "Will you two stop fighting? Just be casual kung hindi niyo kayang magkasundo. Hindi na kayo mga bata."

Nanlamig ang mukha ko, hindi makapaniwala sa sinasabi ni daddy. I know my being a bitch to her is almost pathetic but can you really blame me? He almost left us for his daughter! He lied to us! He lied to my mom, the only woman he supposedly loved!

"I'm sorry, dad." Tiklop agad ni Arielle at bumagsak ang mga mata sa kanin.

Bumaling si daddy sa akin naghihintay ng sagot. I will not, ever, say sorry for my attitude. Gusto kong kaawaan si Arielle ngunit hindi ko magawa. Siya ang nakaranas ng pananakit at ang mawalay sa tunay na mga magulang, why would she want me to experience the same? She's so selfish!

"And you, Arielle..." Dad demanded. "I want you to be in your best behavior pag nandito na ang asawa ko. You have to respect her."

Napatingin si Arielle kay daddy. "I-I respect tita, dad."

"Oh yeah, your really respected my mom when you called her walang kwenta." Mahinahon kong sinabi.

Mabilis siyang umiling nang tiningnan siya ni dad.

"Arielle?" Ani dad.

Kumain na lang ako habang pinapangaralan ni dad si Arielle. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa pagtawa maya't-maya dahil sa mga sinasabi niyang kasinungalingan.

"Believe me, dad, di ko sinabi iyon." Paliwanag ni Arielle.

"Alam kong mahirap sayo to. Tingin mo ay ilalayo ako ng pamilya ko sayo, hindi. Camila is a great woman. She understands your situation." Patuloy na nangaral si dad.

Naisip ko tuloy kung paano ko naatim na narito ako sa harap ng mapagpanggap na si Arielle. Yumuko lamang siya at tinanggap na parang basang sisiw ang lahat ng patak ng pangaral ni daddy, walang reklamo. She's a two-faced bitch. Magaling akong artista pero may pang best actress ang kalibre dito.

Tumango tango lamang si Arielle sa mga sinabi ni daddy. Nag tiim bagang lamang ako habang pinagmamasdan siya. Is this really inevitable? Am I really going to accept her in my life? Is it neccessary? Can't I skip that part?

"And you, Avon... stop being so hard on your ate."

Nanlaki ang mata ko. No, dad. You're doing it the wrong way. I'm probably being a brat here but you can't expect me to just accept her in a blink of an eye. "Oh, dad... I'm fine alone. I don't need an ate."

Nagsimulang humikbi si Arielle sa di malamang kadahilanan. Bumaling ako sa kanya, gulat. Why is she crying now? What a drama queen!

Sumulyap ang kanyang mapupulang mata sa akin. "I'm sorry, dad."

Mabilis na hinawakan ni daddy ang kanyang kamay at binigyan siya ng tissue para mapunasan ang walang tigil na luha. Tumayo si daddy para aluin siya sa kinauupuan niya. Uminom lamang ako ng tubig habang pinapanood ang dalawa. You don't give me this shit now.

"Shh. Tahan na." Ani daddy na parang inaalu ang isang taong gulang na bata. "I just want you to be in your best behavior when you face my wife. Hindi yong ganito tulad ng paghaharap ninyo ni Avon."

"I'm always in my best behavior." Humihikbing sinabi ni Arielle.

Tumawa ako.

Bumaling si daddy sa akin at umigting ang kanyang panga, kita ko ang galit sa mga mata. "Stop it, Av. You need to respect her too."

"Dad, my presence here is a form of respect. Para lawakan ko pa ang respetong maibibigay ko sa kanya, she needs to also respect me pag wala ka. Tsaka lang yan rumi respeto pag-"

Natigil na ako dahil humagulhol pa lalo siya at matalim na ang titig ni daddy sa akin. Okay now, maybe I'm hitting the right spots on her. She's abused and probably crazy and depressed, I should stop my mouth now. Tumigil ako at uminom ng tubig.

"Don't worry, pag nagustuhan ka ng tita mo ay isasama kita sa Cebu." Sabi ni daddy na ikinabigla ko.

You don't bring her to Cebu! Not in my hometown! Not in my house! Never!

"Talaga po?" Nakita ko ang matagumpay na ngiti sa mukha ni Arielle. Nagawa niya pang sumulyap sa akin na may halong panunukso at pagmamalaki.

"Yes!" Ngisi ni daddy, maligaya kasi tumigil na sa pag iyak si Arielle.

"Dad!" Sabi ko.

"Avon..." Huminga ng malalim si daddy at bumalik sa kanyang upuan. "She's your sister. You need to consider that."

Laglag ang panga ko habang tinitingnan si daddy. "You can't bring that bitch to my hometown, dad!" Halos pasigaw kong sinabi sa gulat.

"Avon! Your mouth!" Sigaw pabalik ni daddy sa akin.

"Will you calm down? Anong pagmamadali ba ito? I get it, alright?" Tumayo na ako, hindi na mailibing ang nararamdamang galit. "She's your daughter! But, dad!? Hindi mo ba nakikita? You think mom's fine with it? Mom's fine with it because she loves you! Mom's fine with it because she's afraid to lose you because of your... daughter!" Hirap na hirap akong wag lagyan ng mura sa gitna ng mga salita. "I'm not fine with it! At least not now! Nagmamadali ka! Hindi ba pwedeng hintayin mo na lumamig ang pakiramdam ko o maayos ang mga sirang turnilyo sa utak ng babaeng iyan?" Sabay turo ko sa kanya.

"Avon! Sit down!" Luminga si daddy, nakikita ang mga taong napapatingin sa aming mesa dahil sa biglaan kong pag sabog. "Keep your words to yourself!"

"I cannot keep it, dad! It needs to be said! Kasi masyado kang selfish! Hindi mo iniisip ang mararamdaman ng mga taong mahal mo! Or... maybe you really don't love is! You really don't care at all! Is that it?" wala na akong pakealam kung maisip man ni Arielle ngayon na masyado akong bitter, my dad needs my words to wake him up.

"Dad..." Banayad na boses ni Arielle ang bumasag sa paghihimutok ko. "Ayos lang. Wag na lang." Nabasag ang kanyang boses.

"Avon..." kumunot ulit ang noo ni daddy habang tinitingnan ako, parang binibigay sa akin lahat ng sisi.

Tinapon ko ang table napkin sa plato ko at kinuha kaagad ang bag ko bago sila taas noong tinalikuran. Sinasabi ko na nga bang walang kwenta ang pag uusap na ito.

Inubos ko ang oras ko sa patuloy na pag sasalita ng masama kay Arielle sa harap ni Adrian na walang ginawa kundi makinig sa akin at sumang ayon. Tulala ako sa isang bar na madalas naming puntahan habang umiinom ng pang ilang shot ng vodka.

Gulong gulo na ang buhok ko. Kanina ko pa pinaglalaruan sa isip ko iyong pag tapak ni Arielle sa aming carpet sa Cebu. And how will she order our maids? She's going to rule our house. Hinding hindi ako makakapayag. And judging by the way she's using her emotions to make my dad melt, I believe she'll use it with my mother too. Sana lang talaga ay huwag niyang kawawain si mommy at wala na talaga akong maititirang bait para sa kanya.

"If she's really that unacceptable, mas mabuti sigurong magpakalayu layo ka na muna sa daddy mo." Sabi ni Adrian.

"Ad, lalayo ako? Ngayon ako kailangan ni mommy. Iiwan ko siya at magpapatalo? Hahayaan ko si Arielle sa mga gusto niyang mangyari?" Umirap ako at ginulo ang buhok.

Umaalingawngaw na ang nagsisimulang maingay na music sa loob ng madilim na bar. Nasa counter kaming dalawa ni Adrian. Ayaw kong maki halubilo sa mga kaibigan naming umiinom sa sofa. Masyado silang masaya at hindi ako makangiti. I don't want to be morbid in front of them. They're celebrating and preparing for Jessica's arrival.

"Because everythings pissing you off. Let your parents realize their mistakes."

"Let them realize? Pagkatapos ay tsaka lang nila iyon marerealize kung huli na ang lahat? I don't want that to happen to my family, Ad." Sabi ko at nagulat ako nang bahagyang tumayo si Adrian sa pagkakaupo sa high chair na nasa tabi ko.

Ganunpaman ay pinagpatuloy ko ang pag inom ng vodka nang may biglang kumuha nito galing sa aking kamay. Magpoprotesta na sana ako nang nakita ko ang galit na mga mata ni Brandon.

Holy shit! I totally forgot!

Bumaling siya kay Adrian na agad umatras. Hindi ko malaman kung natatakot ba itong si Adrian o ayaw niya lang pumagitna. Huminga ako ng malalim. Kasalanan ko, nakalimutan ko iyong dinner namin dahil sa mga problemang iniisip ko kanina.

"Pare, kamusta?" Salubong ni Adrian sa galit na mga mata ni Brandon. Nakita kong pinasadahan ni Adrian ng tingin ang buhok ni Brandon.

Di siya sinagot ni Brandon. Imbes ay hinarap niya ako, "Where were you?"

"I-I'm sorry. Hindi ko naalala. Nagkaproblema ako." Sabi ko kinakagat ang pang ibabang labi.

"A, balik lang ako sa sofa." Sabi ni Adrian. Binalingan muli siya ni Brandon. Tumango lang si Adrian at mabilis na bumalik sa sofa di kalayuan.

Tumitig si Brandon sa akin, hindi naman ako makatingin sa kanya. Dahan dahan ang pag angat ko ng tingin para humingi ng tawad. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang iilang text at tawag niya. "I'm sorry, hindi ko namalayan."

Huminga siya ng malalim. "What's your problem? Stop drinking." Sabay tingin niya sa mga na ubos kong shots.

Nilingon ko rin iyon at umiling. "Nothing."

Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya. Arielle's my problem, that's that. And he cares for her, I'm sure. He wants her happy. He wants good things for her. And good things for her meand bad things for me. Hindi ko malaman kung anong klaseng tao ang maaaring magmahal sa isang babaeng tulad ni Arielle.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Very good, Aurora! And here I thought you're doing something else again. Kumain akong mag isa sa restaurant na pinagkasunduan natin. Fuming mad that you're not there with me. Ilang tao pa ang tinanong ko kung nasan ka na, buti na lang nahanap kita." Aniya. "And with your... friend, huh?" Iritado niyang sinabi.

"Adrian's just my friend, Brandon." Sabi ko at nag iwas ng tingin.

"Yes, I hope so. And why are you drinking? Umalis na tayo dito. Maghanap tayo ng restaurant." Aniya. "O gusto mo sa bahay niyo? Ipagluluto kita." Hinanap niya ang mga mata ko.

"Ayaw ko sa condo ko." Diretso kong sinabi.

Tumitig lamang siya sa akin ng ilang sandali bago suminghap at nakuha.

"Your dad is back?" Tanong niya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. His eyes hopeful that I can give him more than just an expression. He wants an explanation for my behavior. At alam kong kahit na hindi ko na sabihin ang dahilan ay may naiisip na siya. "My... dad wants Arielle to live in our house." Nanginig ang boses ko.

Tumitig lamang siya sa akin. Nasasaktan ako sa titig niyang hindi natitinag. Maybe he's thinking that it's alright. That it's gonna be fine. That Arielle's fine. Na kilala niya si Arielle at magiging mabuti ang samahan naming dalawa.

"Forget it." Sabi ko at pinilig ang ulo.

"Anong sinabi mo sa daddy mo?" Tanong niya, binalewala ang sinabi ko kanina.

"I don't think..." Nanginig ang boses ko. "My opinion matters to him."

Hindi ko na napigil ang luha ko. Mabilis ko itong pinunasan. So stupid, Aurora Veronica! Siguro nga ay isa kang malaking brat! Na tulad ka lang din ni Arielle! Craving for more attention. Selfish of your mom and dad. Kulang sa atensyon at insekyora sa lahat ng nangyayari.

But it pains me so much to see the people I loved my whole life disregarding my feelings. Naiinis ako na naiisip kong sana ay may mangyaring masama sa akin at marealize nila na tama ako at mali sila.

Mainit na yakap ang bumalot sa aking mukha. The scent of Brandon enveloped my nose. Mas lalo lang akong umiyak sa kanyang dibdib. Para bang sa wakas ay nakakuha ako ng lakas pagkatapos kong pigilan ang sarili kong umiyak kanina.

"Sweetheart, can I bring you to my condo? I promise, I'll be good. Don ka na muna matulog. Iuuwi kita kung kailan mo gusto." Malambing niyang sinabi habang hinahaplos ang buhok ko.

Humagulhol lang lalo ako sa kanya. I wish Brandon was mine. Fully mine. But a person will never be completely yours. A part of them will always care for other people. Simply because this world will never be about the two of you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro