Kabanata 49

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 49

Why

Nang nakauwi ako sa condo ay naroon na si mommy. Kahit na gusto niya nang makipag usap sa akin ay inantala ko ito dahil sa mga kailangang gawin sa araw na ito. I'm sure it can wait. Hindi naman siguro siya ganon ka atat para ma meet si Arielle, hindi ba?

Kaya nagpatuloy ako sa aking mga plano sa araw na iyon. Alam ko rin naman na abala nga si Brandon kaya hindi na ako nagpasama. Si Jessica lang ang niyaya ko since may appoinment din naman siya sa OB.

Maaga akong umuwi, hinatid ako ni Anton at Jessica. Si mommy at daddy naman ay nasa firm. Nakatulog na ako nang umuwi sila kaya hindi na kami nakapag usap.

Sa sumunod na mga araw ay iyon ang tanging laman ng mga usapan namin ni mommy. It was as if she was preparing for a grand dinner.

Sa isang mamahaling french restaurant ng isang five star hotel siya nagpabook ng dinner na gaganapin mamayang gabi. And she's asked me to buy a new dress for it!? I can wear rags if I want to. There's nothing special about that girl.

"Mom, honestly? Hindi ko alam kung nag pe-prepare ka ba para i welcome ang matagal mo nang nawawalang anak?" My tone was laced with sarcasm. Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain ng lunch.

Dad was out. Nasa opisina at may inaasikaso. Si Brandon naman ay nasa opisina. Ngayon sana ang unang araw ko sa pagtatrabaho sa opisina niya but mom asked me to take a leave for today to prepare.

"Av..." Bumaba ang kanyang balikat nang mahimigan ang tono ko.

"Mom, she's not really likeable. Pero tingin ko ay dalawa lang 'yan, e. She'll bitchfit in front of you or magiging mabuti siya para makuha niya ang loob mo. Believe me, mom. I don't want to hurt you. At mas lalong ayokong umabot sa punto na kakainisan mo na ako dahil magpapaawa siya."

"Av..." Hinawakan niya ang balikat ko at mabigat na bumuntong hininga. "She's abused. You can't expect her to-"

"I expect her to be human, mom. At least she needs to be humane. Alam niya kung gaano kasakit masaktan kaya dapat ay hindi siya nananakit," sabi ko kahit na alam kong hindi niya parin iyon makukuha.

"Then give her a chance to be, human. Avon, hindi kita kailanman kakainisan kung magpapaawa siya, you're my one and only daughter. You're my priority. We're allies here. I want you to give her a chance. Masakit sa akin ito but then I want to give it a chance too. I want to heal."

Mapait ang kanyang ipinakitang ngiti sa akin. Hindi ko parin binibitiwan ang mga salita ko. I'm still standing up for that. I'm still no for it.

Ayaw kong maistorbo si Brandon sa kanyang trabaho kaya sa kay Adrian ako nag palabas ng mga hinanakit sa kung anong mangyayari mamaya. I don't want to stress Jessica out too so I got her out of it.

"You know what? Hindi ko alam kung alin ang mas gugustuhin ko, e. Kung mag bait baitan ba iyang Arielle na iyan o 'yong maging bitch siya sa harap ng mommy mo."

"I would rather have the bitch side of her. Mas madaling matalo. Nakakasuka kasi ang bait baitan, e." Umirap ako.

Tumawa naman siya. "It would be a disaster dinner, then. Isasama mo ba si Brandon?" Nagtaas siya ng kilay.

Umiling naman ako. "Baka magkagulo pa. And I think he'll be staying late tonight. May problema yata sa isang site nila kaya baka babyahe tungo doon."

Tumango siya at nag ngising aso. "Updated," patuya niyang sinabi.

Naging mabilis ang oras sa araw na iyon. I hated it so much! Nagulat na lang ako at nakauwi na si daddy at kumatok na si mommy sa kwarto ko na magbihis na raw. Ginawa ko naman kahit na labag sa aking kalooban.

Nasa sala na ako, naghihintay sa kanila habang si daddy ay nag aayos ng kanyang butones. Nanatili ang mata ko sa screen ng aking cellphone. Itim na dress ang suot ko. Hanggang taas ng tuhod ko ang haba. Kahit na boat neck ang neckline nitong dress ko ay open naman sa likod.

"Are you okay with this?" Ang tono ni daddy ay may bahid na pag aalala.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. I want to start venting but I don't want to ruin the night. Nagkibit balikat lang ako.

That girl must give me a good reason to be civil towards her in the next coming days. Kailangan ay makumbinsi niya ako sa gabing ito na bibigyan ko nga siya ng pagkakataon. That she is indeed just abused and bipolar.

Naka dress na kulay dark blue si mommy at tumingkad ang ganda niya sa kanyang suot. Magkaakbay pa kami patungong sasakyan na idadrive ng driver ni daddy.

Pagkarating sa restaurant ay sinalubong kaagad kami ng mga crew para igiya sa pinareserve na mesang pang apat sa amin. And to my surprise, Arielle was already there wearing a champagne colored dress and her hair high up in a ponytail. Tumayo siya nang mamataan kami.

"Is that her?" tanong ni mommy kay daddy. Nahimigan ko ang panginginig sa kanyang boses. Hinawakan ko ang kanyang braso para suportahan siya. Ipinatong niya naman ang kamay niya sa akin.

"Good evening, dad." Humalik si Arielle sa pisngi ni daddy at nginitian niya ito. Nag lahad siya ng kamay kay mommy na gulat parin hanggang ngayon. "I'm Arielle Zalea Garcia. You must be Camila Pascual, tita?"

Kumulo ang dugo ko sa pagtawag niya ng tita kay mommy. She's playing the righteous and kind girl now. Calm down, Av. Give her a chance! Give her a fucking chance!

"Nice to meet you, hija," ngiti ni mommy at tinanggap ang kamay ni Arielle.

Hinawakan ni daddy ang siko ni mommy at iginiya siya sa upuang katapat ng kay Arielle. Umupo naman si daddy sa tapat ko. Which means Arielle and me are so near to each other. Hindi man lang siya bumaling sa akin and I thank God for that. At least she did not pretend that we're okay!

"Shall we serve the first course, sir?" tanong ng isang waiter na yumuko kay daddy.

Tumango si daddy at nagsimula na kaagad ang paglalapag ng soup at kung anu ano pang appetizers ngunit walang pumansin doon dahil sa tensyon na bumalot sa aming mesa.

"I am surprised that you actually asked dad to meet me. Ang akala ko ay hindi mo ako matatanggap. Is it okay if I call you tita?" tanong ni Arielle.

"Well, you already called her," bulung-bulong ko nang di ko na napigilan ang sarili.

"Avon," saway ni daddy.

Nilingon ako ni Arielle at gumuhit ang pait sa kanyang mukha. I should damn give her a chance, right? I just couldn't stop myself!

"It's okay with me. It's inevitable. You're my husband's daughter." Iyon lamang ang nasabi ni mommy.

"You're so kind, tita. Ang akala ko ay pagmamalupitan ninyo ako dahil nagpapaalala ako sa kasalanang nagawa ni daddy years ago," ani Arielle.

Hinawakan ni daddy ang kamay ni mommy. "Arielle, hindi naging madali sa tita mo na gawin ito. She loves me so much and I thank God for her love. I would be lost without it. Her love knows no pain and dishonesty kaya niya ako natanggap muli even after the recent obstacle we had."

"It's all okay now. I accepted it all a long time ago. I just want us to get to know." Ngumiti si mommy at hinaplos na rin ang kamay ni daddy bago siya bumaling sa akin. "And I'm sure you know my daughter Avon?"

Hindi kumibo si Arielle. Hindi rin ako kumibo. Ilang sandaling walang nagsalita bago suminghap si daddy. "By the way, Arielle. Kamusta na iyong kaibigan mong nasaksak ni Jeffrey Zuniga?"

"Oh! He's fine now, dad. He's doing really well, actually. Maayos na po siya." Ngumiti si Arielle at sumulyap sa akin.

Tumango si daddy. Hindi niya alam ang ugnayan namin ni Brandon. Alam niya lang na magkakilala kami. He did not inquire too much about us.

Nagsimulang mag usap si Arielle, mommy, at daddy tungkol sa pagkatao niya. She graduated in one of the most prestigious schools here in the Philippines. Habang kumakain kami ay mas lalong lumalawak ang usapan.

"Nasa QC lang ang mommy at daddy ko. Lumalabas sila ng bansa minsan. I'm not really sure if they're out of the country now," bigo niyang sinabi.

Pinaglaruan niya ang kanyang ulam ngayon. I am just here enjoying my food. Pang ilang libong irap ko na ito sa gabing ito. I can't help but think she's just creating this drama. Okay, Avon, totoong nangyayari iyan sa buhay niya. It's just so hard to believe that a bitch like her has dramas like these.

"Kailan ka nagsimulang bumukod sa kanila? Was it your idea? Was it their idea?" Kumunot ang noo ni mommy sa pagtataka.

"It was Brandon's idea."

May bumangon na sakit sa puso ko. Of course it was his idea! He cared for her! Ayokong maging mababaw. Iintindihin ko ito.

"So my parents supported me. Siguro ay ayaw na talaga nila akong makita kaya hinayaan na lang din nila ako," bumalik sa kabiguan ang boses ni Arielle.

Suminghap si mommy. Ganon din si daddy. "Mas mabuti na nga iyong bumukod siya sa kanila. She's abused when she was little hanggang sa teenage years niya."

Umiling si mommy. "Hindi mo ba naisip na ireport sila?"

"Maraming koneksyon si daddy sa gobyerno. Isang beses akong nag report pero wala paring nangyari. Mas lalo lang nila akong sinaktan."

"Arielle..." buntong hininga ni daddy. "Nagpaschedule ako ng appointment with your mom and dad, haharapin natin sila."

Nanlaki ang mata ni Arielle. Bumahid ang takot sa kanyang mga mata at halos manginig siya sa pagkakataranta. "Please, no. Dad... no..."

Nagkatinginan si mommy at daddy sa pagtataka sa naging reaksyon nito. Natigil ako sa pagkain at sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko siyang sobrang takot. I could not believe it!

"They cannot hurt you anymore. Not if I can help it, hija." Hinawakan ni daddy ang nanginginig na kamay ni Arielle.

Nagpalipat lipat ang tingin ko kay daddy at kay Arielle na parehong nag aalala.

"I just want them to know that I found you," sabi ni daddy.

"Why can't we let all of these pass, dad? I mean... Isn't this enough? Ang makita siya sa wakas at makasama siya? Bakit pa kailangang ungkatin ang lahat ng iyan?" Hindi ko na napigilan.

"Avon, it's for her sake. It's for closure," sabi ni daddy.

Umirap ulit ako. I know this will need to heal pero may ibang mga sugat na hindi na kailangan pang galawin para lang maayos. Kusa itong maaayos sa pagdaan ng panahon. And if they believe that this wound cannot heal by itself, then I certainly don't!

Humikbi si Arielle sa tabi ko. Nagulat ako dahil buong atensyon ko ay nasa kay daddy. Nilingon ko siya at nakita kong pinalis niya ang luha sa kanyang mga mata ngunit patuloy ang pagdaloy nito.

Nataranta si mommy at nagtawag ng waiter para sa karagdagang tissue. Tumayo si daddy at inalu siya habang umiiyak.

"I know you hate me so much for ruining your perfect life, Avon! Alam kong gusto mong mawala na lang sana ako sa mundo para bumalik sa dati ang buhay mo! But for once, can you please open your mind to me! Na hindi lang ikaw ang nasasaktan dito! Ako rin!" Tinuro niya ako.

Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Hinawakan ni mommy ang braso ko para pigilan ako sa mga sasabihin pero hindi naging sapat iyon. "Anong ginawa ko ngayon? You've been nothing but a bicth to me. Despite that, nagawa ko paring pumarito at makinig sa lahat ng drama ng buhay mo. I'm just suggesting the easy way of handling the problem!"

"You don't want your parents to help me!" Sigaw ni Arielle.

"Arielle..." banayad na boses ni mommy ang sumalubong. "Avon wants to help you too. She's seen how horrified you were at the thought of meeting your parents kaya niya lang nasabi iyon."

"Because it's the right way. It's how it should be. You're not a child anymore. You're not under anyone's custody because you're legal. You're even older than me! Please!" Iling ko.

"Ikaw! You don't understand me! You don't understand how I feel!"

"Hush, hija!" Sabi ni daddy at mas lalo siyang inalo.

Umirap ako. I'm too old for this shit. Tumigil ako sa kakasagot. Hindi ko maatim kaya magsasalita ako ng masama kapag hindi ko pa iyon itinigil kaya minabuti kong tumingin sa malayo.

"You don't know how it feels to be so unloved by the people you want to please!" Humikbi si Arielle.

Gusto kong hanapin sa akin ang simpatya para sa kanya. But all I could feel was my pain and my irritation. Kaya imbes na magsalita ako ay tumahimik na lang ako. Walang mangyayari pag papatulan ko ang lahat ng ito.

"You don't know how it feels because you're loved too much by your parents!" Mas mahinahon niyang sinabi.

Pakiramdam ko ay teenager ang inaway ko na pinagkaitan ng pagmamahal. Malayong malayo sa propesyunal na babaeng nakilala ko noong una kaming nagkita. Well, she looks professional still in spite of her tears now.

"Arielle, that's enough," banayad na saway ni mommy sa kanya.

"I love you, Arielle. Hindi mo na kailangan pang umiyak ng ganito. Hush, hija," alu ni daddy.

Nanliit ang mga mata ko kay daddy habang inaalu niya si Arielle. Naaalala ko iyong mga panahon na galit na galit ako sa kanya at ang kanyang mga kasinungalingan sa amin ni mommy. Hindi niya man lang ako inalo nong nangulila at nagalit ako sa kanya. All he did was lie to me and he's here now comforting his other daughter. I don't want to be selfish pero hindi ko iyon nabalewala.

"If you want, you can visit our home sometimes. He have a spare room for another person."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni daddy. Napansin ko ang paghigpit ng hawak ni mommy sa aking kamay. He did not even ask for my mom's opinion! He did not even ask for mine! Nag desisyon lamang siyang mag isa!

Tumikhim si mommy. Napatingin si daddy sa kanya.

"Is it okay with you, Camila?" Tsaka niya pa lang ito tinanong.

Tumango si mommy. It was obvious she pitied the bitch. But it was also obvious that she was hesitant of this idea.

"Why?" hindi ko napigilan ang sarili ko.

Tumahimik na si Arielle ngunit bakas parin sa mukha ang luha kanina. Namumugto ang kanyang mga mata at hinarap ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro