Kabanata 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 9

Break

Hindi ko ininda iyong pagkakataranta ng mga taga kitchen sa nangyari. Kung ano man iyon ay kasalanan na iyon ni Brandon. It's either he's just really drunk kaya natalisod o talagang tarantado siya.

Pagkalabas ko ay nagtatawanan lang ang dalawang kasama niya habang kumakain sa mesa. Tumikhim ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko ang sumusunod na titig ni Ria sa akin.

"Ayos ka lang, ma'am?" tanong niya.

Tinanguan ko lang siya at pinunasan ko ang pawis sa noo ko bago dumiretso sa loob ng office at nagdesisyong mag kulong.

Brandon Rockwell is drunk. Like my ass! Don't make me laugh. Imbes na alalahanin ang nangyari ay naisipan kong tingnan na ang mga forms bago mag close para sa araw na iyon at i take over na ni Mr. Romualdo.

Kinuha ko ang ledger at binuksan ang software sa computer. Tatlumpong minuto ang lumipas bago ako natoon sa trabaho ko nang walang iniisip na iba. Nang natapos iyon ay eksaktong mag aalas nuwebe na. Hindi bale nang hindi ko nasama iyong mga bagong records. Minsan lang naman akong maagang gumawa nito.

Nag stretch ako ng braso bago binuksan ang pintuan. Agad kong napansin ang pagkakaroon ng konting tao. Syempre, dahil gabi na at mas gusto ng iba na matulog o di kaya ay mag indoor activities.

"Ma'am, a-out na po ako." paalam ni Ria nang nakita ako.

Tumango ako at nakita rin si Mr. Romualdo na nasa isang table kung saan puno ng matatabang Australyanong nakausap ko na kanina.

Nagulat ako nang pinasadahan ko ng tingin ang mga mesa at nakita si Brandon sa mesang inuupuan niya kanina. Mag isa na lang siya at ang kamay ay nakapatong sa mesa. Walang pagkain o inumin ang naroon.

Umiling ako at naghubad ng nameplate. Uuwi na rin ako. Tapos na ang trabaho ko dito at pagod na ako sa araw na ito.

Nilugay ko ang buhok ko at niswipe ang identification card sa computer ng cashier at nag log out. Pagkatapos non ay bumalik na ako sa opisina para kunin ang mga gamit ko. Ni hindi ko na tiningnan ulit ang mga mesa pagkalabas ko at dumiretso na ako sa labas ng clubhouse. Pero bago pa ako makatingin sa kalsada kung saan ako mag aabang ng van ay naroon na si Brandon at naghihintay na nakasandal sa kanyang Benz.

Suminghap ako at umiling. Iniba ko ang direksyon ng dinadaanan ko ngunit hinuli niya ako.

"Avon, let me drive you back to your dorm," malumanay ang kanyang boses nang sabihin niya ito.

"Kaya kong sumakay ng van, Brandon," sabi ko at nalingahan ang kanyang dumudugong kamay. Ngumiwi ako. "What happened to your hand?"

"Nabasag ko 'yong iilang plato sa kitchen."

"You're bleeding. Hindi mo 'yan pinagamot o pinahiran man lang ng tissue?" Tanong ko. I find it ridiculous. Why would he keep his wound that way?

Nagkibit balikat siya, "This is nothing." at tinago ang kanyang kamay.

Tumunganga ako sa kanya. Gusto kong umiling, irapan siya at iwan siya doon ngunit huminga na lang ako ng malalim at kinalkal ang bag ko para sa tissue at alcohol.

"Let me drive you back to your dorm." Ulit niya sa mas malumanay na boses.

Halos ibuhos ko na ang alcohol sa tissue na kinuha ko. Naglahad ako ng kamay bago nag angat ng tingin sa kanya.

"Give me your hand." Utos ko.

"I told you, Av. It's alright," giit niya.

Tinitigan ko lang siya. Suminghap siya at agad na nilagay ang dumudugong kamay niya. I can't believe it. Natatabunan ito ng dugo ngunit kitang kita ko ang malaking slanting cut sa kanyang palad! Hinayaan niyang ganito ang sugat niya? At halos dalawang oras na iyong lumipas, a?

Agad kong nilagay ang tissue sa sugat. Ni hindi ko inisip na masasaktan ko siya. Nasa gitna ako ng galit at pag iisip na tanga rin ang isang 'to!

"Ouch!" Daing niya habang ilang beses na suminghap dahil sa ginawa ko. Pumikit pa siya ng mariin. Ang isang kamay niya ay sinuklay ang buhok niya. Kinagat niya ang kanyang labi at mariin paring pumipikit.

"Sana ay hinugasan mo ito." Sabi ko. "Tapos na 'yan. Hayaan mo na lang 'yang tissue. I'm not a nurse, you better find one if you want this cleansed. I'm tired, Brandon. Uuwi na ako." Sabi ko.

"I said I can drive you home, Av. Come on. Don't turn me down now." Aniya at hinarangan ulit ako nang umambang maglakad.

"You can't drive. May sugat ka sa kamay." Palusot ko.

"I can. Malayo 'to sa bituka. Please, let me."

I really don't know what I'm gonna do with him. Kaya nong naka tyempo ako at may papalapit na van ay tinakasan ko siya. I find that he's still slightly tipsy, kaya nagawa ko siyang isahan. Mabilis kong sinarado ang pintuan ng van at imbes na habulin ako ay mabilis siyang pumasok sa kanyang Benz.

"Sa dorm po." Sabi ko sa driver. Iilang turista na maingay ang nasa loob din ng van. Tahimik ako at tumitingin sa labas. Kitang kita ko ang pag sunod ng kanyang sasakyan.

Damn it, Brandon!

Pagkababa ng van sa akin ay iyon din ang pagbukas ng kanyang pintuan. Mabilis ang lakad ko pero nagawa niya pang hilahing muli ang aking braso para harapin siya.

"Ano ba!? I said I am so tired today! Ang kulit mo!" Sigaw ko nang harapin ko siya.

"I just want to know kung paano mo ako mapapatawad! God, Avon! Hindi ako makakatulog kahit laklakin ko ang lahat ng whiskey sa Clubhouse kung di mo sasabihin sa akin kung paano!"

Nanlaki ang mata ko. No. Tumawa ako. "I can forgive you if you stop following me, back off, that's all I am asking, alright? Back. Off!" Sabi ko at binawi ko ang braso ko.

Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata niya sa sinabi ko. May multo ng takot doon na biglang nawala nang ipinakita ko ang purong galit na nangingibabaw sa aking sistema.

Nagmartsa ako papasok sa dorm na naghuhuramentado. Ngayon lang tumama sa akin ang kabang dapat ay kanina ko naramdaman. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang pintuan sa aking dorm.

"I need a freaking break." Singhap ko.

Halos wala na akong buhay na nakaupo sa paanan ng kama ko. Ang cellphone ay nasa tainga at nakaloud speaker ako kay Jessica at Adrian.

"Bakit mo kasi ginawa iyon, Avon. That's a big no-no. You should actually make him fall para makakuha ka ng impormasyon. Your pride is taking over you. It's no big deal if you want that information so bad," nadagukan pa ako ni Jessica.

"I know, alright. Hindi ko lang talaga matanggap." Sabi ko.

"We'll I'd get offended too, you know, Jess." Sabi ni Adrian.

"But she reacted too much. Isa pa, wala akong mahanap na Arielle sa kahit saang pinasukan ni Brandon na mga modeling agency. He's handled by a very good publicist and manager right now at kahit sa kanya ay wala akong makuhang impormasyon. Hindi kaya ay nagkamali ka sa pagkakarinig sa pangalan nitong babaeng ito?" Tanong ni Jessica.

"No, Jess. I heard it, a couple of times I think. It's Arielle. If she's not a model, then she's probably on his friend circle. Please, please, you might want to check on his friend circle. Sa Valkyrie baka tumambay sila don. Please."

"Bakit ba kasi ayaw niyang sabihin. This girl must be important, huh?"

Nakatulog ako na gulong gulo ang utak. Ngunit nang nagising ay napagtantong tama si Jessica. That should not be a big deal to me. Kung gusto ko talagang malaman ang mga impormasyon ay dapat sakayan ko si Brandon hanggang sa kumanta siya at pagkatiwalaan niya ako ng husto.

I should be more careful now. Ngunit sa araw na ito ay hindi siya nagpakita.

Halos kada tatlumpong segundo ay nililingon ko ang pintuan. Tuwing may pumapasok o may lumalabas. Hinanap ko siya ngunit wala siya doon. Ipinagkibit balikat ko iyon at naisip na baka ay nagpapahinga dahil sa sobrang hang over. Ngunit nang gumabi at wala parin siya ay sumuko ako sa araw na iyon. He must've been sick or something.

Sa sumunod na araw ay ganon parin ang naging gawain ko. Abala pa naman kami sa paghahanda sa kanilang anniversary. May engrandeng party pala na magaganap na dadaluhan ng mga international stockholders ng Highlands. Kahit na sa Country Club gaganapin ay tutulong parin ang iilang crew ng clubhouse dahil sa 100 guests na inaasahan ng event na ito.

Lumipas pa ang tatlong araw at ni anino ni Brandon ay hindi ko nakita.

"Mabuti na lang at nag request ka ng rest day mo bukas, Miss Pascual. At nirequest talaga ni Madame Rockwell na naroon ka sa Country Club kasama ang ilang managers para maayos ang event." ngisi ni Mr. Romualdo. "Habang wala ka ay ako na muna dito sa Club House."

Tumango ako. "Salamat, Sir. Ang alam ko ay ikaw naman ang maghahatid sa kanila sa Sports Center at mas importante iyon kesa sa party."

Tumawa siya at tumango. "At sa oras na iyon ay ikaw naman ang bahala sa Clubhouse."

Huminga ako ng malalim nang iwan ako ni Mr. Romualdo. Napatingin ulit ako sa pintuan. Huling gabi ko na ito bago mag rest day. Pagkauwi ko ngayon sa dorm ay tutulak na ako pa Maynila. Ayaw kong magpalipas dito ng gabi sa ngayon.

"Ma'am, mag aalas nuwebe na, di ka pa mag a-out," pansin ni Ria.

Napatingin ako sa nakalugay niyang buhok. Hudyat na aalis na rin ang cashier. Tumango ako.

"Aalis na. Sabay na tayo." ngiti ko.

Tumitig lang siya sa akin. "Ilang araw na rin pong di nagpapakita si Mr. Rockwell, umuwi kaya iyong Maynila? Sa tingin mo, Ma'am."

Agad akong nagkibit balikat. "Hindi ko alam, e."

"Alam niyo, ma'am? Pinagtulungan kaya siya ni Chef Marife at ni Teresa sa pag gamot nong sugat niya, ayaw niya ipagamot. Hindi kaya na infected iyon at nagkasakit siya kaya nagpa ospital?"

Napatingin ako kay Ria. "Hindi ko alam, Ria."

"Akala ko, close kayo ma'am." Ngisi niya na binalewala ko.

Patuloy niya akong inusisa habang nasa van kami. Kung hindi ako nagpaalam na mag iimpake pa ako para sa pag alis ay hindi niya ako tatantanan.

Isang oras lang akong nag impake, naligo, at nagbihis. Isang shoulder bag lang ang dala ko dahil dalawang pares ng damit lang ang ibabalik ko sa condo. Papalitan ko ito ng ilan pang damit pagkabalik ko.

Tinulugan ko ang byahe at nagising na lang nang nasa Metro Manila na dahil sa tawag ni mommy.

"Kailan ka uuwi?" Banayad ang boses ni mommy sa kabilang linya.

"My, baka sa susunod na buwan." Iniisip ko pa kung kailan ko makukuha ang impormasyon.

At pag nakuha ko na ang impormasyon ay haharapin ko si daddy. Pagkatapos ay magpapalamig ako sa Cebu.

"Ang tagal pa. Ang dad mo?" Medyo nabasag ang boses niya.

Suminghap ako, "Tinatawagan ka pa po niya?"

Hindi agad nagsalita si mommy. Ilang sandali ang nakalipas ay umiiyak na siya sa kabilang linya. Parang pinipiga ang puso ko habang naririnig ang mommy ko na umiiyak. Nangingilid ang luha sa aking mga mata at wala akong maramdaman kundi poot at galit para sa aking ama, para sa kanyang kabit.

Kung sakali mang mag asawa ako ay hindi ako makakapayag na may manira sa aming dalawa. Inisip ko kung sino talaga ang dapat sisihin sa pagkakaroon ng kabit. At naisip kong ang lalaki ang puno't dulo ng lahat. Ang mga kabit ay laging nariyan, nagsusumamong mapansin. Ang lalaking kakagat ang siyang mas may kasalanan.

I don't even know if I can face dad right now. The man I trusted cheated on my beloved mother. Hindi ba talaga kami sapat? Am I not enough for him to stay faithful? Hindi ba mahalaga sa kanya ang kaligayahan ni mommy o kaligayahan ko?

Pagod pa ako sa byahe ngunit nagawa ko paring magpasundo kay Adrian at Jessica sa condo. It's 1AM and we need to at least celebrate. Aalis na si Adrian para magtrabaho sa ibang bansa.

"Let's not talk about it." Sabi ko at ngumisi. Pagod sa pag iyak ko kanina at sa sakit na dala ng isyu. "Let's just have fun!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro