Kabanata 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 16

Provoke


Hindi ako agad nakatulog sa guestroom. Kung hindi lang malikot ang isipan ko, iisipin ko nang may maligno ang silid na ito.

Bago kami tumuloy sa mga silid, in-offer ni Royce na huwag na lang muna kaming magtrabaho agad lalo na't kalilipat ko lang. Bukod din sa huling mga araw na iyon ng linggo. I just wouldn't accept it. It felt too intimate to stay for a while after taht honeymoon. Or vacation. Wala namang madrama roon kaya walang probelma kung bumalik na siya sa trabaho agad, at magsimula naman ako.

Wala ring kaso sa akin ang paglipat. Ano naman ngayon? After school, or even while in school, I already like traveling. Living in hotels, and not at home is not news to me.

Nagising ako sa tamang oras na sinabi niya. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil hindi agad nakatulog kagabi. Naligo ako at magbibihis na sana nang naisip na tumingin pa sa walk in closet ni Royce.

Maayos na naman ang nailipat kong mga damit pero I just want to make sure I am not missing out any outfit.

Lumabas ako at naamoy ko agad ang breakfast. Dumungaw ako sa landing pero hindi naman kita roon ang kitchen kaya hindi ko alam kung sinong nandoon. To confirm, bumaba ako. Naka bathrobe pa at katutuyo lang ng buhok sa blower.

"Morning!" Salubong ni Royce nang natanaw niya ako galing sa kicthen.

He's cooking. I saw toasted bread, fresh fruits, and a sunny side up egg on the table. At ang niluluto niya ngayon ay bacon.

"Good morning!" I tried to sound like I could get used to this.

Dumiretso ako sa ref at tiningnan ang nasa loob. I was kinda pleased that he had food. Naalala ko noong isang buwan ako sa hotel room ko. May prutas ako sa maliit na ref ko tapos sira pa. Umaasa lang sa pagkain sa labas o 'di kaya'y hotel restaurant.

It seemed cool back then, and having food on your own or making food on your own was... weird. Ngayon parang nagbago nang kaunti ang pananaw ko.

Kumuha ako ng tubig sa dispenser ng ref at uminom.

"Let's eat breakfast first. Luto na 'to," Royce said with a little grin on his lips.

I wanted so bad to reject his offer, even if it doesn't make sense. I just didn't like the thought of accepting everything. It felt as if I was submissing. Pero pakiramdam ko rin kapag nagmatigas ako, lalo lang akong mababaon sa mga ito. Why not let everything slide and not think about it deeply?

Just go with the flow. After all, we also agreed to having sex. That's another level of intimacy, at wala lang naman sa akin iyon. Kaya itong pagluluto niya ng breakfast namin, wala lang din dapat sa akin.

"Ba't hindi ka nag-order na lang?" tanong ko at naupo na sa silya sa tabi niya.

Nandoon na ang pinggan, mga kutsara, at baso. Nailapag niya na rin ang bacon at kumuha na siya ng kape sa coffee maker. He's dressed in white v-neck t-shirt and a short gray shorts. Mukhang inuna niya itong pagluluto pagkagising.

"Maaga akong nagising kaya naisip kong magluto na lang. Mabilis lang naman at madali pa."

Nagkibit ako nang balikat.

"Nakaligo ka na?"

"Yup."

He raised a brow. Naupo na siya sa kabisera at gaya ko, kumuha na rin siya ng toasted bread. Nagsimula na akong kumain, hindi na inisip na mamuri sa kahit anong nagawa niya.

"You do know how to wash plates, right?"

Napabaling ako sa kanya pagkatapos isubo ang pagkain. I was a bit shocked, honestly. Hindi ko inasahan na itatanong niya iyon. At mukhang paghuhugasin ako ng pinggan.

"I figured this is the best time you learn that, kung hindi ka pa marunong. Lalo na nakaligo ka na. I'd need to take a shower after breakfast so you can take care of the dishes."

Pinagmasdan ko ang mga pinggan sa harap. Wow, Royce. Kasisimula lang ng breakfast, iyan na agad ang tanong? Let's not be over dramatic.

"Sure. I can do it," sabi ko para hindi na magtalo.

"That's great. But do you know how?"

"Royce, naniniwala akong kahit gaano kayaman marunong naman kahit paano maghugas ng pinggan. Hindi ako naghuhugas ng pinggan sa bahay pero alam ko naman paano maglinis ng mga bagay."

Nagtaas siya ulit ng kilay. "Well, I wouldn't know. I am not rich, Sky. Kaya hindi ko rin alam kung marunong ba talaga ang kagaya mo sa ganoong gawain."

I gave him a face and started eating. Professionally, we discussed the schedule for today. Busy siya sa mga meetings at gusto ko munang i-check ang scope ng trabaho ko kaya baka hindi muna ako pupunta sa mga iyon.

"Nagpatawag na ako ng dinner mamaya. Mahaba ang meetings ko dahil marami kaya mauna ka nang umuwi."

"Car?" I asked since right now we are leaving with his. Kaya pauwi, paano?

"A company driver will take you home."

"Sana kinuha ko na lang pala ang sasakyan ko sa bahay. Paano kung may gusto pa akong puntahan bago umuwi?"

His eyes narrowed.

"Saan ka naman pupunta?"

"Kung may bibilhing damit. Kaunti lang ang work clothes ko."

"We'll do that on the weekend. You don't need to do that alone."

"But I can do it alone tonight. Lalo na wala akong gagawin."

He sighed. "If you really want, you can ask the company driver to drive you to the nearest mall. May mall diyan sa baba, doon na lang."

Umirap ako. I didn't have a particular plan to go somewhere but I wonder if I can.

"Sky, kakakasal lang natin. Anything we do after that is still a hot topic. I know you miss your friends, you might want to see them but see them only when I'm around. Hindi maganda ang background ng mga kaibigan mo-"

"I know, Royce. Sasayangin ko ba ang pagpapakasal sa'yo at sisirain ulit ang pangalan ko? Of course, not. I'll behave. I won't see anyone. Even Zane."

Nagkatinginan kami. Tumango siya.

"Alright. Ask the company driver for now. After a month, I'll see what I can do."

Pagkatapos ng breakfast at usapan, umakyat na siya pero may pagdududa sa mga mata niya nang iwan niya ako sa lababo. I washed the glasses first and showed him that I did well. Nagtaas siya ng kilay at ngumisi bago tuluyang umalis.

It's just like taking a bath actually. Imbes na katawan, mga pinggan lang.

I did a good job but I was too messy. Ang tubig nasa sahig na. Nang yumuko ako para sana lagyan ng rug, napansin ko ang rack. I pulled it open and my mouth dropped.

"That asshole!"

He has a dishwasher!

"Royce!" sigaw ko sa iritasyon pero umungol na lang ako dahil tapos ko na nahugasan ang lahat!

Sa iritasyon, hinayaan ko na nagkalat ang tubig sa sahig doon at umakyat na at baka ma-late pa ako. I did my make up and just put on a nice pink checkered suit with a nice terno skirt. The two buttons of the suit is closed kaya hindi gaanong kita na ang inner shirt ay isang tube top lang na ka-terno lang din.

Bumaba na ako at natanaw na naka corporate attire na so Royce pero may hawak pang mop. I smirked because I know he's cleaning my mess.

"Hindi mo sinabing may dishwasher ka."

"You didn't ask."

My eyes narrowed. This asshole is really pushing my buttons.

"Well, that's why you're mopping your floor now."

"I didn't have to because someone will come here to clean today pero ayaw ko namang hayaan lang na ganito kahit na kaya ko namang mag mop bago umalis."

"Patama ba 'yan sa akin?"

He smirked. "Natamaan ka ba?"

"Now, you know the consequences of marrying the Rockwell princess, huh?" I said while adjusting my bracelets.

"Hindi na masama dahil nakapaghugas ka naman ng pinggan. You're forgiven." He smirked again and put back the mop.

"I didn't ask for forgiveness."

"Then you hit the jackpot." Nagtaas siya ng kilay. "You have a merciful husband."

I gave him a plastic smile before I rolled my eyes. He chuckled and followed me to the door. Paalis na kami at nakasunod siya sa akin.

Pagkalabas pa lang, sumabog na ang cellphone niya sa mga tawag. He mindlessly answered the calls and pushed the elevator button.

Natahimik kami nang pumasok doon. Kaming dalawa lang. I looked at my looks on my reflection. Nasulyapan ko naman siyang nakatingin na rin sa suot ko hanggang sa maiksing skirt.

I curled my straight naturally brown hair, defined my eyes a bit, and just put on a coral pink lipstick to make it all simple. Royce is in his dashing black suit, with a gray tie. He looked incredibly dashing. Nangingisi ako pero nginuso ko na lang ang labi. Naiisip ko na hindi na rin talaga masamang gamitin ang katawan ng isang 'to.

Sakay sa sasakyan niya, dumiretso na kami sa trabaho. Hindi nabakante ang cellphone niya sa maraming tawag.

Papasok sa gusali, nakita ko agad ang tatlong naiinitang reporter na nag-aabang. Kami talaga yata ang inaabangan dahil nagtayuan nang nakita kami. Buti na lang at mahigpit ang seguridad kaya hindi naharangan ang sasakyan papuntang parking.

Unbelievable. These people just want a scoop, we are not even celebrity. Or maybe because my father is the biggest hotelier in the country right now, and he had a reputation as a young man then. He was also a model kaya juicy na juicy ang news lagi tungkol sa kanya at sa pinagkakaabalahan niya. At pati na rin sa akin, ang panganay na anak.

"This is your office," hinatid ako ni Royce doon.

I actually expected he'd lead me to his office first but I immediately forgot about it when I saw that my office is huge and nice. Puti ang lahat ng muwebles at ang blank walls. May halaman pa at kung hindi wooden ay gold ang accent noon. Pati ang maliit na sofa, puti. Ang console table sa tabi ng isang industrial gold shelf, kulay itim. Maganda. At siyempre ang malapad kong lamesa na kulay puti at may bagong laptop at kaunting papel, ayos din.

"I put a card on your table for my office upstairs. Pati na rin ang numero ng office phone ko. You can just call me through cellphone, though, but if you just need it."

Pinulot ko ang card na nasa lamesa at binasa ang nilagay niya. Malayo nga ang office niya. He's almost on the top floors, where the executives usually are. Ako naman nasa design team at hindi naman masama iyon. Magugustuhan ko naman yata ang trabaho.

"I assigned you to work with a team. Magkakaroon lang ng renovation sa isa sa old hotel n'yo sa Pasay. After that, I'll give you more work and experience with designing and renovating hotels. If it all goes well, that's when you can handle the bigger projects."

"Seems fair," I agreed.

"You won't need a secretary but if you need something, you can call my secretary."

Tumango ako.

"The team you met outside was the design team-" natigil siya nang may pumasok.

Isang binatilyo na may dalang mop iyon. Malaki ang salamin at may pagkatsinito. Nang natanaw niya kami, agad siyang yumuko.

"Pasensiya na po. Sorry, Sir. Ma'am. Akala ko wala pang tao-"

"This is Jun, incharge of the maintenance for this floor. Especially your office," Royce said coldly.

"Okay lang, Jun. Sige, maglinis ka muna," agap ko bago ito makalabas.

Natatawa ng kaunti ang binatilyo, halatang nahihiya at gusto nang lumabas.

"This is fine, Jun. Malinis naman. Balik ka nalang mamaya," sambit ni Royce.

"Ah, oo nga po, Sir. Pasensiya na. Salamat po, Ma'am. Pasensiya na talaga..." si Jun at lumabas na kasama ang mop at cart niya.

Nagkatinginan kami ni Royce. Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"Walang lilinisin na rito. Pinalinis ko na ng maayos 'to bago tayo bumalik galing Maldives," he explained even when I didn't ask.

"Okay."

"If you have questions, call my office. I'll be busy today with meetings. You have a meeting with your team later so get acquainted with them and your office."

Gumala na ang mga mata ko sa opisina kaya hindi ko na napansin ang pag-alis ni Royce.

Tiningnan ko rin ang schedule ng design team sa laptop at nakita ang oras ng meeting. Royce introduced me to them before we arrived in the office. Actually, halos sa lahat kasi kahit na kilalang may anak na pariwara si Papa, hindi ako gaanong pumupunta roon.

Ang mga napakilala sa akin, medyo namamangha na sa wakas nakatapak na ako roon. I was pleased to meet them. They seem genuinely happy with their workplace and they have high respect for Royce and my parents.

The design team is composed of architects and interior designers. I fit there, or at least that's how I felt after the meeting. Gusto ko talaga ang interior design. It's tackled in my Art Management degree but I never thought I would really apply it in real life. Sa totoo lang, wala akong inisip kundi magliwaliw lang at mag appreciate ng art. Hindi ko inisip na kaya ko palang gawing totoong trabaho iyon.

Although I like classic art, Royce's condo slightly made modern art interesting kaya medyo naisipan ko na ring mag venture doon. Lalo na dahil iyon ang hanap ng mga hotels ngayon kaya marami na ang nagpaparenovate.

I immediately got into work. Hindi ko tuloy namalayan na lunch na. Kung hindi lang kumatok ang magdedeliver ng pagkain. Nasabi na rin ito ni Royce kanina na isasama ako ng secretarya niya sa pagkain.

"Hi, Mrs. Solarez!"

Ew?

"Ako nga po pala ang secretary ni Mr. Solarez!" isang matangkad at palitong binatilyo ang naghatid at nagpakilala.

"Hello. You are... uh... Will?"

"Willbur po. Will na lang for short."

I smiled. "Thanks sa lunch."

"Okay po. Nasa meeting si Mr. Solarez kaya working lunch po siya."

I received a call from Mama. Kinumusta niya ang unang araw ng trabaho ko at siyempre, nag-alala na naman na malayo ang opisina ko kay Royce. Ang akala niya ba natutuwa akong makita lagi ang lalaking 'yon? Para hindi na humaba ang usapan, hindi na ako umapila sa sinasabi niya.

Hapon nang muli kaming neg meet ng team ko sa final touches. It was a spontaneous meeting kaya hindi na sa conference room. Sa room ko na lang ginawa kaya roon na rin sila kumain.

Nadumihan tuloy ang couch at ang sahig dahil natapon ang kape at chips ng isa kaya nang natapos, ipinatawag ko si Jun.

A member was so amzed by the books on the shelves kaya nagbago rin ang anyo ng mga libro. Sa kagustuhan kong ibalik sa dati ang ayos, ako na mismo ang nag-ayos noon.

"Junjun, matagal ka na ba rito?" tanong ko sa binatilyo habang nag-aayos ng mga libro sa shelves. Siya naman nag vavacuum sa sofa sa likod ko. I bent to put some books below.

Jun coughed a bit.

"Hanggang Junior High lang ako, Ma'am. Kaya bale, dito na ako nagtrabaho pagkatapos."

"Ah..." Nilingon ko siya at nahuling nakatingin sa legs ko.

Nahiya naman at mabilis na inabala ang sarili sa gawain kaya hindi ko na gaanong pinansin.

"Ba't hindi ka na nag Senior High?"

"Eh, nakabuntis Ma'am kaya... kinailangang magtrabaho agad." He chuckled.

The door opened. Nakayuko ako at nilalagay ang ilan pang libro sa ilalim nang pumasok si Royce. He looked at Jun first, and then me.

It's almost time kaya hindi ko inasahang pupunta pa siya. At plano kong umuwi na pagkatapos maglinis kaya nagulat ako na nandoon siya.

"Oh, tapos ka na?" tanong ko pero hindi niya narinig.

Nakatingin siya kay Jun bago ito nagmamadaling lumabas.

"Tapos na po ako, Mrs. Solarez," si Jun.

"Thanks, Junjun." Nilingon ko ang trabaho niya at nakitang maayos na ulit iyon.

Sinundan ng tingin ni Royce si Jun at nang maglaho, bumaling na sa akin.

"What are you doing?" he asked.

"What?" nagtataka kong tanong at inayos ang huling libro.

"Ba't nandito si Jun? At anong Junjun?" he asked critically as if it isn't petty.

"Naglinis? Natapon ang kape kanina kaya pinalinis ko sa kanya. At... Junjun... endearment lang."

His head tilted. He slightly loosened up his tie. Looking pissed. Anong problema nito? Dadalhin pa yata sa akin ang init ng ulo sa trabaho.

"Endearment? You don't even have an endearment for me, Sky."

Nagulat ako roon. Totoong nagulat. Namilog ang mga mata ko at ngumisi habang hinarap ko siya.

"Oh, what's that attitude? You want me to call you baby, Royce?" I chuckled.

He probably noticed how I used it all to my advantage. Nagtaas siya ng kilay at hindi sumagot.

"Nagseselos ka ba? Huwag kang mag-alala. HIndi kita ipagpapalit." I winked at him.

He sighed. "Quit it, Schuyler. I checked on you before I go on with my next meeting tapos maaabutan kita ritong ganoon ang ayos?"

My lips parted. "What?" Napabaling ako sa shelves.

"He's watching your short skirt go up while you're bending on your shelf. Who knows what he's seen."

I rolled my eyes. "You're overthinking. But one things for sure, he didn't see a monster."

Royce looked so pissed. Natigilan siya sa hirit ko lalo pa dahil sinamahan ko iyon ng ngising hindi ko mapawi kani kanina pa. I chuckled when I realized that I pissed him off.

"Don't worry, my husband. Lahat sila, hanggang tingin lang..." I winked and got near him to piss him off more.

He put his hand on my waist. His eyes dropped on his hand but he still looked pissed. I chuckled and thought of provoking things to say. Kaya lang naunahan niya ako. He lifted his gaze on me.

"Pull your skirt up," he commanded darkly.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#jonaxx