DIBA AKO ANG NAUNA ( FEB2023 ENTRY)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Entry for WriteAThonChallenge

Theme: "Jopay Love On You."

#WattpadAThonChallenge2023

#WattpadFebruaryEntry

Kung hindi ko pa nakita ang palubog na araw ay hindi ko namalayan na sobrang tagal ko ng nakaupo sa dalampasigan. Katabi ang lalaking minahal ko simula pagkabata hangga't sa naging binata siya at ako naman ay dalaga. Ngunit naudlot nang ako'y iwan niya at pinili na tuparin ang mga pangarap sa sarili niya.

"May pamilya na ako, Ethan. Umuwi na tayo malapit ng gumabi. Sigurado'ng hahanapin na ako ng kuya mo."Niyaya niya ako'ng mamasyal dahil may ipapakita raw siya na bagong isla na bibilhin nilang magkapatid. Si Ethan ay kaibigan ko at kaklase simula elementarya hangga't sa makapagtapos kami ng hayskul. Pero nakilala ko ang kapatid niyang si Emman at natutunan ko ito'ng mahalin.

"Alam ko, may pamilya ka. Pero hindi ka pa naman kasal, babe. Hindi pa tayo kinakasal. Excited ka naman." Heto na naman siya. Hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kanya na matagal na kaming naghiwalay.

"Hindi ako nakikipaglukuhan. Umuwi na tayo. Tatawag sa akin ang kuya mo. Malapit na mag-out 'yon sa trabaho." Nakatayo na ako sa bukana ng maliit na cabin; nakatirik sa isla na iyon na may mangilan-ngilang punong kahoy. Nagsinungaling siya na balak nila iyong bilhin. Ang totoo ay matagal niya na pala iyong sa kanya.

"Nakauwi ka na. Bahay mo ito."Giit niya. Ipkorita ako kung sasabihin ko na hindi ako kinikilig sa mga banat ni Ethan. Kilala ko siya at alam ko na totoong lahat ang namumutawi sa kanyang mga labi. Lumulukso at pumitik ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Matagal na naming pangarap ang isla na ito bata pa lang kami ay palagi namin itong tinatanaw at nangako siya na ibibigay ito sa akin. Tinupad niya na ngunit huli na. Oo hindi ko ipagkakaila na pakiramdam ko ay ligtas ako kapag siya ang kasama ko. Minsan na kami'ng nangarap at sobrang sarap lang balikan. Nadadala ako sa emosyon ko. Alam ko na kaunti pa naman ako'ng nararamdaman para sa kanya.

Naramdaman ko na nasa likod ko siya kaya nagsitayuan ang balahibo ko. Niyakap niya ako mula sa likod at ipinaikot ang mga braso sa akin, ikinulong niya ako sa bisig niya habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Tama nga siya. Nakauwi na ako. Ito ang bahay ko dahil sobrang komportable ako sa ganoong ayos namin.

"Sobrang nasasabik ako'ng makita ka't makasama Diana.." Parang sasabog ang puso ko dahil sa mga katagang iyon. Sabik rin naman ako na makasama siya ngunit ako'y nakatali na sa kapatid niya.

"Mali ito. Ito'y isang kasalanan." Napukaw ang nagdadalamhati ko'ng puso sa pagdating niya galing ibang bansa. Hindi siya nagpaalam ng umalis kaya hindi niya rin ako masisisi na tumanggap ng ibang manliligaw. Iyon nga lang ay kapatid niya pa.

"Tumigil kana Ethan.." Halos hindi ko masabi ang mga katagang iyon. Nanginginig ang mga labi at kamay ko dahil sa kakaibang init na mula kay Ethan. Nakayakap pa rin siya, hindi niya ako hinahayang makawala, sobrang lakas niya kaya wala ako'ng nagawa. Nagpaubaya na lang ako na mapaso ako sa init ng kanyang pagmamahal.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko, bagkus mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Walang imik pero naramdaman ko na lang na may mainit na likido ang tumulo sa may leeg ko. Umiiyak siya. Hindi na napigilan ang kanyang nararamdamang kalungkutan.

"Mahal kita.."Garagal ang boses habang bigkas ang katagang iyon. "Mahal kita, Diana. Alam mo 'yan matagal na. Gusto kita'ng makasama hangga't sa pagtanda natin. Diba, iyan ang pangarap nati'ng dalawa?." Pinapaalala niya ang nakaraan na kahit anong gawin namin ay hindi na pweding ibalik pa. Hindi ko alam ko'ng tutugon ako o mananahimik na lang.

"Patawad." Iyon lang ang tanging salita na kaya ko'ng bitawan. Pagkasabi ko non ay umikot siya sa harapan ko at kitang-kita ko ang panlulumo niya kaya napaluhod siya sa harapan ko habang mahigpit ang pagkakawak sa kamay ko.

"Diana.. bakit?.." Humihikbi'ng tano'ng niya sa akin. "Ano'ng nangyari? Bakit naging ganito? Wala akong ginawa sa buhay kundi ang abutin ang mga pangarap natin.."

"Pangarap mo lang." Putol ko sinabi niya.

"Alam mo na para sa ating dalawa lahat ng ginagawa ko. Kahit minsan hindi ako sumulyap sa iba'ng babae. Ikaw lang lagi ang nais ko'ng makita at makasama. Simula pa lang nangako ako sa'yo na tutuparin ko lahat ng gusto mo. Bumalik na ako dahil naabot ko na iyon lahat."

"Masaya ako na naging matagumpay ka, Ethan." Mahina na sabi ko. Nakatayo pa rin ako at nakatanaw sa malayo. Kung pwedi lang ibalik ang nakaraan ay ginawa ko na.

"Pero isa lang ang pangarap ko na hindi ko na matutupad. Iyon ay ikaw, Diana." Paos na sabi niya na halos ikamatay ng puso ko. Mahal ko siya pero huli na talaga.

"Ang lungkot. Nabuhay ako sa impyerno ng sampung taon, Diana at tanging memories lang natin ng gabing iyon ang bumubuhay sa akin."Ramdam ko ang pighati at paghihirap niya.

"Kalimutan mo na ang gabi'ng iyon, Ethan."

"Hindi. Ayoko. Kahit 'yon na lang, Diana." Nakikiusap ang hilam sa luha niya'ng mga mata. "Huwag mo nama'ng ipagkait sa akin ang nakaraan. Kung hindi ka na mapapasa-akin hayaan mo akong mabuhay sa mga ala-ala mo." Yumuko siya para umiwas sa mga titig ko. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Lumuhod rin ako sa harapan niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Patawad, Ethan. Patawad aking mahal dahil hindi kita hinintay. Patawad dahil akala ko hindi ka na babalik."



#WattpadAThonChallenge2023

#WattpadFebruaryEntry

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro