The Lost Diary

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

BLURB

Ten years ago, the loud of music saved her from death. Writer Joy Valdez had moved to another place after her whole family got murdered but there's a rumor that her youngest sister survived from death. In her new place she meet Felicity who stick at her side almost everyday then they became bestfriend.

Joy was a romance writer but she'd stop because of  tragedy that hits her whole family. Then one night her bestfriend trying to help her pursuing her dreams as a writer, then Joy readers become excited for her returns but they are wondering when the plot of romance novel turns out to be more fact than fiction.

...

"Joy. I'm always here. I will support your writing career. I feel it. You'll become a bestselling author someday."

"No. Hindi ayoko na. Stop this nonsense. I stop my dream to be an author 10 years ago. I don't want to write again. Since that incident.. I stop my dream." Pagtatanggi sa makulet ko'ng kaibigan na si Felicity.

Naalala ko ang gabi na iyon sa lumang bahay namin sa Quezon. I love to write with music loud. That was saturday at kakauwi lang ni Papa galing Saudi. Nagkakasiyahan sila sa bakuran namin with may three siblings. Shiela 15 years old, Rico 11 years old and Atasha 8 years old. I saw it from attic they're creating a bone fire at may nakalatag na mat sa ground at nakaupo sila. My mom happily grilling fish and barbecue.

Nilakasan ko pa ang volume ng pinapapakinggan ko'ng kanta dahil hindi ako makapag-focus. I'm about to finish my novel para maipasa ko next day. It supposed to be until Chapter 30 pero dahil busy rin ako sa pag-aaral ay hindi ko agad matapos-tapos. Nasa Chapter 28 pa lang ako. I love to write short story since grade school kaya noong nag first year college ako ay may nag-offer sa akin na magsulat para sa publishing company nila.

"Ate Joy.." Naglalambing na tawag sa akin ng bunso ko'ng kapatid. Nakapasok na siya sa kwarto ko at nakatayo sa may likod ko.

"Ate, tara na." Nakangiting yaya niya sa akin. Pangatlong balik niya na dito sa kwarto ko simula pa kaninang tanghali. Alive na alive pa rin kahit alas otso na nang gabi. Mabait siyang bata pero minsan pasaway din lalo na sa kusina. She always offered to cook at ilang ulit na rin nakabasag ng pinggan. Masyado siyang mahilig magluto ng kung anu-ano at minsan nag-eexperiment pa habang nanonood sa youtube.

"Atasha. I need to finish this." Mahinahon ko'ng sabi sa kanya. Malungkot ang mga mata niya. Siya ang may pakana nang ganitong kaganapan sa bahay. She loves foods kaya excited siya kapag kompleto kami. Naglalambing sa parents namin na magfoodtrip sa bakuran. Siya ang bunso kaya lagi siyang nasusunod but we also love the idea dahil masasarap ang pagkain na inihahanda ni Mama.

"Ate Joy. Please.." pangungulit niya pa.

"Sige. Sige. Tatapusin ko na lang ito at susunod na ako." Tumango siya at masayang bumaba patungo sa bakuran. Sumilip ako sa kanila mula sa bintana at kinawayan ako ni Mama. I saw Atasha smiling at me and giggling while talking to my Mom. Sobrang saya niya.

"It happened 10 years ago. Move-on, friend. Isipin mo naman ang sarili mo. Ang pangarap mo. Kontento ka na sa pagiging cashier mo sa mainit na department store na iyon?." Saad pa nito.

"Okay lang na mainit doon. Araw-araw ko naman nakikita ang boyfriend ko." Pagbibiro ko na lang sa kanya.  Pero sinimangutan niya lang ako.

After that incident ay lumipat ako ng bahay but before that ay ibenenta ko muna ang mga gamit ng magulang ko dahil hindi ko na rin naman kakailanganin ang mga 'yon. Maliban sa bahay dahil wala naman gustong bumili. That house was my grandma's house at ipinama kay Papa. Umuuwi naman ako once a week para maglinis doon dahil hindi ko naman ginalaw ang mga gamit ko sa attic. Nandoon pa rin hanggang ngayon dahil sa tuwing nalulungkot at namimiss ko ang pamilya ko ay umuuwi ako. Pero minsan ko narinig na may nakakita raw sa bunso ko'ng kapatid na umuwi sa bahay namin pero ilang taon ko ng hinanap at wala naman.

"Fely ayoko na talaga. I tried but I don't know how to start writing. I love to write pero nahihirapan ako kung paano magsimula ulit." Tanggi ko sa kaibigan ko.

I am 28 years old now at nakilala ko rin si Fely 10 years ago ng lumipat ako sa katabing bahay nila. She's friendly at naging masyadong close kami na halos doon na siya tumira sa maliit na bahay ko. I was 18 years old when that incident tragically happened. My world stop at wala akong maalala na kahit anong nangyari pagkatapos ng gabing iyon. Namanhid ako. My nerves almost died. Nawala ako sa sarili at halos madurog na ang puso ko. Buti na lang nakilala ko si Felicity at sabay kaming pumapasok sa school. Lumipat rin ako ng school at doon na nag-enrolled ng 2nd year.

"I miss them all." Tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. Sabi na kase na ayoko na magsulat at kahit kinukulit din  ako ng editor ko ay wala siyang napala. Itinapon ko na ang pangarap ko'ng iyon. Simula 2nd year hanggang 3rd year ay hindi ako nahirapan pag-aralin ang sarili ko dahil may naiwanang pera ang mga magulang ko sa banko at iyon ang ginamit ko sa pag-aaral ko. But when I enrolled 4rth  year college ay doon ko napagtanto na ubos na pala ang pera sa banko kaya tumigil ako.

Nakakapanghinayang rin dahil nagustuhan ng mga readers ang romance novel na sinulat ko noon but I abandoned it because I can't take it. Naalala ko ang nakaraan sa tuwing susubukan ko magsulat. Hindi ko naipagtanggol ang pamilya ko that time. Malakas ang tugtog sa kwarto ko ng gabi'ng iyon kaya hindi ko namalayan na humihingi na ng tulong ang pamilya ko. They murdered by someone whom I really known. Pero wala akong nagawa kundi ang umiyak at maglupasay na lang.

"Joy. Kumusta ang work?." Nadatnan ko si Felicity na naghihintay sa bahay ko. I work in a small grocery as a cashier.

"What are you doing?." Nasa harapan siya nang lumang computer ko at mukhang busy sa ginagawa.

"Bad mood ka na naman. Your name doesn't suit yourself. Smile lang. I'm just writing." Ayan na naman siya. Pinagsisiksikan na dapat lagi akong masaya dahil Joy ang pangalan ko.

"Writing? Nang ano? At teka nandito ka na naman. Hindi ka ba talaga hinahanap sainyo? Ilang taon ka na tambay dito sa bahay ko eh." Hindi sa ayaw ko siya dito pero wala siyang ibang ginawa ang pumunta dito sa bahay at manggulo ng nananahimik ko'ng buhay.

"I'm just writing. Okay it's done.!." Tinatanggal ko ang relo sa kamay ko habang sinisipat ang isinulat niya sa computer ko pero wala naman akong nakitang kahit anong words doon. Niluluko ata ako ng babaeng ito.

"Go home. Matutulog na ako."Pagtataboy ko sa kanya. Ayaw niya ako iwanan mag-isa kaya lagi ko siya pinagtatabuyan dahil kaya ko naman ang sarili ko.

"Ayoko sa bahay. Ang lungkot doon. Araw-araw na lang nag-aaway ang mga magulang ko at ang ingay ng mga kapatid ko." Pagsusumbong nito.

"Dinner ka na ba?." Tanong ko na lang sa kanya. Hindi ko na lang pinatulan ang sinabi niya dahil magdadrama na naman siya at baka mag-iyakan na naman kami. Nagbihis ako at inayos ang higaan. Kumakaain na rin naman ako sa labas bago umuwi sa bahay dahil ayaw na ayaw ko magluto. Since that tragedy ay nawalan akong gana humarap sa kusina. Kaya pagdating sa bahay ay matutulog na lang.

Naalimputangan ako kinaumagahan dahil sa ingay ng phone ko. May tumatawag. Ngayon lang nangyari ito. Unknown caller. Tamad na inabot ko ang phone sa ibabaw ng maliit na drawer at sinagot.

"Hello." Tamad pa rin na sagot ko.

"Congratulations! You did a great job Felicity. You did it again." Inilayo ko ang phone sa tainga ko dahil nabibingi ako sa boses ng nasa kabilang linya. I knew him. He's my editor. Mr. Ramirez. Pero bakit Felicity ang tawag niya sa akin.

"I'm not Felicity. I'm Joy Valdez." Ano na naman kayang ginawa ng kaibigan niya sa computer. Sigurado ginamit ang pangalan ko.. pero..

"You published a chapter in your abandoned story kagabi right? It's viral today! You're so smart Felicity. Pagkatapos ng pananahimik mo ay bumalik kana." Si Mr. Ramirez.

"I'm sorry pero hindi ako ang nagsulat niyan. Tulog ako magdamag." Pagtanggi ko.

"You're impossible. I know ikaw ang nagsulat dahil wala naman pweding gumaya ng style mo sa pagsusulat eh. It's still have uniqueness there." Pagkasabi ni Mr. Ramirez noon ay halos takbuhin ko ang computer ko para tingnan ang isinulat ng kaibigan ko kagabi. And I saw it in my Gmail. It was sent kaya binuksan ko para basahin. Pero naisipan ko na tingnan muna ang apps kung saan nakapublished ang novel ko.

Nagulat ako na sobrang dami ang comments at react ng isang chapter na sinasabi ni Mr. Ramirez na naipublished ko kagabi. Pero bakit Felicity ang nakalagay na penname?. I am Joy. I'm not her.

-this is amazing! Bumalik na si Ms. Author-

-sobrang galing ng comeback niya. Akala ko talagang hindi na matatapos ang akda niya-

-keep writing Ms.Felicity. hihintayin namin ang next chapter please-

Ilan lang yan sa mga comment na nabasa ko. Halos mahilo na ako sa sobrang dami. At nagscroll pa ako ng nagscroll pababa halos same lang naman ang mga sinasabi nila. Pero may isang comment na nakaagaw ng pansin ko; madaming reacts at replied sa comment niya.

-ang mahalaga bumalik siya kahit medyo nag-iba ang flow ng kwento. We trust you ate Felicity. I know may pasabog kang twist sa next chapter.. we're waitingg-

I don't know how to react pero hindi naman talaga ako ang nagsulat kaya talagang mag-iiba ang flow.

-oo nga. She's a romance writer pero parang nagkaroon ng suspense ang genre but it's okay. We're still supporting you ate Felicity-

Hindi ko kinaya kaya bumalik ako sa email at sinubukan ko'ng basahin ang isinulat ng kaibigan ko. Shocks ako dahil nandoon ang gabi na pinatay ang pamilya ko. It's not supposed to be like this dahil ang sinusulat ko ay love triangle. Magjowa at may isang babaeng involve na pinag-aagawan ang iisang lalaki na isang sikat na singer sa industriya pero ayon sa idinugtong na kwento ni Felicity ay ako ang girlfriend ng bidang lalaki. Iyong babae na mang-aagaw ( the antagonist ) ay pinatay niya ang pamilya ko para pahirapan ako. Halos mahulog ako sa pagkakaupo. She's referring to my family's murder case.

Pero nakasaad doon na walang nagawa ang bidang lalaki dahil baliw ang babae at nagtangka na pati ako ay papatayin din kapag nangialam siya.

"Ano bang alam mo Felicity." Bulalas ko. Kailangan ko siyang makausap. Wala naman siyang alam sa detalye ng gabing iyon pero bakit alam na alam niya kung paano pinatay ang pamilya ko. I need to talk to her para ipaliwanag niya ang ginawa niyang ito. Dawit ang pangalan ko at pamilya ko dito. Wala siyang respito sa akin. Kahit bilang naulila na lang sana.

"At Joy, hindi ka papasok?." Nabaling ang attention ko ng may matanggap akong mensahe galing sa katrabaho ko sa grocery.

"OTW." Replied ko na lang. Mayroon na lang akong 15 minutes parq mag-ayos ng sarili. Hindi na ako naligo. Nagtoothbrush na lang at naghilamos. Nagbihis at patakbong pumunta sa trabaho.

"Good morning Manong. Sorry late po ako." Bati ko sa security guard na nagbabantay sa gate. Bukas naman ang gate kaya tuloy-tuloy na akong pumasok.

"Excuse me Miss. Bago ka?." Natawa ako sa tinuran ni Manong dahil sobrang mapagbiro talaga nito sa mga empleyado doon. Pero nginitian ko lang siya at tumuloy na ako sa locker ko.

"Miss!." Pero napalingon na ako ng hinahabol niya ako at nakasunod na rin ang manager namin. "Felicity Soledad." Basa niya sa I.d ko na walang paalam na kinuha niya. Ano bang nangyayari. Bakit Felicity ang pangalan ko. Naguguluhan ako sa nangyayari na hindi ko maipaliwanag kung bakit tinatawag nila akong Felicity.

"Panaginip." Bulong ko sa sarili ko. Pumikit ako. Kinagat ko ang dila ko pero nasaktan ako. Hindi. Totoo ito. May kinalaman ba dito ang babaeng iyon. Humanda siya sa akin. Si Felicity ang nasa isip ko.

"Guard, anong problema?." Nakita ko ang manager na papalapit na at syempre kilala ko siya dahil siya ang boyfriend ko.

"Kase po Sir Reggie. Bagong empleyado eh." Pagsusumbong ni Manong guard. Hala. Bago talaga. Siya ata ang bago dito.

"Sige na. Ako na ang bahala dito." At senenyasan niya ang guard na umalis na. "Dalian mo. Kulang ng tao sa pwesto kaya pumasok kana." Sabi sa akin ni Reggie na kunwari hindi ako kilala.

"Yes sir." Sagot ko sa kanya. Nasa trabaho kami kaya naiintindihan ko naman siya. Pero hindi ba siya nagtataka na hindi Joy ang pangalan sa I.D ko? Mukha ko ang nakalagay pero iba ang pangalan. Pumasok na ako sa loob ng grocery at naghanap ng pwesto. Kahit nagtataka man ay patuloy pa rin ako sa pagtatrabaho.

Pagkagising ko pa lang ay iba na ang pakiramdam ko. Parang ibang tao ang nakikita nila sa akin. Gusto ko sana puntahan ang kaibigan ko pero hindi ako makaalis dahil araw ng sahod ngayon. Madami ang customer.

Makalipas ang maghapon ng makauwi na ako sa bahay. Hindi na ako nagpaalam kay Reggie dahil overtime na naman iyon. Naabutan ko si Felicity sa loob ng bahay ko at nakaharap na naman sa lumang computer ko.

"Magpaliwanag ka." Panimula ko habang pabagsak ko'ng inilapag ang bag ko at ilang grocery items na inuwi ko pero hindi niya ako tiningnan man lang, hindi siya natinag kahit alam niyang galit ako.

"Wala akong dapat na ipaliwanag." Saad niya na hindi man lang lumingon. Patuloy pa rin ang pagtipa ng keyboard na mukhang memorize lahat ng letra sa keyboard.

"Felicity! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!." Madiin ko'ng sinambit ang pangalan niya para marealize niya na mali ang ginagawa niya.

"Joy. Joy ang pangalan ko." Mahinang pagtatama niya.

"Sabi nang hindi ako nakikipagbiruan!." Hinablot ko ang braso niya ngunit tumagos lang ang kamay ko. Hindi ko siya mahawakan. Anong ibig sabihin nito!?

"A-ano ba'ng nangyayari??." Napaatras ako sa gulat. Biglang nanlamig ang buong katawan ko at namalayan ko na napaupo na ako sa higaan. Titig na titig lang ako sa likod ng kaibigan ko na hindi pa rin tumitinag sa pagkakaupo sa harapan ng computer.

"Anong nangyayari sa'yo? Namumutla ka." Malamig ang boses niya na lumingon sa akin. Tinitigan niya rin ako na parang wala man lang nangyari.

"Okay ka lang? Sorry kagabi. Kase nakita ko yong story mo sa lumang notebook kaya naisipan ko na ako na lang ang magsulat dahil naisip ko na hindi mo pa talaga kaya. Pero aksidente ko na nasend sa publisher mo. Ipapaalam ko sana sa'yo kaso mahimbing ang tulog mo kaya... sorry talaga." Ang dami niyang sinabi pero wala akong naintindihan. Sino ang babaeng kaharap ko. At anong lumang notebook ang sinasabi niya?

"Saan mo 'yan nakuha!." Dali-dali kong hinablot ang sinasabi niyang notebook. Naagaw ko sa kanya at binuklat ko. Ito ang nawawala ko'ng diary sampung taon na ang nakalipas. Akala ko nga kasama na iyon sa mga sinunog ko'ng mga papel sa lumang bahay namin.

"Napulot ko.. sa ilalim ng higaan mo.." Mahina ang boses na sabi niya na halos hindi ko marinig ang boses niya.

"Sa ilalim?." Itinuro ko ang ilalim ng kama ko.

"Hindi doon sa lumang bahay." Natameme ako. Barado ang isip ko. Ni minsan hindi ko siya niyaya na pumunta sa lumang bahay na iyon. Paano siya nakarating doon at napulot ang notes na ito. At bakit nakasulat doon ang kaganapan ng gabing iyon na pagpaslang sa buong pamilya ko? Halos himatayin na ako sa samu't-saring haka-haka na pumapasok sa aking isipan. Buti na lang may kumatok sa pintuan kaya nagising ang aking diwa.

"Maiwan muna kita.."Paalam ni Felicity na hindi ko man lang nilingon bago lumabas ng pinto.

"Babe? Ako 'to. May ginagawa ka? Gising ka pa ba?." Sunod-sunod ang katok ni Reggie at tanong sa akin. Tinago ko muna ang diary bago binuksan ang pinto.

"Are you okay? Namumutla ka?." Tanong niya ng makapasok siya.

"May nakita ka ba'ng babae na lumabas galing dito sa loob?" Curious na tanong ko kay Reggie. Imposible ang nasa isip ko.

"Wala." Confirmed. Hindi tao si Felicity.

"Okay ka lang?." Tanong niya ulit na hinawakan ang magkabilang pisngi ko at dinampihan ng halik sa labi.

"Okay lang ako." Pagsisinungaling ko.

"Hindi ka nagpaalam kanina. Umuwi ka na naman mag-isa." Pagtatampo ni Reggie at alam ko na may kasalanan ako kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Pero kilala niya ako. Limang taon ko na siyang boyfriend kaya alam niya kung may bumabagabag sa akin o may problema ako. Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya kumawala ang isang hikbi ko at kumawala. Hindi ko na napigilan pa. Natarantang inaalo ako ni Reggie.

"Shhh. Tahan na." Pag-aalo niya sa akin at mas lalo naman akong napaiyak.

"Tahan na sabi; dahil wala naman makakaalam." Kumalas ako sa kanya dahil sa aking narinig.

"Ano'ng sinasabi mo?." Naguguluhan na tanong ko.

"Walang makakaalam na ikaw ang pumatay kay Joy at sa pamilya mo." Mahinahon na sambit ni Reggie na parang normal lang ang pinag-uusapan namin.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?!." Tuluyan na akong lumayo sa kanya at hindi mapakali dahil sa mga sinasabi niya.

"Nabasa ko ang nobela mo." Malamig ang mga mata ni Reggie na nakatitig sa akin.

"Ikaw ang pumatay kay Joy at sa pamilya mo." Ulit nito.

"Pero ako si Joy!." Turo ko sa sarili ko. "Hindi ako baliw para makalimutan ko ang pangalan ko." Dagdag ko pa. Ramdam ko'ng galit na ako dahil nang-iinit na ang aking pisngi.

"Hindi ikaw si Joy, Babe. Tama na. Ikaw si Atasha. Ang bunsong kapatid ni Joy." Madiin ang pagkakasabi Reggie sa pangalang Atasha.

"Please stop. Ginugulo mo ang isipan ko." Napapaiyak na ko sa sobrang gulo ng sitwasyon at kaganapan na ito.

"Ako si Joy." Ulit ko.

"Tama na Atasha. Dito sa bahay na ito nilason mo ang Ate Joy mo at ang kaibigan niya na si Felicity." Hindi ako pweding maniwala sa pinagsasabi niya dahil wala sa memorya ko ang mga bagay na iyon.

"Hindi ka nakakatuwa Reggie." Naiiyak ako at natatawa sa mga paratang niya. Mababaliw na ako kung seseryusin ko ang mga sinasabi niya. Ayoko maniwala dahil hindi ko magagawa 'yon sa aking pamilya.

"Tama na yan babe. Okay lang naman sa akin eh. Kahit sino ka pa. Mahal kita." Nanghina na naman ako. Siya lang ang nagpapakalma sa akin. "Tanggap ko ang pagbabalat-kayu mo bilang ate mo o kahit sino pa ang gustuhin mo'ng maging ikaw. Tanggap kita kahit magkunwari ka pa'ng ako. Please tama na." Nakikiusap ang kanyang mga mata.

"Salamat." Sambit ko na may ngiti sa labi. Sobrang swerte ko sa boyfriend ko'ng ito dahil wala ako'ng masabi sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang sarili ko kung hindi ko siya nakilala. Pero alam niya pala ang lahat-lahat.

At si Felicity. Kailangan ko siyang makausap. Pero bukas na dahil sobrang pagod na ang isip ko ngayong araw. Wala na rin naman akong lakas ngayon para kausapin siya.

"Good morning, babe." Bati sa akin ni Reggie na nakangiti. Mukhang nakaligo na siya at ready na pumasok ng trabaho.

"Hindi ka umuwi kagabi? Sabi mo papatulugin mo lang ako tapos uuwi ka na." Malambing na sabi ko.

"Tinapos ko kase'ng binasa yong sinulat mo. Sorry. Hindi ko alam na ganoon pala ang totoong nangyari." Lumuhod siya sa akin at hinalikan ang kamay ko. "Hindi mo kasalanan ang nangyari, babe. Isang aksidente lang ang lahat." Dagdag niya habang pinipisil-pisil ang mga palad ko. Ang sweet talaga, umagang-umaga pinapakilig ako.

"Hindi ako ang sumulat noon. Si Felicity." Pagtanggi ko.

"Alam ko." Biglang naging malamig ang tono ng boses niya.

"Magsisimula na naman tayo, babe?." Tanong ko sa kanya habang nakaupo na ako sa higaan at nakasalampak naman siya sa sahig.

"Magsisimula? Hindi. Kase tinapos ko na ang paghihirap mo. Atasha." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero parang bigla akong kinabahan. Biglang nawala siya sa harapan ko. Napalingon ako sa may kusina ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Sobrang hina.. nanghihina.

"Babe. A-Atasha.. F-first time ko m-matikman ang luto mo.. M-m-masarap ka pala magluto." Nakangiti si Reggie ngunit nakikita ko'ng hirap na hirap na siya magsalita. Nakaupo sa mesa at halos masubsob na ang mukha sa pinggan na puno ng pagkain.

"Reggieeeee!!.Ano bang nangyayari!?." Sigaw ko kay Reggie ngunit wala na siyang lakas para sagutin ang tanong ko. Bumubula na ang bibig.

"Nilason ko.." May isang tinig akong narinig na nangagaling sa loob ng banyo.

"Nilason ko katulad ng ginawa mo sa pamilya mo noon, kay Joy at Felicity." Dahan-dahan akong naglakad patungo sa banyo na halos hindi umaangat ang aking  mga paa. "S-sino ka?. Ikaw ba ang may kasalanan ng lahat?." Tanong ko sa kanya pero hindi na siya umimik. Napahawak ako sa aking bibig dahil sa nakita ko.

Kitang-kita ko ang aking sarili na nakahandusay sa sahig. May suot na apron at hawak na sandok habang nakangiti sa akin na bumubula rin ang bibig.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro