Araw Ng Kalayaan

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ARAW NG KALAYAAN
Written By: Jeeasyc

▪grammatic errors ahead▪

--

Naglalakad ngayon si Arlyn papunta sa isang coffee shop para ito ay makipagkita sakanyang kasintahan na si Michael. Habang ito'y naglalakad may isang babae s'yang nakitang nakaupo sa isang sulok at umiiyak, naawa ito rito kaya n'ya ito nilapitan..

"Miss?" Tawag n'ya rito ng makalapit s'ya rito, pero mas lalo lang umiyak ang babae.

"Miss, may problema ba?" Muli n'yang tanong, kaya napa atras na lamang si Arlyn ng papatayo na ang babae.

"Arlyn, bakit ganun? Bakit ayaw mong ibigay sa'ken ang kasiyahan na ninanais 'ko?" Halos mapanganga si Arlyn rito at hindi n'ya maintindihan ang sinasabe ng babae.

"Ah? Miss, nagkakamali ka ata? Baka ibang Arlyn ang tinutukoy mo." Sa loob loob ni Arlyn ay naguguluhan na ito, pero mas lalo itong natakot nang lapitan s'ya niti kaya namukhaan na n'ya ang babae..

"S-scarlet?" Nauutal n'yang saad habang ito'y gulat na gulat, dahil matagal nang patay si Scarlet.

"Arlyn, ako nga. Ako 'yung babaeng pinatay mo. Pinatay mo 'ko, Arlyn!"

Napapailing na napapaluhang humarap si Arlyn kay Scarlet..

"Hindi, hindi 'yan totoo Scarlet! Hindi kita pinatay! Scarlet, hindi ako 'yun.." Pagpipilit ni Arlyn rito pero hindi pa rin naniniwala si Scarlet rito.

Ngunit hindi alam ni Arlyn na naroon si Michael na kanyang kasintahan at nakikinig sakanila..

"Sinungaling! Ikaw ang pumatay sa'ken! Dapat kang makulong, Arlyn! Pinatay mo 'ko!" Naiiyak na sigaw ni Scarlet rito pero bagkas pa rin sa tono ng kanyang boses na s'ya ay nagagalit.

"Sinasabe na nga ba!" Mas lalong natakot si Arlyn nang lumapit si Michael rito..

Pareho silang nakakakita kay Scarlet, at nakakausap nila rin ito.

"Babe, l-let me exp--"

Hindi na natuloy ni Arlyn ang kanyang sinasabe ng sampalin s'ya ng malakas ni Michael..

"K-kuya.." Sa itsura ni Scarlet, ito'y nagmamakaawa..

Pero hindi alam ng magkapatid na hindi talaga si Arlyn ang nakapatay rito, walang iba kundi ang..

Kakambal ni Arlyn na si Arlene, ngunit ayaw lang na sabihin ni Arlyn.

"M-maniwala k-kayo s-sa'ken p-please.." Pagmamakaawa ni Arlyn sa mga ito at tuluyan na s'yang napaluhod.

"Hindi, dapat kang makulong!" Galit na galit na saad ni Michael at kinuha n'ya ang kanyang cellphone at may tinext..

"Babe, anong ginagawa mo?" Naluluhang tanong ni Arlyn ng makita n'yang nagsisidatingan ang mga pulis.

"Heto ba ang suspek na tinutukoy n'yo, Sir?" Tanong ng isa sa mga pulis rito habang tinuturo si Arlyn, ngunit naluluha lang na napapailing ito..

"Huliin n'yo s'ya! S'ya ang pumatay sa kapatid 'ko!" Sa pagkakataong 'yun tuluyang nanghina si Arlyn, at pinosas na ito.

"Ms. Arlyn Castro hinuhuli ka namin sa salang pag patay ka Ms. Scarlet Del Fuego." Nagpupumigilas naman si Arlyn habang ito'y naiiyak.

"B-babe, b-bat mo ginagawa i-ito? Babe m-mahal mo 'ko hindi ba? Dapat s-sa'ken ka maniwala, M-michael.." Pagmamakaawa ni Arlyn rito pero hindi pa rin s'ya pinakinggan ni Michael.

"Arlyn, hindi kita mahal! At kahit kailan hinding hindi kita mamahalin!" Malakas na sigaw ni Michael kaya si Arlyn ay natauhan.

"A-anong i-ibig m--"

"Ikulong n'yo na s'ya!" Pagpuputol ni Michael sa sinasabe ni Arlyn kaya si Arlyn ay isinakay na sa kotse..

Habang si Scarlet naman ay masaya na dahil sa akala n'ya ay nakamit na n'ya ang hustisyang inaasam n'ya..

10 years later..

"Bes, congrats!" Masayang bati ni Jess rito sakanyang kaibigan.

"S-salamat.." Nauutal na sambit ni Arlyn at muli na silang naglakad.

Mahigit sampong taon simula nang makulong si Arlyn pero ngayon ay malaya na s'ya, dahil lumabas na ang katotohanan..

"Bes biruin mo 'yun talagang nakalaya ka sa araw pa ng kalayaan.." Pagbibiro ni Jess rito pero seryoso lang si Arlyn.

"Akala 'ko talaga hindi na mailalabas 'yung kato--" Hindi na natuloy ni Arlyn ang kanyang sinasabe nang makasalubong nila si Michael..

"Babe.." Saad ni Michael rito pero hahakbang na ulet sana si Arlyn ng hilain s'ya ni Michael..

"Michael, ano ba?! Bitawan mo nga 'yung bestfriend 'ko!" Pagtatanggol ni Jess rito..

"Iwan mo muna kame, bes." Seryosong saad ni Arlyn kaya wala nang nagawa pa si Jess.

"Arlyn, I'm sorry.. Patawarin mo 'ko!" Pagmamakaawa ni Michael rito at lumuhod kay Arlyn.

"Alam 'ko, andami 'kong pagkukulang sayo.. Pero babe hayaan mo 'kong bumawi sayo, magsimula ulet tayo.. Please, babe.." Sa tono ng boses ni Michael ay seryoso ito, pero hindi pa rin maipagkakaila na naluluha ito.

"Tumayo ka na d'yan, dahil nung mga araw na paulit ulit akong nagmakaawa sayo.. Hindi ka naawa, hinayaan mo 'kong makulong! Ikaw ang dahilan 'kung bakit ako nakulong sa sampong taon!" Kahit naluluha na ito, ay bagkas pa rin sa tono ng kanyang boses na galit ito.

"B-babe, pl--"

"Tama na, Michael! H'wag na h'wag mo 'kong tatawaging Babe dahil hindi ba sinabe mo? Na kahit kailan hindi mo 'ko minahal at hinding hindi mo mamahalin ang katulad 'ko 'di ba?!" Sa pagkakataong 'yun mas nilakasan pa ni Arlyn ang kanyang boses.

"Malaya na 'ko.. Kaya isinusumpa 'ko ngayong araw ng kalayaan na 'to, ay pinapalaya na rin kita.." Huling sambit ni Arlyn at tuluyan na itong umalis.

--

- Jeeasyc ✍🏻🖤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro