Bakit?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

BAKIT?
Written By: Jeeasyc

▪grammatic errors ahead▪

--

Kasalukuyang nag-aactivity si Denise at kanyang mga kaklase, at binigyan sila ng sampong minuto para gawin ito.

"Okay, class. Mauuna na ko dahil may meeting pa ko at Denise ikaw na mangolekta." Pagkabanggit sa pangalan ni Denise napatingin ito sakanilang guro.

"Sige po, Ma'am." Ngumiti lang ang kanilang guro at umalis na.

Pagkaraan ng sampong minuto..

Tumayo na si Denise at iniligpit ang kanyang mga gamit.

"Mangongolekta na ko." Anunsyo nito sakanyang mga kaklase.

"Hindi pa ko tapos!"
"Oo nga!"
"Number 5 palang ako!"
"Di pa ko tapos magdrawing!"

Pagrereklamo ng ilan sa mga kaklase nya kaya tinignan ng masama ni Denise ang mga ito.

"Fine, limang minuto pa para sa mga hindi pa daw tapos." Pagdidiin ni Denise kaya mas binilisan pa ng mga kaklase nya ang pagsasagot.

Itinuloy na ni Denise ang pagkolekta sa mga kaklase nyang tapos na.

"Tapos ka na?" Tanong nya sa isa sa mga kaklase nya.

"Hindi pa." Kaya nilagpasan nya ito.

"Tapos ka na?" Tanong naman nya sa isa pa.

"Oo." Iniabot naman ito ang notebook nya kay Denise kaya kinolekta na nya ito.

Nagpatuloy lang si Denise sakanyang ginagawang yun.

Hanggang sa makarating ito sa dulo..

"Maxwell, tapos ka na?" Tanong ni Denise sa isang lalakeng kaklase nya.

Si Maxwell lang naman ang nag-iisang crush ni Denise simula palang nung first day of school nila, pero sa kasamaang palad hanggang crush lang sya dahil may kasintahan na hetong si Maxwell.

"Oo, tapos na ko." Natataranta nitong sagot kaya kinolekta na ni Denise yung notebook nito.

Ngunit hindi alam ni Maxwell na yung sulat nya para kay Denise ay nakaipit sa notebook nyang yun.

Habang naglalakad si Denise papunta sa faculty room may babaeng tumatakbo kaya nabangga sya nito.

"Sorry, Miss." Saad ng babae at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Kainis naman." Naiinis na saad ni Denise, masyadong masungit sya sa araw na to dahil dinadalaw ang gaga.

Kaagad naman nyang pinulot yung mga notebooks at pumasok na sa faculty room, pagkalapag nya sa mga notebook sa table ng guro nila may napansin sya sa isa sa notebook.

"Envelope?" Nacurious si Denise kaya kinuha nya ang envelope na nakaipit sa isa sa mga notebooks. "Teka, notebook yun ni Maxwell eh." Saad nito sakanyang sarili

Dahil sa pagka-curious ni Denise binasa nya ang nakasulat rito sa envelope at doon na lumantad sakanya ang katotohanan.

"Hindi, nagpraprank lang to si Maxwell panigurado." Pinipigilan naman nyang hindi maiyak dahil katabi lang nya ang mga ibang teachers.

Hindi na napigilan ni Denise kaya lumabas ito ng faculty room at pinunasan yung mga luhang nagsisipatakan sakanyang mga mata.

"Imposible.." Naiiling nitong saad kaya napagpasyahan nyang bumalik sakanilang room para kausapin si Maxwell tungkol rito.

"Hey." Bati sakanya ng isa sa mga kaklase nya pero hindi nya ito pinansin pa at nilapitan si Maxwell.

"Max, mag-usap tayo." Seryosong saad ni Denise rito kaya napatayo naman si Maxwell.

Nung una nagtataka pa si Maxwell pero nang makita nyang hawak ni Denise ang envelope halos manghina ito.

"Sayo to di ba?" Paniniguro ni Denise habang pinapakita rito ang isang envelope.

"O-oo." Nauutal naman nitong sagot.

"So." Bumuntong hininga naman ito habang may mga bahid na ng luha sakanya mga mata. "Ikaw sya? Ikaw si Justine?" Pagdidiin nito habang tuluyan ng nagsipatakan yung mga luha nya.

"D-denise.."

"Maxwell, sagutin mo yung tanong ko! Ikaw ba si Justine?! Ikaw ba?!" Dahan-dahan na tumango si Maxwell kaya halos manghina si Denise sakanyang kinatatayuan.

Tuluyan na itong naiyak dahil sa nalaman nya, kaya nasampal nya ng malakas hetong si Maxwell. Halos lahat ng mga kaklase nila ay nagulat dahil sa ginawa ni Denise.

"Yung lalakeng matagal ko ng hinahanap, yung lalakeng kinababaliwan ko, yung dalawang lalakeng yun iisa lang pala." Naiiyak nitong saad. "Maxwell, Justine. Pinagmukha mo kong tanga!" Malakas na sigaw nito rito bago sya tuluyang tumakbo paalis.

"De-- Denise!" Paghahabol ni Maxwell or Justine rito.

Napadpad si Denise sa likuran ng kanilang skwelahan.

"AHHH!" Napaluhod si Denise dahil sa sobrang saket ng nararamdaman nito.

"I'm sorry, patawarin mo ko.." Nang marinig ni Denise ito agad itong tumayo at hinarap si Maxwell.

Lumapit si Maxwell rito at niyakap nya ng mahigpit si Denise.

"Denise, sorry. Nadala lang ako ng takot ko, wala pa kong lakas ng loob non." Kumawala si Denise sa yakap nito at sinampal si Maxwell.

"Maxwe-- Justine, bakit? Bakit nagawa mo to saken?! Bakit ginawa mo yun?! Bakit mo ko iniwan?! Tapos ngayon? Magpapakita ka bigla-bigla tapos araw-araw akong pumapasok, araw-araw kong nakikita yang pagmumukha mo. Nainlove ulet ako sayo! Hindi ko inaasahan na ikaw yan, Jus! Nagising nalang ako yung lalakeng matagal ko ng hinahanap ay yung lalakeng kinababaliwan ko!" Tuluyan na itong humagulgol kasabay non ang pagbagsak ng ulan. "Maxwell, Justine. Bakit? Bakit?!" Naiiyak nitong tanong at tuluyan ng napaluhod.

--

- Jeeasyc ✍🏻🖤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro