My Twin Sister

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MY TWIN SISTER
Written By: Jeeasyc

▪grammatic errors ahead▪

--

Noong unang panahon may kambal na babae na pinangalanan na Angelica at Abegail. Hindi mapagkakaila na sobrang close ang dalawa sa isa't isa. Bata palang ang mga ito ay malapit na sila sa isa't isa. Pero may step mother sila at napakalupit nito sakanilang dalawa.

"Aray, Tita Jane! Tama na po!" Naiiyak na pakikiusap ni Abegail sa step mother n'yang si Jane pero hindi s'ya pinansin nito at nagpatuloy ang babae sa pananakit sakanya.

"Tita Jane!" Sambit pa nang isang bata at si Angelica ito marahas n'yang itinulak ang step mother n'ya para mailigtas ang kanyang kakambal.

"Angelica, tara na!" Pag-aaya ni Abegail kaya ang dalawa ay tumakbo palabas.

"Hoy! Mga hayop kayo bumalik kayo!" Malakas na sigaw nang kanilang step mother pero mas binilisan lang nang dalawa ang pagtakbo.

Ulila na ang kambal, simula nung namatay ang kanilang ina sa panganganak sakanila. Nag asawa muli ang ama nila at sa kasamaang palad ang napangasawa nito ay isang malupit na babae, at 'yun nga si Jane pero pagkalipas ng ilang taon namatay din ang ama nang kambal.

Duon na nagsimulang magalit nang lubusan si Jane sa kambal na anak ni Rodolfo. Isinisi n'ya sa kambal ang pagkamatay nang lalakeng pinakamamahal n'ya.

Kasalukuyang nakatago ang kambal sa isang puno.

"Angelica, asan na kayo? Oh h'wag na kayong matakot pa ni Abegail." Parang baliw na si Jane, nabaliw s'ya simula nung namatay si Rodolfo.

Sa puno na pinagtataguan nang kambal labis silang natatakot at si Abegail ay napapaiyak na.

"Angelica, ano nang gagawin natin?" Tanong ni Abegail sakanyang kakambal habang ito ay umiiyak.

Ngunit nagulat ito nang maglabas ng kutsilyo si Angelica.

"A-anong g-gagawin m-mo, A-angelica?" Bagkas sa boses ni Abegail na natatakot ito sa maaaring gawin ng kanyang kakambal.

"Dito kalang, ako nang bahala sakanya." Mala demonyong saad ni Angelica at lumabas s'ya sa punong pinagtataguan nila nang kakambal n'ya.

Nakangising lumapit ang kanilang step mother na si Jane sakanya.

"Andyan kalang pala, Angelica. 'Kung saan saan kita hinahanap." Sambit nito at niyakap n'ya si Angelica.

Ang dalawa ay parehong may hawak na kutsilyo, bago pa masaksak ni Jane sa likod si Angelica ay nasaksak na ito sakanyang puso.

Nabitawan ni Jane ang hawak n'yang kutsilyo at napaluhod ito tsaka napasuka na nang dugo.

"A-anong g-ginawa m-mo?" Nauutal na tanong ni Jane kay Angelica habang sumusuka ito nang dugo.

"Paalam, Tita Jane." At marahas n'yang isinaksak ang kutsilyo sa puso ni Jane at hiniwalay n'ya ang puso ni Jane sa katawan nito.

Tuluyang napahiga si Jane at binawian na ng buhay, habang hawak hawak ni Angelica ang puso ni Jane ay paulit ulit nito sinasaksak.

"'Kung pagandahin kaya kita, Tita." Isinantabi n'ya muna ang puso ni Jane at sinimulan na n'yang balatan ang mukha ng kanyang step mother.

"Angelica, nagugutom ako." Matamlay na saad ni Abegail, napatingin si Angelica rito kaya kinuha n'ya ang puso ni Jane at iniabot kay Abegail.

"Ating pagsaluhan ang walang buhay na katawan nang babaeng sumira sa buhay natin." Seryosong saad ni Angelica kaya kinain na ni Abegail ang puso ni Jane.

Samantalang si Angelica ay patuloy ito sa pagbabalat ng mukha nang kanyang step mother at sinisipsip ang dugo nito.

Uhaw na uhaw ang magkambal sa dugo ni Jane at sarap na sarap ang mga ito sa pagkain sa walang buhay na katawan ng kanilang step mother na si Jane.

--

- Jeeasyc ✍🏻🖤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro