Shout Out

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SHOUT OUT
Written By: Jeeasyc

▪grammatic errors ahead▪

--

Friday ngayon at araw ng intramurals namin, gusto ko namang mag-absent pero hindi pwede.. Gusto kong perfect attendance ako hehehehe.

"Bago natin umpisahan ang palaro sa volleyball, mag-shout-out muna tayo." Anunsyo ni Ma'am Tine kaya naghiyawan ang lahat. "Piso kada papel." Dagdag pa ni Ma'am Tine.

"Yeng, pashout-out tayo!" Sigaw saken ni Natalie.

"Tara, tara!" Sagot ko naman rito.

"Kuha ka ng papel tsaka ballpen." Saad naman ni Ash.

"Del, hawakan mo muna bag ko." Hinawakan naman nya kaya naghalungkat na ko rito ng ballpen tsaka papel. "Heto." Iniabot ko naman kay Ash.

"Ano naman isusulat ko?" Tanong nito saken.

"HEY!" Nagulat naman kame ng biglang sumulpot si Yanyan.

"Oh? Napano ka?" Tanong ko rito.

"Tara, pashout-out tayo!" Sagot nito at iniabot naman ni Ash sakanya yung papel at ballpen. "Shout out kay?" Basa nito sa sinusulat nya.

"Dash Cameron." Sagot naman ni Delia kaya binatukan ko ang gaga.

"Hoy, wag!" Pigil ko kay Yanyan pero sinulat na nya.

"Hayaan mo nalang, Yeng!" Sabat naman ni Natalie kaya nagpaubaya na ako.

"Tapos? Ano pa?" Pagtatanong ni Yanyan.

"I love you." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabe ko.

"Ayieeeee." Pag-aasar nila saken pero sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Shout out kay Dash Cameron I love you." Basa ni Ash sa sinulat ni Yanyan.

"Ako naman, shout out kay Vinvin Marquez mahal kita from y." Nagulat naman ako ng sabihin yon ni Yanyan.

"Ayieee, mahal mo pala pinsan ko eh Yan!" Asar ko rito.

"Pinsan mo si Vinvin?" Gulat na tanong ni Natalie.

"Oo, kay Tatay ko." Sagot ko at napa-AHH naman ito.

"Dali na, ibigay nyo na kay Ma'am Tine! Heto dalawang piso." Pagmamadali ni Delia, sabay abot ng dalawang piso.

"Sandali, from cute amo Yan!" Saad ko rito pero nagkunot-noo lang sya.

"Ang badoy non, Yeng!" Sambit naman nya.

"Babe." Sabat ni Natalie, dali-dali namang sinulat ni Yanyan to.

"Bat babe?! Malalaman nilang ako yung nagpashout-out eh!" Anya ko sa mga ito.

"Bakit ba, Yeng?" Tanong ni Ash.

"Callsign namin yon dati." Mahinang sagot ko.

"Hayaan mona, Yeng! Sige ibibigay ko na!" Tumakbo naman si Yanyan papunta sa stage.

"Shout out sa mga may jowa dyan, magbrebreak din kayo walang forever!" Naghiyawan naman kame sa sinabe ni Ma'am Tine.

"Kinakabahan ako, taena!" Sigaw ko sa mga ito habang palakad-lakad ako.

"Chill kalang, Yeng." Pagpapakalma naman saken ni Ash.

Mga ilang papel na din ang shino-shout out ni Ma'am Tine, kanina pa rin ako pinagpapawisan.

"Shout out kay Vinvin Marquez mahal kita from y." Pagkasabe non ni Ma'am Tine pinagtutulak namen si Yanyan, habang sa stage naman ay nakikita namin si Vinvin na pinagtutulak rin.

"Shout out kay Dash Cameron I love you." Napahinto naman ako ng marinig ko yon, at halos lahat sila ay nagsihiyawan. "From babe mo." Dagdag pa ni Ma'am Tine kaya mas lalong lumakas ang hiyawan at tilian ng mga kaschool-mate namin rito.

Nakita ko namang kinikilig si Miko at pinagtutulakan sya ng kanyang mga kaibigan, ganon din ang ginagawa saken nina Ash, Delia, Natalie, at Yanyan.

Halos lahat ng tingin ay sa akin, habang yung iba tinuturo ako at bigla nalang ako aasarin.

"Yeng, si Dash umaakyat sa stage!" Anunsyo ni Natalie sa amin kaya agad kameng tumingin sa stage at mukhang kinausap ni Dash si Ma'am Tine dahil binigay sakanya yung microphone.

"Shout out kay babe ko, I love you too." Sa pagkakataong ito, mas malakas na hiyawan at tilian ang ibinuga ng mga kaschool-mate namin.

--

- Jeeasyc ✍🏻🖤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro