Ika-Labing L I M A

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ika-Labing L I M A

----

Muli akong bumalik sa pugong ginto upang umpisahan na ang paghahanap sa mga konseho, Ang sabi ay nasa plasa murous at Pugong ginto lamang nakatago ang mga konseho kung kaya't sa dalawang lugar lamang na iyon nagha-hanap ang mga kalahok sa pag susulit.

Mabilis akong nagtago sa likod ng punong yaman ng makita ko si Pula na naglalakad sa direksyon ko. Lumingon ako sa aking likod, nakita ko naman doon si Dilaw na nakatingin rin kay Pula. Ang hitsura ni Dilaw ay yung hitsura na hindi mo maaaring pagkatiwalaan. Nakikita ko sa kanyang awra na naka sentro lamang ang pokus niya sa pagsusulit. At sa ugaling alam ko na ugali ni Dilaw na ang sariling kapakanan lamang ang mahalaga ay, hindi malabo na  handa siyang labagin ang patakaran ng pagsusulit na ito, manalo lamang. Ganon kadilim ang awra ni Dilaw.

Narito ako sa paligsahan upang mahanap ang isa sa mga konseho at hindi upang makipaglaban sa mga ka-uri. Alam ko na hindi ko maiiwasan ang pakikipag laban dahil nasa gitna ako ng pagsusulit, ngunit hindi iyon ang pakay ko, kung kaya kong iwasan ang pakikipaglaban, iiwasan ko. At ngayon ang isa sa mga pagkakataon ba 'yon. Wala naman akong mapapala ngayon kung kakalabanin ko silang dalawa. Oo nga, at may mag bandera ako na makukuha sa kanila kung sakali man na matalo ko sila, ngunit, ayokong isugal ang lakas ko sa ngayon. Ayoko silang kalabanin. Matawag man akong duwag ngayon ay ayos lang. Sa pagsusulit na ito, ay kailangan maging matapang, ngunit mas kailangan maging matalino. Kailangan kong piliin ang mga laban ko. At ngayon.. mas kailangan kong itabi ang aking lakas, para sa mga darating pa na mas mahalagang laban.

Walang sabi sabi ay agad akong nagsa-himpapawid. Hindi pa ako nakakalipad ng mataas ng narinig ko ang sigaw ni Pula.

"Mababang-uri na nga, duwag pa!"

Sa halip na makaramdam ng sakit sa narinig, ay natawa na lamang ako. Tulad ng aking inaasahan.. Nag patuloy ako sa pag lipad at nag pasya na lamang na mag tungo ulit sa plasa murous. Mas malaki at nas malawak ang plasa murous, sigurado ako na mas maraming kalahok ang naghahanap sa pugong ginto dahil maliit lamang iyon.

Nag punta ako sa puso ng plasa murous na puro matatayog na punong yaman. Masukil na kagubatan. Ang pangalawang pinaka delikado na lugar sa buong Arcyanis, sunod sa ginintuang landas.

Ito pa lang ang pangalawang beses kong makakarating dito. Ang unang beses, ay ang nung munti pa lamang ako. Yun din ang panahon na magulo pa sa Arcyanis. Yun din ang panahon na magulo at walang ayos, yung mga Kyanian ay nagagawa ang lahat ng kanilang naisin. Lahat ng gusto nilang paslangin ay napapaslang nila, ng walang kapalit na parusa.

Wala sa sariling kinapa ko ang bandera na nasa aking braso. Kailangan ko itong pangalaan, kahit anong mangyari. Alam ko na marami ang magtatangaka na kunin ang aking bandera, dahil para sa kanila ay mahina ako, at iyon ng bagay na kailangan kong patunayan sa kanila. Na hindi ako kasing hina ng tulad ng iniisip nila.

Habang naglalakad ay may kakaiba akong naramdaman ng makarating ako sa isang kweba. May kakaiba akong naramdaman doon, hindi ko alam kung ano.. Ngunit, kakaiba. May nararamdaman akong buhay doon. May cyanis doon. Hindi ako kung saan galing na tribo ngunit, sigurado akong may cyanis doon.


Lumingon ako sa aking paligid at tiniyak na ako lamang ang ang cyanis na naroon, bago inilabas ang dalawang shodoor. Humawak ako sa magkabilaan kong kamay. At hinanda ang sarili sa kung anoman ang mangyayari kapag pumasok ako sa kwebang iyon. Hindi ako sigurado kung ang isa sa mga konseho ang naroon sa loob ngunit, kailangan kong subukan pasukin. Delikado.. ngunit, ito ang buhay na pinili ko. At ang buhay na tatahakin.

Kahit walang kasiguraduhan, susugal ako, manalo lamang sa pagsusulit na ito.

Pigil pa ang hininga na lumapit sa kweba.. Nakakaramdam na ako ng takot ngunit kailangan gawin.. Isa pang malalim na hininga ang aking hinugot ay agad na akong humakbang papasok ngunit halos malaglag ang puso ko ng may biglang humawak sa aking braso.. bilang depensa sa sarili, mabilis akong umikot at itinutok ang aking shodoor sa kung sino man ang cyanis na iyon.

"Kahel?" gulat na sabi ko. Mabilis kong binawi ang aking braso at lumayo ng ilang hakbang sa kanya.


"Bakit ka narito?" agad kong tanong. "Sinusundan mo ba ako?"

Naging alerto ang aking mata at agad nakita ang shodoor sa kanyang kamay na nakahawak sa akin kanina lang.

"Paano mo nasabi na sinusundan kita?" Iling na sabi niya. "Nasa isa tayong pagsusulit at kakompitensya kita, Kaya bakit ako mag aaksaya ng panahon para lang sundan ang tulad mo?"




"Dahil sa bandera!" agad na sagot ko.


Mabilis na sumilay sa labi niya ang ngisi. "Bandera?" aniya. "Hindi ko iniisip ang mangolekta ng bandera. Sa 'yo na iyang bandera mo."


"Ano ba talaga ang dahilan mo bakit ka narito?"



"Nakita kita sa papasok sa kweba ka-"




"Tulad ng sinabi mo, nasa pagsusulit tayo, nasa kompetisyon at labanan. Kaya bakit mo ako pinigilan? Papasokin ko ang kweba dahil kailangan, may posibilidad na nariyan sa loob ang isa sa mga konseho!"




"Alam ko 'yon." aniya at tumingin sa madilim na lagusan ng kweba. "Ngunit, nakita ko na pumasok diyan si Tiyo at Ber. Kanina pa iyon," aniya at huminga ng malalim at umupo sa ilalim ng isa aa mga punong yaman. "Ngunit magpasa hanggang ngayon, miski isa sa kanila, wala pa rin lumalabas."



"Gaano na katagal?" segundang tanong ko. Si Tiyo at Ber, ay magagaling na sundalo ng Tyanikas. Magaling sa pakikipaglaban at magaling din gumamit ng mahika. Wala sa sariling napatingin ako sa lagusan ng kweba. Kung ang tulad nila Tiyo at Ber na magaling sa pakikipaglaban at mahuka ay hindi pa rin nakakalabas sa kweba hanggang ngayon, tunay ngang delikado na pasukin ko ang kweba?




"Hindi ko na mabilang ang sandali. Matagal sa matagal." ani pa ni Kahel. "At kanina, may puting uwak ang lumabas, at may dalang katawan."



"Katawan?!"



Isamg tango ang ibingay niya sa akin. "Katawan. Walang malay na katawan na parehas ko ng kasuotan."




Lumapit ako ng bahagya sa kay Kahel. "Sa iyong tingin ba ay si Tiyo iyon o kaya naman si Ber?"




"Hindi malabo." aniya at tumayo na.



"Isa lang ang ibig sabihin nun, may isang konseho sa loob ng kweba na iyon." sabi ko. Naisip ko, na.. maaaring ang dahilan ng hindi paglabas ng dalawang Tyanikas ay may nakalaban silang konseho. Malakas na konseho.



"Kung totoo man, iyan. Nasa saiyo na iyan kung papasukin mo pa rin ang kweba na iyan o hindi. Basta ginawa ko na ang dapat kong nagawa. Hindi lahat ng makikita mong kweba, ay papasukin mo na. Mamili ka lamang. Maging matalino sa pag pili."




Natulala ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung, magpapasalamat ba ako o hindi.. "Ngunit.."




"Sinabi ko lang 'to sa'yo dahil ginagalang ko pa rin ang alaala ng iyong ama. Naging mabuti sa akin ang iyong mga magulang, Lila." nilingon niya muli ang kweba bago nag salita muli. "Niligtas man kita ngayon sa kapahamakan, magkalaban pa rin tayo. Ngunit... sa susunod, kung may mangyari man na ganito ay hindi ko na alam ang mangyayari o gagawin ko sayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro