T A T L O

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Tatlo

"Sa palagay mo ba, mapapasama ka sa hukbo na tutungo sa Papaka?" tanong ng aking matalik na kaibigan simula pa maliit kami na si Han. Kasalakuyan kaming nagpapahinga sa ilalim ng malaking yaman(puno o kahit ano pang klaseng halaman). Katatapos lang kasi naming mag ensayo dalawa. Dahil maging ang aking kaibigan na si Han, ay may pag nanais din na mapasali sa papaka. Mula pa bata kami ay ninanais na naming dalawa 'yon, at ipinangako namin sa aming sarili na kapag tumuntong kami sa taon na maaari nang lumahok, ay pag susumikapan namin ang lahat para lamang mapasama sa hukbong ipapadala sa papaka.

Muli kong hinagis ang pilak sa malawak na lawa. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko Han upang mapasama sa hukbo na lalaban." nilingon ko siya. Ang kanyang mahabang buhok na kulay ginto ay sumasabay sa awit ng hangin. Hinawakan ko siya sa kanyang braso. Napatingin siya sa akin. "Pinanghihinaan na ba ang iyong puso?"

Dumukot siya ng malalim na hangin. "Hindi naman sa ganoon." aniya. "Ngunit, kamakailan lang, narinig ko ang isa sa mga kasapi ng konseho, na dalawa na lamang ang kukunin nila sa darating na pagpili dahil may tatlo na silang nakuha na lalaban sa papaka kahit hindi pa nag uumpisa ang Pilian."

Kumunot ang aking mukha sa narinig. "Anong ibig mong sabihin?"

Bago nag salita ay lumingon muna sa paligid si Han kahit pa kaming dalawa lang naman ang narito. "Narinig ko rin, mula mismo sa kanilang bibig, na si Pula, Kahel at Berde ang tatlong tinutukoy." bumagsak ang kangyang balikat pagkasabi noon. "Kaya nga, ayaw ko man ay naghihina na ang kalooban ko."

Nakatitig lang ako sa aking kaibigan. Anong ibig niyang sabihin? Na maliit na lamang ang tyansa namin upang makalahok sa Papaka? Ngunit hindi naman patas 'yong ganoon! Lahat ng tyanikas ay nag sususmikao upang maging malakas at mapasama sa hukbo pagkatapos ay pipili sila ng ganon ganoon na lamang?

"Kaninong bibig mo narinig 'yan?" aking tanong.

"Mula mismo sa punong konseho." sagot niya.

Kay Ankol pono? Kung kanina ay galit ako, ngayon ay naintindihan ko na. Hawak ni Ankol Pono ang aming Tribo, siya ang aming pinuno, kung kaya't lahat ay sinusunod siya. Maging ang bumubuo sa konseho ay siya ang kinakampihan. Ngayon ay naunawaan ko na. Isinali nila agad si Pula kahit hindi pa ito dumadaan sa tamang proseso, at panigurado rin na isasali nila ito sa araw ng pagpili, ngunit, kahit pa may mas malakas at magaling kaysa kay Pula, ay wala nang mangyayaring pag uusap, lokohan na lamang.

Muli kong hianrap ang aking kaibigan. "May pag asa pa," sabi ko. "Hindi ba at tulo(tatlo) pa lamang ang napipili nila? May wot(dalawa) pa silang pipiliin, at maaring tayo na 'yon!"

Malungkot na ngumiti sa akin ni Han. "Nakakaligtaan mo ba si Kunig? at si Gis? Mga kalalakihan sila, tiyak na mas pipiliin nang Konseho ang mga lalaki dahil mas malakas ang mga 'yon,"

"Babae o lalaki parehas lamang 'yon." agad kong sagot sa kanya. "Kung mas magaling sila, pagsusumikapan ko rin na gumaling! Hindi dahil sa lalaki sila ay palaging sila na ang magwawagi, kaya rin nating mga babae ang manalo."

"Batid ko naman 'yan, Lila." aniya at ngumiti sa akin. "Sasali pa rin ako. Gagawin ko ang pangarap nating dalawa, mas mabuti nang gawin ko ang ikinatatakot ko, kaysa mag sisi na hindi ko man lang sinubakan. Gagalingan ko sa darating na Pilian, ngunit hindi na ako aasa na makakasali pa sa Papaka. "

Lumawak ang ngisi ko. "Tama 'yan, Han." ani ko. "Subukan natin. Ibigay natin ang lahat ng ating makakaya. Gawin natin ito, para wala tayong pag sisishan sa huli."

----

Habang nasa hapagkainan kami ng aking ina, ay hindi pa rin mawala sa aking isip ang napag usapan namin ng aking kaibigan. Kahit pa kasi sabihin na natanggap ko na na kaunti na lamang ang aming tyansa makasali sa papaka, ay naiisip ko pa rin na hindi patas ang desisyon ng konseho.

Si Pula at Kahel ay anak ng mga kasapi ng konseho. Habang si Berde naman ay anak ng isa sa pinakamayang Arcyanis sa Tribong tyanikas. Habang ako at si Han, isang normal na tyanikas lamang.

"Napanghihinaan ka ng loob, Lila?" napaangat ako ng tingin kay Ina. Mariin siyang nakatingin sa akin na para akong binabasa.

Siya ang aking ina kaya alam kong kahit hindi ko sabihin ang nararamdaman ko, malalaman at malalaman niya 'yon. Pero minsan, nagtataka ako, kahit pa siya ang ina ko, nakakamangha na nababasa niya ang aking iniisip.

"Pinipilit ko po na hindi." sagot ko.

"Kailan mo nalaman na tapos na magpasya ang konseho tungkol sa tatlong tyanikas na isasali nila sa Hukbong Tyanikas?" sabi niya na ikinagulat ko.

"Paano mo po nalaman 'yon, Ina?"

"Ikaw ay nagmula sa akin, Lila." tanging sagot niya. "Sabihin mo sa akin ang nasa isip mo."

"Nagdaramdam lang po ako. Para sa akin ay hidni patas ang ginawa ng konseho na kumuha agad ng tatlong Tyanikas, nang hindi man lang dumadaan sa tamang procesa. Hindi po patas para sa akin 'yon Ina."

Marahan niyang hinaplos ang aking ulo. "Ilang dekada nang hindi patas ang konseho, anak." aniya. "Sila ang may mataas na tungkulin sa ating tribo t gumagawa ng batas. Ngunit ang batas na ginagawa nila ay para lamang din sa kanilang pansarili. Palagi nilang sinasabi na para sa mga Tyanikas ang ginagawa nila ngunit ang totoo, para lamang sa kanila 'yon. Wala ng para sa tyanikas, lahat ay para s pansarili na lamang. Mula ng masawi ang mahal na El puwer, lahat ng magaganda niyang nagawa ay pinilit kinalimutan at sinubukan palitan ng mga walang kwentang bagay. Inaakusahan na magnanakaw ng ibang mangangalakal, ngunit kailanman ay hindi napatunayan."

"Nakakasikip lamang ng puso na sa ating mundong ginagalawan ngayon, ang katotoohanan ay pilit kinakalimutan at ang kasinungalingan ang mas pinaniniwalaan."

Hinaplos ko ang piangi ng aking Ina. "Kung sana lamang ay nandito pa si Ama."

"Kung nandito lamang ang iyong Ama, nakakasigurado ako anak, hindi siya patatahimikin ng mga ganid sa kapangyarihan, mahirap kalabanin ang mga nagkukunwaring bingi at nagpapanggap na marunong. Kaya kahit mahal ko ang 'yong ama, mas mabuti na rin na hindi niya sasasaksihan ang nangyayari sa ating mundo. Paniguradong malulungkot siya, at ayokong nalulungkot ang aking mahal na kabiyak." napangiti ako.

"Kaya huwag kang mag alala. Kailan ba nagwagi ang nandaya?" aniya at makahulugang ngumisi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro