Otherworld 6 - Memory

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


O

therworld 6 - Memory



Somewhere...

"Thi, this place.."

"Nasaan tayo??"

"*Gasp!*"

"A.. Aah... Totoo ba itong nakikita ko? Liwanag... Nasa liwanag tayo?"

"Inay! Itay!"

"Anak!"

Kapwang nag iiyakang tangis ng mga ito nang makita ang mukha ng mga minamahal nila, hindi sila makapaniwalang nasa maliwanag na lugar na sila. Hindi madilim, masikip. Hindi na nababalot ng itim na sumpa ang kaluluwa nila. Nakikita nila ang mukha ng bawat isa.

"...Oh our Lord! He's our Lord! The Lord has come for us because the Gods abandoned us!"

"Lord.."

"Oh Lord Majesty.."

Isa isang nagluhuruan ang nasa ang mga nasa isandaang kaluluwa, sumasakit ang ulo ng walang kamalay-malay na si Majesty sa nangyayari.

[You have activated your hidden innate skill, Mental World Rule Lvl. Max]

[Mental World Rule Lvl. Max]
[You have the authority to rule those who submitted to you. All beings that are under you will serve and obey you until they perished.]

"......"

Hindi pa man napo-proseso ng maayos ang isip niya nang biglang may isang pwersang humila sa kanya at sa muling pagdilat niya ay...

"Ah..." marahang singhap niya nang makita ang tila impyernong nagaganap.

Bumuhos ang impormasyon sa utak niya at tiningala ang malaking kaharian at ang malawak na delubyong nagaganap.

Ang kaharian ng Alpen na nababalot ng malaking apoy. Sa maraming nagkalat na nangingitim na bangkay ay naglalaban ang dalawang tao.

Ang isa ay may katandaan na at may korona sa ulo samantalang ang isa nama'y isang binata.

"Hahahaha! Sa wakas makakamtan ko na ang pagiging immortal at walang hanggang kabataan! Ito ay dahil sayo, Delve!"

"Isasabay kita sa hukay!"

Ngumisi ang Hari ng Alpen.

"Ito ay alay para sa aking Panginoon! Hindi ba't iyo rin Siyang sinamba para sa kapangyarihang nasa mga kamay mo na rin ngayon?"

Tiningnan ni Majesty ang binatang nag ngangalang Delve na nababalot ng itim ng usok na... inaatake rin siya katulad rin ng sitwasyon ng Hari ngunit hindi sila naaapektuhan sa mga galit ng mga namayapang itim na kaluluwa.

"....." tiningnan ni Majesty ang sarili, kung normal na tao siya ay baka mataranta siya na makita na wala siyang katawan, tila isa lamang siyang ordinaryong hangin. Binalik niya ang tingin kay Delve at nilapitan ito at pinakatitigan ng maigi.

May awa ang mga matang tiningnan niya ito. Nalalapit na katapusan ng sagupaan ng dalawa at sa huli ay isinakripisyo ni Delve ang sarili kapalit ng buhay niya ay kinulong niya ang Hari ng Alpen gamit ang isang artifac, hindi niya alam kung paano o anong klaseng bagay iyon ngunit nakita niya pagkabigla ng Hari ng makita iyon.

"C-Curse Stone!"

Nabalot ng takot ang mga mata ng sakim na Hari hanggang sa nilamon ang buong katawan nito ng itim na bato. Walang natira sa Kaharian ng Alpen.

**

•Human!

[You have activated your hidden innate skill, Soul Memory Lvl Max]

[You have the ability to read, see and hear the memory of the souls under your rule.]

'So this is the ability my parents used when they...'

•H-Humaaaaan!

"Ow,"

Mahinang natawa si Majesty dahil sa malakas na itim na bol-dragon na bumunggo sa kanya na pumutol sa pagkatulala niya. Nag aalalang nakatingin sa kanya ang dragon.

"Yes, yes. Okay lang ako, Vi."

•Hehe!

Pinat niya ang ulo nito at napabuntong hininga.

"Let's go, may kailangan tayong wasakin."

•Oh! Magaling ako sa ganyan!

Alpen. Delve. Curse Stone.

Batay sa nakuha niyang impormasyon ay ang mga ito ang magdadala sa mga kasagutang hinahanap niya. Bumalik sa isipan niya ang isang lalake na tinatawag na 'Ghost' at malakas ang kutob niyang hindi lang isang grupo ang kasama ng mga ito at ang layunin nilang makuha...

"God of Desire, Alk, huh? I'll beat that guy in the future."

•Gasp! Really?! T-Then I'll hold him for you, Human!!

"Pft. As expected of Vi, really reliable."

At dito nagsimula ang panata na gigimbal sa sinumang makakarinig ngunit silang dalawa lang ang nakakaalam. Walang kamalay-malay ang lahat sa mga tumatakbong plano sa utak ng nakangiting bata.

Maliksing tinawid ni Majesty ang madilim na kweba na gumuhong dating Kaharian ng Alpen. Sa bawat madaanan niya ay humahabol ang mga itim na usok na hindi tulad ng nakita niya sa memorya niya, hindi nagpapakita ng hindi magandang hangarin ang mga ito tanging kuryosidad lamang at ang iba ay tila nagpapakita ng pag aalala. Marahil ay dahil sa hindi siya ordinaryong indibidyal, o dahil sa pagkatao niya. Napapaisip siya kung anong nakikita ng mga ito sa kanya para maging ganito ang reaksyon ng mga ito.

Ang hindi niya alam ay ito ang tumatakbong tanong sa isip ng mga nadadaanan niyang mga hindi matahimik na kaluluwa.

~Who is he?~

~Angel?~

~Huh? He is both dark and light?~

~This is the first time I saw someone like this?~

~Not a bad person! But? I'm curious!~

~Both the Light and Darkness are obeying him?~

~Strange human!~

At isa nalagpasan niyang itim na kaluluwa...

~....~

Ay si Delve. Wala siyang ideya na ang isa mga nakasunod sa kanya ay ang binatang nakita niya sa kanyang memorya. Puno ng kuryusidad ito na nakatingin sa likod ng bata na may pulang buhok, sumabay siya sa bilis ng liksi ni Majesty upang makita ang mukha nito. Namangha siya sa taglay na kakisigan nito at higit sa lahat sa mga mata nitong... Tila walang hangganan, para siyang nakatingin sa bangin at hindi makita ang lalim ngunit may isang emosyon na nakita siya na pumukaw lalo sa kanya.

Determinasyon.

Determinasyon para saan? Hindi niya maiwasang makita ang sarili sa mga mata iyon na tulad ng mata niya nang isumpa sa sarili na pababagsakin niya ang Hari ng Alpen para sa kalayaan at paghihiganti na pinaglaban niya hanggang sa walang matira sa kanya.

Anong nais ipaglaban ng batang ito?

"Delve.." natigilan siya nang marinig ang bulong ng bata.

~!!!~

•Who's that, Human?

"A cool but unfortunate guy."

•Huh?

"Well, I can't judge him but he's a good person who made a bad choices who's hoping for a good caused but the outcome is a disaster and in the end, he pays the price with his life."

•Ooh...

"Ask me if you have a hard decision to make, I will help you, okay?"

•Yes, Human!

"Good."

•But what are we going to destroy, human?

"The Curse Stone."

~!!!!!!!!!~

Natigilan si Delve sa narinig.

"Majestyyyy!"

"Maaaaaaajesssstyyyyyy!!"

"Wah!"

Blangkong tiningnan nina Zeros, Ulysses, Klauss at Fon ang dalawang babae nilang kasama. Sa mahigit isandaang tao ay halos kalahating bilang na lamang ang natitira at ilan sa mga ito ay malalala na ang lagay.

Malamig na tiningnan ni Zeros ang grupong nasa harapan nila.

Ang Blackdeath, Sloth at Ghost.

Bakas sa mga mata ng mga ito ang pagkamangha na nakatingin sa kanila.

"Can't believe he really chased our track, as expected of the irregular monster 'Zeros'" ngisi ni Ace.

"You never fails to amaze me too, Blackie. Your barks are getting louder and dirtier." Nabura ang ngisi ni Ace.

"This asshole!"

"Pwuhahaha! Arf! Arf!" pang aasar na dagdag ni Ulysses.

"You're getting hotter, Zeros!" may disgustong sinulyapan nila si Harper na isa sa mga obsess fan ni Zeros.

"...." hindi mapakaling iniikot ni Josiah ang paligid dahil hindi niya makita ang batang kasama ng mga ito.

'Where is that red haired Kid?'

"I'll give you a chance to fvck out, don't get in our way, Strikers." Seryosong sambit ni Ace.

"What will you get in return?" seryosong tanong ni Zeros.

Sa likod ng grupo ng tatlo ay nakalutang ang Curse Stone na nais makuha ng mga ito.

Bumigat ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Alam mong hindi maibabalik ng bagay na yan ang buhay ni Diamond!"-Zeros

"I know, you damn bastard!" namumula ang mata sa galit na sigaw ni Ace.

"Oi, don't forget us, dude. It's not like pinagbabawal ang ganitong paraan? What's new? We all are doing this for power to kill our enemies, no?"-Harper

"If you offer that damn curse, it will cause another hell! Ilang buhay pa ba, Ace?"-Zeros

"Once I received 'that' power, ako mismo ang papaslang sa dating Hari ng Alpen."-Ace

"Hey, let's finished this."-Josiah

Naunang sumugod ang grupo ng Ghost.

"Hohohoho! Alam mo na ang dapat mo'ng gawin, Acey!"-Harper

"Tsk."-Ace

Mabilis na kumilos ang katawan ng dalawa na sina Zeros at Ace patungo sa Curse Stone.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro