3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Nurse Eli, tapos ka na sa shift mo?" Nurse Misha asked when she saw me walking. Sya ang Head Nurse dito. Mas matanda sa akin ng pitong taon. Tumango naman ako sa kanya. Pasado alas kwatro ng hapon na rin kasi.

I am one of the student nurse here. Yung saya ko pag nasa duty ay katumbas ng naramdaman ko nung capping and pinning ceremony namin. Napakabilis talaga ng panahon. Months from now ay matatanggap ko na ang diploma ko.

"Can you please extend? Tumawag kasi ang rescue may dadalhin dito. All the nurses and doctors are so busy today. We need a hand. I'm sorry, Eli." Nahihiya nya pang sabi.

I smiled at her.

"It's okay. That's not a problem Nurse Mish."
Alam ko naman kasi kung gaano kahirap yung tipong konti lang kayo tapos may emergency pa. Hinintay ko na sa entrance ang paparating. We already prepared all the equipments we need.

Ang sabi kasi ay may car accident na nangyari. Napabilis ang takbo ng isang kotse kaya naman hindi na nakapagbreak ng huminto ang kotse sa harap dahil rin sa stop na ang traffic light.

Nakausap ko na ang rescuer at ang sabi ay may kaunting sugat ito sa ulo ngunit normal naman daw ang lahat ng vital signs ng driver. Hindi naman gaanong nasaktan ang driver ng nabangga nyang kotse kaya tumanggi nang sumama sa hospital.

Agad naman akong naghanda nang makita ang ambulance. Inilabas naman namin agad ang stretcher at tinulungang malipat ito. Isa ako sa mga tumulak at iginaya sya sa emergency room. Binasa ko na rin ang nasa chart na binigay ng rescuer. Binigyan na sya ng first aid kaya naman ay ichecheck ko kung may mga sugat pa ba sya.

I think he needs to undergo CT Scan para mas makasiguro lalo pa't may sugat sya sa ulo.

"Can you talk, Sir? Does your head hurt?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, a bit." Napatango naman ako.

"How are you feeling, Sir?"

"A little bit dizzy, I guess." Sagot naman nya.
May isang nurse pa naman na mag aassist sa kanya kaya iiwan ko na muna sana sya para maasikaso ang CT Scan at iba pang procedures.

"Imara Alessia, you'll leave me?" Nanghihina nyang sabi kaya naman napalingon ako sa kanya.

My mouth opened when I realized who was the person lying beside me. Kaya pala he looks familiar.

"You forget me? Really?" Namamangha nyang sabi. Bahagya pang natawa.

I haven't seen him in months. At ni minsan ay hindi rin sya sumagi sa isip ko.

Lumapit ako sa isang kasama kong nurse na ngayon ay nangingiti habang palinga-lingang pinagmamasdan kami. Pinakiusapan ko nalang rin sa kanya ang dapat sana'y gagawin ko.

"Ikaw Eli ha. Di mo naman sinabi na may kilala kang ganyan ka gwapo!" Bulong nya sa akin at umalis.

Napailing na lang ako at bumalik sa pwesto ko kanina.

"Bakit ba kasi mabilis ang pagtakbo ng sasakyan mo?"

"I'm sorry, baby. Are you worried?" Tinitigan pa ako. Di na nahiya.

"That's my job." Sagot ko naman sa kanya.

"Don't worry. I will not let it happen again, baby." At nagawa pa akong hawakan sa kamay. Ang kapal naman.

"Hello. Sorry to interrupt you love birds." Nakangiti namang pumasok si Doc. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang paghawak sa aking kamay ng lalaking ito.

"Buti na lang pala nag extend itong si Eli. Alam yatang ikaw ang aasikasuhin ngayon, iho!" Sabay namang natawa si Doc at ang lalaki sa tabi ko. Hindi ko nga magawang makisabay sa tawa nila.

The Doctor checked him once again and explained the tests that he will be doing. Kailangan syang iadmit dahil nakaramdam sya ng hilo. Itinulak ko naman ang wheel chair nya papunta sa room dahil kailangan nya nga ng CT Scan at malalaman lang kung makakalabas na sya depende sa result nito.

Nakahiga na sya ngayon sa room nya. Inaayos ko naman ang IV Fluid nang marinig ko syang nagsalita.

"Are you going home, baby?"

"Why are you calling me that? My name's Eli." Nanliliit na mata kong sabi.

"But I want to call you baby. My baby." Nakangisi nya nang sabi na akala mo'y walang iniindang sakit. Nakakapagod makipagsagutan sa lalaking ito. Laging may pambalang sagot.

"Babe? Imara Alessia? Don't leave me here, please?" Nagpapacute nya pang sabi.

"You need a guradian. We need to call your parents. What's their number?" Tanong ko at inihanda nang isulat sa maliit na papel na nakita ko.

"Don't call them, baby. My Mom will surely worry. As much as I want you to meet them, this is not the right place." Nakanguso nya pang sabi kaya hindi ko na masyadong narinig ang idinugtong nya.

"That's why we need to inform them." I answered.

"It's okay. You're here. You'll help me, right?" Nakangiti nya nang sabi. Nagawa pang tumagilid at itukod ang isang kamay sa ulo.

"Tapos na ang shift ko. Kanina pa nga dapat. I'm going home." napabangon naman sya at hinawakan ang kamay ko.

"Stay here, baby. This room is big. You can stay here. Don't leave yet." Naningkit na man ang mga mata ko sa sinabi nya. Napakakulit talaga.

"Kukunin ko lang ang mga gamit ko. I'll be back."  Napangisi naman sya ng marinig 'yon.

Bumalik ako sa kwarto nya nang nakabihis na, bitbit ang gamit ko na kinuha sa locker at nakitang may kausap na sya sa phone. He signalled me to come closer kaya naman ay lumapit ako. Ano na namang kailangan nito ngayon?

"-I'm alright Mom. Yes, yes. May nag aasikaso sa akin. I'm going home tomorrow. I promise. Love you." At saka pinatay ang tawag.

"My Mom knew what happened. One of her friends saw me and informed her already, baby." Sabay hawak sa kamay ko.

"Stop acting sweet. Can you?" Nagtataka kong sabi.

Napangisi na man sya at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Umusog na man sya at pinaglaruan ang kamay kong hawak nya.

"I actually don't remember your name and your acting sweet and weird at the same time." Nakakunot kong sagot.

"I already told you my name, baby. My name's Rav but you can also call me baby." Sagot nya at mukhang nasisiyahan sa reaksyon ko.

Dumating na ang pagkain ni Rav at inalalayan ko sya. May nagdeliver rin ng pagkain para sa akin dahil nag order pala online itong lalaki. Nang matapos na ako sa lahat at nakitang nakapikit na ang mga mata ni Rav ay umupo na ako sa sofa.

I looked at him. He looks calm when sleeping. I admit that he surely has the looks. He was also very talkative. Parang di nauubusan ng sasabihin. But there's something in his eyes na hindi ko mawari.

Hindi ko pa naman sya lubusang nakikilala. Ngayon ko lang rin sya nakita ulit. I can't judge him easily.

I tried to close my eyes. Nakakapagod ang araw na ito. Dagdag pang ginawa akong tagabantay dito.

Bukas nang hapon ay dadaan ako sa school at may aasikasuhin. Mukhang may meeting rin naman kasi ang section namin. Tamang-tama at hapon pa iyon. Dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro