VI: PAMPUBLIKONG SASAKYAN

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

      Alam ninyo nakakalungkot isiping dahil sa mga pangyayaring nagaganap sa mundo ay may kaniya-kaniya ng mga kadahilanan ang mga tao ukol sa pampublikong sasakyan. Isa na rin dito ang mga negatibo at positibong resulta ng mga pangyayaring nagaganap saan man dako ng lugar. Walang katahimikan kundi puro sumbatan at hindi pagkakaunawaan ng bawat nilalang.

    Alam naman nating importante sa 'ting mahihirap ang mga ito sapagkat hindi naman lahat tayo mayayamang tao o pinanganak sa marangyang pamumuhay na may mga magagara na sasakyan. Halos lahat tayo sumasakay sa mga pampasaherong sasakyan upang mapuntahan ang ating destinasyon. Ngunit, dahil sa mga karahasang nagaganap sa mundo puma-pangit na'ng imahe ng ating mga magigiting na driver nang kahit anumang sasakyan. Hindi naman po kasi lahat ng driver ng pampublikong sasakyan ay masasamang tao at walang pinag-aralan. Iyong iba ginagawa lang itong libangan, pero, ang masaklap, sa iba ito na'ng trabaho nila araw-araw upang may pagkuhanan ng sapat na halagang maitu-tustos sa kanilang kaanak.

    Gayon din, hindi rin lahat sila mga mabababang-uri ng tao sa lipunan. Sa makatuwid, utang natin ang buhay natin sa kanila dahil sila lang naman ang dakilang bodyguard natin sa kalsada. Nakararating tayo sa dako ng ating destinasyon nang maayos dahil sa kanila. Hindi natin sila kilala o ano pa man, pero, dapat ipagpasalamat natin iyon. Naisulat ko itong sitwasyon na 'to dahil marami akong napansin na nakakalungkot na sitwasyong nagaganap sa lipunan na hindi natin namamalayan o napapansin sapagkat nakatutok lamang tayo sa mga bagay na nangyayari sa ating buhay. 

   Alam ko hindi lahat ng pampasaherong sasakyan ay tapat at totoo. Ngunit gusto ko lamang gisingin ang mga kabataan o sino pa man sa lipunan na maunawaan natin ang mga bagay na ating kinabubulagan. Hindi lahat sila masamang tao, may ibang nakikita mo na sa sasakyan pa lang na talagang mahirap ang buhay. Oo, sa batas natin bawal ang un-registered na sasakyan para maiwasan ang karahasan. Tama naman po iyon, pero, ang punto rito, gusto kong ipaunawa sa iba ang mga sitwasyong aking natalastasan.

     Una, sa pamasahe, hindi lahat sila mayayaman. Iyong iba nagpapakamatay sa kapwa driver para lang makakuha ng sampung-piso na halaga na ibabayad ng pasahero. Ginagawa nila iyon hindi para mag-magaling o ano, ginagawa nilang makipag-away sa halagang iyon dahil kailangan nilang makalikom ng halagang maipang-tutustos nila sa pamilya. Hindi po madali ang buhay ng ating magigiting na driver. Una sa lahat hindi natin alam kung sa kanila ba iyong sasakyan o pina-boundry lang. Hindi natin alam kung sa loob ng isang araw ay kikita ba sila o makakalikom ng 150 pesos na pangtawid-gutom. 

    Magkano ba sa tingin ninyo ang bilihin ngayon? Sa tingin ninyo sa rami ng pampasaherong sasakyan, agad-agad ba silang makakalikom ng kakarampot na halagang kakailanganin nila sa araw ng bukas? Dearest, sampung-piso nakikipag-away na sila. So, what's a logic? Mahalaga na sa kanila ang makalikom ng halagang iyon para matugunan kahit papaano ang mga pangangailangan nila. Kaya naiinis ako sa salitang narinig ko.

     "Ang lapit na nga lang nitong school natin. Kaya dapat 8 pesos lang binabayaran natin." 

      What heck, Dearest! Private school pa iyon—college student pa tapos ganoon? Una sa lahat bakit pa sila sumakay kung malapit lang naman ang destinasyon nila, 'di ba? Common sense naman po, sumakay sila kasi malayo hindi po ba? Doon pa lang mali na, Dearest. Hindi naman porke't estudyante ka ay ganoon na. Dapat may excuses, Oo, pero, ang punto rito. 10 pesos kawalan ba agad sa kanila? 2 pesos na nga lang ipagdadamot pa? Oo, hindi ka mayaman o baka scholar ka lang, pero, sana alam din nila ang mga bagay na puwedeng makatulong sa iba. Una sa lahat alam naman siguro ng mga magulang nila ang mga pangangailangan at bayarin. So, okay na iyon—bawas na iyon.

     Hindi ko gine-general but Dearest, 2 pesos ipagdadamot mo pa ba? 10 pesos naman ang tamang pamasahe 'pag hindi school days. So, ano'ng pinagkaiba? Kaya kung may mahihirap na tao, huwag na kayong magtaka dahil tayo mismo ang gumagawa noon. Hindi kasi pantay ang pakikitungo natin sa kapwa. Gusto kasi natin lagi tayong angat at ginagawang Ma'am/Sir. Na-ibababa na natin ang kapwa nang hindi namamalayan. Halagang 2 pesos galit na agad? E, private pa nga sila tapos mukhang hindi pa sila taga-roon sa lugar tapos 2 pesos nanghihinayang? E, iyong gastos nila? Magkano ba? Hindi lang ito mensahe para sa mga kabataan kundi para din sa mga propesyonal na kuripot pa sa pamasahe tapos galit pa? Kaya humihirap ang buhay ng mga pilipino kasi likas sa atin ang pagiging makasarili at mapagmataas.

     Pangalawa, sa karag-karag na pampasaherong sasakyan o iyong sira-sirang sasakyan.

    Oo, karag-karag 'yan, pangit, may kalawang, butas, tagpi o tumutulo 'pag umuulan. Pero, Dearest, malamang alam din natin sigurong tingnan kung inaayos pa rin naman at pinipilit ayusin 'yong sasakyan 'di ba? Wala nga po silang pambili kaya pinagta-tiyagaan nila 'yan. Pati malay natin inarkila pa nila 'yan. So, ano mapapalitan kaya? Naman, Dearest, huwag naman tayo masyado mag-inarte o umarte nang wala sa lugar.

     Halimbawa na siyang nakabigay gigil sa akin:

    "Ayoko nga diyan. Maingay at luma na 'yong sasakyan."

    Tama ba? Alam ninyo pa ang mas masaklap? Hihintuan ka ng karag-karag na sasakyan.

      "Saan ka neng?"

      "Wala po," sabay iling pa.

      Tapos maya-maya biglang may susumod na magandang sasakyan, then, ayon sumakay na. 

      Iyong kawawang driver naman hindi na lang umimik kahit napahiya. Alam mo iyong pipilitin bumili sa tindahan para mabawi iyong pagkapahiya, pero, sa huli 'di pa rin bumili—siguro dahil wala pang kita o nanghihinayang sa igagastos pa. Mababasa mo kasi sa mukha na pilit lang iwinawaglit sa isipan nila 'yong nangyari at pagkapahiya nila, pero, deep inside masakit iyon kasi alam nila kung saan at ano ang mali sa kanila, pero, wala silang magawa kundi piliting magpasada kahit ganoon ang sasakyan nila—wala kasi silang pampalit doon. 

      At mayroon pa akong mas kinainisan. Iyong magtatawag ng pampasaherong sasakyan tapos hihinto itong si 'di magandang sasakyan tapos makikipag-chismisan sa kakilala tapos no'ng nakakita nang maayos at bagong sasakyan ayon tumakbo iniwan na si 'di magandang sasakyan na napatulala na lang. At ang kawawang driver, ayon hindi na lang umimik kahit napahiya na saka pinatakbo muli ang sasakyan. What an attitude? Nasaan ang manner?

     Mayroon pa, iyong alam nilang umuulan kaya basa 'yong tricyle tapos may sumakay na maarteng mayaman.

    "Kuya may basahan ka? Black kasi pants ko baka madumihan." 

    What the heck! Dahil sa pants? Bakit pa lang nagpampasaherong sasakyan kung ayaw rin lang madumihan? Nag-Four wheels na lang sana para ma-satisfied siya.

     Ang malala pa roon walang basahan si Manong. Kaya iyong towel na nakagulapay sa balikat niya ang ibinigay at ginamit ng babae para ipangpunas sa upuan niya, e dati naman siyang nakaupo bat nanghingi pa ng pamunas? Pagkatapos, ayon tinapon na lang sa kung saan na siyang ayon kinuha ni Manong. Kunyare isiniksik sa driver seat sa harapan. Kawawang driver. Kung ikaw nasa sitwasyon at makikita mo 'yong ganoong eksena, ano'ng mararamdaman at sasabihin mo?

     Noong makita ko iyon, na-shock ako at naawa kay Manong driver. Grabe! Manner ba dapat iyan ng may pinag-aralan? Ang masaklap na kuwento ng buhay at realidad. Nakakalungkot dahil ganito ang umiiral sa komunidad natin. Hindi pantay na karapatan at pagkaunawa. Walang-awang pagsasalita ng nakakasakit sa damdamin at walang modong pagkilos kahit propesyonal pa.

    That's life, that's how people do, think and that's how they communicate with other people. Kaya sana kahit sa mumunting halaga at pag-unawa ay makatulong tayo sa ibang nangangailangan. Cheer them up! Alam ninyo naman po sigurong tingnan ang deserving na taong pwedeng matulungan kahit sa simpleng bagay lang dahil hindi man sila magsalita ngunit sa kalooban nila lubha silang nagpapasalamat ng taos-puso sa mumuting halagang iyong ibibigay.

   Tanda ko pa noon. Iyong sukling 5 pesos na hindi ko kinuha at sinabi kong keep the change na lang, e. Nagpasalamat pa sa akin. Diyan pa lang kita mo na ang kahalagahan ng barya sa kanila. Maliit na halaga, pero, ginto para sa kanila. Dahil bawat sentimong mabubuo katumbas pandagdag at panus-tustos sa pamilya nilang naghihintay sa pag-uwi nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro