Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

BABALA:
Maraming wrong grammar ang makikita ninyo. At wala pa akong balak tingnan dahil BUSY aketch! Hindi ako perpekto kaya pagpasensyahan nyo na. Sana magustuhan ninyo itong kuwento.



CHAPTER ONE ♡♡♡

Magte-treinta minutos nang delay ang flight ni Gabriel sa Cebu Pacific Airline subalit hindi iyon napapansin ng binata. Nasa malayo ang isip niya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

Habang nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano ay nagbalik ang alaala ng mga nagdaang pangyayari sa buhay niya na nagdala sa kanya sa lugar na iyon.

Siya si Gabriel Lazaro, isang sikat na writer/author dito sa pilipinas. Simula no'ng sumali siya ng writing contest sa high school at sa pinalad na manalo ay doon na siya unti-unting nakilala bilang magaling na manunulat.


Subalit hindi doon natatapos ang kanyang pagsusulat. Nang naglakas loob siya sumali na pa-contest sa ibang eskwelahan at nakapunta rin siya sa regional contest ay sa awa ng diyos nananalo rin ito. Kaya tuwang-tuwa siya sa kanyang sarili.

First love talaga niya ang pagsusulat. Nang may tumawag sa kanya na isang publishing company at natanggap ang manuscript na ginawa nito ay walang pasidlan ang kanyang tuwa dahil hindi niya inaasahan na matanggap iyon. At dahil sa nangyari ay doon na siya nag-focus na magsulat.

Hindi rin niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral hanggang kolehiyo. But he stops writing, when he's suddenly focused on his last year on college and after that he came back. His passion on writing.

Because of love on his writing, maraming tumanggap sa kanyang mga sinusulat at ginawang movies at teleserye sa telebisiyon. Tinitingala siya ng mga kapwa manunulat dahil na rin sa kanyang pangalan at galing. Everything was okay until he encountered an accident that marred him physically and emotionally.

Isang marahas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan, kasabay ang pagpilig ng ulo sa headrest ng upuan. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata subalit sa halip na katahimikan ang makuha ay parang nakakalokang nagpe-play sa kanyang balintataw ang pangyayaring naganap sa kanya.

Bumuhos ang malakas na ulan nang magpasyang umuwi si Gabriel galing sa isang party dinaluhan nung gabing iyon. Naka-inom rin ito habang nagbyahe pauwi sa Quezon City. Habang nagmaneho ay biglang nag-ri-ring ang kanyang cell phone, hindi muna niya ito kinuha. Ngunit sa pangalawang ring nito ay naiinis na siya.

"Sino ba itong tawag na tawag!" inis niyang sabi.

Hindi talaga sanay si Gabriel na sagutin ang tawag habang nagbya-byahe dahil disturbo sa kanyang pagmamaneho pero walang siyang choice kundi sagutin iyon.

Kinapa niyang ang bulsa ng pantalon, nadismaya siya dahil wala doon. Kinakapa-kapa niya ang gilid ng upuan nito baka nahulog, wala rin.

"Sa'n ba ang cell phone ko. Bwesit ayaw pang tumigil!"

Sinilip niya sa compartner, wala. Tinitingnan niya sa baba ng upuan at nakita nga niya sa may apakan ng break. Binagalan niya ang pagmaneho habang kinukuha ang cell phone. Walang humpay pa rin ang lakas ng ulan sa labas nung oras na iyon.

Naiinis na siya hindi pa niya maabot. Sinilip muna niya ang side view mirror, walang sumusunod sa kanya at sa harap walang sasakyan. Kaya pinasya niyang yumuko nang maigi para makuha iyon. Natuwa siya sa wakas nakuha na rin ito. Sinilip niya kung sinong tumawag at napangiti ito.

Ang hindi niya alam ay may isang truck na gumigiwang-giwang papalapit sa kanya. Huli na nang iwasan niya ang truck dahil dumiritso iyon papunta sa kanyang sasakyan. Sapol ang likuran ng kotse ni Gabriel, kumaladkad pa iyon papuntang poste ng kuryente kaya sapol na sapol. Nagkamalay na lang siya nang nasa hospital ito.

Maagap na napamulat si Gabriel sa eksenang iyon. Napahawak siya sa kanyang sintido. He felt the familiar pain that came after that memory.

Simula nang aksidenteng iyon, nagbago na ang tingin niya sa buhay. Mas naging reserve siya at umiiwas sa maraming tao. Ang dating tinitingalang manunulat ay wala na. At kasabay ng pagkawala ng kanyang magandang pangalan ay ang pagkawala rin ng kanyang minamahal.

Mag-dalawang taon na pagkalipas ng aksidenteng iyon at ang ginagawa pang-iwan sa kanya ng kasintahan, subalit pakiramdam pa rin ni Gabriel ay parang kahapon lang ang lahat. Namuhay siya na puno ng kahugkagan sa nagdaang taon. At ang tanging tao lang na hindi sumuko sa kanya ay ang lalaking itinuring na niyang matalik na kaibigan at kapatid, si Sic.

Si Sicario Santos aka Sic ay isa sa mga tinitingalang manunulat rin na katulad niya. Nakilala niya si Sic noong naging magkalaban sila sa isang contest at dahil siya ang nanalo lumapit si Sic para batiin siya. Nagpakilala rin ito at doon na sila nagsimulang naging magkaibigan hanggang ngayon na may kanya-kanya na silang achievement.

Ito ang pumilit sa kanyang magbakasyon kahit na isang buwan lang para naman maaliw niya ang sarili. Dahil na rin sa pamimilit nito ay nagpasya siyang mag-book ng flight sa Camiguin Island para doon magbakasyon.

"We are arriving at Camiguin International Airport..." anang tinig ng piloto na pumukaw sa malalim na pag-iisip ni Gabriel. Nang magmulat ng mga mata at tumingin sa labas ng bintana ay nakita niya ang maliit na pulo ng Camiguin.

Panandalian siyang natigilan sa nakita. Kahit ang kaninang malalim na isipin ay bahagyang napawi habang minamasdan ang isla. He was awestruck by the simplicity of the picture that greeted him. Marahil dito niya mahahanap ang katahimikang ng kalooban na hindi niya makita sa Manila.

Fifteen minutes pa ang lumipas bago sila ligtas na naka-landing. Pababa na siya ng eroplano nang mapansin ang mga tinging ipinukol sa kanya, at ang bulungan ng mga taong na nadadaanan niya. Tuwing sasalubungin niya ang tingin ng mga tao ay mababanaag ang panghihinayang at pag-iwas ng mga ito.

Patay-malisya siyang naglakad palabas ng eroplano. Sanay na siya sa ganoong reaksiyon ng mga tao sa kanya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakakuha siya ng ganoong klase ng pagtanggap sa mga tao mula nang mangyari ang aksidente. From the left side of his face, he was almost perfect. Subalit sa tuwing papaling siya sa kanan ay napapangiwi ang sinumang makakakita sa malaking pilat na naroon.

Noong bago pa ang sugat sa kanyang mukha ay dalawang linggo rin siya nagkulong sa kanyang bahay. Pinipilit siya ng kaibigan niyang si Sic na lumabas sila at huwag ikakahiya ang kanyang sugat sa mukha. Pero ayaw talaga niya sumama, dahil kung makikita siya ng kanyang mga fans ay paniguradong mandidiri sila. Kaya sa bahay na lamang niya tinutuloy ang pagsusulat, pinapasa lang niya ito sa e-mail.

Isang araw bumisita si Sic sa kanyang bahay para ibigay ang magandang balita na gagawin ng teleserye ang kanyang sinulat ay natuwa siya. Pero may kaunting rin takot sa kanyang kalooban dahil sa pilat na hindi pa naghihilom. At naganap nga ang kanyang kinakatakutan. Noong umpisa palagi niya itong tinatago sa kanyang buhok na hinayaan niyang humaba.

Nang unti-unting napansin iyon ng mga kasamahan niya sa trabaho. Bigla silang natakot at nandidiring lumapit sa kanya. Araw-araw siyang kinukutya at pinaparinggan ng masasakit na bagay, kaya nagpasya siyang umalis doon at ibinigay ang credit sa kanyang kaibigan na si Sic.

Simula noon, hindi na siya sumulat. Subalit nang tumagal-tagal ay hindi na siya nag-abalang itago iyon. Lalo na nang kumonsulta siya sa mga doktor at espesyalista tungkol doon at sinabing mahihirapan nang ibalik sa dati ang kanang bahagi ng kanyang pisngi. They informed him that he was marred for life. Hindi na siya kumonsulta sa ibang espesyalista at naniniwala siyang wala na talagang pag-asa ang pilat niya.

Paglabas na paglabas ng airport ay nakita agad ni Gabriel ang mga taong naghihintay sa arrival area. Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang tour guide na kinuha ng kanyang kaibigan habang nag-i-stay siya sa Camiguin. Natigil ang naglalakbay niyang mga mata sa pigura ng isang babae sa kanyang gawing kaliwa.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit nakuha ang kanyang atensiyon ng particular na babae. His eyes studied her.

Five feet-three inches with shoulder length straight hair, triangle-shaped face, brown eyes and perky nose. Nang magawi ang tingin niya sa mga mata nito ay doon napatigil nang matagal ang mga mata niya. She had eyes that looked like were always smiling back at someone. Particularly him. Hindi niya maipaliwanag ang tila magnetong tingin nito.

Nang mapatingin sa gawi niya ang babae ay hinanda na niya ang sarili sa nakakailang na tingin na palaging ibinabalik sa kanya ng kababaihan dahil sa kanyang hitsura.

Subalit laking gulat niya nang ngitian siya nito. One dimple greeted him. Saktong-sakto ang ngiti ng mga mata nito at ang mga labi. He was caught off guard with her pretty smile. Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla na lang siyang napako sa kinatatayuan habang nakatingin sa babae. Hindi niya rin napansing nakalapit na ito at nasa harap na niya.

"Sir Lazaro?" untag ng malamyos na tinig ng babae sa kanyang harapan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro