Paper Hearts

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Adi

("Adi, di ka ba talaga makakapunta sa practice natin?")

"Pasensya ka na Lin, medyo umaapaw na rin kasi yung tubig dito sa apartment ko. Ang lakas kasi talaga ng ulan dito samin e. Pero pangako, sa Lunes kabisado ko na ang dance moves natin. Pasensya na talaga."

("Ano ka ba, okay lang. Tumawag lang ako for confirmation. Sige ingat ka diyan ha.")

"Oo ba. Sige bye."

Malalim akong napabuntong-hiningang napaupo sa pang-isahang sofa na nababasa dahil sa nakatakas na patak ng ulan ng bubong. Sira-sira na itong boarding house na to pero di parin ako makalipat. Ito lang kasi ang may pinakamurang renta. Wala naman kaming pera tsaka nag-iipon pa ako para sa tuition ko. Ang laki na nga ng gastos nila Papa sa pagpapaaral sakin, dadagdagan ko pa ba ng mga pasanin?

Kung bakit naman kasi ngayon pa lumakas ang ulan. Sa susunod na linggo na ang contest. Dapat manalo kami. Dagdag ipon na rin yon.

Nakatingala ako sa may butas kong bubong, nang may biglang kumatok ng pagkalakas-lakas sa pinto ng sira kong tinutuluyang bahay.

Tangina. Siguraduhin niya lang na may ipambabayad siya kapag nasira niya iyang pinto ko. Tsaka sino naman yan. Diba nga sinabihan ko na sila Lin na di ako makakapunta?

Nagdadabog na pinagbuksan ko ng pinto ang kumakatok. At tumambad sa akin ang isang mukha ng isang gwapong estrangherong lalaking basang basa sa ulan.

"P-pwede m-makisilong?" nanginginig na paalam niya. Ang ulan ay patuloy parin ang pagbuhos sa kaniyang likuran.

Wala akong ginawa at tinignan lang siya kaya siya na mismo ang pumasok sa bahay.

"Huy Adi!"

"H-ha?" Napabalik ako sa kasalukuyan nang tinawag ni Ren ang pangalan ko.

"Kanina ka pang tulala. Kunin mo na yung mga kahon sa loob. Baka iyakan mo pa tong sirang bahay na to." Natatawang lapag niya sa kahon sa truck.

"Bakit ko naman ito iiyakan?"

"Eh kasi diba, dito naman yung---

"O bangayan na naman kayo. Lampas-bente na kayo pero yang ugali niyo di parin nagbabago. Naku Adi, anak. Wag mo ng pansinin yang si Ren. Inaasar ka lang niyan." Nakangiting yakap sa akin ni mama.

"Alam ko naman ma e. Alam ko." Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at bumalik sa loob ng bahay.

Mahigit walong taon na pala akong namamalagi sa sira-sirang bahay na ito. Napatitig ako sa kabuuan niya. Wala na halos lahat ng gamit. Ang natira nalang ay ang pang-apat na taong lamesa na tinatawag kong dining room kahit isang hakbang lang mula roon ay sala na. Ganun kaliit ang apartment na tinitirhan ko.

Di ko akalain na nakaya kong tumira sa lugar na ito ng walong taon. Ay oo nga pala, dahil di ko maiwan iwan ang nag-iisang alaala ko sa kanya. Nakakatawang isipin na dahil lagi akong nababasa ng ulan dahil sa bubong na di ko din pinaayos ay dahil sa kanya.

"O anak, may nakalimutan ka pa ba?" Biglang lumapit si mama sa likuran ko nang may lumapit ding mga lalaki upang buhatin ang nag-iisa na lamang laman ng maliit na apartment na ito.

"Wala na po ma." Pilit kong ngiti sa kanya kahit ayaw ko naman talaga.

"Kung ayaw mong umalis, okay lang naman. Nasa truck pa iyong mga gamit mo."

Hinarap ko siya. "Ma kagagahan iyon. Mas okay naman doon sa lilipatan ko. Mas komportable, walang butas ang bubong, maayos ang ilaw, hindi bumabaha."

"Hindi mo man lang ba ito mamimiss?" Tukoy niya sa sirang apartment na ito.

"Mamimiss syempre. Walong taon akong nakatira ditong mag-isa e."

"Mag-isa ka nga ba talaga?" May pang-uuyam sa uri ng tono ng kaniyang boses.

"Ma wag na nating simulan pa ito." Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Alam ko alam ko." Tawa niya. "Hala sige, halika na. Punta na tayo don sa bagong apartment mo."

NAKATINGALA ako sa kisame ng bago kong kwarto. Nakapanibago lang. Wala na kasing butas. May aircon na din itong kwarto ko. Di na ako naiinitan sa sira kong electric fan.

Ito ang pangalawang araw ko dito sa bago kong apartment. Medyo malapit lang sa trabaho ko sa bangko kaya hindi ako mahihirapan. Accountancy din kasi ang natapos kong kurso.

Malalim akong napabuntong-hininga at napabalik na naman sa panahong ayaw na ayaw ko nang balikan.

Nagdadabog na sinarado ko ang pinto at hinarap ang lalaking nanginginig sa harap ko.

"Oy sino ka? Kilala mo ako? Magnanakaw ka no? Ito ba ang bago niyong modus? Ibahin mo ako dahil magaling ako sa self-defense. Kayang-kaya kitang patumbahin."

Nakayuko niya akong sinagot. "Hindi ako magnanakaw. Galing kasi ako sa trabaho pero wala naman palang pasok kasi bumabagyo."

"Nagtatrabaho ka na? Ang bata bata mo pa a." Tinabihan ko siya ng upo. Kahit masama nga ang magpapasok ng estranghero sa bahay, parang hindi naman yata kasali doon ang gwapong ito.

"Tumigil muna ako pansamantala. Naubusan na kami ng pera dahil sa pagpapagamot kay inay."

"Teka, teka. Sino ka ba?" Nakataas ang kilay na napabaling ako sa kanya.

Tiningala niya ako at inalay ang kanang kamay niya para makipag-kamay. "Ako si Herbert. Tawagin mo nalang ako kung saan mo mas gusto. Pero Bert tawag ng karamihan sakin."

Inabot ko ang kamay niyang nanginginig. "Ako si Adi at apartment ko to."

"Pasensya ka na Adi a. Sarado na kasi lahat ng bahay katabi mo e."

"Okay lang. May puso naman ako. Kaya kung ayaw mo magkasakit, maligo ka na Herb."

"Herb?" Takang lingon niya sakin.

"Mas bagay sayo yon. Alam ko na kung bakit ka nagpaulan kasi halaman ka naman pala talaga."

Napatawa siya. "Nakakatuwa ka pala Adi."

"Hindi ako clown." Napairap ako."Saan ka nga pala nakatira?" Tanong ko sa kanya

"Wala akong sariling bahay. Malayo rin ang probinsiya rito at sasakay pa ako ng bus pero pinapatulog ako ng boss namin minsan sa restaurant niya."

"O edi dito ka tumira." Shit. Bakit yon lumabas sa bibig ko?

"T-talaga?"

"Oo. Kaya maligo ka na bago pa magbago ang isip ko."

Tumayo siya bigla."Adi salamat! Di mo to pagsisisihan. Salamat. Alam kong ngayon palang kitang nakilala pero salamat talaga. Salamat!" Sabay yakap niya sakin kaya nabasa tuloy ako.

TAHIMIK akong naglalakad at minamasdan ang kabuuan ng park habang iniinom ang coke float na hawak ko. Linggo ngayon at dahil wala akong magawa, nilibot ko muna ang park.

Napadaan ako sa isang pamilyar na puno ng mangga. Dito kami madalas mag-ensayo ng mga kagrupo ko sa dance troupe noong college pa ako. Napangiti nalang ako sa naisip. Ang tagal na pala noon. Saka sa isang iglap naalala ko na naman.

"Okay guys, 1,2,3---

"Adi!" hinihingal na nay sumigaw sa pangalan ko.

"Herb? Anong ginagawa mo rito? Diba dapat nasa trabaho ka?" Napatigil ang lahat ng makita nila si Herb. Naka-uniform kasi siya ng pang-Jollibee.

"Nagdedeliver ako kaya dumaan muna ako rito para ibigay sayo ito." Sabay abot sakin ng isang plastic na may lamang coke float tsaka burger at fries.

"Oy di naman kailangang bigyan mo ako ng ganito.Gastos lang ito Herb e."

"Wag kang mag-alala. Basta aalis---

"Hala may boyfriend ka na pala Adi? Balak pa naman sana kitang ligawan!" Sigaw ng isa kong kagrupo. At sinundan ng isa, hanggang sa sumunod yung isa at inulan na nga kami ng tukso ng buong grupo.

"Sige Adi. Una na ako ha. Bye" at ang di ko inaasahan ay ang paghalik niya sa pisngi ko bago siya tumakbo papunta sa motor na pang-jollibee para magdeliver ulit.

Naging ganoon ang set-up namin sa isang buwan. Dadalhan niya ako ng snacks tapos hihintayin niya akong matapos sa practice o kaya'y ihahatid niya ako sa university.

Hanggang isang araw, habang nakahiga kaming dalawa sa ilalim ng butas kong bubong ay nagsalita siya.

"Adi, may sasabihin ako."

"Ano yun?"

"G-gusto kita." Nanginginig ang bosea niya at nang nilingon ko siya, nakalingon din siya sakin.

"T-talaga?"

"Oo. Gusto mo din ba ako?"

"Di ko alam. Pag-iisipan ko pa." Natatawang sabi ko.

"Ano ka ba Adi. Di pwedeng oo o hindi? Mas nakakakaba pala yang sagot mo. Wag na nga lang--

"Oo. Gusto din kita." Nginitian ko siya.

Napabalik ako sa kasalukuyan at tinampal ang sarili ko.

Kung tutuusin, wala naman talagang kami ni Herb e. Oo, tumagal kami ng sampung buwan at pitong araw. Marami kaming ginawa ng magkasama pero walang kami.

Nagpapalitan kami ng mga matatamis na mga salita pero kailanman di niya sinabi na mahal niya ako. At di ko rin sinabi sa kanya na mahal ko siya. Pero matagal ko ng tanggap sa sarili ko, na mahal ko siya kahit walang kasiguraduhan ay susugal ako.

Pero isang araw, nag-iba ang lahat. Ni hindi ko nga alam kung bakit.

"Herb, kain na tayo. May naihanda na akong almusal."

"Pasensya na Adi pero kailangan na talaga ako sa trabaho e." Tanggi niya.

"Ganoon ba? Ang aga aga naman. 'Di bale, sabay nalang tayong maghapunan mamaya." Adi huwag ka ng umasa.

"Naku, mag-oovertime siguro ako e."

"Bakit?"

"Kapos kami sa mga empleyado. Doble-doble na nga ang ginagawa ko e. Sige mauna na ako Adi a. Ingat ka sa university." Niyakap niya muna ako bago umalis.

Naku Adi, ang tanga mo. Naturingan ka pang Dean's lister, pero sa totoo lang, ang tanga tanga mo. E kitang-kita naman na iniiwasan ka niya e. Pagkatapos ng sampung buwan, ganoon na lang kadali para sa kanyang tapusin ang lahat? Pagkatapos ng mga katagang "Gusto kita", tapos na? Wala na?

Minsan naiisip ko, para kaming mga hugis pusong papel. Ang dali lang naming mapunit. isang tupi lang, punit na kaagad.

Tapos naiwan ako sa ere at umalis siya dala-dala ang kanyang maleta at iniwan lang ako ng isang sulat. Isang sulat na naglalaman ng mga sagot sa lahat ng katanungan na bumabagabag sa aking isipan.

Aking Adi,
          Una sa lahat, pasensya ka na kung isang delivery guy lang ako sa Jollibee. At sorry kung kailangan ko pang makipagsiksikan dito sa maliit mong apartment. Sorry kung mahirap lang ako pero Adi, dalawang salita lang ang kaya kong sabihin sayo. Mahal kita. Iyan ang panghawakan mo.

         May natanggap pala akong tawag mula sa tiyo ko sa probinsiya. Sabi nila pagpapaaralin daw nila ako. Basta't babalik ako doon sa amin. Hindi ko magawang humindi. Pagkakataon na ito para mag-iba ang kinabukasan ko. Para ibang Herb na ang mukhang ihaharap ko sayo sa paglipas ng mga taon. Yung may hawak na diploma na naka-amerikana at kakatok sa pintuan mo. Hindi yong Herb na basang basa na pinakilala ko sayo.

          Kaya Adi, sana sa pangalawang pagkakataon magkita ulit tayo. At hintayin mo akong kumatok diyan sa sira mong pintuan.

   
Nagmamahal,
Iyong Herb

Nanghihinang napaupo ako sa sira kong kama ng mabasa ko ito.

Sana sinabi nalang niya sa akin iyon dahil maiintindihan ko naman. Agad ko din naman siyang bibitawan. Ni hindi ko nga siya pipigilan e. Ako pa mismo ang maghahatid sa kanya sa bus terminal, kung sakali.

Pero kahit alam kong walang kami, iyon pa din ang pinanghahawakan ko. Na mahal niya ako at kakatok siyang muli sa pintuan ng apartment ko kaya tumagal ako roon ng walong taon. Nagbabakasakaling may kakatok na naka-amerikana at may dalang diploma sa aking pinto. Pero matagal ko nang pilit kinakalimutan iyon. Dahil sa paglipas ng walong taon, walang Herb ang nagpakita sa labas ng apartment ko.

Lihim akong napabuntong-hininga at tinahak ang daan papuntang apartment ko.

Pagpasok, ay agad akong humiga sa malambot kong kama. Nag-iisip ng mga pwedeng mangyari sa araw ng trabaho. Ang mga taong nakakasalamuha ko, ang mga katrabaho ko, ang lamig na nararamdaman ko dahil sa aircon, at iba pang bagay. Ganoon ako ka-random. Bahala na kung anong maisip, basta iisipin ko.

Mahina akong napamura nang may kumatok sa pintuan. Tss, baka iyong pizza delivery boy na naman ito. Nagkamali kasi siya ng deliver kahapon. Baka napadpad na ulit dito.

Padabog kong binuksan ang pinto."O, ano na nam---

"Hi."Para akong natulos sa kinatatayuan ko nang makita ang gwapong estrangherong kumatok sa apartment ko noon. Pero hindi na siya nakapang-Jollibee uniform dahil naka black suit and tie na siya at may hawak siyang diploma.

"T-teka, H-h-herb, A-a-anong, B-bakit,---

"May diploma na ako. Pwede na ba akong pumasok ulit sa buhay mo?" Nakangiting sambit niya bago ako niyakap ng mahigpit.

At saksi ang pintuan ng bago kong apartment kung gaano nabuo ang matagal ko nang pinapangarap at kung paano ako naiyak sa tuwa habang kayakap ang lalaking minahal ko, at minamahal pa rin ng husto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro