Pedestrian Crush

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sa kalye mo talaga makikita ang magkakaibang klase nang buhay ng tao. Just observe your surroundings pag nasa kalye ka. Ganito naman ang kwento ko…

Lagi ako nag-c-commute papasok at pauwi from school. Isang jeep papuntang bus stop and isang bus papuntang school. Kasi pag hindi ako mag-bus, dalawang jeep pa ang sasakyan ko para lang makapunta sa university.  Madalas laging standing ang bus na sasakyan ko. Rare naman pag naka-upo. Pag naka upo, syempre wala na akong problema kung may matatapakan o masasanggi ba ako or maamoy na putok. Feeling hari pag nakaupo ha-ha-ha.

“Oh! Anonas! Anonas! Tabi muna para makadaan ang mga bababa!” Sigaw ng kundoktor. Ako naman nakatingin sa kalye. May mga batang hamog na nagtatakbuhan. Mga college students na halatang pagod na sa buhay. Mga nursing or medicine student ata ang mga iyon dahil naka all white uniform.

Napako ang mata ko sa isang babae sa kabilang kalye. Nakatayo siya habang naghihintay mag-go signal ang pedestrian. Pre, ang ganda nya. Kitang kita din siya dahil naka yellow floral dress siya. Ang puti din! Ang haba ng buhok… Love at first sight ata ito! Pinanood ko siya habang tumatawid. Ang hinhin mag lakad! Ang ganda nya talaga pre…

“Wala na bang bababa?!” Sigaw ng konduktor. Walang sumagot kaya umandar na ulit ang bus. Kahit umaandar na ang bus, nakapako at hinahabol ng mata ko ang pwesto kung saan ko nakita ang babae. Pero bigla siyang nawala. Sayang naman! Sana makita ko ulit s’ya ha-ha-ha!

Kinabukasan, papasok ako sa school. Naka standing naman ako sa bus, punuan eh. Huminto ulit kami sa Anonas, malapit sa pedestrian. Nakita ko ulit siya, mas malapit na ako kasi katapat ko lang siya. ‘Yun nga lang, nasa loob ako ng bus at siya ay nasa labas.  Is this a pattern or merely coincidence? O baka naman soulmate ko s’ya? That’s absurd. Pero sana ha-ha-ha. Naka white floral dress siya ngayon, ang puti nya lalong tingnan pero parang amputla nya. Okay lang kaya siya? Umangat ang kanyang tingin at nag tama ang mga mata namin. Gosh! Kalalakeng tao kikiligin ata ako! Nag iwas siya ng tingin tsaka tumawid. Aww sayang naman, gusto pa kitang titigan eh… pero baka sobrang intense ng titig ko kaya napansin ako. Sana makita ko pa siya mamaya pag uwi or bukas. Should I make a move? Hmm, huwag na baka tawagin pa akong stalker or creep…

Pag uwi ko, hindi ko na siya nakita ulit sa pedestrian. Ramdam ko ang lungkot. Parang aso na naiwan sa kalye ng amo… minsan ko lang naman siya nakita, pero tumibok na ‘yung puso ko para sa kanya eh…  Pero simula noong araw na iyon, hindi ko na ulit siya nasilayan sa pedestrian na iyon. Ano kayang nangyari sa kanya?

Ilang buwan ang lumipas at nakita ko ulit siya sa pedestrian. Pero imbes na naka dress, siya ay naka jeans at hoodie at may suot pang bennie. Ang putla niyang tingnan at ang lungkot ng mga mata niya. Sinundan ko siya ng tingin habang tumatawid, wala na ang hinhin sa paglalakad niya. Para bang pinipilit na lang niya mag lakad. Nadudurog ang puso ko habang pinapanood siya. Pero ni hindi ko nga alam ang pangalan niya pero nasasaktan ako… nahulog na nga ako. Hindi ko na naman siya ulit nakita.

Pagkalipas ng isang linggo, may nakita akong nurse at isang babae na nakaupo sa wheelchair. Nakangiti ang babae na naka bennie habang nakikipag kwentuhan sa nurse na tumutulak sa wheelchair niya. Familiar ‘yung bennie na suot niya… baka sa isang tindahan sila bumili ng crush ko sa pedestrian. Noong makalapit sila sa bus, nagulat ako. Ang babae na lagi kong nakikita sa pedestrian ay ang babae na nakaupo sa wheelchair. Nadurog ang puso ko. Ang laki ng binagsak ng katawan niya. Ano bang sakit nya? Cancer? Huwag naman sana… ang ganda niya at mukhang kasing edaran ko lang… Mukha pang mabait… At simula ng araw na iyon, hindi ko na naman siya nakita.

“Pre! Baka malate ako!” Sabi ko sa cellphone ko. Naglalakad papunta sa sakayan sa Anonas.

“Bakit naman pre? May chix kang kikitain noh?” Sabi naman ng kaibigan ko sa kabilang linya.

“Pre! Ilang buwan na hindi ko na nga nakikita ‘yung pedestrian crush ko eh!” Sabi ko at tumawa. "Nasiraan ‘yung bus na sinasakyan ko kanina so wala akong choice kundi mag jeep.” May dumaan na ambulansya sa tapat ko kaya napatakip ako ng tenga.

“Geh na pre! mag ingat sila sayo!” Tawa nila sabay baba ng tawag. Ako naman ay napailinh lang. Bakit ko ba naging kaibigan ang mga iyon…

“Tabi tabi!” Rinig kong sigaw.

“Kawawa naman…”

“Mukhang ang bata pa nito…”

Marami akong chismis na naririnig habang nag lakakad. Nakita ko na may inihiga sila sa foldable bed ng ambulansya. Nag pumilit din akong sumilip. Nakiki-chismis ba. Pero noong nakita ko kung sino ito, napako ako sa kinatatayuan ko. Yellow floral dress. Naka bennie. Ang sinakay sa ambulansya ay ang pedestrian crush ko na lagi kong lang tinitingnan lamang.

Ang galing lang. Late na ako eh. Late ko na siyang na lapitan. Hanggang tingin na lang ako.  Late na din ako sa klase ko. Hirap pa sumakay. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ng malapitan. Ang harang na lang namin ay ang mga taong nakapaligid samin. Hindi na salamin o kotse ng kalye.

“Time of death, 11:10 AM.” Rinig kong sabi ng nurse sa ambulansya. Ngayon ang laki na ng harang. Si kamatayan na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro