Chapter 18: 1777

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kimberly

Pinagmasdan ko sa aking harapan si Elocin na nangangatog sa takot nang sinabi naming pupuntahan namin ang kanilang bahay upang makita ang kaniyang Ina. Ngunit nagsimula siyang matakot at ayaw umalis sa kinauupuan dahilan upang maudlot ang aming plano. Nagkatinginan kami ni Yuan at sabay na tumango.

Matapos ay pumasok kami sa isang kwarto at iniwan sa labas sila Venus.

Iginala ko ang aking paningin at halos malula sa mga gamit na nasa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung nasa opisina pa ba ako o nasa palasyo na. Pero kung iisipin, hindi ko naman alam ang pinagkaiba ng opisina at palasyo.

Kinuha ko ang itlog na kulay ginto at kinagat-kagat ito.

"Napagbibili ba ito—"

"Oy, huwag kang kagat ng kagat ng kung anu-ano," niya at inagaw ang itlog. "Aso ka ba?"

Sinimangutan ko siya.

"Baka kapag tumahol ako mas lalo kang ma-in love sa akin." I flipped my hair. "Alam mo naman sa ganda kong ito, kahit maging bangaw ako maganda pa rin ako," aniko.

"Alam mo, kimmy, minsan talaga 'di ko alam kung saan mo hinuhugot ang kakapalan ng mukha mo."

Napahawak ako sa aking dibdib at tila nasaktan sa sinabi niya.

"H-hindi ba tama naman ako? Bakit, maglalaho ba ang pagtingin mo sa oras na maging bangaw ako?"

Marahas na bumuntong hininga si Yuan at umupo sa kalapit na sofa habang nakahawak sa kaniyang sintido. Naupo rin ako sa harapan niya. Maya-maya ay tinakpan niya ang kaniyang mga mata at tinago ang namumulang mga tainga.

Bahagyang umangat ang kaniyang mga tingin sa akin, kapagkuwan ay tinarayan ako.

Hah! Kung umasta talaga ang lalaking ito akala mo ay babae. As if naman gusto ko maging bangaw.

"So, ano ang plano mo?" tanong niya na ikinatanga ko.

"Ha?" tanong ko pabalik.

"Plano, sa bata at sa magulang. Nangialam ka, 'di ba?"

I blinked twice and my lips twitched.

"Kailan ba ng plano? Sandali..."

"What a pain..." he whispered under his breath. "You mean, you meddled with someone's business. You take the child here, and you make her confess without any single plan in your empty head?"

Agad akong napahawak sa aking ulo. "May laman ang ulo ko, potato boy. Gumagana lang talaga ang utak ko kapag last minute na," pagtatanggol ko sa aking sarili.

"And I told you to use formal words. Especially at upper district, the law there is much stricter than here."

Napasimangot ako at nag-iwas ng tingin mula sa kaniya.

"Kaming mga taga-district five ay napagkaitan ng edukasyon upang umunlad ang pagiging tao. Kung ano ang kinalakihan namin, doon kami sanay. Saka, hindi mo kayang baguhin ang nakasanayan ng isang araw lang. Sabi nga ng lola ko, 'If you want to drink water, you must fill the cup.'," mahabang lintaya ko.

Bumaling ulit ako kay Yuan at naabutan siyang laglag ang panga habang nakatingin sa akin.

"And that means?"

This time, siya naman ang inirapan ko. Sumasaki na ang ulo ko sa kaniya, hindi niya ba alam na nahihirapan na rin ako kaka-english niya.

"Ibig sabihin, nasa basura ang karunungan."

"My ghad..." bulong niya at tumayo. "Tatawagan ko child care, stay here with her. Ask Venus everything you need. Just don't make a mess!" banta niya bago lumabas ng kwarto.

Maya-maya lang din ay pumasok si Elocin kasama si Venus.

"Anong ginagawa n'yo rito?" tanong ko sa kanila. Nakatingin sa sahig si Elocin habang puno ng pandesal ang bibig ni Venus.

"Nay—"

"Isa pang tawag mo ng 'Nay', magiging sanhi ng pagkamatay mo 'yang pandesal na nasa bibig mo," banta ko kay Venus.

"E, bilin sa akin ni Sir Yuan na samahan kita rito upang hindi ka mabagot. Bilin niya rin na babalik siya maya-maya."

"Wala na siyang ibang sinabi?" tanong ko.

"Iyon lamang ang binilin niya."

Bumaling ako kay Elocin at naabutan siyang nakatingin sa akin. Nang magtagpo ang aming mga mata ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Hinayaan ko na lang siya. Baka na-realize na niya kung gaano ako kaakit-akit.

Tama, sabi ni lola 'di raw marunong magsinungaling ang mga bata. Baka nahihiya lang siya magsabi. Understandable naman.

Lumabas din ako ng kwarto at iniwan sina Venus at Elocin sa opisina kung saan safe ang bata. Hindi ko na rin alam kung nasaan nagsuot si Yuan kaya mag-isa na lang akong umuwi kung nasaan sila Marisa.

Pero nakalimutan ko na bobo pala ako sa direksyon. Kaya ngayon ay hindi ko alam kung nasaan ako.

Madilim, makipot ang daan, pero magaganda pa naman ang mga bahay. Tila 3rd class kaysa sa lugar kung saan ko nakita si Elocin. Don't tell me may squatter din kahit sa district 3?

Kinagat ko ang aking daliri dahil sa kaba. Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko—natigilan ako nang maalala na komportable na komportable sila sa tinutuluyan nila. Malamang ay hindi alam ng mga iyon na nawawala na ako.

Mga traydor. Nakaramdam lang ng kaligayan, nakalimutan na ako.

"Uy, ikaw ba 'yung bagong kalahok?" Nagulat ako nang may magsalitang babae sa tabi ko. May mga sugat ang kaniyang mukha ngunit nagagawa niya pa rin ngumiti.

My ghad, saan siya nanggaling?

"H-hah?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Mukha kang mahina. Pero 'di ba sabi nila, 'Don't judgement the book by its apprentice'?"

"Judge and appearance 'ata 'yun," pagtatama ko.

"Ay basta, same lang naman sila ng meaning. Tara na sa arena. Ipakita mo sa kanila ang Small but tennis ball."

"Terrible ata, e."

"Weh?"

"'Di rin ako sure," pag-amin ko. "Bakit ka nga pala may sugat?"

"Ito? Bunga ng pagsisikap."

"Saan mo ba tinanim, sa bundok?"

Natawa siya sa sinabi ko.

"Ikaw naman parang 'di mo alam." Napairap ako sa aking isipan. Hindi ko naman talaga alam. "Pero bakit mo tinatanong? Concern ka? May gusto ka sa akin 'no?" panunukso niya.

Lumukot bigla ang aking mukha. 'Di niya ba alam na parehas kaming babae?

"Alam ko makapal mukha ko, pero may mas kakapal pa pala sa akin," sabi ko sa kaniya. "Sarap mong bigwasan."

Parang naintindihan ko bigla si Yuan.

"Yiee, sadista ka pala. 'Si bale, I can change my preparedness naman."

My lips twitched. Please, please, gusto ko talaga siya bigwasan. Kahit isang sapak lang—

Nagulat ako nang hinatak ako ng babae na hindi ko pa alam ang pangalan papunta sa mas masukid na lugar. Hanggang sa marinig ko ang mahina hanggang palakas ng palakas na sigawan ng mga tao.

May pinasukan kaming ibang daan at nilagyan ako ng number 1777 na sticker sa aking damit.

"Para saan ito?" tanong ko.

"Ano ka ba, kapag tinawag ang number mo, punta ka agad sa arena, balatuan mo ako sa prize kapag nanalo ka, a?"

Nanlaki ang mga mata ko. "May prize? Ano ba ang gagawin—"

1777

1777

1777

Dinig ko galing sa component.

1777

1777

1777

"Nandito na, tangina!" sigaw niya.

Tinulak ako ng babae papasok sa isang pinto. Madilim nung una, ngunit nang umangat ang harang ay tuluyan kong nakita ang lahat, at naliwanagan sa nangyayari sa lugar.

Tila isang sabong ng mga tao. At mga babae ang pinaglalaban.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro