Petals of Fading Memoirs

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

MABILIS ang pintig ng puso ni Kaycee habang papalapit ang sinasakyan niyang tricycle sa bahay ng matalik niyang kaibigan na si Raymart. Mahigit sampung taon na ang nakalilipas nang huli nilang masilayan ang isa't isa ngunit inaamin niyang hindi pa rin nawawala ang kakaibang epekto ng binata sa kaniya.

"Diyan na lang po sa tabi," aniya sa driver na mabilis naman nitong pinakinggan. Pagkuwa'y humugot siya ng bente pesos mula sa bulsa ng kaniyang slacks at iniabot iyon bilang bayad.

"Sa inyo na po ang sukli," dagdag pa niya na siyang nagbigay ng malapad na ngiti sa matandang driver. Kaagad na siyang bumaba ng tricycle at sandaling napatitig sa munting bahay sa kaniyang harapan.

May isang malaking tolda sa harap nito at batay na rin sa iba't ibang ingay na maririnig mula sa loob mismo ng bahay, marahil ay siya na lamang ang hinihintay sa pagtitipon. Mabilis niyang itinago ang kulay itim na payong sa loob ng kaniyang bag tsaka humugot ng malalim na hininga.

"Kaycee, ikaw na ba 'yan?" Isang mahigpit na yakap ang naging salubong sa kaniya ni Ana kung kaya't hindi na niya nagawa pang magbigay ng anumang reaksyon, maliban sa isang tipid na ngiti.

The last time she checked, hindi naman talaga sila malapit sa isa't isa ng dalaga. Sa katunayan nga'y kung hindi dahil kay Raymart ay maaaring hindi pa nagkrus ang kanilang mga landas. Maingat siyang humiwalay mula sa pagkakayakap nito at sandaling napatitig sa mga mata nitong may bakas ng pinaghalong pagod at puyat.

"Long time no see. Kumusta na?" muling sambit ni Ana.

Inayos muna ni Kaycee ang strap ng kaniyang bag tsaka muling binigyan ng tipid na ngiti ang kaibigan... kung iyon nga ba ang tamang term para roon.

"A-ayos lang naman," tipid niyang sagot. "I-ikaw? Kumusta ka na?"

"Maayos naman. Pilit nagpapakatatag para sa mga anak namin," Ana shrugged as her pale thin lips curved into a sad smile. "Tara na sa loob? Kanina ka pa niya hinihintay."

Hindi na nagawa pang tumanggi ni Kaycee dahil kaagad na siyang hinila ni Ana sa loob ng bahay nito. Mula sa bukana pa lamang ng pintua'y masisilayan na ang pamilyar na wangis ng kanilang mga kaklase noong high school.

"Uy! Kaycee, musta na?"

"Parang gumaganda yata tayo ngayon, a?"

"Long time no see, Ms. Valedictorian!"

Tanging tipid na tango at ngiti lamang ang kaniyang naibibigay sa bawat nadadaanan nila ni Ana. Sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa'y tila may kung anong mabigat na bagay ang unti-unting dumadagan sa kaniyang dibdib. Ilang taon na ang nakalilipas ngunit parang kahapon lang naganap ang lahat.

"Mahal, nandito na si Kaycee. Kumpleto na ang buong barkada," nakangiting sambit ni Ana.

Mabilis na napatingin si Kaycee kay Ana matapos ng sinabi nito. Bahagyang napaawang ang kaniyang bibig na tila ba naubusan ng sasabihin. Doon lamang niya napagtanto na nasa harapan na sila ngayon ni Raymart. Ang bawat pagkalabog ng kaniyang puso ay mas dumoble pa ang bilis nang pakatitigan niya si Ana bago ituon ang buong atensyon sa binata.

Bumungad sa kaniya ang kulay puting himlayan nito na may nakalatag na isang watawat sa ibabaw. Kung pagmamasdan niyang mabuti ito ay animo'y nahihimbing lamang. Doon nagsimulang manuyo ang kaniyang lalamunan habang binabaha ng maraming katanungan ang kaniyang isipan.

"You may not believe me but his facial expression became more calm now," ani Ana. "Siguro dahil sa wakas ay natuloy na rin ang reunion na matagal na naming pinaplano?"

Hindi na halos namalayan ni Kaycee ang tuluyang pagpatak ng ilang luha sa kaniyang mata. Tanging ang banayad na paghagod lamang ni Ana sa kaniyang likuran ang siyang humila sa kaniya pabalik sa reyalidad. Nilingon niya ito at isang malungkot na ngiti lamang ang ibinibigay nito.

"I'm sorry, hindi lang ako makapaniwala..." Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Ana tsaka humugot ng panyo mula sa kaniyang bag. She wiped off her tears while trying her best to composed herself.

"It's okay. Halos lahat naman tayo'y nabigla sa balitang ito. Sa Sabado pa dapat ang reunion natin pero napaaga ang pagkikita-kita natin." Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Ana bago muling gumuhit sa labi nito ang isang ngiti. "Tara na? Kanina ka pa hinahanap nina Leslyn."

Puno na ng panginginig ang buong katawan ni Kaycee kaya tila isa siyang puppet na nagpatianod na lamang sa paghila sa kaniya ni Ana. Ilang hakbang lamang ang ginawa nila ngunit nakuha na niyang suriin ang kabuuan ng bahay.

It was a bungalow-type of house with atleast two to three bedrooms. Walls were painted with a combination of beige and dark brown lining. Ang mga kurtina'y kulay asul na siyang nagbigay buhay sa mga bintana.

Simple ang ayos ng bahay ngunit hindi maikakaala ang kalinisan nito. Kapansin-pansin din ang malaking family picture nina Ana at Raymart, kasama ang dalawa nilang supling sa sentrong bahagi ng sala. Ngunit ang organisadong ayos ng bahay ay nagmistulang paraiso dahil na rin sa ayos at palamuti ng buong burol.

"Oh my god, Kaycee! You're here na!" malakas na bati ni Leslyn na siyang pumukaw sa atensyon ng lahat. Suot nito'y isang corporate attire, ang katamtamang haba ng buhok ay nakalugay na lamang.

Hindi na maitago ni Kaycee ang pangangatal ng kaniyang sistema. One of her weakest point is to socialize with other people. Lalo pa't matagal na panahon na ang lumipas mula nang huli siyang nakihakubilo sa dati niyang mga kaklase.

Ang totoo'y kung hindi niya naman nakilala noon si Raymart ay marahil nag-iisa pa rin siya hanggang sila'y nagtapos ng sekondarya. She prefers doing things by herself than allowing other people to invade her personal space. Although making friends became her biggest frustration, she still managed to survive that rollercoaster stage of her high school life.

Nagawa niyang lagpasan iyon dahil sa tulong ni Raymart. Muli na naman nanariwa sa kaniyang isipan ang katotohanan na wala na ang itinuring niyang matalik na kaibigan. The thought of it threw a throbbing pain in her heart.

"Maiwan ko muna kayo ha? Kukuha lang ako ng maiinom," paalam ni Ana na hindi na naghintay pa ng pahintulot mula sa kanilang lahat.

Doon lamang bumalik muli sa kaniyang ulirat si Kaycee. Sa huli ay humugot siya ng malalim na hininga tsaka nagbigay ng ngiti sa kanilang lahat.

"Parang mas blooming ka ngayon. Let me guess... in love ka ano?" sabat ni Alexa matapos siyang hilahin nito paupo ng sofa. Nakasuot ito ng itim na leggings at tank top na animo'y kagagaling lamang sa zumba.

"W-wala akong oras sa love life," tipid niyang tugon. Maingat niyang inilapag ang kaniyang bag sa gilid ng sofa tsaka itinuon ang atensyon sa mga kaklase niya noong high school. Sa isip niya'y tama nga si Ana nang sabihin nito na kumpleto ang buong batch nila.

"Sus! Paano ka magkakaroon ng oras sa love life, e halos sa school ka na tumira!" sarkastikong komento ni Ligaya, ang noo'y kilalang bully ng kanilang batch.

Nagkibit-balikat na lamang siya at isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga ito. Si Leslyn na siyang vice-president nila noon; si Alexa na makailang ulit na nilang nagiging muse dahil sa natural na ganda nito; at si Ligaya na animo'y kulang lagi sa atensyon kaya paggawa ng gulo ang naging past time nito noon.

"Wala naman akong nakikitang masama kung pinili ng isang tao na maging single. Palibhasa kasi, bitter ka na naman sa buhay e—"

"E 'di ikaw na ang magaling! Lagi naman," pagputol ni Ligaya sa kaninang pagsabat ni Leslyn.

Natahimik ang apat na dalaga habang pilit na pinakikiramdaman ni Kaycee ang tensyon na unti-unting nabubuo sa pagitan ng dalawang kamag-aaral. Nabasag lamang iyon sa pagdating nina Ana at Mark na noo'y kapwa may hawak na tray; isang naglalaman ng kape at isang naglalaman ng samu't saring kutkutin.

"O? Bakit parang may dumaan na anghel sa pagitan niyo?" bungad ni Mark tsaka nito inilapag sa maliit na mesa sa kanilang harapan ang dala nitong kutkutin.

Sabay-sabay silang napatingin sa binata ngunit walang sino man ang nagbigay ng malinaw na kasagutan.

"Naku! Mabuti na lang at dumating ka, Mark. Kaloka ang dalawang 'to," ani Alexa upang basagin ang tensyon sa pagitan nina Leslyn at Ligaya.

"Hindi pa rin kayo magkasundo hanggang ngayon?" natatawang komento ni Mark. "Aba'y simula high school, mortal na magkaaway na kayong dalawa a?"

"May problema ba?" Sumunod na inilapag ni Ana ang ilang tasa ng kape na maagap namang kinuha nina Leslyn at Ligaya tsaka tuluy-tuloy na lumagok doon.

"Huwag mo na itanong, Ana. Ma-stress ka lang!" sarkastikong saad muli ni Alexa na siyang nagtulak sa kanilang lahat para matawa na lamang.

ILANG oras pa ang tinagal ng kanilang pananatili nang magdesisyon ang iba na mauna ng umuwi dahil lumalalim na rin ang gabi. Nanatiling tulala sa kawalan si Kaycee ngunit ang mga mata'y nananatiling nakatitig sa direksyon kung saan pansamantalang nakahimlay si Raymart.

"Ayos ka lang ba?" bungad ni Ana sa kaniya. Halos kababalik lamang nito galing sa labas ng bahay upang ihatid ang ilan sa kanilang mga kaklase.

Bahagya siyang napailing tsaka ito binalingan ng tingin, "ayos lang ako pero mukhang kailangan ko na rin umalis. May mga lesson plan pa akong kailangan tapusin ngayong gabi—"

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman mula nang dumating ka kanina," pagputol ni Ana sa kaniyang sinasabi.

Hindi siya kaagad nakapagbigay ng reaksyon dahil tila bombang bigla na lamang inihulog sa kaniyang harapan ang sinabi nito. She just stared at her, waiting for a follow-up explanation.

Ana smiled bitterly, "simula high school pa lang, pangarap na ni Raymart na maging sundalo. He wanted to serve his country, thinking that it will be the only way he can repent to his mistakes."

Nanatili pa rin tahimik si Kaycee. Maging siya ay hindi rin alam kung ano ba ang dapat niyang ibahaging alaala na kasama ang binata. Lalo pa't ang bawat talulot ng kaniyang alaala'y pawang masalimuot na lamang ang natitira.

Sabay silang napatingin ni Ana sa kabaong ni Raymart at muli na naman niyang naramdaman ang matalim na bagay sa kaniyang dibdib.

"Alam mo? Minsan, naiisip ko na kahit ako ang pinakasalan ni Raymart at naging responsable naman siyang asawa at ama sa mga anak namin... pakiramdam ko, parang may kulang."

Mabilis niyang nilingon si Ana dahil sa sinabi nito. Ang kaninang kalmado niyang ekspresyon ay nag-iba, kasabay ng pagbabago sa bilis ng kaniyang paghinga.

Tumaas ang isa niyang kilay, "anong gusto mong ipahiwatig, Ana? Na dahil sa akin kaya parang may kulang sa inyo ni Raymart?"

Kaagad na nag-iwas ng tingin si Ana dahil maging ito'y nabigla rin sa kaniyang mga nasabi.

"Coming here was a mistake," ani Kaycee sabay sulyap sa kabaong ni Raymart. "I didn't mean to ruin the mood, Ana. Pero sana maintindihan mo na may karapatan din akong masaktan."

Hindi na napigilan pa ni Ana ang pagtulo ng mga luha nito. Pagkuwa'y mabilis itong tumalikod at nagtungo sa isang pasilyo sa pagitan ng sala at kusina. Puno man ng pagtataka ang kaniyang isipan, sa huli ay pinili na lamang niyang lumisan.

Humugot siya ng malalim na hininga matapos bigyan ng huling sulyap ang lalaking minsa'y naging malaking bahagi ng kaniyang buhay. Kalauna'y nagsimula na siyang maglakad palabas ng tahanan nina Ana.

"Kaycee, sandali lang!" sigaw nito na siyang nagpatigil sa kaniyang ambang pag-alis. Nilingon niya ito habang pilit itong naghahabol ang kaniyang paghinga.

"Ana, kailangan ko ng umalis..."

Natigilan siya sa kaniyang sasabihin nang iabot sa kaniya ni Ana ang isang puting sobre. Puno ng pagtataka niyang tinitigan iyon nang iangat niya ang tingin kay Ana... and she's giving her a reassuring smile.

"I was hesitant to give you this pero tama ka. Hindi ko dapat ibato sa 'yo ang kung ano man ang nangyari sa pagitan namin ni Raymart bago siya mawala. You deserve to be happy, Kaycee... maraming salamat sa lahat."

Ilang sandali pa silang nagkatitigan bago niya tuluyang tinanggap ang sobre. Sa huli ay sumilad ang isang ngiti sa kaniyang mga labi kahit pa tahip-tahip na ang kaba sa kaniyang dibdib.

"S-salamat..."

PASADO alas onse na ng gabi nang makauwi si Kaycee sa kaniyang maliit na apartment. Kaagad niyang tinungo ang kaniyang kusina upang kumuha ng malamig na tubig mula sa refrigerator. Bakas man ang panginginig sa kaniyang kamay ay nagawa pa rin niyang magsalin ng tubig sa isang baso at mabilis na uminom doon.

Ilang sandali pa siyang nanatiling tulala sa kawalan nang muling pumasok sa kaniyang isipan ang puting sobre na iniabot sa kaniya ni Ana kanina sa burol. Muli siyang naglakad pabalik ng kaniyang sala kung saan niya iniwan ang kaniyang bag at mula roo'y maingat niyang hinugot ang sobre na 'di umano'y galing kay Raymart.

Humugot muna siya nang malalim na hininga tsaka unti-unting binuksan ang naturang liham...

Mahal kong Kaycee,

Kung sakali man na nababasa mo sa mga oras na ito ang sulat kong ito'y marahil ay wala na ako. Marahil ay nagtataka ka kung bakit may liham akong inilaan para sa iyo. Gayong para sa mga sundalong tulad ko'y nakareserba ang ganitong bagay para sa aming pamilya at malalapit na kamag-anak... kung sakali man na hindi kami palarin na makauwi nang buhay.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang mga sasabihin ko. Sa tagal ba naman ng panahon na lumipas, maraming pangyayari ang naganap. Ngunit kung may isang bagay na malinaw pa sa aking isipan? Iyon ay ang araw na una kitang nasilayan.

Naaalala ko pa noong unang tapak mo pa lang sa may pintuan ng ating silid-aralan. Kasalukuyan pa kaming nagbibiruan ng ilan sa ating mga kamag-aaral nang mapadako ang tingin ko sa iyong direksyon. Tila isa kang bulaklak sa taglay mong kagandahan. Hindi ko maintindihan kung ano ang aking nadama, lalo na'ng sa unang pagkakatao'y nasilayan ko ang ngiti sa 'yong mga mata.

Kaycee, gusto kong humingi ng tawad sa naging kasalanan ko sa iyo noong tayo'y mga estudyante pa lamang. Alam ko na noon pa man ay may espesyal tayong koneksyon sa isa't isa, kahit pa hindi natin iyon personal na sabihin. Sa unang pagkakataon nang masilayan kita'y nabihag mo na agad ang aking puso. Sino ba ang hindi? Bukod sa matatayog mong pangarap ay nakitaan kita ng kakaibang determinasyon sa mga bagay na nais mong abutin.

Patawad kung hindi ko nasabi ang mga katagang nais mong marinig mula sa akin. Patawarin mo ako kung hindi ko nagawang sumipot noon sa itinakdang lugar at oras ng ating pagkikita. Mahal kita ngunit alam kong mas matimbang ang mga pangarap mo noon. Na dahil sa kagustuhan kong huwag maging sagabal ay hindi ko namalayan na tuluyan nang lumayo ang iyong kalooban sa akin. Lubos akong nasaktan nang isang araw ay itinuring mo na lamang ako bilang hangin. Alam kong nangako tayo sa isa't isa na kung sakali man na tayo'y pagtatagpuin muli ng tadhana'y masaya nating itutuloy ang naudlot nating pagmamahalan... ngunit taliwas doon ang nangyari.

Sana'y paniwalaan mo ako kung aking sasabihin na kahit hindi tayo ang itinadhana sa huli ay mananatili ka pa ring paksa ng ilan sa aking mga latlahain. Na kahit pa dumating ako sa punto ng aking buhay na napagod ako't sumuko sa paghihintay ay hindi kailanman nawala ang puwang mo sa aking puso.

Patawarin mo sana ako kung sa paghihintay ko sa iyong pagbabalik ay siyang pagpasok ni Ana sa aking buhay. Alam ng Diyos kung gaano ako umasa para sa ating dalawa ngunit hindi ko rin maikakaila na noong mga panahon na patuloy akong nangungulila sa iyo'y si Ana ang siyang tumulong sa akin upang bumangon muli sa kinasadlakan kong kalungkutan. Na isang araw ay naramdaman ko na lamang na siya na ang mahal ko at unti-unti na kitang pinakawalan. Nagawa ko man turuan ang puso kong palayain ka'y hindi iyon sapat na dahilan upang kalimutan ko rin ang ating mga pinagsamahan.

Alam ko kung gaano kita nasaktan noong araw na ikasal kami ngunit sa halip na galit at poot ang iyong ipinakita'y ibinigay mo ang iyong taos-pusong pagbati para sa aming dalawa. Alam kong kulang ang simpleng paghingi ng tawad sa lahat ng sakit at tanong na iniwan ko sa iyo sa loob ng mga nagdaang taon. Nawa'y mahanap mo ang tunay na kaligayahan sa iyong buhay dahil isa ka sa pinakamabuting tao na nakilala ko.

Hangad ko ang lahat ng mabuti para sa iyo, Kaycee. Hiling ko sa Diyos na susunod nating buhay ay pagtagpuin tayong muli at mabigyan pa ng isang pagkakataon para sa pag-ibig na hindi na kailangan pang isantabi. Paalam, aking kaibigan... hanggang sa muli nating pagkikita.

Lubos na nagmamahal,
Raymart

TULUYAN nang nanlambot ang mga tuhod ni Kaycee matapos basahin ang huling liham para sa kaniya ni Raymart. Huli na rin nang mapagtanto niyang tila isang batis ang kaniyang mga mata sa walang humpay sa pag-agos ang mga luha mula rito.

Sa mga oras na iyo'y hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Maraming taon ang lumipas ngunit tila ngayon lamang naging malinaw sa kaniya ang lahat. Ang mga katanungan at hinanakit na kaniyang dala-dala sa mahabang panahon ay nagkaroon ng kasagutan.

Muli siyang napatitig sa liham na naglalaman ng mga kasagutang matagal niyang inasam. Kung bakit ang malalim nilang kaugnayan noo'y hindi nabigyan ng malinaw na pagtatapos. Totoong naging masaya siya nang mahanap ni Raymart ang wagas na pag-ibig kay Ana. Ngunit hindi niya maitatanggi na nag-iwan ng isang pilat sa kaniyang puso ang mga nangyari noon. Masyado siyang umasa sa pangakong kahit anong mangyari ay may babalikan pa siya, kahit gaano katagal na panahon ang lumipas.

But although it didn't happen, reading Raymart's usaid words helped her to cease all the pain, hatred and regrets she have been carrying in the past... it all just faded away. And that very moment, she can finally move forward while keeping those precious memories from her one that gone away.

Marahan siyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig tsaka mabilis na tinungo ang kaniyang binata. Mula roo'y unti-unting sumilad ang ngiti sa kaniyang mga labi habang pinagmamasdan ang kalangitan.

"Hanggang sa muling pagkikita, Raymart..."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro