CHAPTER 35 (EDITED)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

TAMARA POV

Tara na Shawn "sigaw ko at hinila siya palabas ng room. Malapit na kaseng lumubog ang araw.

SHAWN POV

nagulat na lang ako ng bigla nya na lang ako hinila palabas

Nag pahila na lang ako dahil wala na akong choice. Dinala nya ako  malapit sa dagat.

Naglatag siya ng tela at naupo roon. Nakatayo lang ako rito habang pinapanuod siya.

Halika ka "sambit niya sabay hila saakin paupo sa tabi nya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto nya.

Naramdaman ko namang isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Nakatingin lang siya sa sunset. Napatingin narin ako rito. Hindi gaano kaganda ang sunset dahil paiba iba ang panahon ngayon.

Alam mo bang isa sa pinaka gusto kong matupad ay makasama ang taong nag turo saakin na maganda ang sunset panoorin. Kaso mukhang hindi na matutupad yon "malungkot na turan nya kaya napatingin ako sakanya. Nawala na ang ngiti niya sa labi napalitan na ito ng lungkot. Ngayon ko lang siya nakitang nag iba ng reaksyon. Palage ko kaseng nakikitang reaction nya ay masaya. Kumbaga happy go lucky siya.

Bakit ba kase maraming naduwag sa mundo. Kung duwag siya dapat hindi na sila nag mamahal "dagdag na sambit nya na halata ang lungkot at galit. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi nya habang nakatitig sakanya. Siya naman ay nakatitig sa sunset habang unti unting lumulubog habang nakasandal sa balikat ko.

Isa lang naman ang hangarin ko eh ang maging masaya ang mga kaybigan ko pati pamilya ko "hindi ko alam at maintindihan ang mga sinasabi nya pero ramdam kong mahirap na karanasan yon para sakanya maging para sa lahat ng makakaranas nito.

Bakit may mga taong duwag? "Ulit nya ulit sa tanong nya kanina.

Namimiss kona sya Shawn. Namimiss kona sya. "Paulit ulit na sinabi nya.

Kung hindi lang sana naging duwag ang pinsan ko eh di sana bu-b
hay pa sya "hata ang lungkot sa binitawan nyang salita. Medjo napiyok pa sya sa pagbanggit ng salitang *buhay pa sya *.

Sino bang tinutukoy mo? "This time hindi kona napigilang hindi magtanong.

Si Jewish "maiksi niyang sambit. Hindi na ako nabigla dahil alam kong galit siya kay Jewish. Hindi man nila sabihin alam ko sa pag iwas ng tingin ni Jewish at sa mga tingin ni Tamara na may halong galit at poot.

Si Jewish ang dahilan kong bakit pinili niyang tapusin ang buhay nya "This time napahagolgol na sya sa iyak. Niyakap ko sya sa hindi ko malaman ang dahilan.

Nandito lang ako makikinig sa mga kwento mo "sambit ko at hinaplos haplos ang kanyang buhok.

Minsan iniisip ko hindi paba sapat ang pag mamahal ko, namin para gawin nya yon "paninisi nya sa sarili nya.

Is not your fault "pag kombinsi ko sakanya.

Alam mo bang lahat sila sinubukang kitilin ang kanilang buhay? "Sambit niya. Nanahimik na lang ako dahil hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko.

Napigilan ko ang kanilang binabalak siya lang ang hindi ko napigilan dahil nong time na yon may importante akong ginagawa "na Curious naman ako sa sinabi nya pero pinili kona lang ang manahimik.

Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko dahil timbang sila sa puso ko. Habang ginagawa ko ang bagay nayon hindi ko napigilan ang luha ko dahil alam kong may mawawala isa sakanila "muli siyang napahagolgol. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sakanya.

Alam mo bang sinisisi ko ang sarili ko nong nawala sya. Pinilit kong isisi sa pinsan ko ang pagkawala nya pero naisip ko kasalanan ko rin naman yon kase kung kaylan kaylangan nya ng masasandalan yon naman na wala ako sa tabi nya "umiiyak na turan nya. Tahimik lang akong nakikinig rito. Hindi ko akalain na sa likod ng kanyang pagiging childish at pilya ay may malaki siyang pagsubok na pilit nilalabanan.

Wala akong kwentang kaybigan "sambit niya at sinisisi ang kanyang sarili.

Shhhhh hindi mo kasalanan ang lahat "pagpapatahan ko sakanya.

Sana nga tinanggap ng sarili kong hindi ko kasalanan. Pero hindi matanggap ng sistema ko Shawn dahil sa tuwing naaalala ko sya sarili ko lang ang sinisisi ko "umiiyak na turan nya. Iniharap ko sya saakin. Then pinunasan ang kanyang mga luha.

Hindi mo kasalanan kong anong nangyari sa taong yon. nAging mabait kang kaybigan okay. Wag mong isisi ang lahat sa sarili mo dahil hindi mo kasalan "deretsong saad ko habang nakatingin sakanyang mga mata. Tumango naman siya at mabilis akong niyakap. nIyakap kona rin siya.

Tara na kaylangan mo ng magpahinga "akit ko. Tumango naman siya kaya tumayo na ako para tulungan syang tumayo. inAlalayan ko syang tumayo ganun rin sa paglalakad hanggang room namin.

Inihiga ko sya sa kama nya at kinumutan ito. Bago nya pinikit ang kanyang mga mata nginitian nya mona ako. Nang masigurado kong tulog na sya ay hinalikan ko sya sa noo at lumabas ng room para alamin ang buong katutuhanan kay Jewish.

Kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto nya. Binuksan naman ito ni Ethan.

Oh dude "bati niya.

Nasaan si Jewish? "SEryusong tanong ko. tiNURo nya naman sa loob kaya nag lakad na ako papasok. 

Lumabas kana mona Ethan mag uusap lang kami ni Jewish "cold na sambit ko. nagTATAka naman siyang lumabas. Napatingin naman saakin si Jewish na nagtataka.

pWede ba tayong mag usap? "Seryusong tanong ko. Napaayos naman siya ng pag kakaupo bago tumango.

naupo naman ako sa kama niya. Katahimikan ng ilang minuto ang naghari sa pagitan naming dalawa. 

Ano ba talagang nangyari sayo at sa best friend ni Tamara? "Deretsong tanong ko. Napaiwas tingin naman siya.

Tol kaybigan kita kahit anong sabihin o nangyari sainyo tatanggapin ko. Hindi kita huhusgahan o ipapamukha ang kasalanan mo sayo ang gusto ko lang malaman ang katutuhanan "paliwanag ko. Napaharap naman siya saakin.

Bakit gusto mong alamin? "Tanong nya naman.

dAhil ang pinsan mo ang nag durusa "deretsong sagot ko. Napabuntong hininga naman siya.

JEWISH POV

FLASHBACK

5 months na kaming mag kasintahan ni Sophia lim.

Sa loob ng limang buwan naging masaya kami kahit palageng may tampuhan.

Kahit bata pa kami ay mahal na mahal namin ang isat isa.

Kaso nong nasa six month na kami dito naglabasan lahat ng malalaking pagsubok sa relasyon namin.

Umekstra sa relasyon namin si Elizabeth Villafuerte.

Isa syang Gangster at normal na tao lang kami ni Sophia. ginawa nya ang lahat para mag kasira kami ni Sophia.  Andon ang pang seseduce nya saakin. panGhahalik nya ng hindi ko nalalaman. Pagpapahiya nya sa gf ko. Lahat ng yan nakayanan namin ni Sophia kaso sa sunod nyang ginawa ay hindi ko nakaya.

Sinaktan nya ng paulit ulit si  Sophia. Hindi ko nakakaya na nakikita syang pabalik balik sa hospital, hindi ko kinaya na nakikita syang nahihirapan, hindi ko kinaya na sa tuwing lalabas sya ng hospital may panibagong panganib ang nag hihintay sakanya. Sumuko ako para sakanya.

NAKipag usap ako ng masinsinan kay Elizabeth. Tinanong ko kung ano ang gusto nya para tigilan na nya si Sophia. At ang hiniling niya ay ang layuan ko si Sophia at maging kami. sInunod ko yon dahil kung hindi tutuluyan na nila si Sophia.

Nag panggap akong masaya sa feeling ni Elizabeth para masaktan si Sophia at layuan ako.

Naka dalawang linggo palang kami ni Elizabeth sa Plano namin nabalitaan ko na lang na wala na sya dahil sa car accident daw.

Pero ang totoo nag pakamatay sya ng dahil saakin.

Nang dahil dyan nagalit saakin ang pinsan ko kinamuhian nya ako.

After ng pang yayaring yan lumayo na ako kay Elizabeth dahil wala ng dahilan pa para sundin ko ang gusto nya na parang aso.

Ngunit ang sunod nyang sinaktan ay ang pamilya ko kaya no choice ako kung hindi magpaalipin sakanya.

after ng isang buwan nabalitaan ko na lang na bumagsak na ang company nila. Inalis nila tito ang share nila sa business ng villafuerte .kinalaban nila ang company nito hanggang sa bumagsak sila ng wala ng itataas pa. Simula rin non ay nakalaya na ako mula sa kamay ni Elizabeth kaso hindi ako nakalaya sa bangungot na nagmumula sa alaala ni Sophia

END OF FLASHBACK

Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi maiyak. mAsakit parin para saakin ang mga nangyari lalo pat pag naaalala ko ang mga nangyari.

Kung ako ang nasa kalagayan mo yan din ang gagawin ko "sambit ni Shawn at tinapik tapik pa ang balikat ko.

CONTINUE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro