Pinagsisisihan

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Pinagsisisihan ko na nalaman mong mahal kita.
At higit sa lahat,

Pinagsisisihan kong minahal kita.

Unang nakilala kita, napapangitan pa ako sa'yo nun. Pero ang pag-ibig, walang pinipili. Itsura, ugali, edad, height, weight, o ano pa. Hindi yun hadlang sa pag-ibig.

Iniinis ka nila na may gusto ka daw sa'kin, umiiwas ka lang, kasi hindi pa tayo close nun. Umiiwas lang din ako.

Naalala ko, hiniram niyo pa yung pamaypay ko nun, medyo pasigaw kong sinabing "Peram" pero binigay mo siya ng gentle.

Naging close tayo. Hindi yung close na nag-haharutan. Yung close na nag-uusap. Medyo ilang pa ako nun.

Naging close tayo dahil sa batian nating dalawa. Ang pag tango. Tango tayo ng tango pag nagkita tayo. Sign yung ng hello natin.

Muntik na kitang maging crush nun kasi ang cool mo nung isang beses na magkatitigan tayo tas tumango ka. Syempre hindi ko pinahalata at tumango lang din ako.

Pinagsisihan ko nga nung time na naging crush kita, mga ilang days pa lang. Kasi nakita mo ko, nakita din kita pero di kita pinansin kasi nakita ko yung crush ko na dati ko nang crush ngayon. Tumango ka ng hindi kita pinansin. Pero yung totoo, nakikita kita. Nung hindi ako tumango, alam kong nakatitig ka lang sa'kin nun.

Sorry ah.

Pogi ka naman eh, tsaka mabait ka sa'kin. Naging crush kita. Nung sinabi ko yun sa mga kaibigan ko, sabi nila crush mo nga daw ako dati, kaya umasa ako na baka maging M.U. tayo.

Pero dahil sa mga kaibigan ko, nalaman mo.

At yun, pinagsisihan ko ng sobra.

Yung closeness natin, napalitan ng pag snob mo sa'kin.

Kung hindi ka pa nila kakausapin at kukulitin, di ka mamamansin.

Kung hindi mo sana nalaman, hindi mawawala ang pagkakaibigan natin,  di ka magiging snob.

Nami-miss ko na yung pagkakaibigan natin.

Oo, chinachat kita. Pero, tama na. Nasasaktan lang din ako eh.

Kasalanan ko din, kaya nangyari 'to kasi umasa ako.

Inaamin ko, may feelings pa rin ako sa'yo.

Sana magka-totoo yung dahilan kung bakit ako umasa, na malabo at mahirap mangyare.

Ang mahalin mo ko pabalik.

Pinagsisisihan ko talaga,

Na nalaman mong gusto kita,

Na umasa ako,

At higit sa lahat...

Na minahal kita.

-----The End-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro