Epigrap

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Magkita tayo kung nasaan ang buwan
at ating bilangin ang mga talang
ikaw ang may tangan.

Tignan mo ako sa mata na parang araw
Masakit pero kailangan.

Hagkan mo ang aking mga labi
nang uhaw ko ay mapawi
uhaw na dulot ng panlalanta ng pag-ibig nating dalawa.

Mahalin mo ako dahil iyon ang dikta
hindi dahil naikintal iyon sa iyo ng tinta.

Pinagtagpo lang tayo, alam ko.

Ngunit huwag sana roon magtapos
natatakot kasi akong maupos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro