Sana

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sana

Sa tuwing maaalala ko ang tanong nilang, "Bakit hindi naging kayo?" ang sarap i-record ng sagot kong, "Praktikal kasi kami." Mas pinili nga pala natin kung saan tayo mas tatagal. Pero ang magandang tanong doon ay kung masaya ba tayo sa naging desisyon natin? O kung masaya ba talaga ako sa kinahantungan ng lahat?

Hindi dahil na sa iyo na ang lahat ng mga katangiang nais ko, magiging tayo na. Hindi pala iyon ganoon. At kung minsan, hindi talaga magiging ganoon ang takbo ng lahat. The more we get attached to someone, the more we can realise an endless possibility in a single perception. Sa sobrang dami naman ng maaaring mangyari, bakit pa iyong pagiging sayang natin sa isa't isa ang namayani?

Totoo ngang lahat ng tao ay may masasabi at masasabing mabuti o di mabuti sa iisang bagay o pangyayari. Kaya siguro dalawa ang mga mata natin para makita natin ng dalawang ulit ang iisang bagay bago pa man ang lahat. Kaya siguro iisa lang ang bibig natin para kung anuman ang nais talaga nating maisabi ay mabubulalas natin nang walang pagdadalawang-isip. Kaya nga siguro?

Kaya nga siguro nakilala kita upang malaman kong may posibilidad na mabuhay ang isang ideya kaso nga lang, nalaman at nadama ko ang pagiging tao ng ideyal kong ito ngunit di ko naman naangkin. At hindi maaangkin kailanman.

Noong unang araw na nabuhay ka sa aking uniberso, alam kong may kakaiba sa iyo. Espesyal ka, gaya ng lagi kong sinasabi sa iyo ngayon. Hindi ko alam that time kung ang puwersa ng uniberso ay pinaglalapit ba talaga tayo o pinalalasap lang sa akin ang pakiramdam na malapit ka tapos bigla na lang akong ilalayo kapag narating ko na ang rurok ng pakiramdam na iyon.

Hindi ko pinagsisihan na makilala ka sa paaralan. Sobrang hindi inaasahan ang lahat-lahat na nangyari sa atin. Malinaw pa sa aking isipan sa kung paano mo ako unang kinausap. Umaga iyon sa loob ng faculty room. Alam kong nakita mo ako sa loob, kung kaya't dali-dali akong lalabas sana ng silid na iyon kung di lang bigla kang nagtawag.

"Bakit mo ako binlock?" Nagitla ako sa sinambit mo at nagpakaaligaga. "Kasi ang nega mo," tugon ko at umalis. Sa sandaling iyon, hindi ko alam kung bakit parang nakonsensiya ako sa ginawa ko. Mali nga yatang alisin kita sa aking uniberso lalo na't tila pakiramdam mo'y walang makauunawa sa iyo.

Kinagabihan ng araw na iyon, tinanggal kita sa aking block list at minensahe, "Okay na?" At dahil doon, nagsimula na ang isang buong nobela nating dalawa.

Napupuno ang araw ko ng mga mensahe mo—mga kuwento mo sa iyong buhay, mga litaniya mo at mga pahayag. Sa bawat araw, naging isa kang malalim na bangin na pinaghandaan kong talunin.

Pagkatalon ko'y hapdi ng katawan ang aking naranasan.

Nagtapat tayo sa isa't isa. Nalaman mong may pagtatangi ako sa iyo at nalaman kong itinatangi mo ako bilang espesyal na kaibigan.

Tila'y ginawa ko ang sarili ko bilang robot—pinrograma ko ang aking sarili na ilugar ang bawat aksyon at pakiramdam ko para sa iyo bilang mahalagang kaibigan mo.

Ngayon sa tuwing may magtatanong sa akin kung bakit hindi naging tayo, hindi ako magsasawang sabihin na naging praktikal tayo. Napili natin ang isang desisyon na kaya tayong pagbuklurin na hindi magkakasakitan o walang magpapabago sa ating pagkakaibigan.

Pinagtagpo tayo sa paaralan upang malaman kong hindi ikaw ang para sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro