Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Maglakad ka lang, akong bahala sa lahat."


Nanindig ang mga balahibo ko sa batok dahil sa sinabi ni Jonathan. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o masusuka. Ang corny nun Junatan!


"Seriously? Ano bang--"


"Shhhhhhh.." bulong ulit niya sa'kin at nag-umpisang maglakad, at dahil naka-akbay siya sa'kin, wala akong nagawa kundi ang sumunod din sa kaniya sa paglalakad.


Pero sige, aaminin kong madali lang naman talaga na maka-alis mula sa pagkaka-akbay niya pero dahil minsan lang 'to mangyari, lubos-lubusin na natin. Hehe. Madiskarte 'to, uy!


"Huwag kang gumawa ng kahit anong ingay," bulong niya.


"Ano ba talagang trip mo ha?" sinadya kong nakakainis ang boses ko pero sa ilalim ng telang nakabalot sa'kin, abot hanggang tenga ang ngiti ko.


"Huwag ka nang magsalita!" inis na bulong niya.


"Aray ko!" napasigaw ako nang bigla akong natapilok. Mabilis na pumunta ang kamay ni Jonathan mula sa ulo ko papunta sa balikat para pigilan sa pagtumba. Kinurot ko siya sa tagiliran.


"Ouch!" mahinang daing niya.


"Sabi mo ikaw bahala sa lahat! Ayusin mo naman, Bermudo!" inis na sabi ko at niyakap ang braso ko sa likod ng beywang niya. 


Napapisik siya. 


"Huwag kang magreklamo kundi malilintikan ka sa'kin," pambabanta ko habang nakangiti ng malaki.


Putabete. Ang sexy-sexy ng waist ng mokong 'to! Nasa'n ang hustisya?!


"Shhhhhh.. malapit na tayo."


Mas napalaki ang ngiti ko dahil sa naging tugon niya sa sinabi ko. Mukhang wala siyang planong punahin ang pagkakayakap ko sa kaniya. Aba syempre, siya nga pinapayagan kong akbayan ang isang tulad ko kaya wala talaga siyang karapatan na magreklamo.


Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng isang 'to at kung bakit may pa tela-tela pa siyang nalalaman pero who cares?! Grasya na ang lumalapit sa'kin, tatanggihan ko pa ba?


Nagulat ako nang biglang inihapit ulit ako ni Jonathan papalapit sa kaniya at syempre bilang isang masunurin ako na tao, dalawang kamay ko na ang iniyakap sa beywang niya. Sa pagkakataong ito, ni wala man lang naging reaksiyon ang katawan niya. Inamoy ko ang damit niya at napangisi ng magustuhan ang amoy nito. Plus points ka sakin Bal. Hehe


"What are you guys doing here?" seryosong sabi ni Jonathan. Napataas ang kilay ko habang sinisinghot ang balikat niya.


"Wala ka na dun."


Napaayos ako nang tayo habang nakayakap parin sa beywang ni Jonathan. Aba't?! Walanghiyang Iking 'to ah! Tinatanong ng mabuti, sasagutin ng pabalang?!


"I'm asking you, dude."


"Tsk. Umalis ka na lang pwede," boses ni Koing.


"As far as you know, outsiders are not allowed here--"


"Mind your own blowjob, pare!" isa pang boses ang dumagdag. Biglang tumahimik ang paligid. Napakunot ang noo ko. Putah! Ambubu nun auh!


"Mali ata english mo Pulding!" boses ni Iking.


"Anong mali? Tama yun!"


"May ibang ibig sabihin pa ba ang blow job?" nagtatakang boses ang isa pang dumagdag.


"Business yun, bubu," bulong ko at napairap.


Mga tanga amputa. Aral muna kasi mga ulol. Bumalik ako sa pag-aamoy kay Jonathan. Bala nga kayo diyan! Hindi ko akalain na may mas ikaka-istupido pa pala 'tong mga gunggong na'to.


"Kung wala kayong importanteng gagawin dito, umalis na kayo. Hindi kayo pwede dito sa loob ng university," singit ni Jonathan.


"Pare, bulag ka ba?! Nasa loob ba kami? Nandito kami sa labas, o! Ni anino nga namin hindi pa tumatapak sa gate!" inis na singhal ni Iking.


Aba't!


Umayos ulit ako ng tayo at sa pagkakatong ito handa na sana akong tanggalin ang telang nakabalot sa'kin para sugurin sila pero naamoy ata ni Jonathan ang gagawin ko kasi malakas niyang pinisil ang balikat ko at inihapit ulit papalapit sa kaniya.


"Tsk. Whatever, bakayaro," sa halip na sabi niya at nagmamadaling sinabay ako sa paglalakad.


"Ano daw?"


"Baka ka daw Iking!"


"Ano?! Aba'y gagong yun, ah! Sinong baka?!"


Rinig ko pang usapan nila bago tuluyang makalayo. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa huling sinabi niya. Hindi ko alam kung anong language ang salitang yun dahil yun pa lang ang kauna-unahan na marinig ko ito.Pero gayunpaman, mas mabuti ngang umalis na kami dun kasi konting-konti na lang babangasan ko na talaga yung mga tarantadong yun!


Tumigil kami at bigla akong napasimangot nang tanggalin niya ang pagkaka-akbay sa'kin at sapilitang inalis ang dalawang kamay kong nakayakap sa beywang niya. Inalis niya rin ang telang nakabalot sa'kin.


"Hoooohhhh!!!" agarang sigaw ko at tinaas ang dalawang kamay pagkatanggal ng tela. Bigla akong natawa ng malakas at nanunuksong tiningnan si Jonathan na walang emostong tinutupi ang itim na tela.


"What was that, Bal?" malambing na sabi ko at inilapit ang mukha sa mukha niya. Isinagi ko pa ang balikat ko sa balikat niya.


Hindi ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin ng ginawa niya sa'kin. Halatang-halata naman na gusto niya akong iligtas sa apat na shokoy na yun. Tsk. Sabi nang ang lakas talaga ng kamandag ko at nalason na'tong si Jonathan, e! Pa'no niya kaya nalaman na ako ang binabantayan ng mga mokong na yun? Instict niya ba? O dahil may special connection kami sa isa't isa kaya naiisip at nararamdaman niya rin ang iinisip at nararamdaman ko. Ay, bongga!


"It's a president's duty," tamad na sabi niya at nilayasan ako. Naiwan sa ere ang ngiti ko habang nakatingin sa kaniya na naglalakad papalayo sa'kin.


"I don't think so, Bal.. I don't think so," bulong ko habang nakangisi. Umayos ako ng tayo at naglakad ng nakapamulsa habang sumisipol.


Malapit na talaga. Malapit na lang at tuluyan mo nang makakalimutan ang pagkakahumaling mo sa mga lalaki Jonathan. At 'pag nangyari yun, nanalo na naman ang isang Frio Aetrish!


Biglang akong napatigil sa paglalakad. "Ano nga palang mangyayari kapag nagtagumpay na ako sa ine-eksperimetuhan ko?" nagtatakang tanong ko sa sarili. "Mas mabuting kausapin ko ang dalawang yun sa susunod," tumatangong sabi ko.


Nang tuluyang makarating sa pwesto namin sa harap ng gym, kumunot ang noo ko nang walang makita ni anino ni Jonathan pati narin ni impakta. Napasimangot ako at tamad na umupo sa isang bakanteng upuan.


Katulad namin, maraming grade 12 din mula sa iba't ibang strand ang bumalik sa university para mag-ayos ng kani-kanilang booth. Hindi katulad ng school days, ngayon ay mga nakasibilyan ang mga estudyante kaya naman maraming makikita na iba't ibang kulay na nakakapanibago. Maingay din at bawat isa ay may sari-sariling mundo.


"Ikaw na sabi ang umakyat!"


"Kanina ko pa sinasabi na nakapencil-skirt nga ako!"


"Bakit kaba kasi nagpalda!"


Napatingin ako sa kanan ko nang maingayan sa sigawan ng dalawang babae.


"E, kung ikaw kaya ang umakyat!"


"May fears of height nga ako!"


"Gaga, bakit building ba ang aakyatin mo? Dalawang metros lang ata ang taas niyan sa'yo!"


Inis kong kinamot ang tenga ko ng marindi sa mga sigawan nila. Nilibot ko ang tingin sa paligid para maghanap ng kaklase kong lalaki pero ni anino nila wala akong makita. Wala din ang president at vice president para sumaway sa kanila. Tanging ako, ang dalawang babaeng 'to at si nerd na tahimik na nagwawalis ng kalat. Asan na ba ang mga tao dito?!


"Ikaw na lang kasi ang umakyat tutal wala ka namang masyadong ginawa kanina!"


"Nahiya naman ako sa ginawa mo kanina!"


"Umakyat kana sabi! Wala kang tulong dito!"


"Anong wala! Ikaw ang walang tulong kasi puro kain ka lang ng ka--"


"Letse!" malakas na sigaw ko sa kanila at tumayo. Hinarap ko sila. "Ano ba! Ang ingay-ingay niyo!" singhal ko sa kanila.


"Ito kasing si Dailyn, ayaw pang umakyat!"


"Sabi ng nakapencil-skirt nga ako! Ano ba!"


Nakagat ko ang labi sa sobrang inis. Napabuga ako ng hangin at pumunta sa pwesto nila.


"Tabi nga! Letse," inis na sabi ko.


Umusog silang dalawa at binigyan ako ng daan. Mahina akong napasinghal nang makita ang pinagtatalunan nilang aakyatan.


"Ambobo niyo naman.." mahinang sabi ko at tiningala ang pagkakabitan ng banner na may pangalan ng booth namin.


Limang palapag lang naman ng hagdan ang aakyatin para tuluyang makabit ang banner pero kung makareact t'ong dalawang 'to akala ata Eiffel Tower ang aakyatan. Dinampot ko ang banner sa lupa at nag-unat-unat.


"Ikaw ang aakyat Aetrish?" nagliliwanag na mukha ni Dailyn.


"Malamang. Tsk. Kayong dalawa," sinenyasan ko sila na lumapit. "Hawakan niyo 'tong mabuti kasi kapag nahulog ako, sisiguraduhin kong wasak ang pagmumukha niyo sa'kin," pambabanta ko at tinuro ang paanan ng hagdan. 


Sumunod naman silang dalawa.



Isinabit ko ang banner sa balikat ko at umakyat sa hagdan. Hindi masyadong maalog kaya hindi ako nahirapang akyatin pa ang itaas. Nang makapwesto ng maayos kinuha ko ang banner mula sa balikat ko at at isinabit ang lubid sa pako. Bumaba ako ng isang hakbang at pagkatapos ay tinalon na lang ang distansiya mula sa lupa.


"Oh my gosh!" gulat na sabi ni Marian sa biglaang pagtalon ko.


"Isa pa!" sabi ko at lumipat sa isa pang side.


"Pano 'tong hagdan?" nagtatakang tanong ni Dailyn.


Napairap ako. 


"Edi dalhin niyo dito. Alang ako pa magbibitbit niyan e ako na nga ang aakyat. Bilis! Pagtulungan niyong dalawa," utos ko sa kanila at nang magrereklamo pa sana sila, pinanlakihan ko sila ng mata. "Lalayasan ko talaga kayo dito ng wala sa oras."


"Gosh!"


Pinagtulungan nilang dalawa na buhatin ang hagdan at kinabit ko na rin ang karugtong ng banner. Mabilis lang naman na natapos.


Nagsisiya ang dalawa sa tabi ko dahil natapos na namin habang ako ay nakakunot ang noo habang binabasa ang pangalan ng booth namin. Nag-aapir pa ang mga tarantado na parang hindi lang nag-away kanina.


"Hera Palace?" kunot noong sabi ko at nilingon ang dalawa na ngayon ay nagseselfie na. "Bakit Hera Palace pangalan ng booth natin?"


"Hera kasi ang section natin diba," sagot sa'kin ni Dailyn.


"E, bakit palace?"


"Hindi ko nga din alam kay VP eh.."


"Vp? Si impakta?" kunot-noong bulong ko. At pumayag si Jonathan sa suggestion ng isang yun?!


"Para daw sosyal atsaka makaka-attract sa mga tao lalong-lalo na ang mga adik sa kdrama," singit ni Marian. "Hindi ako nanonood so hindi ko relate."


"Me too!" dagdag ni Dailyn at sabay silang ngumiti para kumuha ulit ng litrato.


Napanguso ako at tamad na bumalik sa pwesto. Bwesit na impkatang yun, ah. Ngayong wala si Jonathan at wala ang grupo nina Iking, masasabi kong napakaboring pala ng buhay ko. Wala akong paglilibangan! Manuntok na lang kaya ako ng random people?


"Oh?" napaayos ako ng upo nang dumaan sa harap ko si Blossom na wala sa sarili. Si Blossom sa powerpuff girls, yung kaibigan ng dalawang nag-away na si sili at Bubbles.


Mabilis akong napatayo at sinundan siya. "Bloss- Cindy sandali nga!" pigil ko pero dire-diretso lang siya sa paglalakad. "Cindy!" malakas na sabi ko at tinakbo ang distansiya sa pagitan naming dalawa.


Wala sa sarili niya akong nilingon. "Bakit?"


Pinagmasdan ko muna ang mukha niya. Wala namang kakaiba maliban sa ang laki ng eyebags niya. Wala naman sigurong problema kung may itatanong ako sa kaniya?


"Tungkol kay sil- este kay Tracey--"


"Ayoko silang kausapin."


"Eh?" naguluhan ako.


"Ayaw ko silang kausapin! Ayaw ko silang makita! Ayaw ko silang makasama!" malakas na sabi niya na ikinagulat ko.


"Bobo, patapusin mo muna kaya ako?" sarkastiko kong sabi.


Napatingin siya sa'kin. "H-ha?"


"Ha? Hakdog?"


"Ahm.. s-sorry," nahihiyang sabi niya at yumuko.


Umirap ako.


"Anyways, gusto ko lang malaman kung matagal na ba si Tracey na yan at ng boyfriend niya?"


"Mga one year na ata sila. Bakit mo natanong?"


"O-one year?!" gulat na gulat na sabi ko. Siraulong yun ha!


"Bakit ano bang problema?"


"Edi kung ganon.. anong ibig sabihin ng ginawa niyo dati sa'kin tungkol kay Jonathan?!" inis na sabi ko.


"Oh? That time?" biglang lumukot ang mukha ni Blossom at maya-maya rin ay ngumiti. "Ideal guy kasi namin si president kaya naiinis kami kapag may umaaligid sa kaniya."


Nagulat ako eksplenasyon niya pero mas nagulat ako ng bigla siyang umiyak sa harap ko.


"Taena?" hindi makapaniwalang sabi ko.


"Naalala ko dati ang saya-saya pa naming apat. Palagi kaming nagkakasundo. Pare-pareho ang takbo ng isip namin." Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti ng mapait. "Kung sana pwede pang maibalik ang sarap ng kahapon.. kung sana hindi na lang nangyari ang dating nangyari edi sana hanggang ngayon masaya pa kami. Kung sana--"


"Shabu pa more.." mahinang sabi ko at nilayasan siya. Wala akong oras para makinig ng drama, letse. "Paki ko ba sa talambuhay mo?" naiinis na sabi ko at naglakad ng nakapamulsa at tumitingin sa paligid.


At talagang nag-aksaya sila ng oras para awayin ako kasi ayaw nilang may mapalapit kay Jonathan? What a lame reason?! Ito pa talagang sili na'to ang leader e may nobyo na pala!


Dati pa talaga ako hindi nagiging komportable simula nung nalaman ko na nang-ahas si Bubbles sa boyfriend ni Sili. Parang kailan lang magkakasama pa sila para mang-away sa'kin dahil lang sa dumidikit ako kay Jonathan tapos maya-maya makita-kita ko nagsasambunutan na ang dalawa dahil sa boyfriend ni Sili.


Naghahanap lang talaga ako ng libreng oras para matanong ko 'tong powerpuff girls para naman maliwanagan ako pero ngayong narinig ko ang rason nila, mas gumulo ata ang utak ko.


Bigla akong napatigil sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na babae na mag-isang nakaupo sa bench. Tahimik na nakatingin sa kawalan.


"Ha!" mahinang singhal ko at nilapitan ang pwesto ni Sili.


"Mag-usap nga tayo sili," kunot-noong sabi ko sa kaniya at umupo sa kaharap niyang upuan. "At ano namang pumasok sa kokote mo at ginawa mo yun sa'kin samantalang may nobyo kana pala?! Hindi mo ba alam na inaksaya mo ang lakas ko--" hindi ko napatapos ang speech ko nang mapansin na hindi pala siya nakikinig sa'kin. Tahimik parin siyang natulala sa kung saan. Hindi na ata humihinga ang isang 'to?


"Hoy!" malakas na sigaw ko at pumalakpak sa harap ng mukha niya. Hindi man lang siya nagulat at sa halip dahan-dahan niya lang akong tiningnan.


Kumunot ang noo ko. 


"At may gana ka pa talagang hindi ako pansinin ha?!"


"Aetrish?" wala sa sariling sabi niya na nakaturo sa'kin.


Napairap ako. "Hindi ba obvious?"


"A-anong kailangan mo?" walang lakas na tanong niya.


Gaya kay Blossom, pinagmasdan ko muna ang mukha niya kung nasa oras ba siya para kausapin ako. Gusto ko sanang maging considerate kasi wala talaga siya sa mood ngayon pero dahil sa bored ako, wala siyang magagawa. Walang basagan ng trip.


"Gaya nga ng sabi ko, bakit mo naman naisipan na magyaya ng away para kay Jonathan e may nobyo kana!"


"What do you mean by that?"


"Maang-maangan langs?! Hoy, akala mo 'di ko malalaman yang mga trip mo na yan! Siraulo ako pero ayaw ko din namang magpa-guidance!"


"Nung nakaraan ba?"


"Hindi. Yung sa hinaharap," sarkastiko kong sabi.


"Sorry about last time.."


Bubuka na sana ang bibig ko sa magiging rebuttal ko pero nabitin sa hindi inaasahang paghingi niya ng tawad.


"Eh?"


"Sorry sa ginawa ko last time.."


Napabuga ako ng hangin at patagong inambahan siya ng suntok. "Seryoso ka yun ang sasabihin mo? Pwede mo pang baguhin, may oras ka pa."


"I was so careless that time.. sorry talaga Aetrish."


Napairap ako sa kawalan at binagsak ang dalawang kamay sa table. "Ang boring mo namang kausap," buryong-buryo na sabi ko.


Hindi 'to ang inaasahan kong magiging kalalabasan ng pag-uusap namin. Ang akala ko magbabangayan kami at mag-aaway na naman pero anong natanggap ko? Sorry? Naman oh!


"Hindi naman talaga ako ganito.. nagbago lang talaga ang lahat simula nung inahas ako ni Lily."


"Eh?" lutang na sabi ko.


Ngumiti siya ng peke. "Masiyahin akong tao lalong-lalo na kapag magkakasama kaming tatlo."


"Powerpuff girls nga diba?"


"Hindi ko alam kung bakit naisipan ni Lily na traydorin ako. I mean, we've been best friends for years tapos ganto-ganto lang matatapos?"


Unti-unting napakunot ang noo ko. Deja Vu?



"Marami namang lalaki pero bakit ang boyfriend ko pa ang inahas ni Lily?! Magkaibigan kami eh."


Nanlaki ang mata ko nang unti-unting tumulo ang luha niya.



"Putaena?" mahina, hindi makapaniwalang sabi ko at dahan-dahang tumayo.



"I don't know kung sino bang may kasalanan saming dalawa.. pero kahit pagbali-baligtarin mali talaga ang ginawa ni Lily eh.. what do you think Aetrish?" namumula ang kaniyang mata na nag-angat ng tingin sa'kin.


"Ikaw bahala.. sige amen," mabilis na sabi ko at mabilis din siyang nilayasan.


Ang sarap manuntok, pramis!


********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro