Chapter 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Frio! Sweetie.. gising na. Alas-onse na ng tanghali. Hindi ka pa nagbe-breakfast."


Dahan-dahan akong napamulat nang marinig ang sunod-sunod na katok ni mama sa pinto. Napatingin ako sa wall clock at tama ngang 11:00 na ng tanghali.


"Bababa na po!" malakas na sabi ko sa kaniya.


"Okay.. mag-ayos kana at bumaba sweetie.. hihihi."


Napakunot ang noo ko sa parang bata na boses ni mama.

Nang wala ng marinig na yapak. Bumalik ulit ako sa pagtulog. Nagpuyat kasi ako kagabi kakapanood ng movies kaya naman antok na antok ako ngayon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang magising na naman ako sa katok sa pintuan.


"Aetrish hija! Gumising kana! Hindi kapa kumakain!" si manang.

"Opo!" malakas na sigaw ko at tumingin sa orasan.


Napataas ang dalawang kilay ko nang makita na ala-una na pala ng hapon.


"Aetrish! Bilisan mo diyan!"


"Opo, opo! Bababa na!"


Dahan-dahan akong bumangon at dumiretso sa cr para magmumog. Lumabas ako ng kwarto nang hindi ko na naabutan si Manang. Nasa baba na siguro.


Humihikab pa ako habang pababa ng hagdan. Lampas 8 hours na din naman ang tulog ko pero ewan ko ba kung bakit inaantok pa rin ako. Wala rin akong lakas.

Rest day namin ngayon kaya naman walang pasok. Kahapon lang natapos ang sports fest namin at kahanga-hangang andami naming naibenta at nakita. Mabuti nga rin at nagampanan ng maayos ni impakta ang pagiging vice president niya sa nagdaang araw. At sa mga araw na yun, ibang impakta ang nakita ko. Isang impakto. De joke lang.

Napahikab ulit ako.


"Ha! Ano po bang ula-- Puta!"


Halos mahulog ako sa hagdan nang makita ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa living room namin. Ang lalaking laman ng isip ko sa mga nagdaang araw.



Mabilis na nagtagpo ang mata namin at sabay na halos lumuwa ang mata. Ang pamilyar na kulay brown na mata niya ang nakapagpabilis ng tibok ng puso. Una siyang umiwas ng tingin at umayos sa pagkakaupo sa couch namin. Napainom pa siya sa tubig.

A-anong ginagawa?!

"Aetrish! Ano ka bang bata ka!"

"Aww," napadaing ako ng mahina akong kurutin ni Manang sa hita. "Ano ba Ma--"

"May bisita ka tapos yan ang damit mong bata ka!"

Mabilis akong napatingin sa damit ko at halos lumuwa ang mata ko nang makita na nakaboxer short lang ako na kulay black at puting spaghetti strap.


"Shit!" mahinang mura ko at dali-daling umakyat at pumasok sa kwarto. Dumiretso agad ako sa salamin at halos malaglag ang mata ko ng makita ang sarili.


Gulong-gulo ang hanggang balikat na buhok ko, may muta pa sa kaliwang mata, ang laki-laki din ng eyebags ko, at higit sa lahat ang expose na balat ko sa katawan. Ang astig na porma ko sa university ay biglang naglaho at napalitan ngayon ng isang ulol na yagit!

"Putangina!" mahinang sigaw ko at napapadyak sa inis.


Sinambunutan ko ang sarili at panay ang reklamo habang pumapasok sa cr.


Halos kalahating oras na akong nakatitig sa pintuan kong nakasara. Sampung minuto lang naman ang pag-aayos ko tapos ang natira puro tulala na lang. Umaasang sana imagination ko lang ang lahat kanina. Gusto ko siyang makita pero hindi sa lugar na 'to, hindi sa oras na'to at higit sa lahat hindi sa ganitong mukha ko!


Bakit wala man lang nag-inform sa'kin?!

Nag-orasyon pa ako ng limang minuto bago mapagdesisyunan na lumabas ng kwarto. Pigil-pigil ko ang hininga habang pababa ng hagdan. Mabilis agad na nagtagpo ang mata namin. Panay ang tikhim ko habang papalapit sa pwesto nila ni mama. Bigla atang nanuyot ang lalamunan ko.

"Hi," kaswal na sabi ko sa kaniya at tipid na kumaway at pramis, gusto kong sapakin ang sarili ko. Puta ka Aetrish!

"Hmm. Hi," nakangiting sabi niya at tumaas pa ang dalawang kilay.

"Ohhh.. nandito na pala si Frio. Sige, iwan ko muna kayo ha.." masayang sabi ni mama.


Kumindat pa siya sa'kin bago tuluyang dumiretso sa kusina.


Naiilang naman ako na umupo sa kaharap niyang upuan. Napatikhim ulit ako.


"Ano.. b-bakit ka pala nandito?" Huwag kang mautal Gaga!


Napatitig pa muna siya sa'kin bago magsalita.


"Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa mga araw na wala ako."


Huh?


"Eh?" wala sa sariling sabi ko at napakunot ang noo.

Tumango siya.


"Yup.. So, tara?"


"Saan?"


"Will you feel comfortable if we talk here?"


"Wait," sabi ko nang maramdamang ang bilis ng usapan namin.


Tiningnan ko siya at sinuring mabuti. Sinusuri kung si Jonathan nga ba talaga ang kausap ko ngayon. Okay, so bukod sa maaliwalas ang mukha niya, the rest ay wala naman nang nagbago.


"Pano mo nalaman na nandito ako nakatira?" buong pagtataka na tanong ko.


Wala akong maalala na sinabi ko sa kaniya ang address ko at syempre ni minsan hindi ko pa siya nadala dito.


"Sinundan kita nung gabing yun," sagot niya na nagpa-isip sa'kin.


Yung araw kung kailan ako nabugbog?


"Sinundan mo'ko nun? Pero bakit?"


Nagkibit-balikat siya.


"I don't know either."


"W-what?!"



"Hindi lang ako naging komportable nung umalis ka kaya sinundan ko ang sasakyan mo para masiguro kong ligtas kang makakauwi. Tinanong ko lang yung guard kanina kung saan banda ang bahay niyo," aniya. "At.. nagpakilala rin pala akong kaibigan mo kaya pinapasok nila ako."


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Actually, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na'to. I mean, ilang araw siyang nawala tapos ngayon makita-kita ko nandito na siya sa bahay. Napaka-normal din ng mukha niya na parang wala siyang ginawa na napaka-iresponsable. Akalain mong tatlong araw na wala siya! Na walang president yung section namin tapos sa gitna pa ng sports fest?

"Ano bang nangyari sayo?" kunot-noong tanong ko.


Dapat lang katanggap-tanggap ang eksplenasiyon ng isang 'to kasi kung hindi.. bubugbugin ko talaga siya ng wala sa oras.


"Mamaya na lang natin yan pag-usapan. May pupuntahan pa tayo."

Napabuntong-hininga ako at tumayo. Eksakto namang kakalapit lang ni mama na may dalang mga iba't ibang klaseng tinapay.


"Here's your snack guys. Jonathan, try this one. Ginawa ko yan para sayo.." masayang sabi ni mama at inilapit kay Jonathan ang isang pinggan na parang cake na tinapay.


"Jonathan? Kilala niyo na po siya, Ma?"


"Of course! Kaibigan mo siya tama ba?"


Napasulyap ako kay Jonathan. Straight face lang siya na tumingin din sa'kin. Kailan ko pa na naging kaibigan ang isang 'to?!


"Nobyo ko yan, Ma."

Biglang nabulunan ng sariling laway si Jonathan. Nalaglag naman ang panga ni mama. Ngumisi ako. Kung magsisinungaling na lang din naman siya, aba'y ba't di na lang niya lubusin?


"W-what?!" gulat na gulat na sabi ni Mama at mabilis na nilipat ang tingin kay Jonathan. Biglang hindi naging komportable si Jonathan at panay ang iling kay Mama.

"Nagkakamali po kayo," naiilang na sabi niya.


Natawa ako at lumapit kay Jonathan. Hinawakan ang pulsuhan niya at sapilitang pinatayo.


"Alis na po kami, Ma. Magda-date pa kami. Hehe," natatawang sabi ko kay mama at kumindat pa sa kaniya bago tuluyang hilahin si Jonathan palalabas ng bahay.


"Siraulo ka ba?" bahagyang inis na sabi ni Jonathan at hinila ang kamay sa pagkakahawak ko.


Hinarap ko siya nang nakangisi.


"Ako pa talaga ang siraulo? Sino ba satin ang nanloloob ng bahay?"

"I don't have any intentions, Malifiado."

Natawa ako.


"Oh? Asan na yung mabait na Jonathan? Ba't bumalik ka ata sa dati?"


Huminga siya ng malalim. "Magkita na lang tayo sa university," sabi niya at umalis sa harap ko.

"Uy!" mabilis ko siyang hinabol. "Anong university? Anong gagawin natin dun?"


"Basta sumunod ka na lang."

"Eh, sa'n ka ngayon pupunta?"


"Sa kotse ko. Dalhin mo na lang yung kotse mo."

Napalinga ako sa paligid pero wala naman akong makita na kotse ni Jonathan.


"Nasa labas pa ng gate ang kotse mo?"


Hinarap niya ako.


"Oo kaya naman.." napaayos ako ng tayo ng hawakan niya ang dalawang balikat ko at sapilitang pinatalikod sa kaniya. "Pumunta kana sa kotse mo. Sumakay ka at paandarin. Sa university ang destination mo at huwag ka ng lumingon. Gets?"


Mahina niya pa akong tinulak kaya naman napanguso ako at sinunod na lang ang sinabi niya. Pagkalabas ko sa gate wala na ang kotse niya, siguro nauna ng umalis.



Habang nasa biyahe, pakiramdam ko parang hindi parin totoo lahat ng nangyayari. Kung maka-asta kasi si Jonathan parang wala lang nangyari. Hindi din ganon ka-meaningful yung pag-uusap namin kanina. Hindi ko rin alam kung anong meron pero pakiramdam ko may nagbago sa kaniya, hindi ko lang mapinpoint kung ano yun.


Pero gayunpaman, hehe. Bigla akong napangisi. Akalain mong tatlong araw siya nawala tapos pagbalik niya, sa'kin siya unang lumapit. Sige, sabihin na nating wala naman talagang special sa turingan namin ni Jonathan pero bakit AKO agad ang naisipan niyang puntahan? Sa dinami-dami namin bakit AKO na isang secretary lang naman? Isang secretary na walang ginawa kundi ang mangulit sa kaniya?


"Na inlove na kasi sayo Aetrish.." natatawang sabi ko bago magpark ng sasakyan sa parking lot ng University.


Itinabi ko ang sasakyan sa nakapark na sasakyan ni Jonathan. Nasa labas na siya habang may kung anong ginagawa sa phone niya.

Nakangisi akong lumabas ng sasakyan. "So, ano na?" pang-aagaw ko sa atensiyon niya.

Nag-angat siya ng tingin sa'kin at pagkatapos binulsa ang phone. "Let's go."

Nauna siyang pumasok habang ako nakasunod lang sa kaniya. Napataas ang kilay ko nang makita na papunta kami sa Principal's Office.


Nilingon niya ako. "Hintayin mo muna ako dito."


Aangal pa sana ako pero mabilis na siyang pumasok sa loob at sinara ang pinto.


"Ha!" malakas na singhal ko. "Hindi man lang ako hinintay na makapagsalita."


Sumandal ako sa pader habang nakapamulsa at tumitingin sa paligid. Wala ng bakas ng dami ng tao ang makikita ngayon. Iilan na lang ang mga tao sa University at halos lahat ay mga trabahante. Nakakapanibago ang malawak na field na walang katao-tao. Nakakapanibago din ang katahimikan, kahapon lang para 'tong palengke sa ingay.


Naging ganon lang ang posisyon ko sa halos mahigit kalahating oras. Napaayos lang ako ng tayo nang makitang lumabas na si Jonathan.


"Tara."

"Saan na naman tayo pupunta?"


"Sumunod ka na lang sa'kin."


"Aba! Hoy Jonathan. Hindi ako aso mo!" I exclaimed.


"Shhhhhh.."

"Ha!" hindi ako makapaniwala sa inasta niya. Ano ako sunod-sunuran lang sa kaniya? Siraulo 'to ah!

Nang makabalik sa parking lot, hinarap niya ako.


"Diretso na tayo sa mall. Maraming fast food restaurant dun."


Napakunot ang noo ko at wala ng naging angal nang sumakay siya sa sasakyan at umalis. Habang nasa biyahe napangisi na naman ako.


"So, itutuloy namin yung naudlot na date dati?"


Ano ba naman 'tong si Jonathan. Sana naman in-inform niya ko para naman nakapagsuot ako ng maganda. Maganda naman ang attire ko ngayon pero may igaganda pa sana 'to kung sinabi niya agad sa'kin.


"Jollibee? Hindi ka pa nagla-lunch?" nagtatakang tanong ko kay Jonathan.


Sumulyap lang siya sa'kin at naunang pumasok sa loob. Hindi niya ako sinagot.


"Ang sarap mo kausap. Tangina ka."


Pumila si Jonathan para makapag-order kaya naman naghanap na lang ako ng table namin. Eksaktong walang tao sa pandalawahang table sa pinakagilid kaya dun na lang ako umupo.


Hindi din naman nagtagal ay umupo na si Jonathan sa kaharap kong upuan. "Ba't dito mo naman naisipan na kumain?"

"Now, kindly explain to me what happened when I was gone?"


Napabuga na naman ako sa hangin. "Hindi ka talaga makausap ng matino, 'no?"


"What?"


"Kapag tinatanong ka, sumagot ka. Huwag mo lang isipin ang sarili mo Bermudo," sermon ko sa kaniya.


Napabuntong-hininga siya at magsasalita na sana nang biglang dumating ang order namin. Bahagyang napakunot ang noo ko nang mapunta sa'kin ang pinggan na may kanin at beef steak, habang yung sa kaniya naman ay burger lang at fries.

"One o'clock kana nagising kanina kaya siguradong wala pang laman ang tiyan mo. I also feel bad kasi kakagising mo palang inaya na agad kitang sumunod sa'kin," walang emosyon na sabi niya at nang tiningnan ko siya, umiwas siya ng tingin sa'kin.


Nanliliit ang mata ko at unti-unti napangiti.


"Hindi mo naman kasi agad sinabi sa'kin."


Oh, diba ang sweet niya talaga sa'kin? Napakaganda ko kasi. Akalain mong nakalimutan ko na hindi pa pala ako nakakakain pero siya alam na alam niya. Kaya pala dito niya 'ko dinala, eh.Tsk. BWAHAHA.


"Just eat."


"Tss," ngisi ko at kumain gaya ng utos niya sa'kin. Wala pang kalahating oras ng naubos ko ang kinakain ko. Mukhang gutom na gutom talaga ako.


Pagkatingin ko kayJonathan, busy na naman siya sa phone niya. Okay lang sa'kin yun kasi feel konakakaturn-off yung paraan ko ng pagkain kanina. Edi kapag nakatingin sa'kinsi Jonathan, baka iwanan niya ako dito sa gitna ng pagkain ko dahil sapandidiri.

********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro