Chapter 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Bal?" inosenteng tanong ko sa kaniya.


"Manhid ka ba o walang ka lang pake? Hindi ka man lang ba natatakot na pagalitan ng teacher natin?" kunot-noong tanong niya.

Napaayos ako ng upo. Ano 'to manenermon asawa ko? Dito pa talaga sa close space? Tsk. Iba din talaga kapag dumiskarte 'tong si Jonathan e.


"Hindi naman sa wala akong pake.. wala lang talaga akong maisip na ire-react ko kapag pinapagalitan ako.. para kasing wala naman akong ginawang masama," kamot-ulong sabi ko.

"So, iniisip mo na pinapagalitan ka lang nila dahil bored lang sila?"

Bigla akong natawa sa sinabi niya.


"Infairness ang galing mo magbiro. Mana ka ata sa'kin Bal hahahaha."

"Wala talaga sa bokabularyo mo ang magseryoso, ano?"

"Ikaw kaya nagpatawa sa'kin. Ako pa sisisihin mo diyan," natatawang sabi ko.

"Masaya ka na niyan?"


"Ano ba Bal!" malanding sabi ko. "Bakit kaba kasi nandito.. kinikilig ako," mahinhin na sabi ko at nang makita ang nandidiri niyang reaksiyon, napahalakhak ako ng sobrang lakas. Tinuro-turo ko pa siya habang hinahampas-hampas ang armchair.

"Ang saya mo sa buhay, 'no?"


"Syempre kasama kita eh," natatawang sabi ko at kinindatan siya.

"Hindi ko alam kung tama ba 'tong pinasok ko.." mahinang bulong niya sa sarili at tumayo kaya napatayo rin ako. "You still have 15 minutes bago ka makalabas."

"Oh, edi sa'n ka pupunta?"

"Sa labas. Masisiraan ako ng ulo kapag kasama kita."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya o hindi. Mukha kasing nilalait ako ng isang 'to. Mas masisiraan ka pa ng ulo sa hinaharap Jonathan.

Nang makalapit siya sa pintuan, mabilis akong tumabi sa kaniya. "Sabay na lang tayo Bal.. ano iiwan mo na akong mag-isa dito? Sa madilim at napakatahimik ng apat na sulok ng lugar na'to?" madrama kong sabi sa huli.

Napabuntong-hininga siya. "Sabi nang may 15 minutes ka pa diba? Ba't ba ang kulit-kulit mo?"

"Eh, hindi naman malalaman ni Sir Erky yan! Hayaan mo na. Magsinungaling ka na lang, maniniwala naman yun tutal malakas ka sa kaniya."


"Tinuturuan mo ba akong maging sinungaling, Malifiado?"


"Okay lang yan, ano ka ba! Para naman sa'kin diba!" pangungumbinsi ko sa kaniya.


Napabuntong-hininga ulit siya at nang makitang mukhang mag-iisip pa siya, mabili kong isinukbit ang kanang kamay ko sa kaliwang braso niya at hinila papalabas sa room.

"Okay lang sabi yan Bal.. trust me," nakangising sabi ko sa kaniya at hinila papalakad sa hallway at pababa ng hagdan. At akalain mo na nagpahila rin ang isang 'to. Pambihira!


Nang makarating sa second floor, ako na mismo ang nagtanggal ng pagkakapit ko sa braso niya. Nilingon ko siya.


"Ano sabay na tayong maglunch?"

"'Pag sinabi ko bang hindi, susunod ka?"

"Malamang, hindi. Kaya tara na."


Napabuntong-hininga ulit siya at walang naggawa kundi ang sumunod sa'kin papunta sa cafeteria. Actually, may magagawa naman ang isang 'to. Pwede naman siyang pumunta sa ibang direksyon o di kaya huwag na lang siyang sumunod sa'kin tutal hindi naman na'ko nakahawak sa kaniya. Tsk. Pakipot kasi talaga siya! Hahaha!

"So, anong favorite color mo Mahal?" nakangiting tanong ko sa kaniya habang magkaharap kami na kumakain sa cafeteria.


Syempre, kailangan magka-alaman muna kami ng mga basic favorites namin. Natural lang naman ang ganito.

Umayos siya ng upo at tiningnan ako ng mabuti. "Do you have a hidden agenda?"

"Ha?"

"May tinatago ka ba?"


"Eh? Tinatago? Wala naman.. perlas ng sinilangan ko lang," natatawang sabi ko sa kaniya pero seryoso parin siyang nakatingin sa'kin. Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi.


Anong problema ng isang 'to?

"Dati-rati hindi tayo nagpapansinan, Malifiado. Dati wala kang pake sa paligid mo at mukha ngang hindi mo ako kilala. Pero.. ano ngayon 'to? "


"Bakit? Ano ba ngayon?"


"You suddenly stick with me like a gecko."


Putang--! Ikinumpara pa talaga ako sa tuko? Punyeta!


"Sa ganda kong 'to? Isang tuko?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaturo sa sarili.

""You act as if we had a relationship," sabi niya. Hindi pinansin ang sinabi ko.

"Ano bang gusto mong sabihin? Dami pang eche-bureche. Diretso na kasi Bal, ano ba! Ini-insulto mo pa ang pagiging maganda ko."


"Why did you suddenly approach me? Sa dami ng lalaki sa room.. bakit ako na alam mong hindi tayo magco-compatible?" seryosong tanong niya.


Napakamot ako sa ulo. "So, tinatanong mo kung bakit sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, bakit ikaw pa ang nagustuhan ko?"

"No. Bakit ako ang naisipan mong pagtripan?"


Nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa seryoso niyang tanong. Naghihinala na ba siya?

Bahagya akong napangisi. So, ngayon niya lang narealize ang pagbabago ko ng turing sa kaniya? Nakakapagtakang sa talino niyang yan, ngayon niya lang napansin ang lahat ng 'to. Ang inaasahan ko mas maaga niya pang mapapansin pero mukhang nalate ata ang reaksiyon niyang ganito. Tsk. Pumupurol na ba ang utak ng isang Bermudo?

"Pagtripan? Pinagtitripan ba kita?" nakangising tanong ko sa kaniya. Ramdam ko din ang pagbigat ng atmosphere sa pagitan namin.

"Show me your true color, Malifiado," seryosong sabi niya na nagpatawa sa'kin.

He seemed to be attempting to read my thoughts. Kung makatingin siya sa'kin, tagos hanggang kaluluwa. Hindi naman nagbabago ang postura niya. It continues to scream cleanliness and authority.

"Pano kung ayoko? Ibabalik mo ba ako sa DO?" sabi ko.

"Anong pinaplano mo? Anong alam mo?"

"Inosente ako Bal.. ano ka ba?"

"Stop the fuck calling me Bal, Aetrish," mariing aniya.

Nawala ang ngisi ko at napatitig sa kaniya. Third? This is the third time, right? Iba parin ang epekto. Ang ganda parin pakinggan ng pangalan ko kapag nanggagaling sa isang class president.

"I'm telling you, Malifiado. Stop messing with me," seryosong sabi niya at tumayo.

"Pagpasensyahan mo na. May humihingi lang kasi ng favor.." nakangising sabi ko habang hindi nakatingin sa kaniya.


Hindi siya natuloy sa pag-alis at sa halip ramdam kong nilingon niya pa ako. Tamad lang akong tumayo at naunang umalis sa kaniya nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Wala akong narinig na boses mula sa kaniya kaya tuloy-tuloy lang ako papalabas sa cafeteria.

Pahikab-hikab ako habang umaakyat sa hagdan ng nakapamulsa. Pagkarating sa rooftop, automatic na dumiretso agad ako pwesto ko at natulog. Wala ata akong gana ngayon pumasok sa klase. Tsk.



"Hello mother.." pakantang bati ko kay mama pagkapasok sa bahay.

Nauna na akong umuwi kasi hindi na ako naka-attend sa lahat ng klase ko sa panghapon. Nasa kalagitnaan narin ng klase ang huli kong subject kaya hindi na lang ako nag-abalang umattend pa. Wala na din naman akong matututunan kung papasok pa'ko. Buti nga hindi naghinala si Manong Guard sa maaga kong pag-uwi kasi meron ding ibang section na maaga ang uwi ngayon kaya nakalusot ako. Swerte nga diba.


"Hello sweetie.. kamusta na kayo ng boyfriend mo ha? Hindi mo man lang ako in-inform, edi sana mas pinatikim ko sa kaniya lahat ng specialty ko."

Ngisi lang ang naging tugon ko kay mama at nagpaalam na aakyat sa kwarto. Marami pa'kong papanoorin na movies kaya mas mabuting ngayon na ako magstart.

Mga bangdang 8:30 P.M., nasa kalagitnaan ako ng panonood nang biglang may nagnotif sa laptop ko. Pinause ko ang panonood at tiningnan kung sino ang nag-message.


Bahagyang napataas ang kilay ko nang makita na si Clark Salvador ang nagmessage sa'kin. Gustong makipagmeet bukas, 6:30 ng umaga sa parehong lugar parin. Kibit-balikat akong sumang-ayon sa kaniya at ipinagpatuloy ang panonood.



"Sorry medyo na late lang.." medyo natatawang sabi ko sa harap ng dalawa.

Wala namang traffic kasi maaga pa ngayon pero medyo late na rin kasi ang tulog ko kagabi kaya hindi agad ako nagising kanina. Buti na nga lang, sunod-sunod ang pag-alarm ko.

"Okay lang.. medyo kararating nga lang din naman namin.." nakangiting sabi ni Kath na nagpangisi sa'kin.

"Ay!" malakas na sabi ko nang may maalala.


Nagulat silang dalawa.


Mabilis kong tinuro si Kath.


"May kambal ka pala!" gulat na gulat na sabi ko sa kaniya.

Napakurap-kurap siya at nagkatinginan sila ni Clark. "Pa'no mo nalaman?" medyo nagtatakang tanong niya. Cute..

"Putik. Syempre nakita ko! Nakausap ko pa nga!"

Nagulat siya. "Kayo? Nakapag-usap kayo? Saan?"


"Sa university namin. Nung sports fest, nakita pa nga kita Clark eh!" lipat tingin na sabi ko kay Clark.


Malamig lang siya na nakatingin sa'kin kaya napairap ako at nilipat ulit ang tingin kay Kath.


"A-anong pinag-usapan niyo?" medyo kinakabahang tanong niya na nagpataka sa'kin.

"Hmmm.. wala naman. Ipinalandakan ko lang naman sa kaniya na magkakilala tayo at kung pa'no tayo nagkakilala kasi nga akala ko ikaw siya!"

Napalunok siya at nagkatinginan na naman sila ni Clark. Napapitik ako sa ere.


"Grabe hindi talaga ako makapaniwala nun na may kambal ka. Pero realtalk, ang maldita pala ng kambal mo no! Para siyang napaka-amazona at parang ang laki ng galit sa mundo! Gagang yun." Mabilis kong nakagat ang labi sa huling sinabi.


"S-sorry hehe.." nahihiyang sabi ko.


Nakalimutan kong kambal parin ni Kath ang pinag-uusapan. Kapatid niya parin yun kahit anong mangyari. Ano na lang iisipin niya sa ginawa kong pamba-backstab sa kambal niya?! Bubu mo talaga kahit kailan Aetrish!


"Here's your order ma'am, sir.."

Sabay kaming tatlo na napaayos ng upo nang dumating ang order.


"Oh? Nakapag-order na kayo?" takang tanong ko nang makitang pati ako ay may parte. Change topic narin.. hehe

Tumango si Kath. "Oo.. naisipan namin na mag-order na lang tutal may klase pa tayo mamaya. Yan yung last time na inorder mo. Hindi kasi namin alam kung anong gusto mo kaya inulit na lang namin yung order mo dati."

"Okay lang yun ano ka ba," natatawang sabi ko sa paliwanang ni Kath. Coffee lang ang inorder ng dalawa habang yung akin ay milktea at shomai talaga.


"Libre to diba?" makapal na mukha na sabi ko sa kanilang dalawa.

Bahayang natawa si Kath. "Oo naman.. sagot na namin yun."

Mukhang wala na rin namang balak na ibalik ni Kath ang usapan namin tungkol sa kambal niya kaya napanatag ang loob ko. Inubos ko muna lahat ng shomai ko at ininom ang milktea bago napasandal sa upuan at tiningnan silang dalawa.

"So..anong meron? Bakit gusto niyong makipagkita sa'kin?" nagtatakang tanong ko.

Sabay silang napaayos ng upo.


"Kamusta si Jonathan?" seryosong tanong ni Clark.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi ako sigurado kung ano ng status niya kasi wala naman siyang sinasabi."

"Pero nag-improve naman yung relationship niyo diba?"

"Ewan. Siguro. Oo ata.."

Napakunot ang noo ni Clark. "Hindi mo ba ako kayang sagutin ng seryoso?"


"Luh?" takang tanong ko. Bakit ba nila palaging kinukuwestiyon ang pananalita ko. Ganon na ba talaga ako ka siraulo kung magsalita? Parang hindi naman ah! Ang sarap ko nga kausap. Pati nga teacher nabibighani sa'kin eh!

"In your opinion.." singit ni Kath. "Feeling mo ba napabago mo siya kahit konti?"

Napaisip ako.


Yung turingan namin sa isa't isa medyo nagbago lately eh. Hindi na rin siya masyadong mainit ang ulo niya sa'kin. Hindi nga ba? Ah, basta hindi na. Sinasakyan na rin niya mga trip ko.


"Well, meron namang nagbago. Feel ko ring nainlove na siya sa'kin kasi sa ganda ko ba namang 'to?" natatawang sabi ko.


Napakurap-kurap si Kath sa sinabi ko habang walang pake na umiinom lang si Clark ng kape. Ang seryoso naman nila sa buhay.

"Uhh.. hindi na kami magpapaligoy pa Aetrish. Pagpasensyahan mo na kami at dinamay ka pa namin sa problema nilang-- naming magkakaibigan.." mahinhing sabi ni Kath. "Kahit na buong puso kang sumang-ayon sa favor namin, parang hindi pa rin tama ang ginagawa nating 'to para kay Jonathan.."

"Akala ko ba hindi ka na magpapaligoy-ligoy pa?"


Hindi natuloy ni Kath ang sasabihin niya nang sumingit ako. Natawa ako sa reaksiyon niya. Salubong naman ang kilay ni Clark na nakatingin sa'kin. Mukhang ang init ng ulo nito sa'kin ah! Makapagmessage akala mo kung sinong mabait. Tsk.

"Sorry.. sige tuloy mo lang."


Napatikhim si Kath. "Hindi mo na kailangang ipagpatuloy ang ginagawa mo kay Jonathan."

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi niya. Bahagya akong natigilan.


"Ha?"


"Napagdesisyunan kasi naming itigil na'to at hayaan na lang mag-isa si Jonathan. Although, gusto namin siyang maging tunay na lalaki, hindi naman namin kayang pigilan kung ano talaga ang tinitibok ng puso niya," paliwanag ni Kath. "Narealize din naming nang-iisturbo lang sa pag-aaral mo ang paghingi namin ng favor."

"Hindi naman sa ganon yun," bigla akong nawalan ng gana.

"But still.. thank you talaga sa tulong mo Aetrish. We really appreciate it," nakangiting sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit naging blangko ang isipan ko. Hindi ko rin alam kung anong irereact sa sinabi niya. Hindi na nila kailangan ng tulong ko kung kailan nanghihinala na rin sa'kin si Jonathan. Ibig bang sabihin hindi ko na kailangang gumawa ng effort para makalimutan niya yung usapan namin kahapon?

Uh.


Okaynaman sa'kin yun. Atleast hindi ko na kailangang mag-aksaya ng oras, pero bakitiba ang nararamdaman ko? I should be happy kasi balik ulit ako sa dating gawi..pero bakit parang hindi man lang ako makaramdam ng contentment?


********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro