Chapter 40

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Huh?" I laughed mockingly.


"Why? Am I wrong?"


"Sorry, but what past?" I sarcastically asked.


Kumunot ang noo niya.


Why bringing the past? Hindi ako gano'n kababaw para tanggihan siya ng dahil lang sa nakaraan namin. For pete's sake, it was nine years ago. Marami nang nangyari sa mga nagdaang taon para ma-stuck pa ako sa nakaraang yun.


Napailing-iling ako at tinuro sa kaniya ang pinto.


"I think we're done talking. You can now leave, Mr. Bermudo. Marami pa akong gagawin," sabi ko sa kaniya sa pormal na tono.


Huminga siya ng malalim at tumango.


"I'll leave for now. But please.. think of it again. I'll be back," sabi niya.


He straightened his suit and turned his back from me. Hindi ko na siya sinundan ng tingin. Inabala ko ang sarili sa mga papeles sa harap ko. Nang marinig ang pagsara ng pinto, malakas akong napabuga sa hangin. Tumingala ako at hinilot-hilot ang leeg.


Hangang-hanga ako sa sarili na nakayanan kong makipag-usap sa kaniya nang matino kahit na ang pumapasok lang sa isipan ko ay ang nangyari sa kasal.


How his lips touched my skin. How his breathing gives warmth on my legs. Damn. Why does it look like it doesn't affect him? Nyeta, ang unfair naman kapag gano'n. Nagmumukha akong tangina ng wala sa oras.


Ako ang makinis. Ako ang mabango. Ako ang maganda kaya dapat siya ang nakakaramdam nito at hindi ako. Linteks! Sisiguraduhin kong hindi ko talaga siya magiging kliyente.


"Madame!"


Bahagya akong napapisik nang biglang bumukas ang pinto at sumigaw si Impakta. Dali-dali siyang lumapit.


"Huwag mo akong papagalitan, ha! Nagpumilit lang talaga si Jonathan na kakausapin ka daw. Grabe! Kung makipag-usap sa'kin, para akong robot, ah. May pinagsamahan naman kami nun kahit konti!"


"I don't want to hear anything, Venus," nakapikit na sabi ko.


"Bakit ano bang nangyari? Anong balita? Anong pinag-usapan niyo?!" atat na tanong niya.


Umiling lang ako.


"Eto naman, e! Ang gwapo – gwapo na ni Jonathan pero parang hindi ko na siya kilala. Pumayag kana kasing maging kliyente natin para makilala ko pa siya!"


Napamulat ako at kunot-noong binalingan siya.


"Napakagaling ko talagang pumili ng lalaki kahit noon pa. Nakakaproud sa feeling na ako ang palaging nagiging vice president niya—"


Bigla ko siyang binatukan.


"Aray!"


"Baka gusto mo sapak?" taas-kilay na tanong ko sa kaniya. "Wasak ka na nga pero may gana kapang lumandi."


"Oh my gosh?!" nanlalaking mata na tanong niya.


"Tss. Umalis ka nga sa harap ko. Ang pangit mo."


"Grabe. Hindi ko talaga keri ang mga words mo. Kaya ka single, e!" supladang sabi niya at tumayo ng mabuti.


"Hindi ko rin keri ang mukha mo. Masyadong below the Earth."


Umirap siya sa'kin.


"Atleast may asawa, e ikaw? Hmp, diyan kana nga!" Nagmartsa siya papalabas sa office ko. Inirapan ko na lang.


Ginugol ko ang buong araw ko sa loob ng opisina ko. Hindi na ako nagyaya sa apat na makipag-sparring dahil nawalan na din naman ako ng gana. Hindi din naman ako makakapag-concentrate sa kalaban sa lagay kong 'to.


Naging magaan ang mga nagdaang-araw ko nang wala na akong nabalitaan kay Jonathan. Hindi na siya nag-abala pang bumalik sa kompanya ko which makes me feel at ease. Atleast hindi hassle. Pag-aaksayahin niya pa ako ng laway para lang marinig ang reason kung bakit ni-reject siya ng kompanya ko.


Why can't he just accept it? Gano'n na ba talaga kataas ang tingin nila sa sarili nila na akala nila walang mag-aayaw sa kanila? Or, he already accepts it kasi nga hindi na siya bumalik dito? Ah, ewan.


"Umagang maganda si Madame."


"Good morning," balik na bati ko sa mga pawisang lalaki.


Naisipan kong maglibot-libot sa HQ ng bawat team. Sakop ng headquarters ng bawat team ang bawat floor. Marami ang miyembro at equipments kaya dapat malawak ang lugar.


Pinamumunuan ni Asher aka Asing ang Delta Team. He organized and trained them. Lahat ng mga bagong recruit o baguhan, dito napupunta. Hinahasa at ginigising niya rito ang mga lalaki sa kung anong totoong trabaho nila.


Lumipat naman ako sa HQ ng Charlie Team na pinamumunuan ni Kovin aka Koing. He's busy sparring with someone. Binati naman ako ng mga nakapansin sa'kin na tinanguan ko lang. Kung sa kabila, hinahasa ang kakayahan nila, itong team naman nagsisimulang gampanan ang tunay na role nila. Ang maging isang bodyguard.


Pagkalipat ko sa kabilang HQ, mas naging intense ang training dito. Pinamumunuan ni Puldo aka Pulding. Halos lahat ng kalalakihan ay punong-puno ng pawis ang katawan. Ni walang nakapansin sa'kin dahil may sari-sarili silang mundo. Ang mga miyembro naman ng team na'to ay suki ng mga kliyente. Sila ang palaging kinukuha kapag may mga bagong kliyente na gustong proteksiyunan ang sarili. Mostly naman kasi businessmen at mga politika ang mga kliyente namin.


Nang lumipat sa Alpha Team, malakas akong napabuntong-hininga sa nakita.


Malakas na halakhakan ang bumugad sa'kin. Hindi katulad sa nangyayari sa baba, ang mga kalalakihan rito ay mukhang mga bagong ligo. Nakasuot ng black suit at kaharap ay mga screen.


Alpha Team. Most skilled, well-trained and unbeatable men. They are my ace. Hindi sila basta-basta nakukuha dahil hindi rin basta-basta ang presyo. Tanging ang mga taong nasa at stake ang buhay nila ang kumukuha rito. They we're even close to agents because of their skill.


Building my own company is not that easy. Marami rin akong napagdaan na ups and down bago magkaroon ng mga kliyente. Bago ma-gain ang loyalty at trust nila. This will not be successful without the presence of those four guys who played a big role in my life. Mga tarantado lang sila pero malaki ang pasasalamat ko na sila ang nagbigay-kulay sa pinapangarap ko. Mga punyeta lang yun pero mapagkakatiwalaan sila. And that fact can't buy of money.


Hindi na ako nag-abalang disturbohin pa ang ginagawa nila at sa halip bumalik na sa opisina. I just checked them to see of what they are doing.


"Impaktang yun," bulong ko sa sarili nang makita na wala siya sa table niya. "Saan na naman ang gagang yun."


Napailing-iling ako sa sarili. Masyado nang nasasanay ang sekretarya kong yun, ah. Ang laki naman ata ng tiwala niya sa sarili para gawin ang mga ganito sa trabaho niya ng dahil lang ako ang boss? Masasapak ko talaga yun.


Pagkabukas ko ng pinto, natigilan ako nang makitang may nakaupo na lalaki sa couch. Nakatalikod siya pero mukhang kilala ko na kung sino 'to.


Sinara ko ang pinto at dumiretso sa table habang hinuhubad ang blazer na suot. Huminga ako ng malalim.


"You really came back, huh?"


Natigil siya sa pagtipa sa kaniyang phone at nilingon ako. Nagtagpo ang mata namin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.


"You're here," aniya at nilagay ang phone sa loob ng kaniyang suit at tumayo.


Umupo naman ako sa aking swivel chair at pinindot ang remote para lakasan ang aircon. Ramdam ko agad ang pawis ko kahit yun lang naman ang ginawa ko kanina. Naglakad-lakad nga lang yun.


Tumayo siya sa harap ko.


"Sino ang nagbigay sayo ng permiso na pumasok sa opisina ko?" kalmadong tanong ko sa kaniya habang ang atensiyon ay nasa laptop.


Biglang bumukas ulit ang pinto.


"Mr. Bermudo, your coffee—"


Kunot-noong nag-angat ako ng tingin. Nakatitig sa'kin si Jonathan habang kagat-labi namang nakatingin sa'kin si Venus habang nakatayo malapit sa pintuan.


Kaya pala 'di makita-kita kung nasa'n ang magaling kong sekretarya. Busy pala sa pagtimpla ng kape ang gaga. Kailan pa 'to naging masipag? Ako na boss niya, never niyang pinagsilbihan tapos ngayon may pa coffee-coffee na siyang nalalaman?


"Your secretary agrees to let me in, but only because I demand it. The fault is with me, not with her."


Napabaling ako kay Jonathan nang magsalita siya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binalik ulit ang tingin kay Venus. Nagpipigil na ang ngiti ang gaga habang nakayuko.


"Venus, check your phone on your table. Tingin ko tumatawag sa'yo kanina ang anak mo." I emphasized the last word.


Nalaglag ang panga niya at mabilis na sinulyapan si Jonathan na hindi naman inaalis ang tingin sa'kin.


Tiningnan ako ng masama ni Impakta. Tinupi ko ang braso sa dibdib at pinagtaasan siya ng kilay.


"Mr. Bermudo, ilalagay ko na lang po dito ang coffee niyo," mabait na sabi niya at nilagay sa mini-table bago naglakad papalabas. Inirapan niya pa ako.


Nang lumabas siya, napahinga ako ng malalim. Susubukan pa talaga ng gaga na lumandi e may asawa na ang puta. Ano kating-kati na talaga?


Kunot-noong ipinukol ko naman ang tingin sa lalaking nasa harap ko. Walang emosyong nakatitig siya sa'kin.


I sighed. "Wala kang mapapala dito kahit bumalik ka pa nang bumalik, Mr. Bermudo. Kahit na marinig mo ang reasons ko, hindi parin magbabago ang isip ko na tanggihan ka bilang kliyente namin."


Tumango siya.


"Then, what should I do? Anong kailangan kong gawin para pumayag ka?" seryosong tanong niya.


"Why bother? Just find another company. It's easier that way," sagot ko.


"I like your company."


"Everyone likes our company," mayabang na sabi ko.


"I'll double pay."


"I'm not poor."


"I want the CEO," he suddenly said softly.


"Well, I don't want you." I smirked. "Leave, Mr. Bermudo. And never come back. My decision is final."


Tumayo ako.


"Pagkabalik ko dapat wala kana, kundi mapipilitan talaga akong tumawag ng security."


Tinalikuran ko siya at dumiretso sa restroom. I did my things at pagkatapos ng ilang sandali, pagkalabas ko, wala na ni anino ni Jonathan.Mabuti naman at marunong siyang umintindi. Akala ko mag-aaksaya pa ako ng energy para tumawag ng security guard.

Sa halip, busangot ng magaling kong sekretarya ang bumungad sa'kin. 


"Anong tumatawag sa'kin si Mhyrr e wala namang cellphone yun? Atsaka, kailangan i-emphasize talaga ang anak na word na kanina?!"


Tinapunan ko lang siya ng tingin at hindi na pinansin. 


Dumaan pa ang mga nagdaang-araw na gano'n palagi ang naabutan ko tuwing papasok sa loob ng opisina. Nakaupo siya at naghihintay sa akin. Mag-uusap ng ilang sandali bago ko paalisin. Paulit-ulit naman palagi ang pinag-uusapan namin. Walang kwenta.


Hindi ko naman makontrol si Venus dahil nagma-maldita sa'kin kaya naman minsan inuubos ko ang oras sa pakikipag-sparring sa mga boys ko para lang hindi makaakyat sa opisina. Pinapauna ko na nga si Venus na pumasok dahil ayokong magkaabutan kami.


Nang hindi ko na talaga natiis, I banned him in my company. Kinausap ang tagabantay na huwag na siyang papasukin. Why the hell I would always adjust where in the first place, I own this fuckin' company. Aba, ako pa talaga ang mag-a-adjust? Ako pa talaga ang magsa-suffer para sa kaniya. Hell.


My life has returned to normal after that day.


"Barbie! Barbie!" masayang kumakanta-kanta si Mhyrr habang nakahawak sa kamay ko.


Weekend kaya naisipan kong ipasyal ang bata sa mall. Mabo-bored lang naman ako sa bahay buong maghapon kaya mas mabuting i-treat ko ang maarte kong pamangkin.


"Hinaan mo ang boses mo, baby," saway ni Venus.


"Aye, aye, captain!"


Bigla siyang sumigaw nang makakita ng store na nagbebenta ng laruan ng mga bata. Masayang tumakbo siya roon. Iiling-iling kaming sumunod sa kaniya.


"Ikaw magbabayad, ha? Sa'yo naman ideya 'to kaya panindigan mo," sabi ni Venus sa gilid ko.


"Kuripot si wasak."


"Gaga."


Ngisi-ngisi ko siyang iniwan at sinamahan si Mhyrr sa pamimili. Tuwing may nakikitang maganda sa paningin niya, mabilis niya itong nilalagay sa mini-cart na kinuha niya. Pinapabayaan ko na lang.


"Oh my gosh! I also want lutu-lutuan!" sigaw niya at kukunin na sana ang kaisa-isang nakadisplay nang maunahan siya ng isang batang lalaki.


"Huh? It's mine!" deklara ni Mhyrr.


"Do you have your name here?" supladong tanong ng bata. Mukhang mas matanda ng ilang taon ang lalaki kaysa kay Mhyrr. Lumapit ako sa kanila.


"No, but I said first that I want it!"


"But I'm the one who first got it. So, it's already mine."


"No!"


Mabilis na hinablot ni Mhyrr ang laruan sa kamay ng batang lalaki. Nalaglag ang panga ko gano'n din ang batang lalaki. Mukhang pareho naming hindi inaasahan yun.


"It's mine," nanlalaking-matang sabi ni Mhyrr.


"Tss. Ugly duckling," pairap na sabi ng batang lalaki at nakapamaywang na umalis. Nagdadabog pa ang paa.


Napabungisngis naman ako at sinilip ang mukha ng pamangkin. She looked so stunned. Laglag pa ang panga at nabitawan na ang laruang inagaw niya.


"Oh? Ayos ka lang?" natatawang tanong ko pero nagulat ako nang bigla siyang sumigaw ng matinis.


"Oh my gosh! Who's ugly? Who's ugly? That annoying blind nasty creature?! I can't even!"


Naiiyak na nagtitili siya. Natawa na lang ako sa kaniya. Ang magaling na Mhyrr, namana ata sa'kin ang ugali niyang 'to. Ang hindi makatanggap na sabihan ng pangit. Of course, wala sa lahi namin ang pangit.


"Anong nangyari?" nagtatakang tanong sa'kin ni Venus at lumuhod para daluhan ang anak.


"Mama! I'm ugly daw! Ang feeling pogi niya naman e mukha naman siyang tae!"


Humalakhak ako. Mabilis naman akong sinaway ni Venus at pinatahan ang anak.


Hanggang sa makalabas sa store, iyak pa rin ng iyak si Mhyrr. Natigil lang nang nanood na kami ng paborito niyang barbie na movie sa sinehan.


Nang matapos ay dumiretso naman kami sa isang fast food para kumain. Sinulit namin ang buong araw sa pagsho-shopping kaya naman nang makauwi ay diretso kama agad dahil sa pagod.


********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro