Chapter 47

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



"Kailan ka babalik?" nangingiting tanong ni Jonathan habang kumakain kami sa restaurant ng resort.


"Bukas," maikling sagot ko sa kaniya.


"Good. Sabay na tayo."


Napatingin ako sa kaniya.


His smiling widely. He looked very fresh and happy. Naka-black na shirt at beach shorts lang siya kaya kitang-kita ang pagiging masculine niya.


"Okay."


Nagbaba ako ng tingin para ipagpatuloy ang pagkain.


"I'll be the one to get our ticket," aniya.


Tumango ako.


"Are you okay?"


"Yes."


Damn it.


I find our situation awkward! Hindi maalis-alis sa isip ko ang nangyari sa amin kagabi. Halos hindi ako makatulog habang inaalala ang kaniyang mga sinabi.


When our lips parted, he hugged me tightly. Habol-habol namin ang aming hininga. Hindi ako mapirmi sa napakalakas na tibok ng puso ko. Shutangina! Pakiramdam ko, parang ito palang ang kauna-unahang halik ko. Nanlalambot ang aking tuhod dahil sa nararamdamang intensidad sa pagitan namin!


"I want to stay here for tonight but I'm afraid I can't stop myself. I.. want to take this slowly, Aetrish," he whispered softly.


Hindi ako umimik.


Masyado akong focus sa pagpapakalma ng sarili ko. Punyeta! Punyeta, wala na! Sira na po ang pader na tinayo ko ng ilang taon. Shuteks naman, oh!


Bahala na. Bahala na talaga, tangina. Edi masaktan ulit kung masaktan! Edi umiyak ulit kung umiyak pero basta puta miss na miss ko na siya! Ano ngayon kung gano'n ang past namin? Ano ngayon kung pinagpalit niya ako sa isang garapata? Ano ngayon?! Malakas naman akong tao kaya chicken lang sa'kin yun. Miss ko lang talaga siya. Miss ko lang talaga ang Bal ko. Masama ba yun?


"Who told you to stop yourself, Mr. Bermudo?" nakangising bulong ko.


Napasinghap siya at mabilis na kumalas ng yakap sa'kin. Kagat-labing umiiling-iling siya at lumayo sa'kin.


"Don't. Stop teasing," natatawang aniya.


Nagpigil ako ng tawa.


"I am not. I'm serious," seryoso ko kunyareng sabi.


Natawa siya.


"And, I'm done."


Hinila niya ang siko ko at hinapit papalapit sa kaniya. Hinalikan niya ulit ang noo ko.


"Starting tomorrow.. I'm gonna court you Miss Malifiado. So.. be prepared."


Pagkatapos niyang sabihin yun, lumabas na siya sa room ko ng malaki ang ngiti sa labi. Naiwan akong hindi alam ang gagawin.


There's nothing wrong with this, right? I just fucking going to take a risk. Sasabak lang ako sa giyera na hindi alam ang patutunguhan at ang tanging sandata ko lang ay.. trust? Pagtitiwala na hindi ako niloloko ni Jonathan. Pagtitiwala na wala talagang namamagitan sa kanila ng kaniyang sekretarya. Pagtitiwala na totoo ang pinapakita niya.


Hindi ko alam kung may nararamdaman ba siya sa'kin kasi gusto niya akong ligawan? Hindi ko alam kasi wala naman siyang sinasabi pero base sa pinapakita niya.. do I need to conclude? I don't want to assume pero ano pa ba ang dahilan niya kung bakit niya ako liligawan?


Mabilis? Masasabi ko bang mabilis ang nangyayari sa pagitan namin? Nagkita lang kami sa Maldives, pagkabalik namin, nililigawan na niya ako? We even had a kiss!


Napabuntong-hininga ako.


Kahit alam kong parang ambilis, hindi ko naman gustong tumigil. Hindi ko naman gustong tanggihan siya.


Tsk.


I guess until now I'm fucking really love him, huh.


Kasi putangina, kahit na ampangit ng past namin. Kahit sinaktan at ginago niya ako. Kahit na winasak at dinurog niya ang puso ko. After all those things, I still fucking care for him like hell. Ni hindi ko magawang gumanti sa kaniya matapos ng mga ginawa niya. Ni hindi ko siya masaktan-saktan.


Tingnan niyo naman, ang isang Frio Aetrish, sinaktan lang ng isang bisexual. Ang isang Frio Aetrish pinagpalit lang sa isang garapata pero makalipas ang taon.. wala man lang inipong galit? Ni hindi ko man lang kayang kalimutan siya at ang nararamdaman ko. At sa halip, tinanggap pa siya sa pangalawang pagkakataon.


Tangina, wala eh. Mahal ko lang talaga.


I guess that is love, huh. You can easily forget and forgive someone even if they hurt you many times. Even if you shred a tear and even your heart break into pieces, you can still look at them in their eyes with adoration and love. You can just easily forget what happened after seeing their smile and feeling their warmth. Unfair.


Napaka-unfair.


After the pain that we felt, we still end up saying the magic word. I just simply love him. That's fucking all.


Pagkatapos naming mananghalian, bumalik kami sa tagong parte ng isla at do'n ginugol ang oras.


Nakahiga ako sa mat na dinala niya habang unan-unan ang braso. Nakapikit ako at dinaramdam ang simoy ng hangin at kalmadong alon ng dagat. Nakaupo naman sa tabi ko si Jonathan.


Rinig ko ang buntong-hininga niya pero hindi ako nag-abalang dumilat.


"I hope.. you're taking my words seriously," aniya.


Hindi ako nag-react.


I know it's so sudden. Alam kong biglaan ang nangyayari ngayon sa'min ni Jonathan at alam ko rin na may karapatan akong panghinalaan ang lahat ng kinikilos niya. Sa napakaraming nagdaang taon, imposibleng hindi siya nakahanap ng babaeng iibigin o kung lalaki man. Sa nagdaang taon, parang naka-imposible naman ata na bigla-bigla siyang magpapapansin sa'kin at sasabihing gusto niya akong ligawan.


Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang gusto niyang iparating? Na ano? Na.. may feelings siya sa'kin? Ganun ba yun? But again.. why so sudden? Ang tagal na nung may namagitan sa'min, ah! O meron nga ba talaga since ako lang ang nagkaroon ng feelings nun.


Natigilan ako.


Fuck, right!


Bakit nga ba siya manliligaw sa'kin kung wala naman siyang nararamdaman? Yung sa part ko kasi na I'm letting him in my life again, kasi alam ko at inaamin ko sa sarili ko na hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kaniya. Inaamin kong mahal ko pa rin siya. And that's how I hate the most. While in his part?


Okay fine. Sige, let's conclude na may feelings siya sa'kin kasi liligawan niya ako pero what kind of feelings is that? Hindi niya ako nakita at nakasama for almost a decade tapos ngayon.. bigla siyang magiging ganito? Kung may pagtingin nga talaga siya.. for sure it's just shallow? Or maybe.. it's just an infatuation? Attraction?


"Where have you been?"


Natigil ako sa pag-iisip at tinginan si Jonathan. Siguradong hindi na mapinta ang mukha ko dahil sa tumatakbo sa isip.


Nakatingin siya sa karagatan bago ilipat ang tingin sa'kin.


His brown eyes look very clear. I can even see my reflection in it. The sun light flicked a hint of green in those beautiful eyes. Nakakatulala at nakakamangha.


"Hinanap kita pero.." he trailed.


I pursed my lips. Umupo ako. Sinuklay ko gamit ang mga daliri ang nakawagayway kong buhok na nililipad ng hangin.


"You also deleted all your accounts in social media," he's looking at me intently.


Napabuga ako sa hangin. I stared at the ocean.


"I don't know what to say and where to start," I said.


Hindi ko alam ang tamang sasabihin ko. Maraming bumabagabag sa isip ko pero hindi ako makabuo ng tamang salita. Kagabi, mabilis na pumasok sa isip ko na magpakarupok at kalimutan ang nakaraan dahil sa bugso ng damdamin. I think last night I became vulnerable. Dumagdag pa ang posisyon namin na nagpakawala sa sarili ko. Pero ngayon nakapag-isip-isip at nagsink-in ang katotohanan. I don't think I deserve this. After all those things.. kakalimutan ko na lang lahat ng yun? I'll accept him again wholeheartedly? Para namang talong-talo ako nun.


Although I love him.. doesn't mean I'll just disregard my worth as a woman. I love him but not enough to forget myself. And I think that's what I learned those years. Not again, Frio Aetrish. Not again.


"I don't want to pressure you," aniya. "I'll promise that we'll take this slowly.. marami rin akong gustong sabihin sa'yo tungkol sa nakaraan. Maraming-marami."


Right. I guess that's the best solution for now? Kailangang i-kondisyon at i-timing ang pagbabalik namin sa nakaraan. Kung marami siyang gustong sabihin.. marami rin akong gustong tanungin. Kung mamadaliin namin ang sitwasyon namin ngayon, natatakot akong pumalpak. Nyeta. Nakasalalay rito ang future ko.


We've spent our last minute in the island peacefully. We never opened that topic again. We both just enjoy the company of each other.


Nagising ako nang makaramdam ng gutom. I feel how the guy beside me softly caressing my hand. He intertwined our fingers. It feels good.


Inalis ko ang ulo na nakapatong sa balikat ni Jonathan. As long as I want to stay our position like that, my stomach won't cooperate. It's been hours na kaming bumibyahe sa himpapawid at simula nung sumakay kami, wala pa akong kinakain maski isa kaya naman hindi na kataka-takang nagrereklamo na ang tiyan ng isang magandang dilag.


Napa-ayos siya ng upo nang makitang nagising ako. Tumulong siya sa pag-ayos ng buhok ko.


"Sorry? Did I wake you up?" he asked softly.


Umiling ako.


"Nah. Just hungry."


"Oh."


Luminga siya sa paligid at sumenyas nang may dumaan na attendant. Nasa-VIP area kami kaya naman hindi na naging mahirap umorder.


"What do you want to eat?"


"Ikaw," mabilis na sagot ko.


Nag-angat siya ng tingin sa'kin mula sa menung hawak-hawak. Napakunot ang noo ko.


"Ako? Kakainin mo'ko?" nagtatakang tanong niya.


Napasinghap ako at mabilis na tinakpan ang kaniyang bibig. Napaubo naman ang nakatayong babaeng attendant sa tabi namin. Base sa kaniyang reaksiyon, mukhang naintindihan niya ang sinabi ng isang 'to.


"Siraulo ka ba. Ang bastos nung sinabi mong yun, Bermudo!" nanggigigil na bulong ko sa kaniya.


Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya. Shutangina. Ang pangit lang talagang pakinggan ang tanong niya. I bet kahit sinong nakainitindi nun.. iba ang iisipin! At sa set-up namin ngayon ng isang 'to, ayokong iba ang isipan nila. We'll take this slowly nga!


Namamangha siyang tumingin sa'kin. Hinawakan niya ang isang kamay ko paalis sa bibig niya para makapagsalita.


"Is that, so? Ano ngayon?" nangingiting tanong niya.


"Just shut up."


"Kiss muna."


Ngumuso siya at bahagyang nilapit ang katawan sa'kin. Nanlaki ang mata ko sa bilis ng galaw niya. Bahagyang sumayad lang ang kaniyang labi sa'kin. Napasinghap ako ng malakas at mabilis na lumayo sa kaniya takip-takip ang bibig.


Kagat-labing inalis niya naman ang tingin sa'kin para magbigay ng order sa naghihintay na babae na mukhang nasaksihan ata ang karumaldumal na krimen.


Sinapak ko ang balikat niya dahilan para humagalpak siya sa tawa. Nakangiwing umalis naman ang babae nang makuha ang order.


"Ouch," natawa siya.


"Shut up!"


"Kiss ulit muna."


Lumapit siya at astang hahalikan ulit ako nung pinigilan ko ang mukha niya.


"Punyeta ka, Jonathan!" nangigigil na bulong ko. Iniiwasang taasan ang boses para hindi mapahiya.


"Eh? Did you know the rules that when your girl says bad words, you'll kiss her?"


"Ako tigil-tigilan mo'ko, Bermudo. Nasa eroplano tayo, tangina ka!"


He quickly gave me peck of kiss.


"What again, Bal?"


Pumisik ako.


"Jonathan!" inis na talagang sigaw ko.


Mabilis na nagsilingunan ang kakaonting kasama namin. Hindi din naman interesado kaya bumalik sila sa kanilang ginagawa. Humagalpak naman sa tawa ang siraulong katabi ko.


"Yes?" natatawang aniya at inilapit ulit ang mukha sa'kin para bigyan ako ng mabilis ulit na halik.


Putangina!


"What the? Ba't nanghahalik na naman?! Ni hindi ako nagmura!"


"Oh? Hindi pa ba?" maang-maangan na tanong niya bago tumawa ulit.


Kinurot ko siya sa tagiliran pero ang gago tawa lang ng tawa.


Nakakailan na ata sa'kin ang tarantadong 'to, ah! Ang sarap naman ata ng buhay niya hinalikan ang isang ako! Kung hindi ko lang talaga siya mahal.. kanina ko pa 'to binugbog!


Nang dumating ang order ko, nagsimula akong kumain nang hindi pinapansin ang katabi. Nakatulala lang naman siya sa mukha ko. Nakashabu amputa. Kalauna'y bumalik ulit ako sa tulog.


********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro