Pre

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Pre, itong simpleng tula  kong ito.
Ay napakahalaga dahil inaalay ko sayo.
Hindi man ito isang materyal na bagay na sobrang bongga pero kung para sayo espesyal ito.

Pre, naalala mo pa ba yung mga oras na sobrang saya natin.
Kulang nalang tayo ay
langgamin. Palagi tayong napagkakakamalan na tayo at pilit paaminin.

Kung pwede lang makontrol ang tadhana. Matagal ko na sana iniliko ang aking mga paa. Palayo sa iyong presensya.

Pre, wala akong karapatan masaktan.
Pero ordinaryong tao ako may nararamdaman.
Ano nga bang magagawa mo eh ako ang may kasalanan.

Pre, Sa mga lumilipas na oras, araw, buwan, taon at panahon pansin ko hulog na hulog kana sa kanya.
Nakikita ko sa iyong mga mata, kung gaano ka kasaya sa piling niya.
Na hindi ko man lang naranasan tuwing kasama kita.

Pre, Nakakalungkot mang isipin pero kailangang tanggapin.
Dahil ang panahon na ito ay hindi para sa atin.
Ilang beses ko man pigilan ikaw ay aking hahanap- hanapin.

Itinakda man ni tadhana o ang may kapal na maging tayo.
Hindi parin  magtatagpo ang ating mga puso.
Na parang mahabang linya na dire diretso na Hindi kailan man magtatagpo.

Pre, nakikita kong seryoso ka sa kanya.
Yung tipong susunod ka sa gusto niya, pati yung ayaw mo ay ginusto mo ng dahil sa kanya.
Ginagawa mo ang lahat mapasaya lang siya.

Siguro, kung di tayo nagkakilala hindi ko mahahanap ang sarili ko. Ang sarili kong walang pinaniniwalaan kahit kanino.
Ang  sarili kong walang sinusubukang bagay sa mundong to.

Kasi ikaw, ikaw yung naglabas ng  totoong kulay ko.
Ikaw yung nag turo na paniwalaan ko ang mga bagay na nang yayari sa paligid ko.
Ikaw yung sumubok sakin na subukan ko ang mga ayaw ko o kinakatakutan ko.

Pre, masaya ako, masaya ako dahil nagawa mo yung mga bagay na hindi mo ginagawa. yung hindi mo ginagawa kapag tayo ang magkasama. Sino ba naman ako isang kaibigan at lagi mong kasama.

Sa kanya  mo lang sinubukan ang mga ayaw mo.
sa kanya mo lang naranasan ang
Gawin ang mga bagay na gusto mo. Sa kanya mo lang ibinigay ang buong puso mo.

Pre, Akala ko yun na, akala ko magiging tayo na,
akala ko dito na ako nakatadhana na kasama ka.... Pero akala ko lang pala.

Ang dami talagang namamatay sa akala.
Umaasa na ang iniisip nila ay mangyayari na.
Umaasa na baka, may pag asa.

Pre, Talaga ba na hanggang dito nalang. Talaga bang wala na akong pag asa. Talagang papakawalan na kita.

Pre, ang huling gusto kong sabihin. Na kay tagal ko na gustong aminin.
Na takot akong makita ang reaksyon mo baka iba ang iyong isipin.

Pre  sobrang mahal na mahal kita
Ikaw at ikaw lang ang Prend ko

simula una hanggang dito.
Pati katapusan ng tulang ito.

Author's Note
Sa totoo lang output ko to sa Filipino ko i'm just sharing this para maalala ko kung ano 'yung ginawa ko hahaha.

Thank you for wasting time to read this lame poetry. Hahaha

Loving---Tiyah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro