13. isusulat ko 'to

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Isusulat ko to
Sa isang papel
Sa pahina ng aking kwaderno
Maingat at pinag-iisipan ang bawat baybay at bawat salitang matalinghagang ginagamit ko sa bawat guhit ng aking panulat.

Isusulat ko to
At marami mang dahilan
Kung bakit nais ko itong balik balikan
Siguro'y pare pareha lang din naman ang dahilan
Na nais kong ito'y manatiling isang palatandaan
Na minsanan din naman
Mayroong ikaw at ako
Binigyan natin ng ibang kulay at kahulugan ang salitang "tayo"
Na minsan din nating dinama ang init ng araw sa ating balat
At noon nga ay madalas pa tayong naliligo sa dagat.

Sana naaalala mo pa
Kung gaano tayo kadalas maghintayan
Kung sino ang unang magpapadala ng⁸ mensahe sa isa't isa
Katumbas ng bawat pangungumusta
Ay nakakubli ang mga nakatagong sikretong unti-unting nagpapakita
Hanggang sa hindi na natin namalayan
Tayong dalawa ay pawang nahuhulog na.

Sa paghampas ng mga alon sa dagat
At sa pagbura nito ng mga pangalan nating iginuhit ko sa buhangin,
Iguhit ko man ito nang paulit-ulit
Hindi magbabago ang ating tadhanang nakaukit
Nakaukit sa hugis ng mga ulap
Maging sa mala-seremonyang paglubog ng araw
Kagaya ng pagtatapos ng isang maligayang araw
Ay ang paghihintay sa katotohanan
Na mayroong katapusan
Sa ako at ikaw.

Dahil hindi ko tinupad ang pinangako ko
Sa simula nitong tula
Sapagkat hindi kita isinulat
At hinayaan na lamang maging isang
Memoryang makulay
Puno ng pag-asa at agam-agam sa isang hinaharap
Na alam nating kailanma'y hindi matutupad.

Ikaw ay isang alaala na hindi ko na dapat pang balik-balikan
Ikaw ay isang talata sa isang tula na sana ay matagal ko nang kinalimutan
Ikaw ang paksa sa istoryang matagal nang may hangganan
ikaw ang salitang iginuhit ko sa buhangin na matagal nang nabura
Ikaw ang pangarap na minsan kong binulong sa hangin
Bagkus mahirap ka nang muling angkinin.

Ngunit sa muling pag-usbong ng tag-init
At muling pagkasunog ng aking balat sa araw
Ako ay dinadala sa isang taon mula ngayon
Ang dagat ay maalon
Pati ang malamig na hangin ay nakikiayon
Ako ay nasa mga bisig mo
At pareho man tayong naliligaw sa magkakaibang kalawakan ng ating isipan
Pareho nating nahanap itong ating kaharian.
Dahil kahit alam natin na ito ay may hangganan
Hindi tayo natakot sumugal.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro