LOVE STORY

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

1"Elisia, pwede ka? gala tayo mamaya?" Tanong niya sa akin.

"Sige, saan ba?" Sagot ko sa kaniya.

"Diyan lang sa malapit na mall." Sabi niya sabay taas-baba ng dalawang kilay.

Napatigil ako sa paglalakad at ganun din siya, alam ko ng may kalokohan 'tong gagawin mamaya eh.

"Anong kalokohan yan, Justin?" Pabirong tanong ko.

"Anong kalokohan? Walang kalokohan, gala-gala lang. Window shopping, mga ganun?" Sagot niya na may pilyong ngiti sa labi.

 Tumuloy siya sa paglakad at ang tanging nagawa ko nalang ay sumunod.Hinatid ako ni Justin sa Classroom ko pagkatapos ng paglakad-lakad namin sa mini garden ng paaralan."Oh, mamaya ah? Kita tayo sa labas." Paalala niya.

"Oo na, oo na." Sagot ko. 

———

"Class dismissed."

"Eli, tara gala tayo." Aya ni Olivia, kaibigan ko.

"Pasenya na, Oli. Gagala kasi kami ni Justin sa mall ngayon eh. Bukas nalang, okay lang?" Sabi ko. 

Medjo na guilty ako kasi yung kaninang nakangiti niyang labi ay sumimangot. Pero bumalik ulit ang ngiti niya at mas lumaki pa.

"Justin? As in yung kinukwento mo na kaibigan mo sa Section C na sinasabi mong crush mo since Grade 3 tayo?" Mabilis na tanong niya. Pilyo ang ngiti niya at ang mga mata niya ay pumipikit-pikit pa.

Natawa ako sa description niya kay Justin, pero tama naman siya. Matagal ko ng gusto si Justin.

"Oo." Sagot ko.

"Umamin ka na ba? Aamin ka na? Umamin ka na!" Sunod sunod na sabi niya. "Umamin ka na. Chance mo na 'to. It's now or never!" Saad niyang muli.

Sabagay, tama siya, chance ko na nga 'to na umamin. Ang tagal na din naming hindi lumabas ni Justin eh. Pero nakakatakot naman umamin. Lalo na't matalik ko siyang kaibigan at baka mawala lahat yun ng dahil lang sa feelings ko.

"Eli!" Rinig kong tawag sa akin.Lumingon ako sa pinanggalingan nito at nakita ko si Justin.

"Alis na 'ko ah? Baka maistorbo ko pa kayo." Sabi ni Olivia at saka kinuha ang gamit niya.

"Umamin ka na." Bulong niya sa akin saka patakbo pang lumabas ng classroom. Sinundan lang namin siya ng tingin ni Justin.

"Tara na. Isang oras na akong naghihintay sa labas, andito ka pa pala." Sabi ni Justin habang naglalakad papalapit.

"Senya na, kinausap pa ako ni Oli eh. Tara na." Sabi ko.Siguro nga oras na.

"Tara na, may sasabihin pa ako sayo eh." Saad ulit ni Justin at saka ako tinulungan na ayusin ang mga gamit ko. Kinakabahan ako bigla nung narinig ko na may sasabihin siya.

2

Hindi ko magawang tanungin kung ano ang sasabihin niya sa akin. Basta ang alam ko, sasabihin niya daw pag nandun na kami.

Naglalakad kami ngayon papunta sa mall, mga limang minutong lakad kasi mula sa school hanggang sa mall. Kaya tambayan din dun eh. Malapit na, hindi na kailangan mataranta. Ilang steps nalang.

"Dun yayo sa rooftop muna ah?" Aya niya.

"Sige lang." Sagot ko.

Pagpasok, dumiretso agad kami sa elevator at swerte lang dahil saktong bumukas ang pinto ng elevator.

'Ding!'

Ang ganda talaga ng rooftop ng mall na 'to.

"Eli," Tawag ni Justin.

"Bakit?" Saad ko habang nakatingin parin sa tanawin sa harap ko.

"May sasabihin sana ako." Bumalik ang kaba ko sa sinabi niya.

Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nakatayo lang at nakatingin lang sa akin.

"Ako din." Hindi ko alam kung saan galing ang mga salitang 'yon, pero nasabi ko na.

"Sige, mauna ka nalang." Suggestion niya.

"Sabay nalang." Sabi ko. Para siya kinabahan sa sinabi ko.

"S-sige." Tugon niya.

"Isa"

"Dalawa"

"Tatlo"

"Gusto kita."

"Mahal kita"

_______

3

"At yun ang kwento kung paano naging kami ng papa niyo." Sabi ko sa mga anak ko. Isang malaking ngiti ang nakuha ko sa kanila.

"I'm home!" Rinig kong sigaw ni Justin kasabay ng pagsara ng pinto.

Agad na tumakbo ang kambal sa kanilang ama at saka siya niyakap.

"Papa, why is your way of confessing to mama not romantic?" Tanong ni Clyde, una sa kambal.

"Yeah, it's not romantic at all." Sunod naman na sinabi ni Jasmin, pangalawa sa kambal.

Tinignan ako ni Justin saka siya lumapit at hinalikan ako na binalik ko din naman.

"Because papa want the romantic things to come after mama say 'yes' as an agreement to being papa's girlfriend. So, all the romantic things started when your mama became my girlfriend." Sagot ni Justin habang nakahawak ang isang kamay niya sa pisngi ko at ang isa naman ay sa bewang ko.

I blushed because of what he did.

Yumakap ako sa kaniya para itago ang reaksyon ko sa sinabi niya.

"I hate you." Pabirong bulong ko sa kaniya.

"I love you too" Sagot naman niya na mas lalong ikinangiti ko.


THE END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro