CHAPTER 14: Complete

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KATHLEEN'S POV

NAGISING AKO ng madaling araw, only to find out na wala sa tabi ko si Red. Nagtataka ako kasi bago ako pumikit nakita ko pa siyang yakap yakap ako. Pero ngayon wala na siya, tiningnan ko ang orasan na sa gilid ng higaan namin at nakita kong alas-tres pa lang ng madaling araw. Nagpalit ako ng malaking t-shirt at isang shorts, tsaka ako lumabas ng kwarto namin para hanapin siya pero wala akong nakitang Red Santibanez sa paligid. Nasaan na ba yun?


Lumabas ako sa tinutuluyan namin inn at tsaka ako naglakad lakad sa dalampasigan, malamig ang simoy ng hangin at madami pa din mga bituin sa kalangitan na para bang binabantayan ako. Napangiti na lang ako at nahiga ako sa buhanginan. Hinaplos ko ang tyan ko at ngumiti ako " Alam mo ba baby, nung bata ako, madalas namin gawin ng mga kapatid ko to. Mag stargazing nang ganitong oras. " sabi ko.


Wala akong kahit na anong naririnig sa paligid bukod sa paghampas ng alon at tsaka hangin sa paligid. Bigla ko tuloy naiisip, paano kaya kung hindi ko nakilala si Red Santibanez? Paano kaya kung hindi ako nagpunta nung bridal shower ni Rose? Magiging ganito kaya ang buhay ko.



Hindi naman ganito ang buhay ko dati. Dati umiikot ang mundo ko sa pagbabasa ng kung anu-anong libro. Hindi ako nakikipag halubilo sa kung kanino. Dati, hindi ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Dati... Dati okay lang na mag isa ako... pero ngayon yung dati na yun.




hindi ko na maramdaman sa sarili ko. Feeling ko walang na ang dating Kathleen Vargas na masungit, na napaka anti-social at napaka-baduy magsuot ng damit. Yung Kathleen Vargas na kahit mag isa lang siya...




Hindi siya nalulungkot.


"Anong ginagawa mo dito sa labas?"


Napatingin ako sa gawi ko only to find out na makita ko si Miguel Lopez, huli kong nakita ang lalaking to nung bridal shower ni Rose. " Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.


Ngumiti siya saakin at tsaka naupo sa tabi ko " Wala, basta bigla na lang akong nagising kanina tapos hinatak ako ng paa ko dito sa labas at nakita kita "


Pinaikot ko ang mata ko " Ang korny mo" sabi ko.


Natawa siya sa sinabi ko " alam mo ikaw lang ang babaeng kilala ko na hindi kinilig sa sinabi ko. Hindi mo ba alam na baka destiny tong gabing to " ngumiti siya saakin, yung ngiting nagpapakilig sa mga normal na babae.


Muli kong pinaikot ang aking mata " Alam mo Miguel, kung nakakain lang yang destiny na yan, baka mayaman na ang pilipinas"


Kumunot naman ang noo niya " Hindi ka ba kinikilig saakin, kahit pagka-gwapo lang sa mga ngiti ko?" takang tanong niya.


Tumawa ako ng malakas " Kapag ba kinilig ako sayo, masasagot ang problema ng buong mundo sa green house effect? "


Natawa siya saakin at bigla na lang niyang kinurot ang pisngi ko na ikinatili ko,lumakas ang pagkakatawa niya saakin, kaya hinampas ko siya sa braso niya pero walang epek yun. Malamang ang dami din kayang muscle ng lalaking to tulad ni Red, feeling ko nga suki sila ng mga gym sa manila dahil ang gaganda ng mga katawan nila.



" Ano ba? sana tinitigilan mo ang pisngi ko, kapag to hindi nagpantay.. Papatagin kitang hinayupak ka" naiinis kong sabi.



Ngumiti siya saakin, isang ngiting hindi umabot sakaniyang mga mata, marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at nagtatanong na tiningnan ko siya. " Alam mo ba? Pagkalabas na pagkalabas ko at nakita ko ang isang magandang babae na nakahiga dito sa dalampasigan... at nakita ko kung gaano kalungkot ang mata niya bigla kong naisip na lapitan siya at pasayahin. " sabi niya.



" What does it mean?"


" Kathleen, may problema kaba ? " tanong niya.


" Hindi kita kaibigan bakit ko naman sasabihin sayo, ungas?" pagtataray ko sakaniya.


" You really something huh, alam mo same kayo ng kapatid kong babae. " sabi niya. Hindi ako sumagot at pinakatitigan lang siya " Ganyan din siya katulad mo, napakataray niya sa iba, but deep inside napakahina niya. "


" Nasaan nga pala ang ate mo?" tanong ko.


" She's in the mental hospital. Nakakatawa man isipin pero nabaliw siya dahil sa pagmamahal sa isang lalaking hindi naman siya magawang mahalin."



Hindi ako nakasagot sakaniya at nakatingin lang ako sa mukha niya, ngumiti siya ng mapait saakin. Sa bagay kung ako din naman ang nasa posisyon niya at nangyari yun sa ate ko, baka maging malungkot din ako tulad niya but I prefer that my sister in the mental hospital than on the cementery. Lifeless.


" Oo nga pala, Kat sino ang kasama mo sa lugar na to? Kasama mo ba sila Addyson? "


Natawa ako sa sinabi niya " Alam mo kung kasama ko iyun, for sure hanggang ngayon nag iinom pa din sila ng mga kaibigan ko"


Nakita kong nanlaki ang mga mata niya kaya natigilan akong tumawa at nagtatanong siyang tumingin saakin " Oh may ghad you look so hot and sexy and beautiful whenever you laugh like that. I'm sorry but can I kiss you kahit sa kamay lang?"


Aakmang magsasalita ako ng biglang may tumikhim sa likudan namin at nang makita namin kung sino yun " Oh Red " nakangiting sabi ni Miguel.


Hindi ako nagsalita at tsaka ako nag iwas ng tingin at tumingin na lang sa mga bituin sa kalangitan. " Ano naman ang ginagawa mo dito?" tanong ni Red.


Hindi ko alam kung para saakin ba yun o para kay Miguel pero hindi na lang ako nagsalita, dahil ayoko naman mag assume. " wala lang as you can see, nakaupo kami dito ni Kat at nagkwekwentuhan. Ikaw sino ba ang kasama mo? Ay teka nga, nakita ko si Kate kanina. Magkasama ba kayo ?"


Kate? Yung babae kanina?

" Its none of your business, Miguel " madiin na sabi ni Red.


" Why not? Friend ko kaya kayo. Don't tell me nagkabalikan na kayong dalawa kaya nandito ka pati siya. ?" tanong ulit niya.


nagkabalikan? So mag ex-girlfriend and boyfriend sila.


Tumayo ako kaya napatingin saakin si miguel at binigyan ako nang nagtatakangtingin " Sige, Migs babalik na ako sa inn. Gusto ko nang matulog ee" sabi ko.


" Gusto mo hatid na kita?"


Pilit na ngumiti ako kay Miguel " Hindi wag na, may pupuntahan pa kasi ako bago ako bumalik sa inn "


Kumunot naman yung noo niya " Akala ko ba gusto mong matulog? tapos ngayon may pupuntahan ka pa pala. Alam mo ikaw ang weird mo pero..." Tumayo siya at marahang pinisil ang aking pisngi " cute " sabi niya.



Agad na umatras ako at walang sabi sabi naglakad ako palayo sakanilang dalawa. Alam kong nakatingin saakin si Red pero hindi ko siya pinansin. I just want to be alone, I just want a place where I could be think, that all matters on me is myself and my baby.



Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa isang bahagi ng isla kung saan may nagaganap na fiesta. Lahat ng tao ay nakasuot ng maskara, at madami din mabibilhan na pag kain sa paligid. Ngumiti ako, mukhang mabubusog kami ni baby dito. Lumapit ako sa bilihan ng maskara at tsaka pumili ng hugis paru-paru at inilagay ko iyun sa mukha ko. After nun nagsimula na akong mag ikot ikot kahit ako lang mag isa.



Well, hindi naman talaga ako nag-iisa. Kasama ko kasi ang baby ko ngayon.



Kung anu-ano lang ang sinubukan kong kainin at laruin. And honestly, mas maganda pala yung ganitong mag isa ka. But somehow... feeling ko may kulang sa pagkatao ko kahit na nag e-enjoy naman ako o




Sinasabi ko lang sa sarili ko na nage-enjoy ako kahit ang totoo hindi naman talaga.


Napapitlag ako ng biglang may humawak sa balikat ko at hinatak ako palapit sakaniya at niyakap ako. " Hey, nandito lang ako" he whispers on my ears.


Hindi ko maiwasan hindi mapangiti nang marinig ko ang boses niya and somehow I felt...



complete.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro