CHAPTER 3: O______O

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KATHLEEN'S POV

TATLONG BUWAN na ang nakalipas simula nung nangyari ang bridal shower ni Rose, nung nakaraan buwan naman ginanap ang kasal niya. Sa totoo lang hindi na ako nagpunta sa kasal niya dahil nahihiya akong makita ang pagmumukha ng lalaking yun.


Sa ngayon nandito ako sa trabaho ko sa Jollibee. Hindi madali ang trabaho ko kahit na taga-punch in lang ako ng mga order ng mga atat na taong kumain. Lahat kasi ng ginagawa namin dito sa Jollibee ay kailangan bilisan dahil nga madaming umu-order at may iba pang customer na akala mo, sila lang ang kakain kung mag-reklamo na ang tatagal daw namin kumilos.



Ang hindi ko maintindihan sa mga mahaderang patay gutom na mga taong nagmamadaling makuha at kainin ang mga order nila. Hindi ba nila nakikita na ang daming customer na mas nauna sakanila. Tssh !! Mga Filipino nga naman ang hihina ng utak.


" Enjoy your meal Ma'am" sabi ko ng matapos kong ibigay ang order ng babaeng nasa harap ko.


Nakangiting umalis ito sa harap ko at binuhat ang kaniyang mga order. Isang mabahong amoy ang nasagap ng ilong ko dahilan para mahilo ako. Pilit na ngumiti ako sa isang lalaki sa harap ko " Magandang araw Sir, Welcome to Jollibee ano pong order nila?" tanong ko.



Sinabi niya ang kaniyang order at tsaka ko mas binilisan ang pagkilos ko para makaalis lang siya sa harap ko. Nahihilo na talaga ako pero pilit ko pa din tinapos ang trabaho ko. Nang matapos ang shift ko ay agad akong umalis sa pinagtatrabahuhan ko at umuwi sa bahay ko. May sarili akong bahay na pinamana saakin ng mga magulang ko.


Medyo malungkot nga lang dahil ako lang ang mag isa sa two storey house na ito. Malaki ang bahay na ito, para sa isang maliit na babaeng katulad ko. Kinuha ko ang phone ko nang marinig ko itong marinig at walang tingin tingin na sinagot ko ito. " Hello " walang buhay kong sagot.


' God, for how many years. Sinagot mo din ang tawag ko. Punta ka daw dito sa bahay ni Maine, may ichi-chika daw siya saatin ' sabi ni Ady sa kabilang linya.


" Huh? ngayon na ba talaga? hindi ba pwedeng next time na, pagod kasi ako sa trabaho ko ee " sabi ko.


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at narinig ko ang mahinang diskusyon nilang apat. Kung pupunta ba sila sa bahay ko o hindi. In the end, napagpasiyahan na lang nila na pumunta sa bahay ko since ilang buwan din daw akong hindi nagpakita sakanila. Ang sabi din nila na magluto ako ng dinner namin lima since hindi pa daw sila kumakain.



Nagligo muna ako, habang wala pa ang mga kaibigan ko, pagkatapos ay nagluto ako ng fried chicken at kanin. Baka kasi nagugutom ang mga iyun at maghanap sila ng pagkain dito sa bahay ko.


Pagkaraan ng isang oras ay nakarinig na ako ng busina sa labas kaya lumabas ako bahay ko at pinagbuksan ko sila ng pinto. At what do you expect on my friends. Of course maiingay sila na para bang ngayon lang nakalabas ng bundok.


" Kamusta nga pala ang buhay mo ngayon Kathleen? ang tagal mo din hindi nagpakita saamin aa" sabi ni Rose at halata sa boses niya na nagtatampo siya saakin dahil hindi ako nakarating sa kasal niya.


Niyakap ko siya " I'm sorry" I murmured. Gusto ko naman talagang pumunta sa kasal niya ang kaso lang ayaw kong makita ang lalaking yun.


I don't know kung paano ko siya haharapin. " Tsh ! Tama na nga yang drama niyong dalawa, at pumasok na tayo sa loob " sabi ni Maine.


" napaka kontrabida mo talaga Maine, ganyan ba kapag walang love life?" natatawang saad ni Arra.


Inirapan siya ni Maine " Tigilan mo ako, Arra at baka masapak kita jan" birong sabi ni Maine.


" Mga gaga, tigilan niyo nga yang pag aaway niyong dalawa. " saway ni Ady sakanilang dalawa "By the way, Kathleen sino naman ang kasama mo dito sa bahay na to?" tanong saakin ni Ady.


Ngumiti ako ng mapait sakaniya " Ako lang mag isa sa bahay na yan " sabi ko at tsaka ako nauna sa loob.


Pumasok naman sila at tsaka ako naghanin ng makakain namin lahat. Tinulungan naman ako ni Rose sa pag aasikaso ng lamesa namin pero hindi ko maiwasang hindi magtaka sa paraan ng pagtingin niya saakin.

" May problema ba Rose?" tanong niya saakin.

" Your body is change. Mas nag-curve ang katawan mo ngayon, Kat. " sabi niya.

" Aaah " sabi ko.

sa totoo lang, napapansin ko din ang pagbabago sa katawan ko pero hindi ko naman pinapansin since wala naman akong nakikitang masama sa pagbabago na yun. At mas napapansin ko din saakin ay yung madalas kong pagkahilo at pagsusuka ko sa umaga.



Nagsimula na kaming kumain at nagsimula ng magdaldal sila Ady at Maine ng kung anu-ano, paminsan-minsan ay sumasabay din sakanila si Arra at si Rose. And as usual, saamin lima ako lang naman ang pinaka tahimik at walang kibo.



Nang maubos ko ang rice sa plato ko ay tumayo ako para kunin ang strawberry jam sa ref ko. At tsaka inilagay sa plato ko at dun ko sinawsaw ang fried chicken ko. Napansin kong napangiwi silang lahat sa ginawa ko kaya tinaasan ko sila ng kilay.



" Oh ano? ang sarap kaya" sabi ko.


" Masarap? Ano ka buntis at kung anu-anong weird na pagkain ng pinagko-combine mo." sabi ni Arra.

Binato ko siya ng basahan, na inilagan niya lang " Buntis your face, paano ako mabubuntis kung wala naman akong boyf---- " natigilan ako at naalala ko ang nangyari saamin ni Red nang gabing yun.

Oh my god. Ilang buwan na ba akong delay?

" Oh bat bigla kang namutla jan?" tanong saakin ni Maine.


NO.. NO... NO.... hindi ako pwedeng mabuntis. Oh shit fuck !


" Kathleen Vargas don't tell us, buntis ka nga " sabi ni Ady.


Pregnant? Me ?



O____O




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro