🖇️Chapter 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 7

TAHIMIK lang akong nakatanaw sa maalon na dagat. Hindi pa rin ako naniniwala na nasa ganitong lugar ako ngayon.  Kahapon isinama ako ni Zeprael dito sa bahay ni Mr. Koen, ang kanang kamay ng emperador dito sa Eshion. Bakit nga ba ako napunta sa lugar na ito?

Ang naaalala ko lang, may kung sino na pumunta sa bahay kahapon. Siya ba yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon?

"Damsel, napakalalim yata ng iniisip mo? Ayos ka lang ba?"

Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Nakita ko naman si Mrs. Koen na may dala-dalang baso ng tubig. Tipid lang akong ngumiti at muling bumaling sa dagat.

"Nasabi na sa amin ni Zeprael na hindi ka raw taga-rito. Taga saan ka ba hija?" tanong nito sa akin ng makaupo na sa harapang upuan ko.

Tipid kong nginitian si Mrs.Koen. "Sa totoo lang po, wala talaga akong kaalam-alam. Basta ang huling pagkakatanda ko, may kung sinong pumasok sa loob ng bahay namin. Ang huling natandaan ko nalang, may isang malamig na bagay nang dumampi sa batok ko. Tapos wala na akong matandaan..." malalim akong napabuntong-hininga saka hinaplos ang librong nasa kandungan ko. Ibinalik ito sa akin ni Zeprael kagabi. Kaso hindi kami pwedeng magkalapit. Nasasaktan namin ang isa't-isa.

"Bakit nasa iyo ang libro na iyan?"

Tiningnan ko naman si Mrs. Koen. Libro? Itong libro ba ang tinutukoy niya?

"Ito po ba?" takang tanong ko. Tumango lamang ito at parang hindi makapaniwala na makita ang libro na hawak-hawak ko. Okay? Another weird moment na naman ba? Di pa nga ako maka-get over sa katotohanang nasa loob ako ng ibang kapanahunan.

"Ang libro ni Karia..." bulong nito. Nagtataka kong tiningnan si Mrs. Koen. Anong meron sa librong ito at parang hindi sila makapaniwala?

Maliban sa bawal na pag-iibigan nina Karia at Ezaquel, wala ng iba pang kakaiba sa librong ito.

"Nabasa niyo na po ba ito?"

Nanlalaki ang matang tiningnan ako ni Mrs. Koen. Really? Mukhang na-stiff na yata si Mrs. Koen.

"N-Nabasa mo ang laman ng librong iyan?" takang tanong nito kaya naman tumango ako sabay sulyap sa hawak kong libro. Nasa tinig pa rin nito ang di makapaniwala. Ano bang kababalaghan ang hatid ng librong ito? Sabagay... Luma na kaya mukhang katakot-takot para sa kanila. Pero hindi eh. May sinabi kanina so Mrs. Koen. Hindi ko nga lang narinig.

"I-Ikaw?!"

Halos pasigaw na sabi nito sabay turo sa akin. Anong ako? Huwag mong sabihing panibagong revelation na naman? Hayst! Sakit sa ulo...

"Ano pong ako?" tanong ko.

Umiling-iling pa ito at parang nanghihinang sumandal sa upuan niya. Ano bang meron? Can someone explain to me what's going on here? Hindi na kasi kayang i-process ng utak ko eh!

"Kariella... Ikaw si Kariella!" sigaw nito. Bakas sa mukha nito ang kasayahan.

Kariella? Excuse me? I'm Kisses Monterez right? Mukhang di pa yata ako kilala ni Mrs. Koen. Tinawag nga akong 'damsel' kanina eh!

"Kisses po ang pangalan ko. Hindi Kariella , Aling Nadia..." magalang kong sabi dito. Pero umiling-iling lang siya.

"Hindi! Ikaw si Kariella! Ikaw ang anak nina Karia. Kaya pala pamilyar ang iyong hitsura, ineng!" tuwang-tuwa nitong sambit. Napahinto naman ako.

Karia?

"Karia? Sino pong Karia ang tinutukoy niyo, Aling Nadia?" tanong ko. Ang kaninang masaya nitong mukha ay napalitan ng kalungkutan.

"Siya yung kilala na napakagandang babae noong itinatag pa lamang ang dinastiyang Esh. Patay na ang iyong ina, Kariella. Ikaw yung bunga ng bawal na pag-iibigan nina Karia at Ezaquel... Siguro nga ay hindi mo iyon alam sapagkat napakatagal na panahon kang nawala...

"Si Ezaquel... Siya ang tumulong sa iyong ina upang makatakas sa kalupitan ni Pio. May dugong itim ang iyong ama, Kariella. Mabuti na lamang at nakuha ni Ezaquel ang dugong iyon sa iyo matapos kang ipanganak. Si Ezaquel...siya yung nag-alaga sayo noong mamatay ang iyong ina..."

Hindi ko alam pero bumigat ang aking pakiramdam habang nakikinig sa kwento ni Mrs. Koen.

Ako? Si Kariella? Paanong nangyari?

"Mukhang nagkakamali ho yata kayo, Aling Nadia. Hindi po talaga ako si Kariella. Ako po si Kisses. Baka naman po magkakamukha lang kami sa ibang aspeto..." paliwanag ko.

Ngumiti lamang siya ng tipid sabay haplos sa aking mukha. "Kakamukha mo talaga si Karia, hija... Kung hindi man ikaw ang anak ni Karia, masaya ako para sayo..." tugon nito.

Nagsalubong naman ang kilay ko. Bakit?

"Bakit ho?"

"Kasi ligtas ka sa sumpang ibinigay ni Pio kay Karia noong dala-dala niya pa lamang sa kanyang sinapupunan si Kariella. Iyong sumpang iyon ang hindi nabawi ni Ezaquel. At dahil nananalaytay ang dugo ni Karia sa kanyang anak, dala-dala niya na rin ang sumpang iyon..."

"Pwede ko po bang malaman kung anong klaseng sumpa, Aling Nadia?" kinakabahang tanong ko.

Tumingin ito sa akin ng seryoso pero bakas sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan...

"Sumpang hindi pwedeng magkaroon ng relasyon sa pagitan ng dugong itim at dugong pula..."




********




A/N: End of the chapter na!

Sorry po kung minsan lang ako makapag-UD ng panibagong chapter. Minsan kasi walang load o di kaya sobrang busy ko o di kaya mahina ang signal. Haha! Dami kong reason noh? Pero totoo po iyan. Kaya be patient nalang po sa paghihintay ng panibagong chapter! God bless you all, Arkiess!! Muah!

Don't forget to vote and comment!

All right reserved © 2022

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro