Epilogue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


It's been 3 months mula nang makita kami nung lalaking kakamukha ni Zep. Although nagtataka pa din ako. Hindi ko pa din lubos maisip kung nangyari ba talaga ang lahat ng naranasan ko sa loob ng Eshion.

Nakumpirma ko ding hindi si Zep yung lalaking nakabungguan ko noon. Kinausap ko kasi siya. Hindi dahil gusto kong magpapansin kundi dahil gusto kong malaman ang katotohanan. Nababaliw na ako kakaisip.

Ilang beses ko na ding hinanap sa internet, mga lumang libro, o magasin ang Eshion pero wala talagang lumalabas.

Minsan naiisip ko din kung panaginip lang ba ang lahat?

Yung pagkapadpad ko sa Eshion...

Yung pagkakakilala namin nina Zep, Raffa at Pier...

Si Mr. Suan...

Nakakabaliw! Maski nga sina Mommy at Daddy, natatawa nalang sa tuwing ikinukwento ko sa kanila ang mga karanasan ko sa Eshion.

At sa tuwing nangyayari yun, I always ended up lying in my own bed. Tinuturukan nila ako ng pampakalma.

Hindi ako baliw... Mababaliw palang! Kahit yung best friend kong si Harris, ayaw ding maniwala.

Kaya naisip ko, siguro nga imahinasyon ko lamang ang lahat ng iyon. Walang Eshion. Walang Hesico. At wala ring Zep, Raffa at Pier akong nakilala. Lahat sila...parte lamang ng malikot kong imahinasyon...

Pero dahil doon, marami akong natutunan. Tulad na lamang nang hindi masamang magbuwis buhay para sa mga taong mahalaga sayo...

Ang pagpapahalaga sa pag-ibig...

At ang magmahal ng isang taong hindi mo alam kung talagang nagi- exist sa mundo o hindi...

WAKAS...






A/N: Maraming-maraming salamat po sa pagbabasa kahit hindi naman kagandahan ang kwento. So much appreciated po talaga ng reads and votes niyo! Pati na din yung comments hehe <3

Thank you so much po! If you still have time to read, may mga ginawa pa po akong ibang story. Just visit my profile at makikita niyo po doon.

Once again, thank you and God bless you all! Happy 2022!!! Muah! Muah!

All rights reserved © 2022

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro