1; Classm8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

1//

Maaga akong gumising dahil mag e-exercise ako bago pumasok sa school. Sinusubukan kong mag lose ng weight dahil medyo tumaas ang timbang ko, kasalanan ko naman dahil napasobra talaga ako sa kain at laro online, kaya mabilis ang pagtaas ng timbang ko, lalo na nung bakasyon.

Tumutulong naman ako sa gawaing bahay pero di naman ganon kalaki ang bahay namin at wala masyadong utos si mama kaya nasa kwarto ako buong maghapon.

Nga pala first day of school ngayon, officially 4th year high school student na ako. Hindi naman ako kinakabahan kasi same classmates lang din magiging kasama ko sa section.

5:30 na ako natapos maghanda para mag exercise muna. Matapos ang 20 minutes na exercise na nakita ko online ay naisipan kong lumabas para mag jogging, may oras pa at parang ganado akong tumakbo ngayon.

Nagbihis ulit ako, itim na leggings saka oversized t-shirt ang sinuot ko, tinali ko na rin ang buhok ko.

Tumingin ako sa salamin at nakita kong may bagong tubo na pimple sa noo ko. Naisipan ko tuloy kung magbangs kaya ako para matabunan yung mga chismiss ko sa noo. Medyo madami ang mga sumpa eh, meron pa nga sa cheeks ko. Hays, wala naman to dati, ang kinis ng mukha ko nung first year hanggang simula nung third year, pero nung nag bakasyon ng 2 weeks hindi ko alam saan nagsimula, sabi naman din ni mama mawawala din daw to, ganun din kasi daw sya nung nagdadalaga sya eh. Mana mana din kasi daw to, si papa naman di daw naka experience ng ganito, makinis na daw sya forever. Sana lahat.

Hindi naman sya big deal sakin nung simula pero matapos yung bakasyon at nakita ako ng mga kaklase ko ay inulan ako ng tanong,



"Hala ba't naging ganyan mukha mo?"
"May allergy ka ba?"
"Sayang naman ng mukha mo! Pero maganda ka pa din naman,"
"May irerecommend ako sayo para mawala mga pimples mo,"


Simula noon ay parang di naalis ng pimples ang noo at ang pisnge ko, medyo naapektuhan na rin ako dahil pati teachers namin nagtataka kung anong nangyari. Nakakalungkot lang kasi hindi ko akalain magkakaroon ako ng ganitong problema, buti nga ay di naapektuhan ang grades ko kahit parang araw-araw ay tinatanong ako tungkol sa mukha ko.



Nasanay na rin ako hanggang sa matapos yung school year. Medyo nawala yung mga pimples ko nung bakasyon pero dahil sa lagi ako nagpupuyat dahil sa online games at kain ng kain para bumalik yung mga sumpa. Nagsimula rin akong maging conscious kapag nalabas kami ni mama, lalo na kapag nahuhuli kong nakatingin sakin ang tao. Feel ko yung mga pimples sa mukha ko ang tinitingnan nila, hindi maganda sa pakiramdam.



Inalis ko ang tingin sa salamin at kinuha ang cellphone at headset saka bumaba na. Nasa second floor ang kwarto ko at sa kapatid ko na tulog pa, kina mama naman ay nasa baba. Naabutan ko naman si mama na naghahanda ng almusal. Pumunta ako sa ref para kumuha ng tubig.


"Ma mag jojogging lang ako sa malapit na park,"sabi ko matapos uminom ng tubig.


"Oki, daanan mo na rin to kina Kai,"

May inabot si mama na paper bag na tinaggap ko.

"Mga tupperwares ng tita Mindy mo, matagal ko ng hindi nasasauli, baka matapos pagkakaibigan namin dahil dyan, hehe," ani na mama.


Napatanago nalang ako. Impossible namang matapos pagkakaibigan nyo ma, eh di pa ako pinapanganak magkaibigan na kayo.


"Alis na ko ma," paalam ko matapos kong makapagsuot ng sapatos.


Sinuot ko ang headset at pumili ng kanta.


Bumungad sakin ang malamig na hangin ng makalabas ako. Nanginig ako at napayakap sa sarili ko. Makulimlim ang langit at mukhang uulan.


"Sana naman di umulan," sambit ko at dahan dahang tumakbo papunta kina Kai.


Medyo malapit lang naman ang bahay nila, kung lalakarin mo nasa 15 minutes lang pero dahil natakbo ako ay nakarating ako don ng 10 minutes. Medyo hiningal nga lang.


"Tao po?," sabi ko at inalis ang headset sa tenga ko.


Kumatok ulit ako sa pintuan. Nag intay ako sandali pero walang sumagot kaya kakatok sana ako kaso bumukas ang pintuan at mukha ni Kai ang bumungad sakin na naka pajama nga pero yung pang ibaba lang ang meron kaya sa moreno nyang katawan ako napatingin. Nag-gym ba to at bakit lumaki ang katawan nya. Basketball player din nga pala to kaya siguro. Iniwas ko ang tingin sa katawan nya.


"Oi," sabi ko.



"Oi din," sagot nya at humikab. Himala at maagang nagising. Itong si Kai kasi palaging late. Kaklase ko sya nung first year, magkasing height din kami noon at ang payat nya nga pero ngayon... iba na.


Inabot ko naman na ang paperbag sakanya.


"Mga tupperwares ni tita," sabi ko.


Tiningnan nya ang loob ng paperbag at tumango tapos humikab ulit saka ginulo ang magulo nyang buhok.



"Alis na ko," sabi ko at akmang aalis na sana kaso  hinawakan nya ang kamay ko.


Para akong nakuryente kaya nabawi ko ang kamay ko. Eh nakakahiya naman ang reaksyon ko. Pero nakakabigla din naman kasi!


"Ay sorry nagulat ka ba, hehe," sabi ni Kai, ngayon ko lang napansin iba na din ang boses nya, hindi na matinis at nakakainis.


"May sasabihin ka ba?," tanong ko.


Napakamot sya ng batok nya sabay sabing "friends pa rin naman tayo diba?,"


"Ahhh," ani ko. Tumango naman ako bilang sagot. Hindi naman nagbago ang tingin ko sakanya. Friends.

Ngumisi naman sya. Isang malapad na ngiti pala.

"See you sa school ah," sabi nya at kinindatan ako tapos sinarhan nya ako ng pinto. Aba!

Napairap ako. Hindi parin pala sya nagbabago, nakakainis parin sya. Pero umalis ako ng nakangiti dahil sya parin ang Kai na kilala ko.

——————————-


Patakbo akong bumaba sa kwarto dala-dala ang bag ko at nagmamadali na sinuot ang sapatos ko. Buti nalang hinanda na ni mama ang school uniform ko.


Nakaidlip kasi ako pagkauwi ko galing mag-jogging at 7:25 na ako nagising kaya mabilisang paghahanda ang nangyari. Basa pa ang buhok ko at di pa ako nakakapagsuklay huhu. Ayoko pa namang napasok ng basa ang buhok.


8 am naman nagsisimula ang klase and first day of school ngayon. Ayokong malate. Hindi naman nagkaklase agad sa unang araw pero kahit na


Nagbibisekleta ako papuntang school kasi malapit lang kaso malalate ako kapag ganitong oras na ako umalis ng bahay, kaya naman ay sumakay ako ng tricycle, buti nalang hindi na nagpapuno si kuya driver at kahit dalawa lang kami ay umandar na sya.

Buti na lang at di rin umulan kasi mas magiging hassle.

Sa likod ako nakaupo habang yung nasa harap ay parang schoolmate ko rin ata, same uniform eh. Tsaka naagaw nya talaga ang atensyon ko, ang bango kasi nya. Hmmm parang pamilyar to.


Tinuon ko naman ang atensyon ko sa buhok ko kaya hinanap ko ang suklay ko sa bag, pero naalala ko bigla na nilabas ko pala iyon para suklayin nga sana ang buhok ko pero nilagay ko lang yun sa mesa dahil sa pagmamadali.

Manghihiram nalang ako kay Shayn, magkaklase naman kami.

"Sunday...,"

Tiningnan ko yung tumawag sakin. Medyo nagulat ako kasi kilala nya ako at dahil kilala ko sya.

"Hiramin mo muna, balik mo lang mamaya," ani nya at napatingin ako sa suklay na hawak nya.


Ngumiti sya sakin kaya kinuha ko nalang yung suklay. Nahihiya kong ginamit ang suklay sa basa kong buhok. Naiwan pa yung amoy nya sa suklay, bagong gupit sya kaya hindi ko sya nakilala agad, long hair kasi sya simula 2nd year hanggang 3rd year. Kaya siguro may suklay syang dala.


Bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko? Hindi ko naman na sya crush eh, pero....parang namumula ata ako. Ewan!


"Kuya itabi mo na lang dyan," sabi nya saka nagbayad at bumaba.


Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makita ko ang dahilan kung bakit sya bumaba. Si Herra.


Nakita kong sabay silang pumasok ni Herra sa coffee shop. Inalis ko ang tingin sakanila at binalik sa suklay na hawak ko.



Hmmm...isasauli ko pa ba to? Hays bahala na nga.

Bumaba ako ng tricycle dahil nakarating na kami sa school. May 15 minutes pa ako kaya pumunta muna ako sa malapit na cr. Mabuti at walang tao.


Pumuwesto ako sa pinaka gilid ng sink para may mapaglayan ako ng gamit ko. Sinuklay ko ulit yung buhok ko at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.


"Pwede na to," sabi ko saka nilapag ang suklay katabi ng bag ko at pumasok sa malapit na cubicle.

May narinig naman akong yapak, ibig sabihin may pumasok kaya nagmadali na ako at lumabas.


Naghugas ako ng kamay at kumuha ng tissue para patuyuin ang kamay ko.

Napatingin naman ako sa babaeng nasa ika tatlong faucet na nagsusuklay ng buhok. Ang tangkad nya kasi o sadyang maliit lang talaga ako? Tsaka ang puti nya rin.


Hmmm...parang ngayon ko lang sya nakita. Di naman ganon kalaki ang school namin at dahil na rin officer ako sa school org namin nung 3rd year ay medyo pamilyar ako sa mga students. Baka new student o freshman sya.


Napansin ko naman ang gamit nyang suklay. Tapos tiningnan ko ang suklay sa tabi ng bag ko.....na hindi ko mahagilap.


"Ah...," panimula ko pero di ako nilingon. Hinanap ko ang Id nya para malaman ang pangalan nya pero di nya suot.


"Yung suklay, akin..." nilingon na nya ako at malamig ang tingin nya sakin.



Yung mata nya kasi....yung mga tingin...tapos idagdag mo pa na yung straight niyang bangs kaya mas lumilitaw ang mga mata nya.




"Akin to," sabi nya sabay alis sa cr. Hindi ko naman sya sinundan at parang tangang naiwan don. Ang bilis din kasi ng pangyayari.



Nakatayo lang ako dun at umaasa na bumalik yung babae at baka ibalik nya yun dahil sure akong kay Venn yun! Yung suklay kasi ay may design at same yun sa hawak ng babae.



Napabuntong hininga nalang ako. Tao naman siguro yung kausap ko kanina diba? Kausapin ko nalang sya ulit kapag nagkita kami.

"Oy Suni bebi!,"


Napatingin ako sa dumating na si Shayn.


"Kanina pa kita hinahanap! Dami ko ng chats sayo teh! Magpaload ka kaya kahit fb10 lang?," aniya at lumapit sakin saka nag lagay ng liptint sa lips nya.


"Gusto mo?," umiling ako sa alok nya.


"Anyways, tara na sa classroom, pinagreserb kita ng seat! Tabi tayu," aniya saka hila sakin palabas.


"May white lady ba dun?," natanong ko, hindi maman tumigil si Shayn at nagpatuloy na hinala ako papunta sa room.


"Anong pinagsasasabi mong white lady? Ang dapat mo isipin teh yung crush mo," sabi nya. Nagtataka naman ako sa sinabi nya, anong konek nun.

Tsaka ang dami naming students na nadaan habang paakyat kami kaya pinagsabihan ko si Shayn na hinaan ang boses. Ang lakas kasi kahit normal conversation lang. At kung tungkol naman sa crush ko eh dapat talaga mahina lang boses nya, baka mabroadcast pa sa buong building.


Nang makarating kami sa 3rd floor kung saan yung classroom namin ay tumigil si Shayn kaya napatigil din ako. Hinarap nya ako at hinawakan ang mga kamay ko.


"Suni, matutupad na talaga ang pangarap mo," aniya sabay ayos ng buhok ko na may kasamang kilig.


"Huh? Kumain ka ba?," sagot ko nalang.

Hindi sya sumagot at tuluyan na nga kaming pumasok sa classroom.

Binati naman ako ng mga dating kaklase ko. Tapos dumiretso sa upuan kung saan pinili ni Shayn na iniwan ako matapos kong maupo dahil dumating yung boyfriend nyang si Keith.


Maingay naman ang classroom at pinagmasdan ko ang loob, wala naman kaming bagong kaklase. Siguro nagbabakasakali ako na kaklase ko yung babae sa cr, dahil paano ko naman iiexplain kay Venn na may kumuha ng suklay nya? Paano kung multo talaga yon? Eh mas lalong hindi ko alam kung ano sasabihin ko kay Venn! Pero baka di nya na rin kailanganin yon? Nagpagupit na sya eh.

Dahil wala pa namang teacher na dumadating ay naisipan kong kunin ang cellphone ko at magscroll muna sa blue app. May load naman ako sadyang dami lang nangyari kanina kaya hindi ako nakapag online.


Napatingin naman ako sa friend request icon dahil may nagsend.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ang lakas ng kabog nito na parang mabibingi ako. Idagdag mo parang nanginig yung kamay ko dahil hindi ako makapaniwala sa taong nagsend ng friend request sakin.

Nakatanggap naman ako ng chat galing kay Shayn "teh si ano classmate natin hihi goodluuuuck ;*," at alam ko kung sino ang pahiwatig nya.


"Pa accept ah," ani ni Venn na nasa tabi ko na at nilapit ang mukha sakin.

"Hi classmate," sabi nya saka ngumiti.

Naalis naman ang tingin ko kay Venn dahil may dumating sa classroom. Si Kai na nakasabit pa ang necktie sa balikat.

Naagaw nya ang atensyon ko dahil ang lakas ng boses nya.

"Oi oi oi, anuyan," sabi ni Kai na dumiretso samin ni Venn. Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil hindi ko rin alam kung bakit andito si Kai. Classmate din kami?


Nakatingin na rin si Venn sakanya saka tumayo.

Parehong seryoso ang kanilang mukha na parang may tensyon sa pagitan nila. Huy anong meron!


"Kai..." ani ko. Tahimik naman ang buong classroom. Lahat ata nakatingin samin.


"Upuan ko yan," sabi ni Kai sa seryosong tono.


"Walang pangalan," kalmado naman na sagot ni Venn. Kita kong kumunot ang noo ni Kai.


"Ahh...kay Sha—-," hindi natapos ang sinasabi ko dahil may pumasok na teacher. Salamat!


"Class take your seat," ani ni ser.


Dahil dun ay umupo na si Venn sa tabi ko at si Kai naman ay sa umupo sa pinakalikuran ng row namin. Habang si Shayn ay naupo sa unahan kasi wala syang choice. Huhu.


Nagpakilala naman si ser samin na sinulat ang pangalan nya sa white board. Math pala ang unang subject at sya ang advisor namin.


Sinilip ko naman si Shayn at ang babae ay nakangisi sakin at alam kong tinutukso nya ako.


Inalis ko nalang ang tingin ko sakanya at binalik kay Sir Alfred ang atensyon na nagbibigay ng kanyang classroom rules.


"Anyways, yun lang naman. Bago ko pa makalimutan, may bago kayong kaklase," ani ni ser na lumabas.

Lahat naman kami ay nakatingin sa may pintuan, pero hindi yata lahat kasi kita kong nakatingin sakin si Venn o baka sa mga chismiss ko sa mukha sya nakatingin? Hays.

Pero naalis din naman ang tingin nya sakin nung pumasok na sir kasama yung bagong kaklase namin.

Medyo umingay naman ang classroom dahil sa bulongan ng mga kaklase ko.

Agad akong napatingin kay Shayn na nagbubulongan sa katabi nya.

Binalik ko naman ang tingin sa harap, sa bagong kaklase namin.

Una kong napansin ang mga tattoo nya sa kanang kamay. Mapapansin talaga yun dahil sa laki ng mga designs, pakiramdam ko ay hanggang balikat iyon pero dahil longsleeve nga ang uniform namin at hanggang elbow nya lang tinupi ang sleeve ay di ko makompirma.

Maputi at makinis sya, dahil na rin sa itim nyang buhok ay lumilitaw ang kulay ng balat nya. Medyo mahaba din ang buhok nya.

"Pakilala ka na," ani ni ser.

"I'm Fray Davios, nice to meet you," aniya.

Binati naman sya ng iilang kaklase namin. Tsaka pinakaupo sya ni ser Alfred sa likod sa tabi ni Kai.


"Hmmm...," rinig kong sambit ni Venn. Nag abot naman ang mga tingin namin saka nginitian nya ako. Agad ko namang inalis ang tingin sakanya.

Sinubukan kong sumilip sa likod pero agad ko rin naalis ang tingin ko dahil nahuli ako ni Fray. Uminit ang pisngi ko. Nakakahiya!







End of chapter one
————-

Sorry if may mga typo hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro