Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER ONE

DITO SANA mag-o-overnight si Victor sa apartment kaya lang tinawagan siya ng Auntie niya at pinapauwi. Kaya ayon, mag-isa tuloy ako ngayong Linggo. Balak pa naman sana naming magsimba dahil matagal-tagal na rin no'ng huli naming nagawa 'yon ng magkasama.

Alas-cinco pa lang ng hapon pero wala na kong magawa. Katatapos ko lang kasing mag-review ng notes dahil baka may biglang pa-surprise quiz 'yong mga Prof ko bukas, mahirap na. Isa pa, malapit na rin ang midterms exam.

I tried watching a series on Netflix pero first episode pa lang nawawala na ko sa focus. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nagte-text si Victor. 11 AM pa 'yong last text niya saying na nagpasama ang Auntie niya sa kakilala nito.

I was about to text him kung ano ng nangyari sa kanya nang mag-ring ang phone ko. Pangalan ni Karen ang nag-flash sa screen.

Agad akong nagtaka. She never called me unless it is an emergency. Actually, golden rule 'yon sa grupo. Na walang tatawag kapag hindi emergency. O kung trip talaga, mag-text na muna. Pare-pareho kasi kaming may mga anxiety sa gano'n kaya nagkasundo na kaming lima.

"Hello, Karen. Anong problema?" I said after I swiped the accept button.

"Si Julius . . ."

"What happened to Julius?"

"Nagyayayang uminom. He needs us right now."

"Wait, don't tell me inaway na naman siya ng girlfriend niya?"

"Mas malala pa ro'n, Chie."

"What?"

"She finally broke up with him."

"Oh," na lang ang tangi kong nasabi. Tama ba ang dinig ko? Nakipag-break na ang babaeng 'yon kay Julius? Mabuti naman kung gano'n.

"Magkita na lang tayo nila Maris sa tapat ng university para sabay-sabay na tayong pumunta sa The Happy Place. Kasama na kasi ni Paolo si Julius doon, okay?"

Pagkatapos kong sumang-ayon, in-end ko na ang tawag. Mabuti na lang pala nakaligo na ko kanina kaya nagbihis na lang ako ng plain black shirt, ripped jeans, at rubber shoes.

Bago umalis t-in-ext ko muna si Victor. Hindi naman siya agad nag-reply kaya tinago ko na ang phone ko.

***

Medyo malapit lang ang university na pinapasukan ko mula sa apartment na tinutuluyan ko. Isang jeep lang ang kailangan sakyan. Kaya agad naman akong nakarating doon. Pagbaba mismo sa tapat ng entrance gate, nakita ko agad sina Karen at Maris.

"Alam niyo na ba 'yong dahilan kung bakit nakipag-break na rin si Coreen sa kanya?" bungad na tanong ko sa dalawa.

Sabay naman silang umiling. "Doon niya na raw sasabihin," sagot naman ni Maris.

"Kaya tara na. Kanina pa tayo hinihintay nung dalawa," pag-aya ni Karen saka pumara ng taxi.

Halos 1 hour lang ang layo ng The Happy Place sa school. Dito kami madalas tumambay since freshman. Ito na ang naging sanctuary namin tuwing matatapos ang major exams, may kanya-kanya kaming problema, o kapag gusto lang naming mag-relax. Hindi lang naman kasi typical na inuman 'tong THP. May mga binebenta rin kasing iba't ibang pagkain sa second floor at may iilang table din doon. Bale, parang may pagka-resto-bar ang dating nito.

Pagkapasok namin, maingay na tugtugan agad ang bumungad sa amin. Mag mga sumasayaw na rin sa dance floor. It was only seven o'clock in the evening pero buhay na buhay na ang bar.

Nasa bandang gitna nakapwesto sila Julius at Paolo. Pagkalapit namin sa table nila, may iilang bote ng walang laman ang nakalapag doon. At base sa hitsura nung dalawa, mukhang si Julius lang ang umubos ng mga 'yon. So brokenhearted talaga siya ngayon, ah.

"Bakit hindi mo man lang pinigilan na mag-inom?!" inis na tanong ni Maris kay Paolo sabay hampas sa braso nito.

"Ayaw magpapigil, boss, e. Hinayaan ko na tutal brokenhearted naman," nakangisi nitong tugon.

Muli sana siyang hahampasin ni Maris nang bigla namang magsalita si Julius na siyang nakaagaw ng atensyon namin lahat.

"Tangina. Ginawa ko naman ang lahat pero bakit parang kulang pa rin? Bakit iniwan niya pa rin ako? Bakit nagawa niya pa rin akong saktan?" sunod-sunod na sabi nito habang nagpipigil ng iyak.

Sa halos tatlong taon naming pagsasamang lima, ni minsan hindi ko nakitang umiyak 'tong si Julius. Kahit na mayamaya na siyang nagdadrama tungkol sa girlfriend niya (na ngayon ay ex-girlfriend na niya) ay hindi pa rin siya umiiyak.

Sa totoo lang, matagal na naming hiniling na mag-break silang dalawa. Bukod kasi sa hindi namin gusto ang ugali ni Coreen, palagi niya na lang kasing pinapaasa at sinasaktan si Julius emotionally. Tourism student ito sa university na pinapasukan din namin. Isa si Coreens sa tinatawag nilang Campus Queen dahil sa ganda nito (na nadaan lang naman daw sa make-up, ayon kila Karen at Maris). Pero kung ano namang ikinaganda ng mukha niya, siya namang ikinapangit ng kanyang ugali. May reputasyon din itong hindi natagal sa isang taon ang mga nakakarelasyon nito. Kaya nang maging sila ni Julius at lumagpas sa isang taon ang relasyon nila, marami ang nagulat. At isa na kami roon.

Noong mga unang buwan, ayos pa naman ang relasyon nila. Pero habang tumatagal, nagbabago raw si Coreen (ayon sa mga kwento ni Julius). Madalas na raw itong hindi sumisipot sa mga planned dates nila. Nagiging cold na rin ito at pinapakita ang totoo niyang ugali – ang pagiging bitchesa.

We already warned Julius at sinabing makipaghiwalay na dahil kung ipagpapatuloy niya pa rin 'yon, masasaktan at masasaktan lang siya. And we're right . . .

"Ano raw ba ang rason niya?" tanong ko.

Ubos na ang isang bucket na nakapatong sa lamesa kani-kanina lang kaya um-order na ulit si Maris.

"She said that I am boring," mabilis na tugon ni Julius.

Lahat kami ay nagtaka sa sinabi niya. Walang nagsalita. Hinintay lang namin ang mga susunod niyang sasabihin.

"Magdadalawang taon na raw kami pero hindi ko pa rin daw magawang makipag-sex sa kanya," pagpapatuloy nito.

Napanganga na lang ako habang napamura naman si Maris sa tabi ko sabay sabing, "she's a total slut."

"Maris naman . . ." pagsasalita ni Julius.

"Oh, sorry. I can't help it, Julius. Seryoso ba kasi siyang 'yon ang dahilan niya?" ani Maris. "Kasi kung 'yon talaga, ang put—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil agad na tinakpan ni Paolo ang bibig nito.

"Boss, kalma ka muna. Girlfriend pa rin ni pareng Julius—"

"Ex-girlfriend," pagtatama ni Karen kay Paolo. "And Maris was right. Ang labo naman kasi ng rason niya para . . . para makipaghiwalay kay Julius."

"Oh girls, kalma lang," natatawa namang pagsuko ni Paolo.

"Pero mali ba ko, ha?" muli namang nabalik ang atensyon namin kay Julius. "Mali ba na gusto kong pakasalan muna siya bago kami mapunta sa gano'n? Mali ba na nirerespeto ko siya bilang babae kaya matindi ang pagpipigil ko na magawa ko 'yon? Mali ba 'yon, ha?"

Walang nagsalita sa amin. Mukhang tama si Maris. That Coreen girl is a slut . . . and a bitch. Mabuti na lang talaga at hiwalay na sila dahil sa totoo lang, Julius was too good for her. At hindi niya ito derserve.

Nagpatuloy ang gabi namin sa pagco-comfort kay Julius. First girlfriend niya ito at malamang sa malamang ay first heartbreak din. Hindi ko naman siya masisisi dahil sobra niyang minahal ang babaeng 'yon at mukhang wala ng tinira sa sarili.

"Kapag nakita ko 'yong babae na 'yon sa school, malilintikan talaga sa akin 'yon," pagsingit ni Maris sa kwentuhan namin tungkol sa parating na midterms exam.

Napailing na lang ako. Pagtingin ko sa gawi ni Karen, tahimik itong iniinom ang bote ng alak sa kamay niya habang malungkot na nakatitig kay Julius na patuloy pa rin sa paglaklak ng alak.

Muli akong napailing at napatingin na lang sa dance floor. Banda doon, naramdaman ko na naman ang pares ng mga mata na nakatitig sa akin. Kanina ko pa 'yon napapansin pero isinasawalang bahala ko na lang. Pero dahil medyo nakainom na rin ako, nilingon ko na kung sinuman 'yong tingin nang tingin sa gawi ko – o namin.

Paglingon ko sa kabilang side nitong bar, nasilayan ko ang isang lalaking nakangisi sa gawi ko. Nilingon ko ang mga kasama ko (dahil baka isa pala sa kanila ang tinignan nung lalaki) pero masyado silang busy sa kani-kanilang mga ginagawa. Nang muling magtama ang aming mga mata, nakangisi pa rin siya sa akin. Itinaas niya ang hawak-hawak niyang beer sabay ngiti. Hindi ko na ito pinansin at bumalik na lang sa pakikipag-usap sa mga kasama ko.

"Gusto kong sumayaw!" sigaw ni Julius. Natawa naman kaming tatlo nila Paolo at Maris habang napa-iling na lang si Karen.

Julius is not a dancing type of guy. Mas pipiliin niya pang kumanta (kahit na wala sa tono) kaysa sumayaw. Pero mukhang dahil sa kalasingan (at siguro sa pagiging brokenhearted na rin for the first time), magagawa niya ang mga bagay na hindi niya naman madalas gawin.

Tumayo na ito at nagtungo sa dance floor. Agad namang sumunod sila Paolo at Maris.

"Ayaw mong sumayaw?" tanong ko kay Karen nang hindi man lang ito gumalaw mula sa kinauupuan niya.

"Wala ako sa mood," aniya.

"Ah, sige. Punta lang muna akong CR," paalam ko naman.

Dumiretso agad ako sa direksyon kung nasaan ang CR. Kailangan ko pang makipagsiksikan sa mga sumasayaw para makapunta roon.

Mabilis lang akong umihi at naghugas agad ng kamay. Paglabas, hindi ko inaasahan na may haharang sa akin.

In-adjust ko muna ang paningin para makita kung sino 'yong humarang sa akin. Nang masilayan ko na ang mukha nito, unti-unting napataas ang kaliwanag kilay ko. Siya 'yong lalaking kanina pa nakatingin sa gawi ko.

Ano namang kailangan ng lalaking 'to, ha?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro