Chapter 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER TWENTY

"HOW'S THE trip? Halatang fresh tayo ngayon, ah," Maris commented.

"Kakaiba ang glow-up natin, Chie, this time. Sana all in love," Paolo added. "Mga kailan kaya ako magkaka-lovelife?"

"Bakit 'yon ang kinukumusta niyo? Ayaw niyo ba kumustahin 'yong tungkol sa exam?" natatawang tanong ko.

"You're smiling for a freakin' whole day, Chie. Hindi na namin kailangang tanungin kung okay ba ang kinalabasan ng exams mo," Karen uttered. "It's obvious."

"I second the motion," natatawang pagsingit ni Julius.

"Ay, bakit biglang napagtutulungan ako rito?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Ilang araw lang ako nawala, ginaganyan niyo na ako."

"Nawala nang walang pasabi," said Maris, glaring at my direction.

I apologetically smiled at her and said sorry once again.

"Grabe ka naman magtampo, boss. Hindi ka na ata maka-move on," ani Paolo na siyang ikinatawa namin.

"Shut up, Paolo. I'm not talking to you," inis na sabi nito. "But anyway, how was the exam? Nagkaproblema ba kayo?" pag-iiba niya nang usapan.

"Compared sa midterms last time, mas chill lang ako this time," sagot naman ni Paolo. "I mean, first day pa lang naman at may apat na araw pa. Pero sana magtuloy-tuloy na gan'to lang."

"Nakapag-review naman kasi tayo nang maayos at in fairness, nasa exam ang mga ni-review natin," ani Julius.

"True! Ang inaabangan ko ngayon ay 'yong sa Economics 2," pagsingit naman ni Maris. "Kapag gano'n pa rin talaga ang mangyayari at wala sa mga ni-review ko ang lumabas sa exam, magrereklamo na talaga ako."

Dahil nagsimula na ang exam week namin for finals, maaga na ang uwian namin. Usually, sabay-sabay kaming magre-review kahit ilang oras lang. Pero dahil may mga lakad daw sila, hindi muna gano'n ang mangyayari ngayon.

"So guys, bukas na lang ulit," ani Karen nang tuluyan na kaming makalabas ng school.

"Sabay na ako," said Julius, smiling awkwardly at Karen's direction. "May dadaanan kasi ako ta's along the way na rin naman."

Biglang pinagpawisan si Karen at hindi agad nakasagot. Naramdaman kong nate-tense na rin siya kaya sumingit na ako.

"Sabay na rin ako. " Karen looked at me with her eyes wide open. "I mean, may bibilhin kasi ako sa Poblacion."

"Thank you," Karen mouthed. Nginitian ko lang siya at tinanguan.

"Sige, mauna na rin kami nitong si boss," sabi naman ni Paolo sabay akbay kay Maris.

"Ano ba, tigilan mo nga pag-akbay sa akin," ani Maris sabay tanggal ng braso ni Paolo. "At anong maun na rin tayo? Walang tayo, Paolo! Umuwi ka mag-isa mo," dugtong niya pa sabay sakay sa jeep na kahihinto lang sa harapan namin.

"Boss, wait lang!" habol na sigaw naman nito at sumakay rin sa jeep na 'yon.

Sabay-sabay na lang kaming napailing tatlo dahil sa nasaksihan namin. Ang dalawa talagang 'yon.

"Papasa talaga sila bilang magkarelasyon," komento naman ni Julius. "The way they fought, daig pa nilang mag-boyfriend at girlfriend."

"At kayong dalawa naman, daig niyo pang may LQ," bulong ko na tanging si Karen lang ang nakarinig kaya nakatanggap ako ng mahinang kurot mula sa kanya.

Imbes na masaktan, natawa na lang ako. Ang constipated na rin kasi ng hitsura niya. Mukhang hindi pa talaga siya tapos sa phase ng pag-iwas kay Julius.

***

"Oh my gosh, I can't believe that we survived the finals!" halos mangiyak-iyak na sambit ni Maris nang magkikita kaming lima sa may field.

"So walang naging problema sa Economics 2 mo?" tanong naman ni Karen.

"Wala, girl!" sagot nito. "At nakakagulat nga kasi halos kaunti lang 'yong hindi ko naaral sa exam. Pakiramdam ko tuloy pasado ako."

"Oh, Chie, is there a problem? Bakit mukhang problemado ka diyan?" pagpuna ni Paolo sa akin.

"Until now, Victor doesn't answering my texts and call . . . again. Kanina ko pa siya kino-contact," I bitterly replied.

"May problema na naman ba kayong dalawa?" tanong ni Karen.

"Ang gulo rin ng relasyon niyo. Every week na lang ata kayo nag-aaway tapos magbabati at mag-aaway ulit," Maris commented.

"We didn't fight," mabilis na sagot ko naman. "Actually, okay kami. Magkausap pa nga kami the day before yesterday, e."

"E, kahapon? Hindi kayo nagkausap?" tanong ni Julius.

"Nah. Nagsabi kasi akong magfo-focus ako buong maghapon kahapon para sa exam ngayong araw. Major kasi, 'di ba?" I answered.

"So walang problema?" Karen asked and I nodded as a response. "E, 'yon naman pala. Then, don't think too much. Baka busy pa 'yon sa examination."

"Agree," ani Maris. "Alisin mo muna si Chie na overthinker. And let's start to celebrate dahil naka-survive tayong lima ngayong finals! Nakaka-excite at ilang semester na lang talaga, ga-graduate na rin tayo."

"May thesis pa next sem, boss," ani Julius. "Kailangan na rin nating paghandaan 'yon."

"Ah, basta! Saka ko na aalahanin 'yan," sagot niya. "For now, let's go to THP na! Na-miss ko na ang lugar na 'yon," she dramatically added.

I shook my head, slighty laughing. Hindi ko namalayan na tapos na rin pala ang one month banned namin doon. Sa wakas, makakapag-enjoy na ulit kami. Huwag lang maulit 'yong nangyari noon dahil baka tuluyan na talaga kaming i-ban kapag nagkataon.

"Ay, guys. Sorry, but I can't join to the celebration today," pagsingit ni Julius na siyang ikinapagtaka naming lahat. "May lakad kasi ako, e. Bawi na lang ako sa susunod."

"Saan naman?" tanong ni Maris. "Importante ba?"

"Kinda?" he doubtedly answered.

"Bakit 'di ka sure?" patuloy na pag-usisa ni Maris.

"It's complicated—"

"That's alright, Maris," Karen cut him off. "I mean, baka importante talaga 'yong lakad niya kaysa sa atin."

"Karen, that's not what—"

"You don't need to explain, Julius," she cut him off again. "Okay lang naman, e. Marami pang next time. Kaya puntahan mo na siya—I mean, puntahan mo na 'yong pupuntahan mo."

I weirdly looked at her direction after she said the last line. Parang may alam siya na hindi namin alam?

Magsasalita pa lang sana si Julius nang mauna na sa paglalakad si Karen palabas. Kaya nagpaalam na lang kami sa kanya at agad na sinundan si Karen.

"May problema ba 'yong dalawa na 'yon?" takang tanong ni Paolo. "Parang ang distant na nila sa isa't isa."

Hindi na ako nagsalita dahil baka may masabi pa ako. Kung alam lang nila . . .

***

"Okay ka lang ba?" I worriedly asked Karen who happened to sat beside me. Bale katapat namin sina Maris at Paolo na busy sa pagtatalo kung alin ang nauna sa itlog at manok.

"No," she said then drink her beer. "I'm kinda pissed at him."

Sa aming lima, si Karen talaga ang hindi masyadong nag-iinom sa amin. Pero ngayong gabi, halos dalawang bucket na ng beer ang maubos niya. Mukhang hindi nga talaga siya okay.

"May nagawa na naman ba si Julius?" nag-aalalang tanong ko.

Mabuti na lang nasa parte kami na hindi masyadong abot 'yong music at busy pa rin sa pagtatalo 'yong dalawa. Malaya tuloy kaming nakakapag-usap kahit medyo mahina lang.

"That's my problem, Chie," she replied. "Wala naman siyang ginagawa pero nasasaktan ako. Kahit wala naman akong karapatan at all."

"No, you're wrong, Karen. May karapatan kang masaktan kasi minamahal mo siya. Ang wala ka lang karapatan ay ang sisihin siya dahil hindi niya naman alam 'yang nararamdaman mo."

"Ouch. Ang sakit, ah," she said. "But you're right."

"Bakit hindi mo lang kasi ipagtapat 'yang nararamdaman mo? Malay mo may chance pala kayong dalawa."

"That's impossible, Chie."

"Ha? Bakit naman? At paano mo nasabi? You didn't know what might happen if you'll try it."

"Nasa eksena pa si Coreen."

I creased my forehead. "Matagal na silang wala, Karen. And as far as I—"

"Siya 'yong importanteng lakad niya ngayon," she cut me off emphasizing the importanteng lakad.

"What? Anong ibig mong sabihin?"

"I accidentally overhead their conversation earlier. Nakikipagkita si Coreen at pumayag naman 'tong si Julius," she explained. "And I think, magbabalikan na sila."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya mahina na lang akong napamura. I was about to say something when Maris interrupted us.

"Hoy, anong pinag-uusapan niyo diyan?! Bakit kailangang magbulungan?" taas-kilay na tanong nito. "Pa-share naman, aba!"

"We're talking about the exam earlier," mabilis na tugon ni Karen.

"Weh? E, bakit ganyan hitsura niyo?" aniya.

"Bakit, boss, ano ba dapat hitsura kapag pinag-uusapan ang tungkol sa exam?" pagsingit ni Paolo kaya nakahinga kami nang maluwag.

"Bwisit ka! Sabing 'wag mo akong pinipilosopo!" inis na sigaw niya at nagsimula na naman ang walang humpay na pagtatalo nila.

"Excuse me, Chie, punta lang akong CR," bulong niya sa akin sabay tayo. "Um, guy, ladies' room," pagbaling niya naman sa dalawa.

"Samahan na kita," sabi ko at dali-daling tumayo. Marami-rami rin kasi ang tao ngayon at medyo nakainom na rin 'tong si Karen. Baka mapaano pa siya kaya mabuti nang alalayan ko para sigurado.

"Bilisan niyo, ah! Baka kung saan pa kayo magpunta!" pahabol na sigaw ni Maris.

She went straight to the ladies' room at tahimik naman akong naghintay sa labas. I took my phone out of my pocket and checked if my boyfriend's finally contacted me. But I got only disappointed when there's no notification from him. Unlike before, sinigurado ko nang hindi ako made-dead batt ngayong araw. Kailangan ko siyang makausap, 'no. Palagi niya na lang ako pinag-aalala.

After ten minutes, lumabas na rin si Karen. Pero nakakailang hakbang pa lang kami nang may humarang na sa amin na dalawang lalaki.

"Hi, Miss." The one with the tattoo on his right arm approached Karen. "Is he your boyfriend?" he asked pointing at my direction.

"Or he's only your friend and currently available?" tanong naman nung isa na halos mapuno na ng hikaw ang tainga.

"Mind your own business," sagot ni Karen sa dalawa. "At umalis kayo sa dinadaanan namin."

"Ooh, palaban. I like that," the one with the piercing commented.

"And it looks like that he's not your boyfriend 'cause you didn't answer my question," the other guy said.

Magsasalita pa lang sana si Karen nang pigilan ko na siya. "Are you deaf, stupid, or both?" I asked them. Ginawa ko na ring tunog panlalaki ang boses. I mean, 'yong mas tunog lalaki pa than my normal and usual voice. Pero mukha namang hindi pilit.

"What did you say?" he asked, glaring at me.

"Ah, so you're deaf," sabi ko na mukhang ikinainis niya.

Aambahan na sana niya ako at nakahanda na rin ang kamao ko nang may biglang sumigaw sa direksyon namin.

"Robi! Axcel! What the fuck are you doing?"

Paglingon ko roon sa sumigaw at nang magtama ang mata naming dalawa, pareho na naman kaming nagulat.

Okay, Chie, kalma. You're kinda expecting this scenario because he's literally everywhere. But calm your ass down. You don't need to be tense.

"Are they bothering you?" pagtatanong nito kay Karen. Hindi naman siya nagsalita at tumango lang bilang tugon. "Ako na humihingi ng pasensya para sa kanilang dalawa. They're drunk that's why I'm sorry for their behavior."

"Why are you saying sorry, Ely? We're not doing anything," sagot nung lalaking may tattoo.

"Oh, shut the fuck up, Axcel!" sigaw naman ni Eliseo.

"He's right tho," pagsabat ko naman. Napatingin silang tatlo sa akin. Pati na rin pala si Karen. "Hindi naman ikaw ang may kasalanan kaya bakit ikaw ang nagso-sorry?"

"Chie . . ."

Sa pagtawag niya ng pangalan ko, kitang-kita ang panlalaki ng mata nung dalawa.

"Do you know each other?" mabilis na tanong nung may maraming hikaw. That I assumed, his name is Robi. Kasi Axcel na 'yong isa, e.

At bago pa ulit makapagsalita si Eliseo, inunahan ko na. "No," I uttered. "And apology accepted. Huwag na lang sana mauulit," huli kong sabi at hinila na palayo si Karen.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin pabalik, bigla akong pinigilan ni Karen.

"Wait, Chie," she said holding my left arm. "Do you know him?"

Mabilis akong napailing. "Hindi. Why?"

"His face was kinda familiar. I think I saw him before hindi ko lang matandaan kung saan," aniya.

I just shrugged at hindi na sumagot pa. Mamaya kung ano pa masabi ko. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad pabalik sa pwesto.

"Bakit ang tagal niyo na naman? Tumae pa ba kayo?" bungad sa amin ni Maris.

"Mahaba 'yong pila sa CR," pagdadahilan na lang ni Karen.

Saktong pag-upo ko naman nang mag-vibrate ang cellphone ko. At nang makita ko kung kanino galing 'yong text, hindi ko na napigilan ang pagngiti.

"Finally," I whispered. "Guys, nag-text na rin, sa wakas, si Victor," I told them.

"Sabi sayo, e," ani Maris. "Patience lang kasi. Oh, ano sabi?"

"Wait, basahin ko," I excitedly said. Pero halos mabitawan ko na ang aking cellphone pagkabasa ng text message niya.

From: My Boyfriend
Let's break up

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro