Chapter 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: I want to clarify something, guys. May nag-send kasi sa akin ng e-mail tungkol sa timeline nitong RR. Naguguluhan daw kasi siya sa mga dates na nababanggit.

So here's a thing: Roommate Romance started in their 3rd year in college, first semester (year 2020); at hindi po June ang simula nang pasok nila kundi August. Pinagbasehan ko rin po ang school calendar namin for A.Y. 2019 - 2020 kaya eksakto po talaga ang mga dates/schedule dito. Kung kailan ang pre-lim, midterms, finals, vacations, etc. Medyo in-adjust ko lang nang kaunti dahil nga 2020 ang taon sa istoryang 'to. I did that because I want to make this story as realistic as possible.

Ayon, sana po malinaw tayo rito. Para rin sa mga nagtatanong kung hanggang ilang chapters 'to, gano'n pa rin naman. Based on my outline, it's still 50 chapters. Marami-rami pa pong mangyayari kaya sana patuloy lang ang pagbabasa at pagsuporta niyo rito.

Anyway, enjoy reading this chapter! And don't forget to leave a lot of comments. Love y'all~

***

CHAPTER TWENTY-THREE

FOR THE past week that had passed, wala akong ibang ginawa kundi lunurin ang sarili sa kalungkutan at sakit na pinadama sa akin ni Victor matapos niyang makipag-break sa akin.

Hindi ko nga alam kung saan ako masasaktan, e. Doon ba sa nakipag-break siya sa text, doon sa nakipag-break siya nang biglaan, o doon sa nakipag-break siya at hindi na nagparamdam pagkatapos.

Sa nakalipas na isang linggo, masasabi kong nagbago talaga ang takbo ng buhay ko. Lalo na't isa na naman sa pinakamahalagang tao sa buhay ko ang nang-iwan sa akin. He's my everything that when he left, I only feel nothing. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa tuwing naiisip ko ang nangyari.

I didn't expect that he can do this to me. Yes, I know that he's capable to hurt me but not like this one; not like this kind of hurt. Because of this, I'm not only feel dead inside but I also feel lifeless outside. Parang ayaw ko nang mabuhay. Hindi ko na alam kung paano ba ako magpapatuloy sa kabila ng mga nangyari.

Marahan kong pinunasan ang luhang kumawala sa gilid ng mata ko. Sa nakalipas din na isang linggo, nakapagtataka na hindi maubos-ubos ang luhang nilalabas ng mga mata ko. Wala ata silang kapaguran dahil tuloy-tuloy lang ang pagbagsak nila.

"I can feel that this is going to be the saddest Christmas I will experience in my life," mahinang bulong ko habang nakatingin sa may bintana ng kwarto kung saan tanaw ko sa labas ang mga kumikinang na christmas lights decoration. "My first Christmas without him beside me; without him in my life."

When my parents died back then, hindi masyadong naging malungkot ang unang Pasko ko na wala sila sa aking tabi. Dahil nasa tabi ko si Victor no'ng mga panahon na 'yon. Hindi niya ako iniwan at hindi niya talaga pinaramdam na nag-iisa ako.

Then this happened.

'Yong taong nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa noon, wala na ngayon. Iniwan niya na rin ako; iiwan niya rin pala ako.

Pitong araw na lang at Pasko na. Kung dati, todo na ang paghahanda namin ni Victor — mula sa christmas tree na itatayo namin dito sa apartment at kami mismo ang magde-decorate hanggang sa pamimili ng regalo para sa mga mahal namin sa buhay — hindi na ngayon. We're doing that for two years already at ito na sana ang pangatlong taon para roon . . . pero wala, e. Mas pinili niyang iwan ako kaysa i-celebrate 'tong paparating na Pasko sa tabi ko.

Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matuwa sa timing na tapos na ang first semester at saktong christmas break na. Dahil paniguradong hindi ako makakapasok at makakapag-focus sa pag-aaral kung nagkataon.

Natigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong sunod-sunod na katok mula sa labas ng aking apartment.

"Sila na naman," bulong ko bago nagbuntonghininga at dahan-dahang nagpunta malapit sa may pintuan.

Sa mga nakalipas na araw, hindi rin nila ako tinigilan. Dahil nga wala na kaming pasok, ang sipag nilang mayamaya na magpunta rito. Hindi naman sa ayaw ko silang harapin pero gusto ko lang talagang mapag-isa sa mga oras na 'to.

"Baka naman kasi wala siya rito sa apartment niya," rinig kong sambit ni Maris. "Mukhang wala kayang tao saka wala akong naririnig na ingay sa loob, oh. Sabi rin nung landlady niya rito, hindi niya raw alam kung nasaan si Chie."

"E, saan naman pupunta 'yon si Chie?" tanong naman ni Julius.

"Let's try to call him again," ani Paolo. "Huwag na lang natin tigilan sa pag-contact. He really need us right now. Ngayon niya dapat maramdaman na hindi siya nag-iisa."

"Balik na lang ulit tayo mamaya o bukas," sabi naman ni Karen.

And in less than a minute, they left. For the nth time, I let out a sigh.

I already talked to my landlady na sabihing wala ako rito. I also turned of my phone para hindi na muna nila ako ma-contact. Kahit dito sa loob ng apartment, parang walang tao dahil pinatay ko ang lahat ng ilaw.

I don't want to see my own reflection right now. I don't want to see on how miserable I am right now.

***

To: My Boyfriend
I miss you so much, love. Balik ka na, please.

After I hit the sent button, marahan kong tinungga ang natitirang alak sa bote ng beer na hawak-hawak ko. Pagkatapos mabilis ko ring pinatay ang cellphone.

Nakagawian ko na kasing mayamaya i-text si Victor dahil nagbabakasakali pa rin akong magpaparamdam din siya sooner or later. Hindi ako pwedeng mag-give up agad sa kanya. I love him too much to just let go of him that easily.

Pagkalapag ko ng boteng wala nang laman na alak, halos umikot na ang aking paningin. "Wow. I've drank so much tonight," I whispered, looking at the seven empty bottles of beer in front of me.

Kung dati, hindi ko masyadong na-a-appreciate ang alak, sobrang laking pasasalamat ko naman ngayon sa nakaimbento nito. Ngayon ko lang din naintindihan ang mga taong brokenhearted na nilulunod sa alak ang sarili. I really now understand why they're doing that. Isa pala kasi talaga 'to sa paraan para pansamantalang makalimutan ng isang tao ang nararamdaman niya; na kahit sa ilang oras lang, pansamantala niyang matatakasan ang realidad na kanyang ikinakaharap.

And I didn't expect that I will learn all of those things because of this heartbreak.

Unbelievable.

I stood up and went straight in the kitchen. Pagbukas ko ng fridge, nagbuntonghininga ako dahil wala ng natirang kahit isang beer. Naubos ko na pala lahat.

Muli akong bumalik sa sala at kinuha ang wallet ko. Kulang pa kasi ang alak na nainom ko sa gabing 'to. I'm not satisfied yet. Gusto kong muling makatulog dahil sa pagkalasing.

"Oh, crap! I look like shit," I exclaimed when I accidentally saw my own reflection in the mirror.

Kinuha ko na lang ang cap ko at isinuot ito pagkatapos saka tuluyan nang lumabas. Hindi naman ako magtatagal dahil alak lang naman ang bibilhin ko. Wala akong balak magtagal sa labas dahil mas gusto ko talagang manatili lang sa loob ng apartment ko.

"Salamat naman at lumabas ka na rin." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ng landlady namin.

"Ate Mel," I said upon seeing her. "Nandiyan po pala kayo."

She stared at me like she was trying to say something but end up sighing heavily.

"May kailangan po ba kayo?" tanong ko pa. Para kasi talaga siyang may gustong sabihin na hindi niya masabi-sabi for some reason.

"Ayaw kong makialam, Chie," panimula niya. "Hindi ko rin alam ang buong kwento kung bakit ka nagkakaganyan pero sana maging maayos ka na ulit. Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan."

I forced a smile. "Salamat po sa pag-aalala," I said before I turned around and started to walk away.

Sana nga maging maayos na ulit ako. Sana rin bumalik na si Victor para maging maayos na ulit ako.

***

It's only past eleven in the evening pero halos sarado na ang mga malalapit na sari-sari store sa apartment. Ayaw ko na sanang magpunta pa sa mga convenience store like 7/11, Ministop, or Lawson dahil masyadong hassle pero wala na akong choice. Dahil din kasi sa paglalakad-lakad na ginawa ko, medyo nawawala na ang tama ng alak na ininom ko kani-kanina lang.

"Gusto ko lang naman malasing pero bakit pati 'yon pinagkakait pa sa akin ngayon?" bulong ko habang naglalakad papunta sa pinakamalapit na convenience store dito sa amin.

I didn't know too much about the establishments near in my place but for some reason I knew the nearest 7/11 store. Hindi naman kasi talaga ako palalabas ng apartment. Kung hindi nga lang ako pumapasok sa eskwelahan at trabaho baka nakakulong lang talaga ako sa apartment, e.

"Oh, right. It's because of him," I whispered when I remembered something. "Siya pala ang rason kung bakit alam ko 'tong 7/11 na 'to," I added.

Naalala ko kasi na siya pala ang nagdadala sa akin dito lalo na't kapag nag-o-overnight siya sa apartment.

"I really miss him," bulong ko ulit. Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng 7/11 habang inaalala ang mga moments namin ni Victor dito. "Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nakipaghiwalay ka sa akin?" tanong ko pa sa kawalan.

Kaya ayaw ko talagang lumabas, e. Wala kasing pinipiling lugar 'tong mga luha ko. Kapag gusto nilang lumabas, lalabas at lalabas talaga sila; na kahit anong pigil ko, wala talaga akong magagawa. Para bang may sarili silang mga buhay. O baka nasisiraan na ako ng bait sa mga pinag-iisip ko.

"Kuya, Kuya, pahingi naman po ng limang piso."

Napatingin ako sa batang biglang kumalabit sa akin. Nakangiti siya sa akin habang nakalahad ang kanyang kanang palad.

For the fucking nth time, I remembered Victor again. Sa aming dalawa kasi, siya talaga 'yong nagbibigay sa mga batang namamalimos sa amin kapag magkasama kami. Kung hindi pera, bumibili siya mismo ng pagkain at maiinom para sa kanila. Yeah, he's that kind. That's why I fall for him harder. And now that he's not beside me anymore, mas lalo ko lang siyang nami-miss; at mas lalo rin akong nasasaktan sa loob-loob.

"Hala, Kuya! Pwede niyo naman pong sabihin na wala kayong limang piso. Hindi 'yong iiyak na lang kayo diyan. Wala naman po akong ginagawa," mabilis na sabi niya sabay takbo palayo.

Doon ko lang napagtanto na mahinang hagulhol na pala ang ginagawa ko. "Ano ba, Chie, tama na nga sa pag-iyak. Pwede naman ipagmamaya 'yan, e. Huwag ngayon, huwag dito," suway ko sa sarili.

I was about to wiped away my tears when someone offered a handkerchief out of the sudden. Pagtingin ko sa kung sino ang nag-aabot nito sa akin, hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"You don't need to thank me. Just take it and we're good," he said before he placed the hankerchied in my hand. "And please, stop yourself from crying in public," he added before he walked away.

Sana hindi malamang dahilan sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa isang sasakyan.

"What's wrong with you, Eliseo?" I whimpered. "Why do you kept on showing yourself to me out of nowhere? Bakit ba palagi na lang kita nakikita?"

I heaved a sigh.

I looked at the hankerchief that I'm holding before I put it in the table and went inside the store. Muntikan ko nang makalimutan na kailangan ko nga pa lang bumili ng alak ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro