Chapter 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER TWENTY-FIVE

"DON'T TELL me, wala ka na ring balak mag-enroll for second semester?!" bungad ni Maris sa akin.

She went alone here in my apartment para lang paalalahanan ako patungkol sa darating na enrollment kinabukasan. Hindi na kasi talaga ako nag-o-online at bihira ko na lang i-check ang aking cellphone kaya kung hindi pa nila ako sasadyain dito, hindi talaga nila ako makakausap at all.

Mahigit isang buwan na ang lumipas. 2021 na nga, e. Pero dahil sa mga nangyari, hindi ko man lang ito naramdaman. I celebrated Christmas and New Year alone. Actually, it's not really a celebration, e. Kasi sa mga nagdaang araw, ayon din ang tipikal na ginagawa ko: mag-iinom hanggang sa hindi na makayan ng aking katawan at makakatulog; gigising ng may hangover tapos mag-iisip ng kung anu-ano hanggang sa sumapit na naman ang gabi at muli na naman akong mag-iinom.

That's the new routine of my life now. Hindi na ako lumalabas dito sa apartment kapag hindi naman talaga kailangan. Tuwing nasa labas kasi ako, hindi ko maiwasang hindi maalala at isipin si Victor. Sa bawat sulok kasi ng paligid, may memorya ako sa kanya. We've been together for years kaya ang hirap talaga sanayin ang sarili na wala na siya sa tabi ko ngayon. Lalo na't hindi ako sigurado kung pansamantala o pangmatagalan na ba 'to.

"Hindi naman sa gano'n," tugon ko. "Mag-e-enroll din ako pero baka hindi pa agad bukas," I lied.

Sa totoo lang kasi, nawalan na ako nang gana mag-aral. For some reason, nawalan na rin ako nang gana mabuhay. I know it's not acceptable and also a wrong move. Pero anong magagawa ko kung drained na drained na ako para alalahanin ang aking pansariling kinabukasan?

"Okay. Sabay na tayo," aniya.

"Hindi na. Mag-enroll ka na bukas tapos sa susunod na araw na lang ako," mabilis na sambit ko.

Sa mga nakalipas na araw, napatunayan ko na nandiyan talaga sila para sa akin kahit na anuman ang mangyari; na sila talaga ang matatawag kong mga tunay kong kaibigan. Kaya naman ayaw ko nang madamay pa sila sa gulo ng buhay ko ngayon. Tama ng ako na lang.

"Sigurado ka ba, Chie?" she worriedly asked. She even held my shoulder and tapped it softly. "I can accompany you. You know, para may kasama ka."

I shook my head. "Thanks for the offer, Maris, but no thanks. Kaya ko naman na ang aking sarili. I just . . . I just want to be alone. Sana maintindihan mo."

"Naintindihan naman kita," she replied, sweetly smiled at my direction. "Ang akin lang, I don't want you to feel that you're alone. Kasi nandito pa naman ako, e. Kami nila Paolo, Karen, at Julius. We're all here for you," she added. "Boyfriend lang ang nawala sayo, Chie, hindi kami, okay?"

Napangiti na rin ako sa sinabi niyang 'yon pero hindi ko maiwasang hindi masaktan sa huli niyang sinabi.

Boyfriend lang ang nawala sayo, Chie.

That line echoed at the back of my head repeatedly. Para itong sirang plaka na paulit-ulit. Para bang may gusto itong ipa-realize sa akin.

"O siya, mauna na ko. Inuutusan pa ako ni mama, e," aniya na siyang nagpatigil sa akin sa pag-iisip na naman ng makakasakit lang sa aking sarili.

I didn't know but for some reason, since that day, I became a masochist. Para bang naging natural na lang 'to sa akin. 'Yong saktan ang sarili ko nang paulit-ulit.

"See you soon, Chie. And I hope you'll get better when we meet again," she uttered before she left my apartment.

Here we go again. Mag-isa na naman ako. Dito sa kwarto kung saan sa bawat sulok ay nakikita ko si Victor at naaalala ko ang mga pinagsamahan namin.

"Damn these tears," I muttered as I sat down in the floor. Nang maramdaman ko ang lamig ng sahig, napayakap na lang ako sa aking mga tuhod. "When will this end?"

***

"Boss, okay lang ba 'yan? Halos araw-araw na 'yan nainom dito, ah."

"Mukhang may pinagdadaanan, hayaan mo na."

I just silently listening to their conversation. Nandito ako ngayon sa usual spot ko banda sa may counter sa bar na madalas kong puntahan nitong mga nakaraang araw. I discovered it accidentally at dahil hindi siya masyadong crowded compared doon sa TPH, it became my temporary hideout.

Actually, I could agree by what the other guy commented earlier. Sa dalas ko nga naman kasing nandito, para bang dito na ako nakatira. Which is slightly true dahil hindi na rin naman ako nauwi sa aking apartment sa rasong hindi ko na kaya ang sakit. Sa paglipas kasi ng bawat araw, pabigat lang nang pabigat ang aking nararamdaman. If I overthink a lot before, it tripled this time.

"Hey, babe." Halos magsitaasan ang balahibo sa aking katawan nang may bigla na lang bumulong sa akin out of nowhere. When I looked up, I saw a girl who's smirking at me na malamang sa malamang ay may hindi magandang binabalak. The way she stared at me, it gave me a not-so good goosebumps. "You alone? Can I?" tanong niya sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

I was about to say that I'm not interested because I'm gay when someone suddenly approached us.

"'Yan bang lalaki na 'yan ang pinalit mo sa akin, Veronica, ha?!"

Medyo napataas ang tono ng pananalita nito kaya nagulat ako. Napatingin pa ako sa aking likuran dahil baka iba naman pala ang kinakausap niya. Pero nang bigla niya kong iduro at bahagyang lumapit sa aking gawi, doon na ako naalarma.

"You cheated on me because of this asshole?!" muli nitong sigaw.

"What the fuck are you doing here, Vincent?!" sagot naman nung babae na sa tingin ko ang tinutukoy na Veronica nitong lalaki.

Hindi ko na sana sila papansinin nang hawakan naman ako sa kwelyo nung Vincent. "You fucking asshole," he grumbled.

"Look, I didn't do something—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil sa biglaang pag-landing ng kanyang kamao sa kanang pisngi ko. Dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya, halos maramdaman ko ang pag-lock ng jaw ko. "Fuck," reklamong bulong ko.

Dahil nakainom na rin ako, mas lalo ko pang naramdaman ang hilo. Dumagdag pa ang ingay at kumpulan ng mga tao sa paligid. Nahihirapan man, pinilit ko pa ring tumayo. Pagharap ko sa gawi nung lalaking sumuntok sa akin, nakatalilod na siya.

I was about to walk towards him when two guys come closer in my direction. "Huwag niyo kong pipigilan," agad na sabi ko sa dalawa. "Paganti lang."

Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila at dali-dali ko nang nilapitan 'yong lalaki. I tapped his shoulder first and when he turned around, I quickly punched him. "Serves you right, fucking bastard."

Mabilis ang pangyayari pero mabilis din siyang naka-react. Kaya ang ending, nagsuntukan na kaming dalawa. And after that, I just found myself inside the police station . . . for the second time in my life.

"I already admitted that I'm the one who started it. So bakit ayaw niyo pa rin akong pakawalan?" reklamo nung Vincent.

Tahimik lang akong nakaupo at nakikinig sa kanina pa nilang pagtatalo. Kumpara sa unang pagpunta ko sa presinto, parang mas magaan ang pakiramdam ko ngayon. Siguro dahil, sa wakas, may kakaiba ng nangyari sa akin. Ito pala ang makukuha ko kapag hindi ako nagkukulong sa apartment.

"Sir, hindi pa nga pwede. Kailangan pa naming makipag-coordinate sa may-ari ng bar para sa mga pinsalang nagawa niyong dalawa," paliwanag ng pulis na kumakausap sa amin ngayon. "Isa pa, mukhang minor 'tong—"

"Hindi na nga po ako minor," mabilis na sambit ko. "I'm already twenty. Kanina ko pa sinasabi."

"E, kailangan nga po ng ID, sir, na magpapatunay na hindi na nga kayo menor de edad."

Napahilamos na lang ako nang wala sa oras. Sa halos tatlumpung minuto na pananatili namin dito, walang siyang ibang bukambibig kundi menor de edad pa ako. Bakit ba kasi sa dami ng araw na maiiwan ko ang mga IDs ko sa bahay ay ngayon pang napa-trouble ako?!

Dahil nga wala akong mapakitang kahit na anong katibayan na 20 years old na ako, hindi ako makaalis-alis dito. Katatapos lang namin makipagnegosasyon doon sa may-ari ng bar. Pinagbayad kaming dalawa ng tig-10,000; at para matapos na, nagbayad na lang ako kahit na hindi ako sigurado kung may tira pa ba sa savings ko. Pagod na rin kasi kong makipagtalo at saka ko na lang iisipin ang mga bagay na 'yon.

"Pwede na rin po ba akong makaalis?" kalmadong tanong ko. Kanina pa kasi nakaalis 'yong Vincent habang naiwan naman ako rito.

"Sir, tawagan niyo na nga lang po ang mga magulang niyo para matapos na 'to."

I seriously stared at him. "Paano ko sila tatawagan?" marahan kong sabi. "Can I contact them in heaven?"

"E 'di 'yong guardian niyo na lang po."

"I don't have a guardian either," I replied. "I lived alone. By myself. Wala akong kamag-anak o kahit na sinong nag-aalaga sa akin. So, please, paalisin niyo na lang ako. I'm already tired."

"Hindi po talaga pwede, sir. Hangga't hindi napapatunayan na nasa tamang edad na kayo, hindi po namin kayo maaaring paalisin basta."

I heaved a sigh. Ngayon, hindi na ako natutuwa sa nangyayari.

I took my phone out of my pocket. Kahit labag man sa loob ko, wala na rin kasi akong choice. I've been avoiding them for a long time. Isa sila sa dahilan kaya imbes na sa apartment, sa mga mumurahing hotel ako nagpapalipas ng gabi nitong mga nakaraang araw. Lalo kasing dumoble ang pangungulit nila sa akin pagkatapos nilang malaman na hindi ako nag-enroll for second semester. Kaya minabuti ko nang iwasan na muna sila.

Muli akong nagbuntonghininga. I was about to call Maris first when a certain number caught my attention. I smiled bitterly before tapping the call button. I just wanted to try my luck tonight. Malay mo naman, this time, sagutin niya na.

The person you have called is not available right now. Please try again later.

"Asa ka pa, Chie," bulong ko.

Tatawagan ko na sana talaga si Maris nang sa pangalawang pagkakataon may numero na namang nakaagaw ng aking atensyon.

I didn't save his number pero dahil sa dalas niyang pagse-send ng random messages sa akin noon, nakabisado ko na ito. I didn't even delete it. Hindi naman kasi pakialamero si Victor ng mga messages ko sa cellphone.

Bago pa mapunta kay Victor ang iniisip ko, natagpuan ko na lang ang sarili na pinindot ang call button; at huli na ang lahat dahil wala pang limang segundo, sinagot niya na ito agad.

"C-Chie?" he said on the other line.

"Ely," I gasped.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro