Chapter 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER TWENTY-EIGHT

"SA CONDO unit ng pinsan ko," Paolo uttered. "Dalawang buwan na rin naman kasi siyang hindi nauwi roon."

"E, saan siya umuuwi?"

"Sa bahay talaga nila. But it's a long story, Chie. You don't need to know that. Pero 'yon nga, pwede ko siyang pakiusapan tungkol sa problema mo."

"T-Talaga?"

"Yeah. Mabait naman 'yon si Lee kahit medyo maloko minsan," aniya. "Wait, hold on, I'll try to call him now," he said then took out his cellphone. "Oh, Lee!" he said then excused himself to talk to his cousin privately outside.

Nang makalabas na si Paolo, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Kung ito na lang talaga ang makatutulong sa akin, papatusin ko na 'to.

Mayamaya lang, nakangiti na siyang bumalik sa akin. "Settled na ang lahat, Chie. Bibigay ko na lang 'yong card key sayo bukas kapag nagkita na kami ni Lee mamaya."

"Pumayag talaga siya, Paolo? Sigurado ka ba diyan?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Sabi ko naman sayo, mabait 'yong pinsan ko," aniya. "Saka isa pa, para naman maging sulit 'yong pagbili niya roon sa condo. Hindi 'yong nakatambak lang."

"Thank you, Paolo," I sincerely said. "Pakisabi na rin sa pinsan mo, maraming salamat; at 'wag siyang mag-alala kamo dahil hindi naman talaga ako magtatagal doon."

"Makakarating, Chie," nakangiti niyang tugon. "Pero maiba tayo, kailan mo naman balak magpakita kila Maris? Nag-aalala na kaming lahat sayo. And you have a lot of things to explain to all of us."

"Saka na siguro, Paolo. Kaya sana 'wag mo munang sabihin sa kanila 'yong nangyari sa akin."

"I don't really want to meddle with your life, Chie. Pero kaibigan kita at mahalaga ka sa akin kaya sana maayos mo na ang lahat. Lalo na 'yang sarili mo."

Ting!

I stopped from thinking when the elevator reached its 26th floor. Bitbit ang isang maleta at duffle bag, dumiretso na ako sa condo unit ng pinsan ni Paolo.

Unit 2606.

Kinuha ko 'yong card key sa bulsa at dahan-dahan itong s-in-wipe upang mabuksan ang pinto.

Dalawang kulay lang ang bumungad sa akin pagpasok ko: itim at puti. Mararamdaman mo ring lalaki ang may-ari ng unit dahil sa minimalist interior design ng paligid.

Kumpara sa apartment na tinitirahan ko dati, doble naman ang laki nitong unit; at malamang, kumpleto rin ang kagamitan. Nabanggit din sa akin Paolo na kahit dalawang buwan nang walang nakatira rito, napapanatili pa rin ang kalinisan dahil sa araw-araw na paglilinis.

"I didn't imagine that I'll live in this kind of luxurious condominium," pagkausap ko sa sarili. "Hindi ko rin in-imagine na literal na nagbago ang takbo ng aking buhay dahil sa kanya."

Nang maalala ko na naman siya, napaupo na lang ako sa carpet at napasandal sa aking maleta. "Ang sakit mo naman pala mahalin, Victor."

***

"Hi, Ma, Pa," mahinang sabi ko sabay upo. Inilapag ko muna ang mga binili kong bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila.

Pagkatapos kong magligpit ng gamit kanina, naisipan kong dumiretso rito. Hindi ko pa kasi alam ang gagawin ko. Hindi ko pa alam kung paano magsisimula ulit; at pakiramdam ko, kailangan ko silang makausap.

"I know you're disappointed to me right now," panimula ko. "And I just want to say sorry for that. Hindi ko po sinasadyang sirain ang buhay ko. Alam ko pong hindi ito ang gusto niyong mangyari sa akin kaya sorry talaga. Sorry for being a messed. Sorry for ruining my future. Sorry for thinking of giving up in life. I'm really sorry, Ma, Pa."

Habang sinasabi ko ang mga salitang 'yon, hindi ko na pinigilan pang tumulo ang aking mga luha. I just want to release everything; the tears, pain, and all the thoughts I kept in mind these past weeks.

"Pero bakit po gano'n? Bakit po nangyari sa akin ang mga 'yon? Nagmahal lang naman ako, Ma, Pa. Nagmahal lang ako pero bakit kailangan ko namang masaktan nang gano'n kalala?" Niyakap ko ang aking mga hita at ipinatong ang baba sa may tuhod. "Did I do something wrong? Is my love wasn't enough for him to not leave me like that?"

Sa halos tatlong buwan na nakalipas, 'yan ang paulit-ulit na tanong na gumugulo sa aking isipan. 'Yan ang mga tanong na pilit kong hinahanapan ng sagot pero kahit anong gawin ko, wala talaga.

"Akala ko po siya na . . . Akala ko kami na. Hanggang dulo. Puro akala ko lang pala ang lahat."

Napapikit na lang ako sa sobrang sakit na naman na aking nararamdaman sa loob. Pakiramdam ko talaga, wasak na wasak at basag na basag na ang puso ko. Kasi hindi naman siguro ako magkakaganito kung maayos pa rin 'yong puso ko, e.

I looked at the sky and heaved a sigh afterwards. "Pero, Ma, Pa, gusto ko lang pong sabihin sa inyo na magmo-move on na ako; na aayusin ko na po ulit 'yong aking sarili pati na ang gumulo kong buhay. Hindi ko alam kung paano magsisimula pero pinapangako ko pong ito na ang huling beses na iiyak ako nang dahil sa kanya."

Pagkatapos ko kasing mapaalis doon sa apartment, saka ko na-realize kung gaano gumulo ang buhay ko. I almost gave up everything because of him. Nag-resign ako sa trabaho, tumigil sa pag-aaral, pinagtulakan palayo ang mga kaibigan, nagpakalulong sa pag-iinom.

That's why I decided to finally let go of him. Dahil naisip ko na walang mangyayari sa akin kung magpapatuloy lang ako sa paghihintay sa kanya. Walang mangyayari sa akin kung hindi ko pa rin matatanggap na wala na siya; na iniwan niya na ako. Kaya bago pa ako tuluyang masira, gusto ko nang agapan agad.

I already lose him and I don't want to lose myself too.

Marami pa akong pangarap sa buhay. Marami pa akong gustong gawin; at alam kong hindi pa huli ang lahat. Alam kong kaya ko pang bumawi.

"For one last time, I just want to say that I really really love you, Victor," I whispered. "Thank you for everything; and goodbye . . . for good."

Because of what happened, I realized one thing in love: don't ever give your all because if he choose to break your heart, you're the one who's gonna suffer big time.

***

"Thank you for not telling them, Paolo. I owe you big time," I said before drinking my fourth beer.

Pagkatapos kong dalawin at kausapin ang mga magulang ko, tinawagan ko si Paolo para samahan muna ako rito sa condo na mag-inom.

Dahil itong araw ang magsisilbing unang araw ng pagmo-move on ko, gusto ko lang uminom kahit kaunti; at dahil din hindi ko pa alam kung paano kakausapin sila Maris, Karen, at Julius, kay Paolo na muna ako nagpasama. Because for some reason, I don't want to drink alone tonight.

"Don't thank me, Chie, dahil hindi mo alam kung gaano ko na kagustong sabihin sa kanila na nakakausap na kita," he replied, shaking his head. "So kailan mo ba talaga balak magparamdam sa kanila? And how about your studies, anong plano mo?"

"Maghahanap na muna siguro ako ng trabaho," sabi ko sabay inom ulit. "Tapos saka ko na aalahanin 'yong pag-aaral ko. But don't worry, itutuloy ko naman 'yon at isang taon na lang ga-graduate na rin ako, e."

"That's the Chie that I know!" he suddenly shouted. "Alam mo, kung kailangan mo ng tulong, we're all willing to help you. Ano pa ba na naging kaibigan mo kami, 'di ba?"

"No, Paolo. Masyado na akong naging abala sa inyo. Kaya ko na 'to."

"Chie, kailanman hindi ka naging abala sa amin, okay? Isa pa, hindi lang kaibigan ang turing namin sayo. You're like a family to us."

Hindi ko na napigilang hindi mapangiti sa sinabing 'yon ni Paolo. "Thank you," I mouthed.

Kaya maling-mali talaga na masyado akong nagluksa sa pag-iwan niya sa akin, e. Kasi hindi ko naisip na nandiyan pa sila — 'yong mga kaibigan ko. Ang mga taong totoong nagmamahal sa akin at hinding-hindi talaga ako iiwan kahit na anong mangyari.

"O siya, anong oras na rin at may pasok pa bukas kaya mauuna na ko, Chie," ani Paolo. "Kung may kailangan ka, don't hesitate to call me, okay? Saka, please, magparamdam ka na rin sa kanila. Miss na miss na namin 'yong pagiging kumpleto nating lima."

"Noted 'yan. Salamat ulit at ingat ka pauwi."

Hindi na siya nagpahatid pa sa pinto kaya isinandal ko na agad ang ulo sa couch pag-alis niya. Mayamaya lang, naisipan ko nang ligpitin ang kalat namin. Bigla kasing pumasok sa isip ko na wala na nga pala ako sa sarili kong apartment at nakikitira na lang ako ngayon. Kaya as much as possible, I want to keep everything clean. Nakakahiya naman kasi sa may-ari kung magkakalat at dudumihan ko pa 'tong condo niya, 'di ba?

Pagkatapos kong maglinis, naligo lang ako saglit para mawala 'yong tama ng alak at dumiretso na rin ako sa kama para matulog.

Tomorrow will be the start of the new journey of my life.

***

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong mabigat na nakadagan sa aking katawan. Dahil tanging boxer shorts lang ang suot ko, ramdam na ramdam ko 'yong pangangalay ng buong katawan dahil sa mabigat na 'yon.

"A-Ano ba 'yan . . ." nahihirapan kong sabi habang nanatiling nakapikit ang mga mata. "Ba-Bakit ang bigat?"

Nang dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, halos ma-istatwa ako sa bumungad sa akin.

Bakit may lalaking nakahubad dito sa tabi ko?!

At halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang hitsura nito dahil sa bigla nitong pagharap sa aking direksyon.

"Tangina!" hindi ko na napigilang hindi mapamura nang malakas. "Anong ginagawa mo rito?!"

Dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko, naimulat niya rin ang kanyang mga mata nang wala sa oras; at katulad ko, mukhang gulat na gulat din siya.

"Why the fuck are you shouting — Chie?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro