Chapter 30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER THIRTY

IT'S ALREADY five o'clock in the evening. Kauuwi lang nila Paolo, Maris, Julius, at Karen. May mga kailangan pa raw kasi silang asikasuhin kaya hindi na sila nagtagal pa. Nag-set na lang kami ng muling pagkikita sa darating na Sabado.

Nandito naman ako ngayon sa may sala at tahimik na nagbo-browse ng trabaho online. Kailangan ko na kasi talagang makahanap ng trabaho dahil paubos na rin ang budget ko.

I was in the middle of filling out the application form of the 6th (possible) job I found when I felt the vibration of my cellphone.

From: Karen
Chie! I talked to my dad about you, finding a job, and he said that he's willing to help you. May kakilala raw siyang may-ari ng isang coffee slash tea shop at pwede ka raw niyang ipasok doon.

Ilang ulit ko nang binasa 'yong text message na 'yon ni Karen at hindi pa rin ako makapaniwala hanggang sa napasigaw na lang ako sa tuwa.

I quickly sent a thank you message to her.

"I'm really blessed with the friends I have," nakangiting bulong ko.

***

It's been a week since I officially started to work in Serendipitea as a barista. Matapos kasi ang two-week training, agad din akong pinapasok ni Ma'am Joy, 'yong branch manager; and to be honest, wala na akong ibang maramdaman kundi kasiyahan. Alam ko kasing unti-unti ko nang naibabalik 'yong dating ako; na kung tutuusin, mas better pa.

"One medium-sized of latte macchiato and a slice of tripple chocolate," pagsasalita nung panibagong costumer.

"Three-hundred forty-two pesos, Ma'am," I said then smiled sweetly. Pagkabigay niya sa akin ng 500 peso-bill, agad ko itong p-in-unch at sinuklian. "We'll serve your order in five minutes, Ma'am."

Tumango lang ito at dumiretso na sa lamesa niya. Mabilis ko namang inihanda 'yong order nito pagkatapos agad ding tinawag si Troy, 'yong isa sa mga crew rito, para i-serve 'yong latte macchiato at triple chocolate na order nung babae kanina.

Ilang saglit lang, tumunog na naman ang chime na nakasabit sa itaas ng pinto nitong shop na hudyat na may panibagong costumer—

Napatigil ako sa pag-iisip nang makita kung sino ang mga panibagong costumer na pumasok. "What are you doing here?" natatawa kong tanong sa kanila.

"Ay, wow, Chie! Hindi naman kami na-inform na banned pala kami rito?" tugon ni Maris.

Napailing na lang ako sa kalokohan na naman niya. "I mean, class hours pa, ah? Don't tell me, nag-cutting na naman kayo para lang manggulo sa akin?"

"Hindi naman kami gano'n ka-clingy, Chie," natatawang sagot ni Julius.

"Sumakto kasing sabay-sabay ang dismissal namin kaya naisipan na naming dito na lang tumambay," ani Karen. "At wala rin kaming Prof para sa last two subjects dahil may biglaang meeting na naman sila."

"O siya, ano bang mga order niyo? At baka mapagalitan pa ako ni Ma'am Joy kapag nahuli akong nakikipagdaldalan sa inyo."

Nang matapos nilang ibigay sa akin ang kani-kanilang mga order, agad ko na rin itong inihanda; at hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang ginagawa ito. This is the first time they went here altogether; at ramdam na ramdam ko pa 'yong suporta nila sa aking ginagawa.

"Anyway, Chie, mga anong oras ba out mo?" Paolo asked after I placed their order in the table.

Tiningnan ko naman ang wrist watch na aking suot sabay sabing, "Actually, in fifteen minutes, mag-a-out na rin ako. Bakit?"

"Oh, good. We'll have something to discuss with you," sagot niya. "And it's kinda a good news by the way."

"Kaya bilisan mo na, Mr. Barista guy, at excited na kaming sabihin sayo kung ano 'yon," pagsingit pa ni Maris.

Muli na naman akong napailing. Itong mga 'to talaga . . .

***

Dahil hindi agad dumating 'yong kapalitan ko, na-extend pa ng another fifteen minutes bago ako makapag-out. Pagpunta ko sa kanilang table, taka ko silang tiningnan dahil tatatlo na lang silang natira.

"Where's Julius?" I asked, creasing my forehead.

"Coreen texted him," Maris replied and I could sense the bitterness in her voice. "At dahil dakilang martyr ang kaibigan nating 'yon, muli na naman tayong pinagpalit sa babaeng linta."

"Grabe ka naman kay Julius, boss," suway naman ni Paolo. "Suportahan na lang natin kung saan siya masaya."

"Buti ba kung sasaya talaga siya sa babaeng 'yon. E, hindi naman, 'di ba? She hurt him before and it's not impossible that she do it again."

"Enough with Julius-Coreen topic, pwede ba?" pagsingit ko bago pa makapagsalita si Paolo. Naramdaman ko na rin kasi ang pagiging hindi kumportable ni Karen.  "Saka may sasabihin kayong good news, 'di ba?" pag-iiba ko ng usapan. "Ano ba 'yon?"

Nagbuntonghininga muna si Maris bago bumaling sa gawi ko. "We already talked to Ma'am Paloma about your case."

My eyes widened. "Ma'am Paloma? 'Yong dean ng department natin?"

Mabilis namang napatango si Paolo. "Yep," he replied. "Kinausap na namin siya tungkol sa pagbabalik-aral mo. And guess what? She told us that you can still graduate on time. Kasabay namin."

Mas lalong hindi ako makapaniwala sa huli niyang sinabi. "W-What?"

"You heard it right, Chie," Karen uttered. "Kailangan mo lang daw mag-take ng summer class starting next month for your second semester until last week of July before the opening of the next academic year," she explained.

Hindi agad nagproseso sa utak ko ang mga sinabi nila. Hindi rin ako agad nakapagsalita. I'm speechless for pete's sake!

"And worry no more, Chie, because we'll help you in everything," Maris added. "Kapag wala kaming ginagawa or after the major examinations, tutulungan ka namin. You can also have our notes for your advance reading."

"Tapos pwede ko ring ipasa sayo 'yong mga PDF files ko for reviewing," nakangiting sambit naman ni Karen.

"Saka kung inaalala mo pala 'yong tungkol sa thesis, naurong na 'yon at during our fourth year na gagawin," ani Paolo. "Siguro mga bandang first sem."

"Guys . . ." nahihirapan kong sabi. "I don't know what to say."

"Sabi naman namin sayo, Chie, na we got your back, 'di ba?" Maris said, smiling. She also softly tapped my shoulder.

"At hindi rin kasi kami makapapayag na hindi tayong lima sabay-sabay na ga-graduate," dugtong pa ni Paolo. "It's our pact after surviving the crucial stage of our first year in college, remember? Wala dapat maiiwan sa ere."

"Thank you, guys. Thank you."

Dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko, paulit-ulit na lang akong nagpasalamat sa kanila. Masyado kasi akong na-overwhelm sa mga sinabi nila.

To be honest, I don't know what will happen to me if they're not become my friends.

I'm really thankful that they became part of my life; and I also became part of their lives.

***

After that talked, a week ago, I immediately fixed all the papers I needed for the summer classes I'll take in the next four months.

Medyo mabigat nga 'yong sched na binigay sa akin dahil kailangan ko talagang makahabol. I even have classes during weekends. Mabuti na lang, mabait si Ma'am Joy at napakiusapan kong ma-i-adjust 'yong oras ng pasok ko rito sa trabaho. Next, next week na ang start ng first day of summer class ko kaya doble talaga ang paghahanda ko. Ilang buwan ding natengga 'tong utak ko sa pag-aaral, 'no.

"What's your full sched, wala ka bang pahinga?" tanong ni Karen.

Katatapos lang ng shift ko sa shop at sakto namang gustong makipagkita nitong si Karen para raw makapag-catch up kaming dalawa. Kaya nandito kami ngayon sa malapit na pasta house.

"MWF, 8 AM - 3 PM 'yong klase ko tapos 5 PM to 10 PM naman 'yong pasok ko sa shop," I replied. "For TTHS naman, 7 AM to 12 PM lang; and from 2 PM to 7 PM sa shop. And during Sundays, day off ko sa shop tapos may isa akong klase from 12 PM to 3 PM."

"That was hectic," she commented. "Gusto mo bang ipa-adjust 'yong shift mo sa shop? I can talk to Dad para makausap 'yong manager mo."

I shook my head. "Ano ka ba, 'wag na. Mukhang kakayanin ko naman 'yon. Saka four to five hours na nga lang ang pasok ko sa shop, e," I said. "Isa pa, I really need that job to support all my needs."

"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin 'yong inaalok ni Dad na scholarship? It'll really help you, Chie."

"Karen, you've done too much to me. Kayo nila Maris, Paolo, at Julius. Marami na kayong naitulong sa akin kaya hayaan niyo namang ako mismo ang tumulong sa sarili ko."

Nang ngumiti siya dahil sa sinabi ko, napangiti na rin ako.

"I'm very proud of you, Chie," she uttered. "Ilang buwan lang tayong hindi nagkita at nagkasama, I can clearly see that you've really grown as a person. Chie 2.0 na nga 'tong kaharap ko ngayon."

Sabay kaming natawa sa huli niyang sinabi. "Well, this is how heartbreaks made me, I guess."

"Okay ka lang, Chie?"

Hindi ko namalayan na bigla pala akong natahimik pagkatapos kong sabihin 'yon. Kahit ano talagang gawin ko, sumasagi at sumasagi talaga sa aking isipan 'yong ginawa niya sa akin . . . pati siya mismo; malaya pa rin niyang ginugulo ang buong sistema ko.

"Kumusta na pala kayo ni Julius?" pag-iiba ko ng usapan. "Hindi pa rin ba kayo nagpapansinan?"

She suddenly smiled sadly then shook her head afterwards. "Nasa moving on stage na ko."

"Hindi mo man lang ba sasabihin sa kanya 'yang nararamdaman mo?"

"Para saan pa, Chie? E, kahit sabihin ko naman na gusto ko siya, hindi niya naman ako magugustuhan pabalik. Wala pa rin namang magbabago — ay, meron pala," aniya. "'Yong friendship na mayroon kami magiging at risk."

"Tamang-tama pala 'yong tandem natin ngayon, 'no?" natatawang sabi ko. "We're both brokenhearted at the moment."

"Akala ko ba moved on ka na?" she asked.

"Moving on, Karen. 'Wag mo nga akong pangunahan," mabilis na tugon ko sabay inom ng tubig.

Natawa naman siya sa sinabi ko sabay banat ng, "E, kung tayo na lang kaya?" na naging dahilan upang maibuga ko ang iniinom kong tubig.

"What the fuck, Karen?!" I gasped.

"Diring-diri, Chie? Joke lang naman 'yon!" she retorted. "Hindi rin kita type, 'no!"

"Then you're not a good joker," I uttered and, unknowingly, we both laughed.

***

Almost seven o'clock in the evening when I got home. Mag-i-isang buwan na kong nakikitira rito sa condo unit ni Eliseo pero hindi pa rin ako masanay-sanay. Halos ingat pa rin ang mga galaw ko.

"Ano ba 'yan, nagugutom na naman ako," pagkausap ko sa sarili. "Kakakain ko lang, e."

Dumiretso ako sa may kusina para tingnan kung ano ang pwedeng lutuin nang mag-vibrate ang aking cellphone sa bulsa.

I creased my forehead when I saw Eliseo's name in the screen. It's been awhile since the last time he texted me. Ano na naman kayang problema ng lalaking 'to?

From: Eliseo
Can I come tonight?

I read his text multiple times because I didn't get it at all. "What does he mean? Oh wait, baka wrong send."

To: Eliseo
Wrong send?

Wala pang isang minuto, nakakuha na agad ako ng reply sa kanya.

Nah. Is this Chie's number, right?

Oh, bakit ka naman pupunta dito?

I have something for you.

Ha?

Nagluto kasi si Mom ngayon ng kanyang specialty for our dinner and I remembered you. Sinabi niya rin na dalhan kita para matikman mo 'yong luto niya.

Wait . . . did I read and understand it right?!

Bakit kilala ako ng mom mo?!

Ah, will explain to you later. By the way, I'll be there in 10 minutes. See you!

Teka . . . Teka . . . Agad-agad?!

Bakit parang feeling close naman 'tong si Eliseo out of the sudden?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro