Chapter 32

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER THIRTY-TWO

THAT QUESTION was stucked in my head for the whole week.

"Bakit, Chie, hindi ka pa rin ba handa na papasukin ako sa buhay mo?"

Sa sobrang frustration, nagulo ko na lang ang sariling buhok.

"Uy, Chie! Ano bang pinoproblema mo diyan?" tanong sa akin ni Maris. "Daig mo pa kaming katatapos lang mag-take ng midterms exam, ah."

I heaved a sigh. Sa buong linggo na nakalipas, nagpapasalamat din ako na hindi muling nanggulo si Eliseo sa buhay ko. Pero hindi naman ako pinatahimik ng iniwan niyang tanong sa akin no'ng huli naming pagkikita at pag-uusap.

Dumagdag pa sa iniisip ko 'yong late birthday celebration ni Maris na gaganapin na bukas. Dahil natapat ng Monday ang March 29 (which is her birthday) kung saan unang araw rin ng kanilang midterms examination, naurong tuloy ng Sunday ang celebration niya. Pero ang pinoproblema ko talaga ay kung ano ang aking ireregalo. Bukas na 'yong celebration pero hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na pwedeng iregalo.

Ugh! Nakaka-stress naman!

"Hoy, ikaw pala," pagtawag ko kay Paolo (na busy sa paglalaro ng mobile game sa cellphone niya) nang may bigla akong maalala. "Bakit mo pala sinasabi ang lahat ng tungkol sa akin kay Ely?"

"Ely?" takang tanong niya habang nakakunot ang noo. "Sinong Ely?"

"'Yong pinsan mo."

"Ah, si Lee! Bakit, may problema ba?"

Magsasalita pa lang sana ako nang sumingit naman si Maris. "Ooh . . . bakit, Chie? Nagkakamabutihan na ba kayo?"

"Teka, guys! Sinong pinag-uusapan niyo? Sino si Ely saka si Lee?" pagsingit din ni Karen.

Hindi pa nga pala nila alam ni Julius ang tungkol kay Eliseo.

"Kaya nga," ani Julius. "Outdated kami rito, oh."

"Sana kasi hindi ka bigla-bigla umaalis para hindi ka outdated," sagot ni Maris kay Julius.

"Boss," suway naman ni Paolo. Agad din siyang bumaling sa amin. "Don't worry, guys. Makikilala niyo na rin 'yong pinsan ko bukas."

"Bukas?" Karen and I asked in chorused.

"Yep. I invited him and his friends for her late birthday celebration tomorrow," Paolo answered.

Tama ba ang narinig ko? Pupunta si Eliseo bukas? Magkikita na ulit kami?

"B-Bakit?" tanong ko nang may halong pagtataka. "Akala ko ba tayo-tayo lang magkakaibigan bukas?"

"About that, nagbago kasi ang isip ko," ani Maris sabay tingin ng nakakaloko sa akin. "Instead of celebrating my birthday with our typical hangout style, I decided to have a pool party."

Mas lalo lang napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niyang 'yon. Bakit parang may pinaplano sila na hindi maganda?

"So hindi lang kami ang bisita mo bukas?" pagtatanong naman ni Karen.

"Yep!" Maris responded quickly. "I also invited some of my blocmates tapos 'yong iba ko ring high school friends. I asked Paolo to invite some of his friends too," she added, "at pwede rin kayong mag-invite if you want. Mas marami, mas masaya!"

"Bakit biglaan naman ata 'yong pagbabago ng isip mo?" I suspiciously asked her.

"Chie," she said, tapping my shoulder, "minsan lang ako mag-twenty-two and I want it to be memorable. Isa pa, way ko na rin 'to para ma-release 'yong stress during our midterms."

"Hindi pa ako nakakaranas ng pool party but it sounds good so game ako diyan!" Karen uttered. "Wait — saan pala ang venue?"

"Sa bahay ni Tito, malapit lang din sa amin. I'll send to you guys the complete address later," mabilis niyang tugon.

"Pwede rin ba akong mag-invite?" biglang namang tanong ni Julius.

"Oo naman!" she answered. "Pero kung si Coreen 'yang i-invite mo, 'wag na lang. She's not allowed to my party tomorrow."

"Boss!"

"Maris!"

Sabay-sabay na sabi naming tatlo. She just mouthed "What?" then acted like nothing's happened after.

"You can also invite her, Julius," sabi naman ni Paolo. "Ako nang bahala rito kay boss."

Akala ko aangal si Maris at magsisimula na naman sila sa kanilang walang katapusang pagtatalo, pero hindi. Nanahimik lang 'to na siyang mas lalong ikinapagtaka ko.

What's wrong with her? Bakit pa-weird siya nang pa-weird nitong mga nakaraan?

"Anyway, what if hindi ako makakapunta bukas kasi may kailangan akong gawin?" marahang sambit ko habang kagat-kagat ang ibabang labi.

"Sunday bukas, Chie, at day off mo naman, so bakit hindi ka makakapunta?" ani Julius.

"Huwag ka ngang madaya diyan!" agad ding sabi ni Karen. "Bawal ang hindi pumunta."

"Okay lang basta kaya mong i-handle ang bangis ng isang tigre," natatawang tugon naman ni Paolo.

"Try mong hindi magpakita bukas, Chie. Try mo lang naman," giit ni Maris na masamang nakatingin sa gawi ko.

"Guys, kalma," I quickly uttered, "what if  lang naman 'yong tinanong ko."

Hindi na nila ako pinansin at nagpatuloy na sa kwentuhan para sa magiging ganap kinabukasan. Habang ako naman, namomroblema sa hindi malamang dahilan.

Hindi naman sa iniiwasan ko si Eliseo (kasi bakit ko naman siya iiwasan in the first place, 'di ba?) pero ayaw ko lang muna siya makita.

Ah, ewan! Bahala na nga bukas.

***

"Sino ba kasi 'yong Ely na pinag-uusapan niyo kahapon?" muling tanong ni Karen.

Kagagaling lang namin sa simbahan at dumiretso agad kami rito sa mall para bumili ng panregalo kay Maris. Dahil katulad ko, wala pa rin siya hanggang ngayong nabibili.

"Hindi mo na gugustuhing malaman," mahinang sagot ko sabay buntonghininga.

"Is he your new potential boyfriend?" Awtomatikong napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong niyang 'yon.

"Karen . . ."

"Oh, just kidding, Chie."

Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa pagpasok namin sa isang botique shop, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang binabalak kong hindi pagpunta mamaya para lang hindi makita si Eliseo.

"Ano kayang pwedeng iregalo roon?" dinig kong tanong ni Karen sa sarili habang isa-isang tinitingnan ang mga naka-display na damit at sapatos sa loob ng shop.

"Hindi naman kasi materialistic 'yong si Maris, e," sambit ko sa tabi niya. "Damit na lang kaya?" dugtong na tanong ko pa.

"She already has a lot of clothes, Chie. Halos wala na ngang paglagyan 'yong cabinet non, e," aniya. "What about shoes?"

"Hindi naman siya palasuot ng sapatos," tugon ko naman. "Kung pabango na lang kaya ulit katulad last year?"

"Ang corny mo namang gift giver, Chie!" natatawa niyang komento. "Mag-isip ka naman nang iba."

Halos abutin kami ng isang oras bago kami tuluyang nakahanap ng ipanreregalo. Isang pares ng fluffy slippers ang napili ni Karen habang tumbler naman mula sa Miniso ang sa akin.

Ngayon, nandito na kami sa KFC para kumain ng late lunch.

"T-in-ext ka rin ba ni Maris?" tanong ko kay Karen pagkaupo namin sa aming pwesto. Natatawa naman siyang tumango sa akin bilang tugon. "Ang sigurista talaga non."

"Hindi ka raw kasi sigurado," aniya.

"Pupunta na nga ako, e."

"Malay mo raw mag-last minute backout ka."

"Ewan ko sa inyo," sabi ko sabay tayo at inilapag muna ang cellphone sa lamesa. "Punta lang muna akong CR."

Wala pang limang minuto, bumalik na rin agad ako. Pero hindi pa ako tuluyang nakalalapit sa aming pwesto, napahinto na agad ako. Karen was holding my cellphone while playfully grinning.

Dali-dali ko namang inagaw ang kanyang atensyon."Um, anong meron?" kinakabahang tanong ko paglapit.

Hindi niya pa rin inaalis ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. "Hindi pala potential boyfriend, ah . . ." she slowly uttered then gave back my cellphone.

Pagtingin ko sa screen, halos malaglag ang aking panga sa unread message na bumungad sa akin.

From: Eliseo
See you later, babe ;)

***

8 PM pa 'yong call time pero alas-seis pa lang, tadtad na ako ng text messages at missed calls mula kila Julius, Karen, Paolo, at syempre, kay Maris.

"'Wag nga kayong paranoid, pupunta ako," I uttered while typing. Aftet I hit the sent button, I muted my phone so I won't be bothered by the notification sound when they're trying to contacted me all over again.

"Pero pwede rin naman akong hindi pumunta," bulong ko at muli na namang naalala ang text message na 'yon ni Eliseo.

Mas lalo tuloy nadagdagan ang rason para hindi na ako pumunta roon at mag-stay na lang dito.

"Kaya lang baka tuluyan na kong mapatay ni Maris," dugtong ko pa sabay buntonghininga. "Hindi na lang ako magtatagal at uuwi rin agad," huli kong sabi bago nagdesisyong pumasok na muna sa kwarto para magpahinga.

Mayroon pa naman akong mahigit kumulang dalawang oras.

I'll just take a nap.

***

Halos marindi ang tainga ko sa pinagsamang sunod-sunod na tunog ng doorbell at katok mula sa pinto. Sa sobrang lakas nito, umabot na hanggang dito sa kwarto.

Tamad na tamad akong umupo. "Sino ba ang istorbo na 'yon?!" inis na bulong ko sabay gulo ng buhok.

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa may sidetable at halos malaglag ko ito nang makita ang sandamakmak na text messages at missed calls pati na ang oras. "Tangina — 9:47 PM na?!"

Muntikan pa akong malaglag nang mabasa ang mga text messages nilang apat lalo na ang kay Maris. I can say that they're all mad to me right now. Akala ata nila in-indian ko talaga sila!

"Fuck! I'm so dead," bulong ko naman habang nagmamadaling lumabas ng kwarto. Mamaya ko na lang sila re-reply-an at hindi pa rin kasi natatapos ang pagtunog ng doorbell at pagkatok sa pinto nang kung sino man 'yon. "Teka, ito na!" natataranta kong sigaw.

Pagbukas ko, muntikan pa akong ma-out of balance. "What are you doing here?!"

"Did you just . . . wake up?" he unbelievably asked, ignoring my question. "So you're really planning to not to go, ha?"

"Pupunta ako!" depensa ko sabay talikod. "Napasarap lang 'yong tulog ko at hindi ko na namalayan 'yong oras."

Hindi ko na pinansin ang mahinang pagmumura at pagtawa niya sa likuran ko. Dali-dali na kong naglakad pabalik sa kwarto pero bago pa ako tuluyang pumasok, muli ko siyang hinarap.

"Ano pa lang ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko at saka ko lang napasadahan ng tingin ang kabuuang kasuotan niya.

He's wearing black and white stripe tee with a Gucci belt and shorts. May suot rin siyang aviator sunglasses at derby hat.

Wow . . . career na career lang?

"Sinusundo ka." Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita siya.

"Bakit?"

"Paolo's order."

May sasabihin pa sana ako nang bigla niya kong lapitan at tinulak papasok ng kwarto. "Bilisan mo na mag-ayos at kanina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo. Mamaya na lang tayo mag-usap sa kotse."

What the fuck is happening?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro