Chapter 34

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER THIRTY-FOUR

HANGOVER IS a bitch.

Katatapos lang ng first class ko sa Eng 4 (Technical Writing in Business) at may halos kalahating oras pa naman ako bago ang aking susunod na klase; kaya naisipan ko munang dumiretso sa cafeteria para bumili ng tubig at biscuit.

It's already 9:32 AM but I haven't eaten anything yet. Late na rin kasi akong nagising kanina kaya nagmamadali na kong dumiretso rito sa school at hindi na nag-abala pang mag-almusal. Nakakahiya naman kung late na nga akong nag-second sem tapos male-late pa ako sa first day of class.

Kaya kahit masakit din ang aking ulo dahil nga sa hangover kagabi (na wala na akong masyadong matandaan dahil sa sobrang kalasingan) pinilit ko pa rin talagang pumasok ngayong araw.

Nagbuntonghininga ako nang makita ang iilang estudyante na labas-masok sa loob ng cafeteria sa 'di kalayuan. "More than four months lang ako nawala pero parang ang dami ng nangyari rito," bulong ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang lakad na lang at malapit na ko sa pintuan nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko sa gawi nito, agad na napakunot ang aking noo.

"Robi?" nagtataka kong sambit nang tuluyan na itong makalapit sa gawi ko. "Dito ka rin pala nag-aaral?"

"Yep! Hindi lang halata pero I'm a Biology student," natatawa niyang sabi sabay pakita ng kanyang ID lace na may tatak ng department nila at course niya.

"Kung dito ka nag-aaral, e 'di dito rin si—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin kasi may umagaw naman ng atensyon niya.

Nang muli niya akong lingunin, nagmamadali niyang inabot sa akin ang hawak-hawak niyang paper bag. "I'm sorry, Richie, but I have to go. See you around!"

"Teka, para saan 'to?!" pahabol na sigaw ko pero mabilis na siyang nawala sa aking paningin.

When I checked it inside, I saw a sticky note.

Hope it'll help to your hangover!
I made this so enjoy. Eat well ;)

Ely

"What is this?" tanong ko pagkabasa ng sticky note. Pumasok na muna ako sa cafeteria bago nilabas ang maliit na lalagyan na nasa loob ng paper bag. "Woah," I gasped as I opened it. "Did he cook this porridge for me?"

Pinoproseso ko pa ang lahat nang mag-vibrate naman ang aking cellphone.

From: Eliseo
Quit on staring and start eating, you dumbass! You only have 20 minutes left before your next class hahaha

"What the — how did he know?" tanong ko at nagpalinga-linga pa para hanapin siya. But he's nowhere to be found. Kaunti pa lang ang tao rito sa cafeteria kaya madali ko lang siyang makikita kung sakali pero wala.

My phone vibrated one more time. He texted me again.

From: Eliseo
I said, eat that now. Stop finding me haha and I'll see you later! 17 minutes left...

"Creepy weirdo," I uttered as I typed it. Pagkatapos ko itong ma-send, napangiti na lang ako na parang ewan at napailing. "Salamat sa pagkain," pahabol na bulong ko pa bago sinimulang lantakan ang porridge na niluto niya.

Ugh, heaven!

***

"Marketing 10 gives me so much headache right away!" I ranted. "Kahit na nag-advance reading na ako, sumakit pa rin talaga ang ulo ko."

"Kaya mo 'yan, Chie, makaka-survive ka rin," natatawang sabi ni Paolo.

"Saka magaling magturo 'yan si Sir Andres, promise!" pahabol pa ni Maris.

Silang dalawa lang ang kasama ko ngayon dahil mamayang 4:30 PM pa ang dismissal nila Karen at Julius. Alas-tres y media na rin at ilang saglit lang, papasok na ko sa shop.

"Mabuti na lang at hindi talaga natuloy ang thesis," sabi ko, "dahil paniguradong  sasabog na ang aking utak kung nagkataon."

"Nga pala, wala ka ba talagang naaalala kagabi, Chie?" pag-iiba ng usapan ni Maris.

"Diretsahin niyo na nga lang ako," sagot ko. "May ginawa ba kasi ako kagabi na kakaiba o nakakahiya at ganyan ang mga tanong niyo?"

"Bakit kasi wala kang naaalala?" natatawang tanong ni Paolo.

Sinamaan ko naman sila ng tingin. "May naaalala ako pero hindi nga gano'n kalinaw. Kaya kung may ginawa man akong kakaiba o nakakahiya kagabi, 'wag niyo na lang ipaalam sa akin."

"Bakit?" sabay na sambit nila.

"E, kasi hindi ko naman naaalala. At least, hindi ako magsisisi o mahihiya sa ginawa ko," mabilis na tugon ko.

Sabay naman silang natawa dahil doon. Napakunot na lang ako ng noo sa mga ikinilos nila. Ewan ko kung ako lang ba o parang may nagbago sa pakikitungo nila sa isa't isa. Parang mas naging close sila na ewan. Tapos hindi na rin sila madalas magtalo.

Hmm . . . ano kayang meron?

"Mauuna na pala ako," I uttered then stood up. "Bukas na lang ulit."

"Bye, Chie! Ingat and good luck sa work mo," ani Maris. "See you tomorrow."

Tumango lang ako at iniwan na silang dalawa. Ang dalawang 'yon . . . kapag hindi talaga sila nagkatuluyan, ako na mismo ang mag-uuntog sa kanila.

***

"Bukas na lang po ulit, Ma'am Joy," pagpapaalam ko pagkatapos kong mag-out.

"Sige, Chie, ingat ka," aniya.

Pagod akong lumabas ng shop. I stretched both of my arms before heaving a sighed. "Makapagpapahinga na rin sa wakas," bulong ko pa.

I looked at my wrist watch. It's already 10:13 PM. Mabuti na lang at wala akong assignments na kailangan alalahanin para bukas.

Naglakad na ko papunta sa terminal ng jeep; at halos manlumo ako nang makitang napakaraming tao ang nag-aabang ng masasakyan.

"Gusto ko na makauwi agad at matulog," naiiyak na bulong ko.

Naupo na muna ako sa tabi at nag-isip ng gagawin. Kung magbo-book ako ng angkas o grab, paniguradong mapapagastos na naman ako. Kung kailan naman ako nagtitipid, oh.

Muli akong napatingin sa aking wrist watch. 10:20 PM na. "Kung after ten minutes, wala pa ring jeep, mag-a-angkas na lang talaga ako."

"Chie!" Dali-dali kong hinanap ang pinanggalingan ng boses.

"Teka, hindi pa naman ako nagbo-book, ah," nagtatakang sabi ko nang mapansing galing ito sa lalaking naka-motor 'di kalayuan sa gawi ko. "And how did he know my name?"

Muli niya kong tinawag at sinenyasan pang lumapit. Hindi ko naman kasi masyadong makita ang mukha niya dahil hindi niya tinatanggal ang suot niyang helmet kaya nanatili lang ako sa aking pwesto. Hinigpitan ko pa ang hawak sa aking bag.

"Kung magnanakaw 'to, marami namang tao kaya makakahingi agad ako ng tulong," wala na sa sarili kong sambit. "Tapos pwede ko rin siyang labanan kaso paano kapag may kutsilyo pala siyang dala or worse, baril? Teka—"

"Hindi mo ba ko naririnig, Chie?" Dahil sa kung anu-anong pumasok sa isipan ko, hindi ko na napansin na nasa harapan ko na 'yong lalaking tumatawag sa akin kanina. "Bawal pa naman mag-park doon."

"Ely?" takang sambit ko nang makita ang kabuuan ng kanyang mukha. "Ano na namang ginagawa mo rito?"

"Galing ako sa Serendipitea tapos sabi nakaalis ka na raw kaya dito na ako dumiretso."

"Teka, teka. Galing ka sa Serendipitea?" He nodded. "Bakit? Anong gagawin mo roon, e pasara na 'yon, ah?"

"Silly," he murmured. "I went there for you."

"Ha?"

"Para sunduin ka. Alam ko kasing mahirap na makasakay rito sa gan'tong oras."

I dumbfoundingly stared at him for a seconds. Iba't ibang katanungan ang naglaro sa isipan ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

Para sunduin ako? Bakit? Anong meron? Para saan?

"At dahil coding ang sasakyan ko ngayon, nanghiram na muna ako ng motor kay Axcel," he added. "Kaya tara na at anong oras na rin, oh," aniya sabay kuha ng bag ko.

Dahil sa bilis ng pangyayari, wala na kong nagawa kundi sumunod sa kanya. Hanggang sa ako'y makasakay na, wala pa rin akong maintindihan at gulong-gulo pa rin sa mga nangyayari.

Can someone please enlighten me on what's happening right now? Especially with this creepy weirdo guy named Eliseo.

Ang gulo, e!

***

Buong biyahe, hindi ako nagsalita. Dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko; at mas lalo lang akong naguluhan nang hanggang sa elevator ay nakasunod pa rin siya. Pero hindi pa rin ako makapagsalita sa 'di malamang dahilan.

Ting!

Nauna na kong lumabas paghinto ng elevator sa 26th floor. Pinakiramdaman ko pa kung susunod pa rin siya at halos magwala na ko sa loob-loob nang sinabayan niya pa akong maglakad.

"Okay, Chie, kalma lang. Baka hanggang pinto ka ihahatid," sambit ko sa aking isipan. "Pero bakit kailangan ka pang ihatid? Hindi ka naman lumpo, ah. Safe na rin naman dito. So . . . ano ba talagang meron?"

"Um, Ely," pagkuha ko ng kanyang atensyon paghinto namin sa tapat ng Unit 2606. "Bakit . . . hanggang dito nakasunod ka pa rin?" maingat na tanong ko. "Dito mo ba balak ulit matulog?" dugtong na tanong ko agad.

"Yep."

"Bakit?"

"Ha?"

"I mean, don't get me wrong kasi ikaw naman talaga ang may-ari ng unit na 'to," mabilis na sabi ko, "pero 'di ba may bahay ka? Bakit dito ka matutulog?"

"Wait, Chie . . ." he said then threw me a questioning look. "Wala ka bang naaalala kagabi?"

Biglang nawala ang pagod at antok na nararamdaman ko pagkarinig ng tanong niyang 'yon.

Hindi ko rin mapigilang hindi kabahan at mabahala. So may nangyari nga kagabi. May ginawa akong kalokohan o kahihiyan. Kasi hindi naman siya magtatanong kung wala, e. Dapat pala inalam ko na agad kanina kila Paolo at Maris, hindi 'yong mukhang dito ko pa kay Eliseo malalaman.

Tangina naman, Chie! Kaya hindi ka na dapat nag-iinom, e.

"Chie?"

"A-Ah, a-ano nga ulit 'yon? Anong pinag-uusapan natin?"

"Did you still remember what we did last night?"

Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata pagkarinig ng tanong niya. "W-Wait . . . What do you mean by that? We did . . . what?" Nang bigla siyang tumawa, nahampas ko na lang siya nang wala sa oras.

"Oh, bakit ka nanghahampas?"

"Bakit ka kasi tumatawa?"

"Because you're cute."

Okay, sabi ko nga shut up na muna ako.

"Huwag ka na ngang magpaligoy-ligoy pa, Ely. Ano bang nangyari kagabi? Ano 'yong ginawa ko?"

"Wala ka talagang matandaan?"

"Magtatanong ba ako kung meron?"

"Then I think you need to see this first," aniya sabay abot ng kanyang cellphone. Bumungad sa akin ang litrato ng isang papel. "For some reason, I just took a picture of it. Pero 'yong original copy niyan, nasa bag ko sa loob kung gusto mong makita. Actually, may copy ka rin niyan, e; na kay Maris ata."

"Roommate contract?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro