Chapter 39 (Part II)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: Hi! Sorry for the late update hehe. Dapat ipo-post ko na rin sana 'tong Part 2 right after I posted the Part 1 kaso pag-proofread ko, marami pa lang unnecassary/filler scenes kaya I have to delete it first. I also revised this chapter at medyo nag-focus na lang ako kila Chie at Eliseo. Don't worry, malalaman niyo rin naman 'yong purpose, soon, kung bakit kinailangan kong tanggalin 'yong ibang eksena.

Also, don't forget to leave a lot of comments! Nami-miss ko na magbasa nang sandmakmak na comments katulad nung mga unang chapters nitong RR. Napansin ko kasing marami talagang silent readers huhu. Masipag naman po akong mag-reply at makipag-interact. Gusto ko rin kasing malaman mga thoughts niyo kaya 'wag na kayong mahiya!

P.S. You can also interact with me via Twitter (@_loveisnotrude) and for this chapter, the official hashtag is: #RoommateRomanceWP39

I love y'all~

Ayon, enjoy reading this chapter!

***

CHAPTER THIRTY-NINE
Part Two

PAOLO WANTED to celebrate his 22nd birthday through a barbeque party. Kaya alas-siete pa lang ng umaga, sapilitan niya na kaming ginising para mamalengke. Dahil daw kasi nasa teritoryo niya kami at siya ang celebrant, dapat daw namin siyang pagsilbihan sa ayaw o sa gusto namin.

Mabuti na lang, sila Julius, Karen, at Axcel na ang nagprisintang mamalengke kaya medyo nakapagpahinga pa ako. Umaga na rin kasi ako nakatulog dahil sa mga pinag-usapan namin ni Axcel na hindi ko talaga inaasahan.

"Nakita mo 'yong dalawa?" I asked Robi when I saw him in the kitchen preparing his own breakfast. "Wala sila sa itaas, e."

"Itu-tour lang daw ni Paolo si Maris sa resort," he answered.

"At hindi man lang tayo sinama?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Natawa naman si Robi sa reaksyon ko. "They need quality time daw, e."

I dramatically rolled my eyes. "Quality time my ass," I whispered.

"Bitter," he commented, shaking his head out of amusement. "Anyway . . ." Bigla siya naging seryoso. "How are you?"

I creased my forehead. "Okay naman ako. Bakit mo natanong?"

"Chie, stop pretending," he uttered. "If you're not okay, then so be it. It's okay to not be okay, you know."

I shrugged. "I'm not pretending, Robi," nakangiting tugon ko. "I'm really okay. I mean, at least I'm physically okay."

"And you're emotionally not okay," he continued. "Mas mabigat; mahirap."

"Bakit ba kasi gano'n 'yong kaibigan niyo?" takang tanong ko. "One second, he cares for me. Then after another second, he's ignoring me."

"Intindihin mo na lang, Chie."

"Bakit ba ako na lang lagi ang kailangang umintindi?"

***

"Let's play a game!" Maris announced. "Para naman hindi lang tayo puro inom at baka mayamaya sabay-sabay na tayong magsisisukaan."

"Kahit ikaw lang naman 'yong susuka, mandadamay ka pa," Karen retorted.

Natawa naman kaming lahat nang magsimula na silang magtalo kung sino ba ang mauunang susuka sa kanilang dalawa. Mga baliw talaga, e.

It's already past ten o'clock in the evening pero buhay na buhay pa ang mga diwa namin kahit ang dami na naming nainom.

"Anong laro ba 'yan?" pagsingit na tanong ni Robi. "Explicit ba?" he added, wiggling his brows.

Nabatukan tuloy siya ni Maris dahil doon. "Rated PG lang tayo, hoy!"

Tahimik ko na lang pinanood ang kulitan nila at hindi na ako nakisali pa. Nag-focus na lang ako sa aking iniinom. Hindi ko rin maiwasang hindi lingunin ang direksyon kung saan nakapwesto si Eliseo. Himala nga at sumama siya, e. Akala ko ipagpapatuloy niya pa rin 'yong pag-iwas sa akin.

"Sobrang bago nga kasi ng lalaruin natin," ani Maris.

Karen rolled her eyes. "Don't tell me, truth or dare 'yan."

"Ew," Maris replied. "Ang gasgas na kaya non."

"E, ano nga ba kasi 'yon?" I asked.

"Never have I ever!" she excitedly replied.

"Wow, bagong-bago nga," I sarcastically commented. Inirapan niya lang ako na siyang ikinatawa ko naman.

"Game na!" aniya. "Simple lang naman 'yong rules. I'll go first then I will make a statement of an act that I have never done in my life. If you guys had done that already, sometime in your life, you will take a shot of the drink in your front."

"Maris, we know how to play that game," Robi laughingly reacted.

"Ang bully niyo sa akin! In-explain ko lang naman, e!" she hissed. "So, game ba lahat?" tanong niya at tumango na lang kami. Wala rin naman kaming choice, e. "How about you, Eliseo? Bawal KJ dito, ha!"

"I'm in," he coldy replied.

I just made a 'tsk' sound because of that.

"So, ako na nga mauuna, ha. Tapos pa-counter clockwise ang ikot," ani Maris pagkatapos naming mag-form into circle. Bale, magkatapat kami ngayon ni Eliseo kaya malaya ko siyang natititigan.

Nawala ang atensyon ko sa kanya nang biglang magsalita na si Maris. "I have never went to a strip club."

"What a start, Maris," Julius commented.

"Akala ko ba Rated PG lang tayo rito?" natatawang tanong ni Robi sabay inom na siyang ikinagulat naming lahat.

Magsasalita pa lang sana ako nang sunod namang uminom si Axcel at Eliseo.

"Kayong tatlo talaga . . ." nakangising sambit ni Maris. "Kaming lima lang ata matino rito, e."

"We're too young back then, Maris. And we just want to try something new," Axcel explained. "Don't judge us."

"Whatever! Ikaw na," aniya.

Napailing na lang si Axcel sabay sabing, "I have never kissed someone passionately."

"Bakit naman ganyan 'yong mga statement niyo?!" reklamo ni Karen dahil siya lang ang hindi uminom sa aming walo bukod kay Axcel.

"So you've never kissed someone-"

"It's my turn," Julius cut Axcel off. Sinamaan niya rin ito ng tingin. "I have never cheated on my partner."

"Grabe talaga! Bakit puro pang may jowa 'yong mga tanong niyo?!" hindi na naman mapigilang reklamo ni Karen.

Isa-isa ko silang tinignan at si Axcel lang ang uminom.

"O, bakit ganyan mga tingin niyo?" masungit na tanong niya. "Next na."

"Ako na?" tanong ko nang mapansing nakatingin silang lahat sa aking gawi.

"May iba pa bang katabi si Julius na hindi naman nakikita, Chie?" natatawang tanong ni Paolo na siyang ikinairap ko.

I cleared my throat first. "Um, I have never . . . Kahit ano naman, 'di ba?"

They all nodded, waiting for my statement. Wala kasi akong maisip.

"Basta hindi mo pa nagagawa," Maris suggested.

"Ah, okay. May naisip na 'ko. Um, I have never said an "I love you" without feeling it," I stated looking at his direction.

"Woah," ani Karen sa aking tabi. "Ang bigat, ha."

"And as expected," komento naman ni Maris habang pinagmamasdan ang pag-inom ni Axcel.

"Okay, ako naman," pagsasalita ni Karen sabay ayos ng upo. "I have never felt to be love back by someone I really admired."

Agad ko siyang nilingon pagkatapos niyang sabihin 'yon at kasalukuyan siyang nakikipagtitigan kay Julius.

"Mas mabigat 'yong entry mo, Karen," Maris commented before drunk her shot. "Aw . . . so may tatlo pa lang sawi rito ngayon," dugtong pa niya nang hindi uminom sina Eliseo at Robi.

"O, ito . . . chill lang," ani Robi. "I have never shoplifted."

Nabawasan ang tensyon sa paligid dahil sa sinabi ni Robi. At napuno ng tawanan ang paligid nang sabay-sabay kami nila Maris, Karen, Paolo, at Julius na ininom ang baso ng alak na nasa harapan namin.

"Huwag niyo kaming i-judge!" Maris suddenly uttered after a minute-long of laughing. "There's a story behind that, 'no!"

"O, kalma lang," natatawang sabi ni Axcel. "Wala namang juma-judge sa inyo."

"And to be honest, no need to explain that story," pagsingit naman ni Axcel.

Inirapan lang tuloy silang dalawa ni Maris sabay sabing, "Mga judger!"

"It's your turn, Eliseo," Karen said, patting his shoulder.

Bigla naman siyang seryosong napatingin sa gawi ko. Magkasalubong pa ang dalawang kilay niya kaya medyo kinabahan ako. Ilang sandali lang, bigla naman itong naging maamo. "I have never said 'I like you' to someone if I wasn't sincere," he seriously uttered while he stared at me intently.

Napalunok naman ako bigla sa sinabi niyang 'yon.

***

"Fuck," reklamo ko habang nakawak sa aking sintido. Naalimpungatan ako dahil bigla akong nauhaw kaya bumaba na muna ako at dumiretso sa kusina.

Hindi pa masyadong dilat ang dalawang mata ko at pagewang-gewang pa ang aking paglakad dahil sa sobrang kalasingan kagabi. Hindi ko na nga maalala kung anong oras kami natapos, e.

"Chie?"

Muntikan na kong matumba nang may marinig na tumawag sa aking pangalan. Awtomatiko rin akong napadilat ng mga mata.

"E-Ely," utal na sambit ko nang maaninag ko ang hitsura nung tumawag sa akin. "G-Gising ka pa?"

"Nagutom ako, e," he casually replied.

"Ah . . ." wala sa sarili kong tugon. "Anong oras na pala?" I asked instead. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin. Mabuti na lang at hindi ko suot ang aking wristwatch.

"3:39 AM na," aniya.

"Ah, sige. Thank you. Bye," nagmamadali kong sabi bago siya talikuran. Baka kasi nakaka-istorbo na pala ako sa kanya. Mamaya gusto niya pa lang mapag-isa tapos isipin niya, nanggugulo na naman ako.

Pero hindi pa ko tuluyang nakakahakbang, hinawakan niya naman ang aking kaliwang braso. "Teka lang!"

"B-Bakit?"

Hindi ko alam pero bumalik na naman ang kakaibang kabang aking nararamdaman sa tuwing tititigan niya ako ng mata sa mata.

"Um, Ely?" I called him. "May gusto ka bang sahihin?"

He shook his head. "Bakit ka aalis agad?"

"Ha?" naguguluhang tanong ko nang nakakunot ang noo.

"I mean, bakit ka aalis? Wala ka bang gagawin dito sa kusina? You came here with purpose, right?"

"Oh! Oo nga," mabilis na tugon ko. "Pero pwede bang bitawan mo muna 'yong . . . 'yong braso ko?"

Nagulat naman siya sa sinabi ko at dali-daling binitawan ang aking braso. "Sorry . . ."

"Um . . ." I looked around. "Tubig!" bigla kong sabi. "Tama. Pumunta ako rito para uminom ng tubig," sabi ko sa kanya at dumiretso sa may refrigerator.

Habang nainom, ramdam ko ang pagtitig niya sa akin mula sa likuran. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang. Ewan ko ba kung bakit gan'to ang epekto sa akin ng mga titig niya. Parang may dala itong kuryente na dadaloy na lang sa aking katawan.

Pagkatapos kong uminom, nagbilang muna ako ng hanggang lima sa isip bago siya hinarap. I was about to say that I'll go ahead first when he suddenly held my hands.

"Can we talk?" he asked in a low voice. "Kahit saglit lang. Please?"

Nagulat naman ako sa sinabi niyang 'yon. Teka . . . Did I hear it right? G-Gusto niya nang makipag-usap?

"Chie?"

"S-Sige lang," utal na sabi ko. "I-Ikaw lang naman ang hinihintay kong mamansin diyan, e."

Napakamot naman siya sa likuran ng kanyang ulo. "I just want to say sorry for being a jerk. I became selfish. Hindi ko naisip 'yong nararamdaman at mararamdaman mo. I'm really sorry.

"Hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na 'yon sayo. I should've not questioned your capability to love and move on. Dapat mas inintindi pa talaga kita. Dapat-"

"Wait," I cut him off. "You're forgiven."

"What?"

"Hindi mo na kailangan mag-explain at mag-sorry ng paulit-ulit kasi naiintindihan naman kita. Saka alam ko namang may mali rin ako."

"No, Chie. Wala kang mali," aniya. "Hindi mo naman kasalanan na hindi ka pa nakaka-move on, e. At naiintindihan ko na 'yon ngayon."

Muli akong nakipagtitigan sa kanya pagkatapos niyang sabihin 'yon. Masasabi kong isa talaga si Eliseo sa may pinakamagandang mata na pinagmasdan ko. Parang siya 'yong mga nasa libro o palabas na nangungusap ang mga mata.

Habang tahimik na nakikipagtitigan sa kanya, hindi ko naman maiwasang hindi pansinin ang labi niya.

"At ipapangako kong maghihintay ako," pagsasalita niya kaya muli akong bumalik sa aking wisyo. "Maghihintay ako hanggang sa tuluyan mo na siyang makalimutan. Kahit gaano pa katagal ang aabutin, wala akong pakialam. I'll for you, Chie, until you're ready to love again. Until you can accept and love me wholeheartedly."

"Hindi mo naman na kailangan maghintay," I slowly said. "Handa na kong bigyan ka ng pagkakataon."

"Chie . . ."

"Ely, sa sandali na lumayo ka sa akin, marami akong na-realize. At ayaw kong muli na namang magkamali kaya handa na kong sumugal ngayon," I sincerely uttered.

Sa totoo lang, pinag-isipan ko 'yon nang mabuti. Naisip ko kasi na baka kaya hindi ako maka-move on kasi umaasa pa rin ako na babalik siya - babalikan niya ako. Tapos pinipigilan ko pa ang sarili na magmahal muli sa takot na baka maulit lang ang nangyari noon; na baka masaktan na naman ako.

Ang hirap pala kasi talagang masaktan nang dahil sa pag-ibig, e. Ginagawa ka kasi nitong duwag nang hindi mo man lang namamalayan.

"Chie. . ." He held my right hand tightly. "Hindi mo naman kailangang pilitin 'yong sarili mo, e."

I creased my forehead. "Ha?"

"Huwag mong pilitin na gustuhin ako dahil lang gusto kita. O dahil naaawa ka sa akin," he replied. "I want you to like me because you really like me."

"Ayon nga -"

Hindi na ako nakasingit pa sa pagsasalita dahil nagtuloy-tuloy na siya.

"Don't force yourself to move on, Chie. Take your time. Kaya naman kitang hintayin, e."

"I'm not forcing myself, Ely. Naka-move on na ako."

"Hindi ka pa nakaka-move on. Don't fool yourself."

Lalo lang napakunot ang aking noo sa sinabi niya. "Pero malapit na. Kaya nga gusto kitang bigyan ng chance."

"Bakit? Naaawa ka sa akin?"

"What? Hindi, ah!"

"Chie, I told you, hihintayin naman talaga -"

"Bakit parang mas marunong ka pa sa akin?" I cut him off. "Jino-joke time mo ba ako?"

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero natawa na naman siya. Baliw talaga, e.

"Gusto ko lang pag-isipan mo nang mabuti 'yong desisyon mo."

"Pinag-isipan ko naman 'yon! Ano'ng akala mo sa akin?!"

Malapit na naman akong maasar sa kakulitan niya. Bakit parang mas gusto kong hindi niya na lang ulit ako pansinin? Ang kulit, e.

"Chie -"

"Sshh," I cut him off again. "Alam mo, lasing ka pa ata. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap kapag nahimasmasan ka na," sabi ko at bahagyang lumayo sa kanya.

Muli na naman siyang tumawa. "Mas lasing ka pa sa akin, Chie."

"Huwag mo kong baliktarin."

"Asar talo."

"Nakakatawa ka na niyan?"

"Asar talaga siya, o."

"Kapag hindi ka tumigil diyan -"

"What? What you'll do? Hahalikan mo ako?"

I arched my brow. "Bakit, akala mo hindi ko kaya?"

"Bakit, kaya mo ba?" he asked back, devilishly grinning.

"Huwag mo kong hamunin, Eliseo Borromeo."

Mas lalo pa siyang napangisi nang marinig niya ang kanyang buong pangalan. "Puro ka naman salita, e. Dapat kapag sinabi -"

I didn't let him finish his sentence because, for the third time, I cut him off again. But this time, using my lips.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro