Chapter 42

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FORTY-TWO

IT'S CRAZY how fast time flies.

Parang kailan lang, ang dami ko pang iniisip na problema. Ang dami kong pinagdadaanan sa buhay na akala ko wala nang katapusan pa. Tapos ngayon, naging okay na ako. Unti-unti ko nang naibabalik 'yong dating ako na minsan ko na ring sinira. At lahat ng iyon ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa tulong ng aking mga kaibigan.

"Matagal pa ba sila? Lalamig na 'yong mga pagkain, o," ani Robi na kanina pa reklamo nang reklamo.

"E 'di, initin mo na lang ulit mamaya," Eliseo said in annoyance. "Saka pwedeng manahimik ka muna kahit ilang segundo lang? Ikaw lang kaya maingay sa ating apat."

Pasimple naman akong natawa sa huli niyang sinabi. Totoo naman kasi, e. Sa aming apat, siya ang kanina pa hindi maubus-ubusan ng sasabihin. Hindi gayahin si Axcel na kung hindi pa tatanungin, hindi magsasalita. Not his usual state though, pero okay na rin 'yon. Kaysa naman dagdagan niya pa ang kadaldalan nitong si Robi.

Nandito kasi kami ngayong apat sa condo ni Eliseo, hinihintay ang pagdating nila Julius at Karen. Today's August 16 which means birthday na nung dalawa — 21st birthday. At dahil natapat na naman ng weekday (Monday) ang mismong araw ng kaarawan nila, we decided to surprise them. Wala kasing balak mag-celebrate si Julius habang si Karen naman, sa darating na Sabado pa.

Mabuti nga at wala pang masyadong ginagawa sa school dahil kasisimula lang din naman ng pasukan, two weeks ago, kaya nagawa pa namin 'to kahit biglaan lang; at medyo kapos pa sa oras.

"Paolo texted me. Kasama niya na raw si Julius," pagsasalita ni Eliseo habang nakatutok sa hawak niyang cellphone.

Sakto namang nag-vibrate din sa bulsa 'yong akin. After I read the text message I received, I faced them. "Gano'n din si Maris. Kasama niya na raw si Karen."

"At last!" komento ni Robi sabay upo sa couch.

Nagpunta naman ako sa may kusina para ihanda na 'yong birthday cakes nilang dalawa. Hindi ko na naman mapigilang mapangiti dahil parang dati, lima lang kaming nagse-celebrate ng mga gan'tong klaseng okasyon; tapos ngayon, walo na at walong birthday celebrations na rin ang kailangan naming pagsamahan.

We're literally growing like a family.

"Are you really that happy?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Eliseo. Sinundan niya pala ako. "Kanina ko pa kasi napapansin na hindi na mabura-bura 'yang mga ngiti mo sa labi."

Mas lalo pa akong napangiti sa sinabi niya. "Because I'm happy right now, Ely," I genuinely replied.

"Did I make you happy?" I creased my forehead by the question he threw to me. "I mean, am I part of your happiness right now?"

"Hindi," mabilis na sagot ko na siyang mukhang ikinagulat niya. "Hindi ka lang parte ng kasiyahan ko ngayon. Ikaw ang tuluyang bumuo nito."

His eyes suddenly widened. "W-What did you just say?"

I chuckled. "Bawal na ulitin. Isang beses ko lang pwedeng sabihin 'yon," sagot ko at saka siya tinalikuran.

"Chie! Huwag kang madaya diyan!" aniya at dali-dali akong sapilitang pinaharap sa kanya. "Just repeat what you exactly said earlier. Kahit isang beses lang, please?"

"Bitawan mo nga ako. Sasapakin kita diyan," pagbabanta ko at pinanlakihan ko pa siya ng mata. Pero ang loko, tinawanan niya na naman ako.

"Stop being cute, Chie."

"FYI, I'm not even trying to be cute, Eliseo!"

Nabigla naman ako nang bigla niyang hawakan ang likurang bahagi ng aking balakang sabay hila papalapit sa kanya. Dahil hindi ko nga ini-expect ang ginawa niyang 'yon, hindi agad ako nakapagsalita.

We're now few inches apart from each other. Medyo ramdam ko na nga ang kanyang hininga.

Kung anu-ano na ang pumasok sa aking isipan na posibleng mangyari nang dahil sa pwesto namin ngayon. Pero lahat ng 'yon ay naglaho na lang nang bigla niyang kurutin ang kaliwang bahagi ng pisngi ko gamit ang kanyang kanang kamay sabay sabing, "E, ang cute pa rin ng dating mo sa akin."

I was about to utter a word when Axcel suddenly showed up. He then stared at our direction like he wasn't totally enjoyed by what he saw.

"Parating na sila Paolo. Mamaya na kayong dalawa magharutan diyan," he coldly said then started to walk away.

"Problema non?" Eliseo whispered.

Nilayo ko muna ang sarili bago siya sinagot. "'Yang kaharutan mo ang problema niya."

Hindi ko na siya pinansin pa pagkatapos at kinuha ko na lang ang cake ni Karen. Habang si Eliseo naman ang may hawak-hawak nung kay Julius.

"Sino raw mauunang dadating?" I asked.

"Sila Julius ata," Robi answered. "Nasa elevator na raw sila, e."

"O, sindihan mo na 'yong kandila," utos ko kay Eliseo na hindi maipinta ang pagmumukha habang nakatingin sa aking gawi. "Bakit ganyan ka makatingin? Sindihan mo na sabi 'yan."

He frustratingly groaned as he reached the lighter that Axcel gave. Nang masindihan niya na ang kandila sa cake, muli niya akong nilapitan. "Mamaya ka sa akin, Chie," bulong niya.

Mayamaya, nakarinig na kaming apat ng doorbell. Si Robi na ang lumapit sa may pintuan at saka ito binuksan.

"Happy birthday, Julius!" sabay na sabi namin ni Eliseo pero agad din kaming napatigil nang sila Maris at Karen ang nakita namin.

"Sila Paolo at Julius pala ang paparating pa lang," natatawang sabi ni Robi.

"Ano 'to?" tanong naman ni Karen, nakakunot ang noo.

"Surprise!" sabay-sabay na sabi namin.

Magsasalita pa lang sana siya ulit nang bumukas naman ang pinto at iniluwa nito sina Paolo at Julius.

Halatang nagulat si Julius. "K-Karen . . ."

Agad kumunot ang aking noo nang mapansin ang paraan ng kanyang pagtitig kay Karen. Para itong may gustong sabihin na hindi niya naman masabi-sabi sa hindi ko malamang dahilan.

"Akala ko ba wala si Julius?" diretsang tanong naman nito kay Maris. "Maayos akong nagtanong, 'di ba?"

"Because it's a surprise for the both of you," Maris replied. "Hindi mo ba nagustuhan?"

"Karen, may problema ba?" pagsingit ko naman sa usapan.

"Ask him," aniya at dali-dali kaming tinalikuran.

"Karen, wait!" Mabilis ding hinawakan ni Julius ang kamay niya. "Let's talk —"

"Wala na tayong dapat pag-usapan," she seriously said then continued to walk away.

Ako naman ngayon ang pumigil kay Julius nang balak niya pa sana itong sundan. "Hayaan mo muna siya, Julius. Hindi mo rin siya makakausap nang maayos sa ngayon."

"I'll take care of her. Ako na munang bahala sa kanya," pagsasalita naman ni Axcel at dali-daling naglakad palabas. Pero bago 'yon, sinadya niya munang banggain sa balikat si Julius.

Hindi ko na siya nasuway pa dahil ang bilis niya ring mawala sa aming paningin.

"What exactly happened?" nag-aalalang tanong ni Eliseo kay Julius na kasalukuyang nakayuko habang bagsak ang balikat.

"I hurt her . . ." he replied in a low voice. ". . . again."

***

"Is she okay now?" bungad na tanong sa akin ni Eliseo pagkatapos kong magpalit ng damit.

Nakipagkita kasi ako kay Karen para kumustahin siya. Isang linggo na rin ang nakalilipas mula nang malaman namin na hindi pala sila okay ni Julius. Pagkatapos kasi ng gabing 'yon, naging mas visible na ang pag-iiwasan nilang dalawa. Hindi na nga sila masyadong nasama sa amin, e. Kaya ang nangyayari, kapag kasama si Karen, wala si Julius. At kapag si Julius naman ang kasama, si Karen ang wala.

Hinayaan na lang muna namin kung 'yon ang magpapatatahimik ng kanilang mga kalooban. Pareho naman namin kasi silang naiintindihan kung saan sila nanggagaling.

"She's doing good naman. Mas magfo-focus na lang daw siya sa acads," I replied. "How about Julius? Nag-open up na ba siya sa inyo?"

"He's still torn between Coreen and Karen."

Napamura na lang ako nang mahina. "Ano ba kasing nakita ni Julius sa Coreen na 'yon? Karen is way better than her."

"Pero hindi mo naman kasi napipilit ang puso ng isang tao sa kung sino ang mamahalin nito at kanino ito titibok," marahang sambit niya.

"But how could he choose the person he can't love him enough over the person he loves him so much?" nagtatakang tanong ko naman. "Kasi kilala ko si Karen; at alam ko kung gaano niya talaga kamahal si Julius."

"Pero mahal din naman ni Julius si Karen."

"As a friend?"

"Nope," he quickly answered. "He told us that he loves Karen more than friends."

"Pero mas mahal niya si Coreen, 'di ba?" Hindi siya nakapagsalita. "Kaya kahit anong sabihin niya na mahal niya naman si Karen, wala pa rin 'yong silbi kung patuloy niya pa ring pipiliin si Coreen sa huli."

Panandalian naman kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa nagsalita na ulit siya.

"So if you were in their situation, Chie, who would you choose?" he suddenly asked. "The one who loves you but you have no feelings for? Or the one you love so much but can't love you the way you do?"

"What kind of question is that, Ely?"

"Just answer it. Gusto ko lang malaman 'yong opinyon mo."

I heaved a sigh. "I'll definitely choose the former."

"Why?"

"Because it's easier to learn to love a person who loves me already than to mindlessly love someone who could never love me the way I do," I seriously uttered.

And unexpectedly, I saw that smile again from him.

"Then, thank you for choosing me if ever."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro