Chapter 44

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FORTY-FOUR

WE CAN'T reached Karen for weeks now.

After Julius revealed about Coreen's pregnancy, tuluyang na siyang hindi nagpakita sa amin. Kung hindi pa nga namin siya sasadyain sa kanila, wala talaga. Kahit sa school, madalang na lang namin siyang makita. Busy pa for her thesis preparation.

Actually, busy na talaga kaming walo ngayon dahil sa thesis. Pero 'yong pagka-busy niya, halatang dahilan lang upang maiwasan si Julius.

Hindi ko rin naman siya masisisi. If I were her, baka gano'n din ang maging reaksyon o gagawin ko.

"Hindi niyo pa rin ba makausap si Julius?" Eliseo asked to us.

Sabay naman kaming napatango ni Paolo bilang tugon.

Isa pa pala 'yon sa pinoproblema namin. Hindi na kasi masyadong nagkwento si Julius tungkol sa bagay na 'yon. Ayaw rin naman naming mamilit dahil we all know that it's a sensitive topic to talk about.

"Maghintay na lang siguro tayo hanggang sa handa na siyang magsabi sa atin," ani Robi.

Apat lang kaming magkakasama ngayon dahil wala na naman si Axcel. Habang si Maris may PE class pa.

"Kumusta pala thesis mo, Chie? Mayroon ka na bang dissertation topic?" pag-iiba ni Eliseo ng usapan.

Sasagot pa lang sana ako nang bigla namang sumingit si Paolo. "Ano ba kayong dalawa? Hanggang dito ba naman thesis pa rin?"

We both laughed by his remark.

"Aral-aral din kasi nang mabuti, Pao," Robi commented. "Puro ka landi, e."

"Nagsalita ang may naka-one night stand na naman last night, ha."

Napapikit na lang ako ng mga mata sa usapan nila. Kung dati, si Maris ang madalas na kabangayan ni Paolo; Ngayon, si Robi na.

Magpapaalam na sana ako sa kanila at kailangan ko nang bumalik para sa next class ko when my phone rang.

Maris calling...

"O, napatawag ka —"

"Kasama mo ba si Paolo?"

"Ah . . . yeah? Why?"

"Loudspeaker mo nga, Chie."

Naguguluhan man, sinunod ko na lang ang kanyang sinabi at nilapag sa mesa ang cellphone. Nakakunot naman ang noo ni Paolo habang tinatanong kung anong problema. Dahil wala akong alam, nagkibit-balikat na lang ako.

"Hoy, Paolo Marasigan!"

"B-Boss babe?"

"Why you're not answering your phone?! I've been calling you for hours already!"

"P-Phone? Nasaan 'yong phone — oh, shit. I think I forgot it in my locker room, boss babe. Sorry —"

"Yari ka talaga sa akin at nasaan na 'yong pinapabali ko?! Kanina pa ko lagkit na lagkit dito!"

Pigil-pigil naming tatlo ang aming mga tawa habang nakatingin sa gawi ni Paolo na kanina pa natataranta.

"Tangina, oo nga pala."

"Minumura mo ba ako?!"

"Hindi, boss babe! You just misheard it. Sige na, sige na. Papunta na kami ni Chie diyan, bye! I love you." Then he ended the call immediately.

"Teka, bakit kasama ako?" naguguluhan ko namang tanong.

"Naiwan ko nga phone ko, 'di ba? Kaya tara na bago pa magbuga ng apoy 'yon mamaya," nagmamadali niyang tugon at inayos na ang gamit. "O, kita-kita na lang ulit tayo. Eliseo, hiramin ko muna 'tong si Chie, ha. Bye!"

Sa bilis ng pangyayari, hindi na ako nakapagpaalam nang maayos sa kanila. Nagpahila na lang din ako kay Paolo. Akala ko sa school na kami didiretso pero sa may convenience store kami pumasok.

"What are we doing here?" I asked.

"May bibilhin lang ako saglit."

Sinundan ko na lang siya sa paglalakad. At laking gulat ko nang dumiretso kami sa parte kung saan naka-display ang mga sanitary napkin.

"Don't look at me like that, Chie. I've been doing this for four years already," he casually uttered.

Mas lalo lang akong nagulat. Seryoso ba siya?!

Pagkatapos niyang makapili, dumiretso na kami sa may counter; at hindi maipinta ang mukha ni ate nang mailapag ni Paolo ang isang pack ng sanitary napkin.

Same reaction, ate. Same.

"Hindi ka man lang ba nahihiya?" I curiously asked as we went out to the store.

"Wala namang nakakahiya sa ginagawa ko, ah," he answered. "I'm just buying my girlfriend's napkin, Chie. And believe it or not, it'll be worth it later."

Napaikot na lang ako ng mga mata sa sinabi niya. E 'di, sila na talaga ang goals!

Habang naglalakad pabalik sa school, patuloy lang siya sa pang-aasar sa akin; na kung nagkakaroon din daw sana ako ng monthly period, e 'di naranasan ko sanang mabilan ng gano'n ni Eliseo. Hindi ko na lang siya pinansin at mauubusan lang ako ng energy sa kanya.

Sa may likurang bahagi ng gymnasium kami dumiretso, banda sa may women's comfort room.

Naabutan naming naghihintay si Maris doon na ang sama ng tingin kay Paolo.

"Yari ka," pananakot na bulong ko.

Pero nagulat na lang ako sa ginawa ni Maris paglapit namin.

She quickly grabbed the plastic from Paolo then gave him a peck on the lips. "Thank you and I love you," nagmamadali niya ring sabi. "Thanks din, Chie. Mamaya na lang!" At tuluyan na siyang pumasok sa CR.

What. Did. I. Fucking. See?!

"See? It's all worth it, Chie."

***

"Dapat na talagang magbati nung dalawa," inis na pahayag ko kila Paolo at Maris. "Hindi na ako natutuwa maging third wheel."

Tinawanan naman nila akong dalawa. Hindi pumasok ang prof ko sa last subject kaya nahila nila ako at niyayang kumain. Hindi dapat ako sasama dahil balak kong tumambay sa library pero nangonsensya na naman si Maris sa pagtatago ko sila noon. Kaya para hindi niya na ako sumbatan pa nang malala, sumama na lang ako.

"Then try to call my cousin, Chie. Wala pang limang minuto, nandito na 'yon," Paolo suggested.

"Ay, oo nga. Para naman masubukan natin 'yong double date," Maris agreed.

"Kayong dalawa, tigilan niyo na nga kami ni Ely." Pinanliitan ko sila ng mata.

"Sus, ano na ba kasing mayroon sa inyo?" tanong naman ni Maris. "Kayo na, 'no? Ayaw niyo lang sabihin sa amin."

"Saan mo ba nakukuha ang mga 'yan, Maris?" I asked out of curiousity. "Ang issue mo."

"So hindi kayo?" she asked back.

"Hindi."

"Ah, wala pang label . . ."

"Boss babe, stop teasing Chie. Tignan mo, ang sama na ng tingin sa atin," pagsingit ni Paolo habang nagpipigil ng tawa.

"Kayong dalawa, kaunti na lang talaga at pag-uuntugin ko na kayo."

"Pero seryosong tanong, Chie. Ano na nga ba kayo ng pinsan ko?" ani Paolo. "More than friends? Just friends with benefits? Or you have this so-called roommate romance kind of relationship?"

"Roommate romance?" sabay na tanong namin ni Maris.

"Yep! Dahil mukhang wala naman kayong label as of now, you're both qualified in roommate romance category. Kasi, basically, mag-roommate kayo," he explained. "And it's obvious that there's a romance between the two of you."

"What's your basis on that, Paolo?" takang tanong ko.

Bigla namang napaayos ng upo si Maris at saka kunot-noong hinarap si Paolo. "Oo nga, babe. Where did you get that shit?"

"Wow, boss babe, thanks for the support, ha."

"Alam niyo, masisiraan lang ako ng bait sa inyong dalawa." Muntikan na 'kong mapasabunot ng buhok sa mga kalokohan nila. "Mauuna na ko. Mas gugustuhin ko pang mag-overtime sa trabaho kaysa makasama kayo."

Hindi pa ako tuluyang nakakatayo, pinigilan na agad ako ni Maris. "Teka lang naman, Chie! Answer our question first."

"Ano ba kasing tanong 'yon?"

"Kailan magiging kayo ni Eliseo?"

***

Buong shift ko sa trabaho, hindi mawala-wala sa aking isipan ang huling tanong na iniwan sa akin ni Maris kanina. Hanggang sa pag-uwi, ayon lang ang gumugulo sa isipan ko.

Kailan magiging kayo?

Kailan nga ba? Handa na ba ako? Mahal ko na ba siya?

"Chie? Gising ka pa?"

I looked at the direction where his voice came from. Hindi kasi ako makatulog kaya nagpunta na muna ako rito sa may sala upang magmuni-muni.

"Akala ko hindi ka na uuwi, e," sabi ko na lang sabay ayos nang upo.

"Wait . . . did you wait for me to come home?"

"Ulol! Ang kapal ng mukha nito."

He laughed like a child again. May pahawak pa siya banda sa kanyang tiyan habang natawa na parang ewan. "E, bakit nandito ka at gising ka pa rin?"

"Hindi ako makatulog, Ely. Huwag ka ngang story maker diyan."

"Exactly!" natatawa niya pa ring sambit. "Hindi ka makatulog kasi wala pa ako."

"Akala ko, nawala na 'yang kahanginan mo sa katawan. Hindi pa pala. I'm disappointed."

Patalon naman siyang umupo sa tabi ko sabay akbay. "At ang pikon mo pa rin hanggang ngayon."

Sa hindi malamang dahilan, napatitig na naman ako sa kanyang mukha. Kung dati, ilang pa ako kapag gan'to kami kalapit dalawa. Ngayon, sanay na ako.

"O, b-bakit ganyan ka makatingin?"

I stared at his eyes. Sa tuwing napapatitig talaga ako sa pagmumukha niya, hindi ko maiwasang hindi magtagal sa kanyang mga matang nangungusap at labing nang-aakit.

"May dumi ba ako sa mukha?"

"Huwag ka ngang maingay diyan," suway ko sa kanya. "I'm analyzing something," I reasoned out.

"Ano naman 'yon?"

"Ina-analyze ko kung bakit ganyan ka kagwapo." At kung mahal na nga ba kita o ano.

Mukha siyang nagulat sa sinabi ko na kahit ako, hindi rin makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko 'yon sa aking isipan.

Ano na bang nangyayari sa akin, ha?

Mas nilapit niya pa ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko. "Baka kasi mahirapan kang i-analyze kapag masyadong malayo," he said in a deep voice. "Ayaw ko pa namang nahihirapan ka," he added, devilishly grinning.

Nawala tuloy ang focus ko sa mga mata niya at nalipat ito sa kanyang labi. I can't help but to wonder how his lips can be as red as the cherry on top of our black forest frappe in Serendipitea despite of his smoking habit. Kahit naman kasi hindi niya 'to madalas gawin, hindi kapani-paniwala na gano'n pa rin kapula ang labi niya.

Nagli-lipstick kaya siya?

"Stop staring at my lips in that way, Chie," muli niyang pagsasalita. "Baka mamaya, isipin ko you badly want to kiss me right now."

"What if I really do?"

"What?"

My eyes widened when I realized what I just said.

Tangina. Anong kaharutan 'yon, Chie?!

"You want to kiss me?"

"Matutulog na ako," mabilis kong sabi nang nakapikit sabay tayo. Pero hindi pa ako tuluyang nakahahakbang, napaupo na ako ulit dahil sa ginawa niyang paghila sa akin.

"Well . . . the feeling is mutual, Chie," he huskily uttered. "I also want to kiss you right now," he added then kissed me slowly.

And in split second, I just found myself responding to his slowly soft kisses.

***

A/N: Um, hi! I don't know how this chapter went. Medyo sabaw ako habang sinusulat 'to kaya kung may "sabaw moments" man, pagpasensyahan niyo na lang po hehe.

If you want to interact with me on Twitter, use the hashtag for this chapter (#RoommateRomanceWP44) and the official hashtag too, #RoommateRomanceWP. Mention niyo na rin ako (@_loveisnotrude) para ma-notify ako agad.

Sa mga nagpapa-accept naman po sa FB account ko (Endee Velasco), sorry kasi hindi po talaga ako active doon. I'm just using it for some writing purposes. At maniwala man kayo o hindi, wala pa atang 100 ang friends ko roon. Kasi nga hindi ko talaga siya madalas gamitin at buksan. Pero kapag may message naman kayo, magre-reply naman ako as soon as possible. #Priority

Ayon, sana nag-e-enjoy pa rin kayo sa pagbabasa nito. Malapit-lapit na ang pagtatapos kaya kapit lang!

P.S. May magbabalik sa next chapter kaya abangan . . . Hihi.

Love y'all and God bless!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro