Chapter 52

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER FIFTY-TWO

AFTER THE day I had a talk with Julius, I didn't get a chance to talk to him again. Kahit si Karen. Hindi ko na ulit siya nakausap matapos ang pag-uusap namin noong nakaraang buwan. Pareho kasi silang naging busy. Mukhang pareho na rin nila akong — kaming — iniiwasan. Dahil nasa iisang eskwelahan at building lang naman kami, we've still seen each other along the premises. Pero tamang kumustahan lang na hindi pa nagtatagal sa sampung minuto ang nangyayari.

They're both busy on their thesis. Medyo doble nga lang ang pagiging busy ni Karen dahil sabay niya na ring inaayos ang mga papeles na kakailanganin niya sa pag-alis. Kahit kaming anim, doble na rin ang pagiging busy namin sa kanya-kanyang mga thesis. Next month na rin kasi ang thesis defense.

"Are you done?" Napatingin ako sa aking katabi nang magsalita siya. Kasasara ko lang ng laptop dahil sumasakit na ang aking ulo sa ginagawa. I decided to finish it later. Hindi ko na rin kasi kaya.

Mabilis akong umiling habang inaayos ang mga reading materials na nakakalat sa table ko. "I'll get some rest first. Hindi na rin talaga kaya ng mata ko, e."

"Oh," he reacted. "You still know the word rest, ah. Akala ko nawala na sa vocabulary mo 'yon, e."

"Not funny, Ely." After I finished arranging my stuff, I checked my wristwatch. "Wala ka pa bang klase? It's already 1:28."

"Robi texted me. Hindi na naman daw pumasok prof namin, nag-iwan lang ng gagawin."

"Then why are you still here?"

"Madali lang naman 'yon, Chie. Isa pa, hindi ka pa nagla-lunch kaya sasamahan na muna kita."

Hindi ko na naman mapigilang hindi mapangiti sa mga lumalabas sa bibig niya. Wala talagang palya sa pagpapakilig ang isang 'to, e. "Binabantayan mo talaga ako, 'no?"

"Baka kasi nasugod ka na sa ospital kung hindi kita babantayan," he uttered in a serious manner. "You're not eating properly for weeks already, Chie."

"I'm busy."

"That's not an excuse to not take care of yourself."

Napanguso na lang ako sa sinabi niya. "Pinapagalitan mo na naman ako."

"Huwag ka ngang magpa-cute diyan," aniya sabay hila sa akin papalapit sa kanya. "Nag-aalala lang naman ako sayo," he added, resting his right arm on my shoulder.

I stared at him for a minute while he's playing my hair. "At nagpapasalamat ako kasi hindi ka napapagod na mag-alala sa akin."

"When it comes to you, Chie, I'll never get tired."

Tuluyan na akong napangiti sa huli niyang sinabi. Bakit kaya gano'n, 'no? Simula nang aminin ko sa sarili na may gusto na rin ako sa kanya, lahat na lang ng lumalabas sa bibig niya, sweet ang nagiging dating sa akin.

"Sa may cafeteria na lang tayo kumain."

"You don't like the food there."

"I still have class at 2:30, Ely. Isa pa, you also need to go to your class; may prof man o wala. Gusto mo namang sabay tayong g-um-raduate, 'di ba?"

"Wala ka talagang tiwala sa akin, 'no?" he jokingly asked.

"Ayoko lang na napapabayaan ang pag-aaral mo nang dahil sa akin. Kaunti na lang at ga-graduate na tayo, o. Let's both give our best for this."

"Stop saying those kind of things, Chie."

"Ha? Bakit, may mali ba sa sinabi ko?"

"Wala."

"The why are you stopping me?"

"Baka kasi hindi ako makapagpigil at mahalikan kita sa harap nila."

And when he said that, I just noticed that most of the students in the hallway are now staring at our direction. Bigla ko tuloy nasuntok sa tagiliran si Eliseo dahil sa pagkabigla. Inunahan ko na rin siyang maglakad. At ang loko, tinawanan pa ako bago nagmamadaling sumunod sa akin.

***

Maris is seriously in love with her boyfriend.

Paano ko nasabi? Let's say that I just witnessed it right now.

Because Valentine's Day is fast approaching, she planned something for her boyfriend; na dinamay pa kami nila Eliseo, Robi, at Axcel. Natapat kasi sa araw ng Lunes ang February 14 ngayong taon at dahil may mga bagay na mas importante pa kaming kailangang unahin, she decided to celebrate the Valentine's with him today, Saturday.

"Uy, guys! Nag-text na sa akin si Paolo, hinahanap na tayo," ani Robi.

Napatingin naman agad si Maris na abala pa sa pag-aayos nung projector. "Huwag mong reply-an."

"Para saan ba kasi 'yan?" tanong ko.

Sa totoo lang, kanina ko pa gustong-gusto na itanong sa kanya 'yan. Nang hingin niya kasi ang tulong namin at dali-dali kaming pinapunta rito, 'yong malaking projector agad ang napansin ko.

"Magre-report ka ba kay Pao? Mukhang may powerpoint presentation kang hinanda, e," pagsasalita ni Robi na siyang ikinatawa naming tatlo.

"You know what, Robs, kung wala kang magandang sasabihin, shut up ka na lang. Na-i-stress na ako rito, o!"

Tumahimik naman agad si Robi nang batukan siya ni Axcel. Habang napailing na lang ako sa kalokohan niya.

Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na rin namin ang lahat. Maris just sighed and smiled at us then mouthed, "Thank you, guys."

"Good luck," bulong ko sa kanya nang malapitan ko siya. "I'm hundred percent sure that Paolo will love this."

"At salamat sa tulong niyong lahat."

I was about to say something when I felt someone's hand in my shoulder. Paglingon ko, si Eliseo pala. "Pwede na ba tayong mauna?"

"Saan naman tayo pupunta?" takang tanong ko. "Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Let's eat somewhere first. Nagutom ako sa ginawa natin, e."

"Did someone mention eat? Tara!" pagsingit naman ni Robi. "I know some restaurants nearby. Kanina pa rin ako nagugutom—"

"Then go by yourself, Robs," Eliseo cut him off. "O kayong dalawa na lang ni Axcel ang magsamang kumain."

"I'm busy. I have something to do kaya mauuna na ako," ani Axcel at dire-diretsong naglakad palabas.

"Bakit ayaw niyo 'kong isama?!"

"Oo nga, Eliseo, isama na lang natin si—"

Hindi niya na ako pinatapos magsalita at binalingan si Axcel. "Gusto mo bang maging thirdwheel?"

"Okay, guys," Maris interrupted us. "Pwede bang sa labas na lang kayo mag-usap? Parating na si Paolo, e. Magkita-kita na lang tayo sa Lunes, okay?" Then she shooed us away.

Nang tuluyan na kaming makalabas tatlo, muling bumaling sa amin si Robi. "Okay lang naman sa akin maging thirdwheel basta para sa pagkain," ngiting-ngiti niyang sambit.

"Okay lang sayo?" seryosong tanong ni Eliseo sa kanya at mabilis naman siyang tumango bilang tugon. "Well, sa akin, hindi. Kaya tigilan mo na kami. Panira ka ng diskarte, e."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa mukha ni Robi pagkatapos ng mga sinabi ni Eliseo kasi nakasimangot na talaga siya.

"Ely, isama na lang natin si Robi, please?" bulong ko sa kanya. "Malungkot kaya kumain mag-isa."

"Pero, Chie, ngayon na nga lang tayo makakapag-date ulit, e."

"E 'di mag-date tayo sa ibang araw."

"But you're always busy."

"Correction: we're both busy." Nang mag-iwas siya ng tingin, nagbuntonghininga na lang ako. "Fine. Magde-date tayo right after thesis defense."

"Ang tagal pa," he said, pouting. "How about on Valentine's? Hindi tayo magde-date?"

I was about to answer him when Robi interrupted us. "Hey, love birds! Huwag na nga kayong magtalo diyan. Hindi na ako sasama ngayon para walang gulo."

"Hindi kami nagtatalo!" sabay naming sambit ni Eliseo.

"Okay, sabi niyo, e," aniya sabay kibit-balikat. "Pero hindi na nga ako sasama ngayon para makapag-date na kayo. Nakakahiya naman kay Lee, e. 'Di ba, bro?" dugtong niya na may mapang-asar na ngiti.

"Ulol," mabilis na sagot ni Eliseo. "Huwag ka na ngang mag-inarte diyan. Hindi bagay sayo."

"Hindi ako nag-iinarte. Ayoko lang maging cause of breakup ng dalawang taong hanggang ngayon wala pa ring label ang relasyon," he teasingly uttered before running away. "Bye, love birds! See you on Monday!" sigaw na pahabol pa niya.

Bigla tuloy kaming natahimik ni Eliseo dahil sa sinabi ni Robi bago ito tumakbo palayo sa amin habang mapang-asar na tumatawa.

Is there really no day that they'll remind us that we're still unlabeled?

***

Mukha namang hindi siya affected sa sinabi ni Robi kanina. Hindi na kasi namin pinag-usapan ang bagay na 'yon pagkatapos. Hindi nga lang ako sigurado kung sino sa aming dalawa ang umiiwas na mapag-usapan 'yon.

"Anyway, did you hear about the Music Fest in BGC?"

When he mentioned about that Music Fest, it quickly caught my attention. Halos kasama kasi sa line-up ang mga favorite OPM bands ko lalo na ang The Juans. At nung isang buwan pa ako nagluluksa dahil sa araw mismo ng thesis defense ang music fest na 'yon.

"How did you know about that?" pag-iiba ko na lang ng usapan. "As far as I remember, hindi ka fan ng OPM, 'di ba?"

"Sino may sabi?"

"Ikaw mismo!"

"Don't put words into my mouth, Chie," mapang-asar niyang sambit. "Ang sabi ko, hindi trip ng aking tainga 'yong mga kantang nire-release nila. I didn't say that I don't like OPM."

"It's the same, Ely."

"It's not."

Napailing na lang ako nang ma-realize na mapupunta na naman sa walang kwentang pagtatalo ang pag-uusap namin na 'to. Kaya bago pa mangyari 'yon, ibinalik ko na lang 'yong tanong kanina. "O, paano mo nga nalaman ang tungkol doon?"

"Saw it on your laptop."

"Ha? Kailan?"

"Nung naghe-hesitate kang bumili ng ticket, online."

"Ah," na lang ang nasabi ko nang maalala ko ang araw na 'yon. When they announced the full details about the music fest, sumabay naman kasi ang Prof ko sa pag-announce ng final date nung thesis defense namin which is on the same day of the music fest. Kaya ayon, nagluksa talaga ako. "Hindi na nga ako bumili ng ticket, e."

"That's why I have a surprise on you."

"Surprise?"

"Yep!"

"Anong surprise naman?"

"Alam ko naman kasing die-hard fan ka talaga ng The Juans at gustong-gusto mo na silang makita at mapanood ng live kaya . . ."

"Shit!" Hindi ko mapigilang hindi mag-react dahil sa sinabi niya. "Don't tell me—"

"Yes, Chie," he cut me off, smiling. "Mukha kasing hindi ka bumili ng ticket sa hindi ko malamang dahilan kaya ako na lang ang bumili," aniya sabay pakita ng dalawang VIP tickets with a perks of meet and greet of Autotelic, Ben&Ben, December Avenue, Lola Amour, and The Juans for heaven's sake!

Hindi ko na napigilang hindi maging emosyonal. "B-Bakit k-ka bumili?" naiiyak na tanong ko.

"Why? Hindi mo ba nagustuhan?"

"N-Nagustuhan."

"O, bakit ganyan naman reaksyon mo?"

"E, hindi nga ako makakapunta!"

"Ha? Bakit?"

"'Cause it's the same day of my thesis defense. Ely, naman! Nagsayang ka pa tuloy ng pera," I explained. "Tapos pinaalala mo pa sa akin 'yan imbes na nagmo-move on na ako."

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Kinailangan ko pang ipakita 'yong printed scedule na s-in-end sa amin ng Prof ko para maniwala siya.

After a minute of silence, he kept on saying sorry.

"Tumigil ka na nga diyan," natatawa kong sambit. "Okay na. You're forgiven. Isa pa, hindi naman na ako gano'n kalungkot. Baka hindi pa talaga time na makita ko ang The Juans."

"Kahit na—" hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin nang biglang mag-ring ang phone niya.

"Who's that?" I mouthed. And when he showed me the caller's ID, agad na kumunot ang aking noo. "Should I leave—"

"No," he quickly said then held my hand before answering Amanda's call.

Hindi ba talaga titigil ang babaeng 'to sa panggugulo? Malapit na naman ako mapuno sa kanya, ah.

Dahil ni-loudspeaker ni Eliseo ang phone niya, rinig ko ang usapan nila.

"Bakit ang tagal mong sagutin?"

"I'm with Chie."

"And so? Did he tell you to not answer my call? Bakit, kayo na ba? May label na kayo? Kasi kung wala pa rin, wala siya kamong karapatan, ah."

"He clearly heard you. Naka-loudspeaker ako."

"I know."

I rolled my eyes by her remarks. Wala na talagang pag-asang magbago ang ugali niya, 'no?

"Amanda, kung 'yan lang ang dahilan kaya ka napatawag, I'll end this call."

"Tsk. I have something important to tell you."

"What is it?"

"Naka-loudspeaker ka pa rin ba?"

"Yeah, why?"

"Lee, hindi naman kailangang marinig ng Richie na 'yan ang sasabihin ko."

Halos magpintig ang tainga ko sa narinig. She's really getting into my nerves.

"Sa labas na muna ako, Ely—"

"No," mabilis na pagpigil niya sa akin. Agad niya ring binalingan si Amanda sa kabilang linya. "Kung hindi kailangan marinig ni Chie ang sasabihin mo, e 'di hindi ko na rin 'yan kailangang marinig."

"Ang funny niyo talagang dalawa. Hindi pa kayo pero kung umarte naman kayo, in love na in love kayo sa isa't isa. Ang sarap niyong pag-untugin, e."

"Amanda, saan ba papunta ang usapang 'to?"

"I'm getting married."

Parehong nanlaki ang mata namin ni Eliseo pagkatapos marinig ang sinabi ni Amanda.

What did she say?! She's getting married? Totoo ba o baka naman pinaglalaruan niya lang kami?

"W-What?"

"Yes, you heard it right, Lee. I'm getting married on May and you're invited. Ipapadala ko na lang ang invitation next month."

"S-Seryoso ka ba?"

"Mukha bang biro ang pagpapakasal, Borromeo?"

"I mean, ang biglaan kasi. Who's the unlucky man, by the way?"

"Fuck you! I'll tell you everything kapag pinayagan ka na ng Richie na 'yan na makipagkita sa akin."

"What?"

"And Richie, I know you're listening. Gusto ko lang sabihin na invited ka rin naman sa kasal ko, but in one condition. Dapat kayo na ni Lee sa araw na 'yon. Kasi kung hindi, you're not welcome there—"

She didn't finish her sentence because Eliseo ended the call immediately.

Hindi na rin ako masyadong naka-catch up sa bilis ng pangyayari lalo na sa tanong na biglang gumulo sa aking isipan.

Who's going to be Amanda's husband?

Hindi naman siguro 'yong lalaking nasa isip ko ngayon, 'di ba?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro